Wednesday Jun, 26 2024 01:40:41 PM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 30, 2016)

 • 16:34 PM Fri Sep 30, 2016
1,134
By: 
NDBC-NCA

NEWSCAST

SEPTEMBER 30,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SHABU na itinago sa diaper ng bata,
nadiskubre sa checkpoint sa Talitay, Maguindanao ama ng bata at isa pa, arestado.

2. PAGPATAY sa mag-asawang taga Arakan,
kinondena ng grupong Karapatan, North Cotabato

3. MGA BAYAN NG LAKE SEBU at T’boli
opisyal nang pasok sa Sustainable Destination Top 100 sa buong mundo ng
European Union.4. Illegal sidewalk vendors, talagang aalisin ng Cotabato City govt

NABIGO ang dalawang mga suspected drug
pusher na utakan ang mga pulis para mai-puslit ang dalawang sachets ng pinaniniwalaang
Shabu sa Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao.

Ito ay matapos na maharang ang mga
suspek sa isang checkpoint sa bayan matapos matimbrehan ng ilang mga concerned
citizen sa bayan ang pulisya.

Sakay ng tricycle, nadakip ang mga
suspek na sina

Jehad Abbas at Hasmaden Rasol pasado
alas dose ng tanghali kamakalawa.

Sinabi ni DAM PNP chief, police Senior
Insp. Reggie Abellera na nakumpiska ng mga pulis ang 20 gramo ng Shabu na
itinago ng mga suspek sa loob ng diaper ng dalawang taong gulang na anak ni
Rasol.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga
otoridad, iginiit ng mga suspek na napag-utusan lang silang bumili ng Shabu sa
Talitay. Gayunman, tumanggi naman ang mga ito na pangalanan ang taong nag-utos
sa kanila.

Nahaharap ngayon sa kasong illegal
possession of prohibited drugs sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002.

Una rito, maaalalang isang 29 na taong
gulang na babae rin ang nahulihan ng shabu sa isang checkpoint sa Brgy. Adaon,
Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao.

Naharang ang naturang suspek na si Miriam
Gandang Talusan alyas Lang noong September 15 sa checkpoint sa nabanggit na
bayan.

Nakumpiska mula sa naturang babaeng
suspek ang tatlong malalaking sachets ng shabu na nakatago sa kanyang suot na
diaper.

Inamin din noon ni Talusan na kinuha
niya ang naturang iligal na droga sa Brgy. Pagan, Talitay, Maguindanao.

PATULOY PA
RIN ngayong ginagamot sa ospital ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin
sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Binaril ang
biktimang si Datu Rasul Denila, 25 years old at taga-Baranggay Rebuken ng
nabanggit na bayan,

pasado alas sais
ng gabi, kamakalawa.

Sa imbestigasyon
ng Sultan Kudarat PNP, nasa loob ng kanyang sasakyan ang biktima nang lapitan ng
suspek na si Abdullah Datujuna at pinagbabaril gamit cal. 45 pistol.

Agad namang
tumakas ang suspek matapos magawa ang krimen sakay ng kanyang motorsiklo patungong
Cotabato city.

Gayunman,
naharang ng mga sundalo sa kanilang checkpoint ang suspek na malapit lang sa
crime scene.

Naaresto si
Datujana at ngayon ay nakakulong na sa locked up cell ng Sultan Kudarat PNP.

UMAABOT
sa mahigit isang milyong piso ang halaga ng nakumpiskang Shabu sa isang
anti-drug operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o
PDEA

sa
General Santos City.

Sa naturang
operasyon na pinangunahan ni PDEA ARMM Director Edgar Apalla ay nadakip ang
sinasabing drug lord sa GenSan na si Datu Manong Kaunting Abdulrakman, alyas
Dats”, sa bahay nito sa Purok Mapailubon, Barangay San Isidro.

Nakuha
mula sa bahay ni Abdulrakman ang mga sachet ng pinaniniwalaang shabu na may
bigat na 250 grams at tinatayang nasa 1.8 million pesos ang halaga.

Si
Abdulrakman ay pinaniniwalaang miyembro ng Kaunting Drug Group na nag-ooperate
sa General Santos City.Ang
suspek ay sinasabing nagmamay-ari ng mga mansyon sa Cotabato City at Davao
City, isang condominium unit sa Maynila at magagarang mga sasakyan.

Sa
ngayon ay nahaharap na sa kasong paglabag sa kasong illegal Possession of
Dangerous Drugs sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs
Act of 2002.

