Wednesday Jun, 26 2024 12:30:18 PM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 29, 2016)

 • 16:47 PM Thu Sep 29, 2016
1,250
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

SEPTEMBER 29,
2016 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LALAKI, patay sa panibago na namang
insidente ng pamamaril sa Cotabato city.

2. LIMANG mga magsasaka na
pinaniniwalaang mga magnanakaw, huli sa Magpet, North Cotabato.

3. Mga LGU employees ng Koronadal city, nag-negatibo sa illegal
drug testing.

4. Dahil sa ulan, klase sa Koronadal at ilang bayan ng South Cotabato suspendido. Suspendido ang klase sa elementary at secondary levels sa ilang lugar sa South Cotabato dahil sa magdamag na pag ulan.Bagaman at nahuli ang announcement ng school officials, sinabi ni South Cotabato provincial schools superintendent na maaring pauwiin na ang mga kabataan at excuse na sila sa klase ngayon.Sa Koroandal City, walang suspension subalit kung di papasok ang mga bata ay okay lang sa DepEd.Ang mga nagdeklara na walang pasok ay ang Surallah, Banga, Tupi, Tampakan at Tantangan. Image result for walang pasok september 28 2016 and//cdn.localpulse.net/wp-content/uploads/2016/09/class-suspension-guidelines.jpg AGAD NA NASAWI ang isang lalaki matapos
pagbabarilin kagabi sa Cotabato city.

Ang pinakabagong kaso ng pamamaril sa lungsod
ay nangyari pasado alas nuebe kagabi sa Mabini street, Barangay Bagua Tres.

Kinilala ang biktima na si Datu Jake
Datukala Tato alyas Jake, 28 years old at taga-Baranggay Miti, Datu Blah
Sinsuat, Maguindanao.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng City PNP,
tumatambay lang ang biktima sa lugar, nang lapitan siya ng isang hindi nakilalang
lalaki at biglang pinagbabaril.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan
ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Nakuha naman sa pinagyarihan ng
pamamaril ang mga basyo ng M-16 rifle na pinaniniwalaang ginamit sa pagpaslang
sa biktima.

Sa ngayon, blangko pa ang mga pulis kung
may kaugnayan ba ang pamamaril kay alyas Jake sa pagbaril at pagpatay din sa
isang pedicab driver sa lugar kamakalawa ng gabi.

Ini-imbestigahan din ng mga otoridad
ang posibilidad na mga vigilante ang may gawa ng naturang mga pagpatay. DUMULOG sa
Station Number Two ang isang Cook ng isang restaurant sa Cotabato city matapos
mabiktima ng mga holdaper kahapon ng umaga.

Sabi ng
biktimang si Donard Ecraila Duavao, 27 years old at taga-Roales Street,
Barangay Rosary Heights 13 ng lungsod, nakatayo lamang siya sa naturang lugar
nang hintuan ng dalawang mga lalaking sakay ng kulay asul na Honda XRM
motorcycle na walang plaka.

Hiningi ng
mga suspek ang bitbit na cellphone ng biktima ngunit tumanggi siyang ibigay
ito.

Binaril ng isa
sa mga suspek ang kaliwang kamay ng biktima kaya di ito nakapalag pa.

Natangay ng
mga suspek ang kanyang Oppo Neo7 cellphone na nagkakahalaga ng abot sa walong
libong piso.

Samantala,
nabiktima din ng panghohold up ang tatlong mga studyante sa lungsod pasado alas
otso kagabi.

Ayon sa mga
menor de edad na biktima, naglalakad lamang sila sa Pascual Street, Mother
Barangay Rosary Heights nang harangin sila ng riding tandem at tinatukan ng
baril sabay deklara ng hold up.

Natangay naman
mula sa mga biktima ang kanilang mga cell phone at gadgets pati na pera.

KALABOSO
ang 44 na taong gulang na lalaking pinaniniwalaang tulak ng ipinagbabawal na
droga sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala
ng Midsayap PNP ang suspek na si Judith Villagracia, taga barangay Sadaan,
Midsayap.

Pasado
alas singko ng hapon kahapon nang magsagawa ng buy bust operation ang Midsayap
PNP at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 laban sa suspek sa Barangay
Central Glad.

Positibo
naman ang naging resulta ng operasyon at nabawi mula kay Villagracia ang marked
money, anim na sachet ng Shabu na may market value na mahigit siyam na libong
piso at mga drug paraphernalia.

