NDBC BIDA special program wins CMMA Awards 2016
Isa na namang parangal ang natanggap ng BIDA Specials na radio feature ng Notre Dame Broadcasting Corporation o NDBC, mula sa Catholic Mass Media Awards o CMMA - isa sa mga prestihiyosong award-giving body sa buong bansa.Ang episode ng Bida Specials na may pamagat na, Diskarte sa Buhay , ang wagi bilang, Best Business Program sa 38th CMMA 2016 na ginanap sa Star Theater, CCP Complex, kagabi. sand//scontent.fmnl4-6.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13872838_10209115294573767_3163457969132246540_n.jpg?oh=cba8751943cdf8af6a5e206fd74ce1feandampoe=58A864AF Central Mindanao andNDBC's most awarded radio broadcaster, Malu C. Manar. Ang CMMA trophy ay tinanggap nina Malu Cadelina Manar, writer/host ng Bida Specials at program director ng dxND-NDBC sa Kidapawan, at ni Rikki Climaco, ang Chief Operations Officer ng NDBC.Ito na ang ikalawang pagkakataon na nanalo ng parangal mula sa CMMA ang Bida Specials.Ang una ay noong nakaraang taon kung saan bumida rin bilang Best Business Program sa 37th CMMA 2015 ang Bida Specials na may pamagat na Ang Ginto sa Liguasan Marsh .Ang Bida Specials na nagsimulang umere noong August 2012 ay nagkamit na rin ng higit 13 awards. Ilan rito ay mula sa KBP Golden Dove Awards, Bright Leaf Awards, ICRC Awards, at Globe Media Excellence Awards.