DESIDIDO
ang lokal na pamahalaan ng Cotabato city na baklasin ang mga sidewalk vendor sa
iba’t ibang lansangan sa lungsod na nagpapasikip sa sidewalk at nakaka apekto
rin sa daloy ng trapiko.

Sinabi
ni Cotabato City Secretary to the City Mayor Boy Rasalan na inirereklamo rin ng
mga lihitimong negosyante sa lungsod na malaking epekto sa kanilang negosyo ang
presensya ng mga kolorum na vendor na nagbebenta ng mas mura.

Iginiit
ni Rasalan na ipinatutupad lamang ng City LGU ang batas kaya dapat itong
sundin, lalo ng mga pasaway na sidewalk vendor.

Ayon
kay Rasalan, may mga nakalaan namang lugar kung saan maaari silang magtinda ng
kanilang mga produkto.

Kaugnay
nito, muling hinikayat ni Rasalan ang mga sidewalk vendor na sumunod sa batas.

Sabi
pa ni Rasalan, bukas ang Fiesta Mall para sa mga gustong magtinda.

Maaari
rin aniyang makipag ugnayan ang mga maliliit na negosyante sa kani kanolang mga
barangay para matulungan ang mga ito mahanapan sila ng lugar na puwede silang
magbenta ng kanilang produkto.

Pormal nang ideneklara bilang dalawa sa Sustainable Destination Top 100 sa buong mundo ang mga bayan ng Lake Sebu at T’boli,South Cotabato.
Ito ay isinagawa kasabay ng World Tourism Day at Global Green Destination day sa bansang Slovenia .
Ayon kay Department of Tourism o DOT 12 Regional Director Nellie Nita Dillera, ang Lake sEbu at T’boli ay dalawa lamang sa walong tourism destination na ninominate ng ahensya para sa parangal.
Ipinahayag ni Dillera na ino-nominate din nila sa susunod na taon ang iba pang ipinagmamalaking tourist spot sa region 12.
Nabatid na ang 150 na m finalist sa parangal ay isinailalim sa
evaluation ng mga eksperto ng Green Destination Top 100 Team,at mga myembro ng Top 100 Selection Panel.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng 60 henyo sa larangan ng turismo, mula sa mga bansang kasapi ng European Union o EU
Ayon kay Dillera napabilang sa Sustainable Destination Top 100 ang Lake sEbu at T’boli dahil sa kabila ng pagunlad ng kanilang turismo napanatili pa rin ang ganda at likas yaman ng mga ito.
Tiniyak ni Dillera na handa ang dalawang mga tourist destination sa inaasahang pagdagsa ng mga turista matapos mapasama sa prestihiyosong talaan.
Ito ay matapos sumailalim sa pagsasanay ng DOT at iba pang ahensya ng gobyerno ang kanilang mga tourism establishment at fronliners.
Nanindigan si South Cotabato Board Member Agustin Demaala na konseho lamang ang maaring makapagbalangkas ng kautusan hinggil sa total ban ng mga firecracker sa isang lugar.
Gayunpaman ayon kay Demaala, dapat ding kunsultahin muna ang publiko.
Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Demaala, hindi kinatigan ng Sangguniang Panlalawigan ang panukala na magbabawal ng paputok sa bayan ng Polomolok.
Paliwanag ni Demaala, sa halip kasi na ordinansa, ang panukala ay ipinaabot sa SP sa pamamagitan ng Executive Order ni Polomolok Mayor Honey Lumayag-Matti .
Binigyan diin ni Demaala na kesa sa gumawa ng local ordinance, dapat ay sundin na lamang ng mga local government units ang national law hinggil sa paputok.
Ayon kay Demaala ang pagkakaroon ng nasyonal na batas hinggil sa paputok ang naging dahilan din noon kung bakit hindi nakalusot sa konseho ang isinulong na Fire cracker ordinance sa South Cotabato.
Nanatili pa ring ligtas sa Zika Virus ang lalawigan ng South Cotabato.
Ito ang ipinahayag ni Integrated Provincial Health Office o IPHO Provincial Epediomology and Surviellance Unit o PESU Head Cecile Lorenzo sa Radyo Bida.
Ayon kay Lorenzo, sa kabila ng Zika Virus na naitala sa Iloilo City, nanatiling negatibo ang specimen testing sa mga pinagduduhan nagtataglay ng Zika sa South Cotabato.
Nabatid na 27 katao sa mga bayan ng Polomolok at Norala na may posibleng microcephaly ang isinailalim sa random Zika virus testing.
Lahat ng mga ito ayon kay Lorenzo ay pawang negatibo sa Zika Virus.
Umaapela si Lorenzo sa mga health facilities sa lalawigan na agad ireport sa PESO kung mayroong suspected na kaso ng Zika Virus sa kanilang lugar.
Ayon kay Lorenzo kadalasang sintomas ng zika virus ang pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan tulad ng mga nagtataglay ng dengue fever.
Wala namang travel advisory na ipinalabas ang IPHO sa mga mamamayan ng South Cotabato na nais pumunta ng Iloilo City.
Tumatanggap na ng mga manganganak ang Upper Valley Community Hospital sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr.Rogelio Aturdido Jr. ang community hospital ay nabigyan na ng license to operate bilang infirmary hospital.
Gayunpaman nilinaw ni Aturdido na maari lamang i-accodate sa upper valley community hospital ang normal delivery at hindi ang mga manganganak sa caesarean section.
Dinagdag din ni Aturdido na maari ring taggapin sa 18-bed capacity hospital ang simpleng kaso ng infirmary level tulad ng acute gastroenteritis na may moderate dehydration, pneumonia, upper respiratory tract infection, Urinary Tract Infection o UTI, at dengue fever na walang kumplikasyon.
Nilinaw ni Aturdido na dahil sa wala pang accreditation mula sa Philhealth, hindi pa makikinabang sa mga benipisyo ng Philhealth ang mga pasyente sa Upper Valley Community Hospital.
Napili para maging nominee sa National Search for Outstanding Volunteer o SOV ang 10 mga taga SOCCSKSARGEN Region.
Ayon kay National Economic Development Authority o NEDA Economic Development Sepcialist Chief Maria Felicidad Guerero, ang mga nominado ng rehiyon sa parangal ay kinabibilangan ng isang youth, 4 na adult, 2 corporate organizations at 2 non-profit organizations.
Nominado sina Algem Cris Crusis, para sa Individual- Youth Category Gerry Jesus Villano, Meriam Panganduyon, Marcelo Gusanan, Jonallier Perez, at Ella Pobre, para sa Individual- Adult Category.
Napabilang din sa mga nominee ang Dole Philippines, Inc at Yellow Bus Line, Inc. Para sa Organization- Corporate Category at Alamada Multi- Purpose Cooperative atKidapawan City Emergency Response Unit oara sa Organization- Non- Profit Category.
Ayon kay Guerero ang dokomento ng mga nominee ay isusumite para sa evaluation ng National Search Committee.
Ang mga mananalo ay inaanunsyo naman sa Disyembre.
Pinasalamatan naman ni NEDA 12 Regional Director Arturo Valero ang lahat ng mga nominees sa pagbabahagi ng kanilang talambuhay.
Ayon kay Valero mahalaga ang voluntarism para sa pagbabago.
Ayon kay Valero layon ng SOV na kilalanin ang nagawa ng mga volunteer upang magsilbi ring inspirasyon sa iba pang mamamayan. Abot sa halos dalawang libong kaso ng ubo at sipon ang naitala ngayon sa Magpet, North Cotabato.

Ito ay base naman sa huling update mula sa Magpet Rural Health Unit mula Enero hanggang Agosto ngayon

taon.

Sa naturang datus, kadalasang tinatamaan nito ay mga matatanda at bata.
Ito rin ang nangungunang sakit sa bayan simula pa noong 2011.

Noong nakaraang 2015 naman ang may naitalang pinakamaraming nagkasakit ng nasabing karamdaman pero

dahil sa tulong ng RHU at DOH bumaba ito ngayong taon.Samantala, pumapangalawa naman sa sipon at ubo ang sakit na hypertension sa bayan ng Magpet.

Nakapagtala ito ngayong taon nga higit isang daang kaso.

Sa ngayon patuloy ang monitoring na ginagawa ng RHU Magpet, para matukoy ang iba pang karamdaman na

umiiral sa bayan para agad itong maaksyunan.
Ngayon pa lang ay nakahilera na ang ibat' ibang aktibidad kaugnay sa nalalapit na ika-62 taong

anibersaryo sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Sinabi ni Ed Dizon siyang Chief of staff ng Makilala Mayor’s Office, magtatagal hanggang anim na araw

ang nabanggit na selebrasyon.
Sisimulan naman ito ng Medical dental Mission, Family Counseling, vegetable seed distribution at

cooperative education sa unang araw na gagawin sa October 4.Ilang mga aktibidad din ay gagawin sa mga barangay.

Sa October 10 naman ang siyang founding day ng bayan kung saan nakasentro parin ito sa kampanya kontra

iligal na droga.Una nang ipinahayag ni Dizon na target nilang magiging Drug Free ang Makilala bago magtapos ang 2016.

Kaugnay nito, aasahan naman ang pagdating ni General Ronald Bato Dela Rosa bilang guest of honor sa

nasabing selebrasyon.
Mariing kinondena ng pamilya nito ang pagpatay sa mag-asawang Gascon sa Sitio Muyas E., Brgy. Lanao

Kuran, Arakan dalawang linggo na ang nakararaan.Ito ay sinuportahan naman ng grupong Karapatan North Cotabato pati na ang pagsasampa ng kaso ng

pamilya sa mga responsable sa krimen.Una nang ibinunyag ni Brgy. Lanao Kuran Chairman Crisenxano Campos na grupong Bagani o Black Fighter

ang responsable sa pagpatay base na rin sa mga basyo ng bala na narekober sa crime scene at sa mga

bakas ng combat na nakita sa lugar.Pero ang lahat ng ito ay pareho pang iniimbestigahan ng mga otoridad.

Para naman kay Mary Joy Mirasol, Spokesperson ng Karapatan North Cotabato, naniniwala sila na ang

grupong BAGANI ay nasa ilalim ng pamamahala ng Armed Forces of the Philippines partikular ng 39th

Infantry Battalion.Patunay raw dito ay ang pagsasagawa ngayon militar ng pagsasanay sa mga BAGANI sa barangay Saguing,

Makilala kung saan ay tumatanggap pa ang mga ito ng sahod na siyam na libong piso. Samantala, mariin namang itinanggi ni Lt. Col. Harold Argamosa, Battalion Commander ng 39th IB ang

lahat ng alegasyon ng grupong Karapatan sa kanila.

Ayon kay Argamosa dalawa raw na grupong Bagani ang ngayon ay nasa area ng Arakan.

Ang Bagani ng Tribung Lumad at Pulang Bagani ng New People’s Army o NPA.
Itinanggi rin ni Argamosa na gumagawa sila ng training sa barangay Saguing, Makilala.

Aniya tanging CAFGU lamang ang kanilang sinasanay at hindi mga BAGANI.Ayon kay Argamosa, nakikipagtulungan sila ngayon sa PNP at barangay Officials sa imbestigasyon kaugnay

sa pagpatay sa mag-asawang Gascon sa Brgy. Lanao Kuran, Arakan.
Aasahan ngayon na mas tutukan ng Administrasyon Duterte ang medikal na atensyon para sa mga mahihirap

at mga nasa malalayong komunidad sa buong bansa.Ito ang sinabi ni Department of Health Sec. Dr. Pauline Jean Ubial sa kanyang pagbisita kasabay ng

Health Summit kahapon sa Kidapawan City.

Sa mensahe ni Ubial sinabi nitong abot na sa 6% ang inilaang pondo ng National Government para sa DOH.Kaya naman, target ngayon ng nabanggit na ahensya ang 20 milyong mahihirap na tao na magiging

benipisyaryo at matutulungan ng programa ng DOH na libre.

Samantala, ibinahagi rin ni Ubial sa mga taga Kidapawan ang tatlong marching order ng pangulo sa

kanya.Kabilang na rito ang usapin ng droga kung saan tutulong na ngayon ang DOH sa pagpapalaganap ng

kampanya kontra iligal na droga sa buong bansa.

Isinusulong rin ng DOH ang no Gifts Policy at pangatlo ang tulungan ang lahat ng mahihirap na aksyunan

ang kanilang mga pangangailangan lalo na sa medikal na aspeto. Abot sa 3,100 na mga quality seedling ng niyog ang ibinahagi ng Cotabato Provincial Agriculturist

office ng Cotabato provincial government.Higit 30 mga magsasaka naman ang naging benepisyaryo sa Coconut Development Program na ipinapatupad ng

Office of the Provincial Agriculturist na nagmula sa mga bayan ng Carmen, M’lang, Tulunan, at

Kidapawan City.Sinabi ni Remedios Hernandez, ang provincial coconut coordinator ng lalawigan, ang coco seedling

distribution isinagawa pagkatapos ang training on coco farming and technology.Kabilang naman sa variety ng niyog ang ibinahagi sa mga magsasaka ay ang Laguna tall variety mula sa

Triple P Farms and Nursery kung saan ang klase na ito ay resistant sa peste at iba pang sakit.Ang 3,100 na coco seedling ay bahagi lamang sa kabuuang bilang na 40, 000 seedling na nakatakdang

ibahagi ng OPA sa iba pang mga bayan at magsasaka ngayong 2016.

NDBC BIDA BALITA

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...