Nabatid
na una ng sumuko sa mga otoridad si Villagracia at nangakong magbagong buhay
pero isinailalim pa rin siya sa surveillance ng Midsayap PNP kaya nakumpirmang
nagbebenta pa rin ito ng iligal na droga. Aasahan na ngayon ang mas mahigpit na pagsasagawa ng highway inspeksyon sa bayan ng Makilala, North

Cotabato.

Ito ay kasunod naman sa pagpasa ng Sangguniang Bayan ng Makilala sa isang resolusyon kasabay ng

Municipal Peace and Order Council o MPOC.

Ito ay ang resolution no.4, series of 2016.
Layunin nito na hilingin ang mga pulis at sundalo na maglagay ng checkpoints sa lahat ng mga entry at

exit points sa bayan lalo na sa hanggangang bahagi ng Brgy. Bulatukan at San Vicente.
Bagaman at walang natatanggap na anumang banta sa seguridad ang bayan nais lamang ng mga miembro ng

konseho na mapanatili ang katiwasayan sa bayan.

Ipapatupad ito ng pinagsanib na pwersa ng 39th Infantry Battalion, Makilala Police at local government

unit.Una na ring binuo ang isang composite checkpoint sa sentrong bahagi ng Makilala kasabay rin ng

pagdeklara ng state of lawlessness sa buong bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang Davao

Blast. Nakasentro ang obserbasyon ng World Rabies Awareness Day kahapon sa isang hamon para sa mga pet owner

sa Kidapawan City.Kasabay ng libreng bakuna sa mga aso at pusa hinikayat ang mga nag-aalaga ng aso na isailalim sa

castration at ligation ang kanilang mga alagang hayop.

Sa pamamagitan nito ay mababawasan ang pagdami ng mga asong gala na posibleng makabiktima.Ikinaalarma na kasi ni City Veterinarian Dr. Eugene Gornez ang patuloy na lumulubong bilang ng mga aso

sa buong Kipadawan.

Sa ngayon ay nasa higit 15 libo na raw ang mga asong kalye.Kaya naman dahil dito patuloy ngayon ang operasyon Askal ng City Vetirinary Office.

Tuloy tuloy din ang kanilang mga programa sa mga barangay na libreng bakuna sa mga aso at pusa para

maiwasan ang kaso ng rabies.Ikinatuwa naman nito na simula noong nakaraang taon walang naitalang nasawi dahils sa rabies sa

Kidapawan City hanggang ngayong buwan.

Abot naman sa higit isang daan mga aso at pusa ang kanilang libreng nabakunahan kahapon.Nabatid na sa bisa ng RA 9482, maaaring patawan ng parusang multa ang mga iresponsableng may-ari ng

asoand Ayaw pabakunahan ang alagang aso - P2,000 multa, pag nakakagat ang asong walang bakuna - P10,000,

Pag nakakagat ang alagang aso at ayaw tulungan ng may-ari ang biktima - P25,000 at pag ayaw itali o

ikulong ang alagang aso - P500.00 na multa. Dalawang araw bago ang Consumer Welfare Month ngayong Oktubre, may paalala ang Department of Trade and

Industry North Cotabato sa lahat ng mga konsumidores.

Isa na rito ang kaugnay sa Product Standard Law of the Philippines.Ayon sa DTI, dapat ang lahat ng mga produktong nakapaloob sa ‘mandatory product certification o ang

mga nakapagbibigay-panganib sa buhay ng tao at ari-arian’ na ipinagbibili ng mga establisyemento ay

dapat may tatak na PS” o Product Standard, kung ito ay gawa sa Pilipinas at ICC” kung gawa sa ibang

bansa.Sa pagpasok ng Ber months” ngayong taon, dapat suriing mabuti ang mga bibilhing produkto kagaya ng

Christmas lights na ginagamit na palamuti tuwing Kapaskuhan.Sa pamamagitan kasi ng ugaling mapanuri ng mga mamimili, maiiwasan na maloko at madisgrasya na nauuwi

sa trahedya tulad ng sunog at iba pa.

Kaugnay nito, aasahan na magsasagawa ng inspeksyon ang DTI kasama Local Price Coordinating Council na

pinagunahan mismo City Mayor Joseph Evangelista.Layunin nito na matukoy kung may mga ibinibenta bang sub-standard at expired na mga produkto sa mga

tindahan sa lungsod.

Pwede rin silang makasuhan sa ilalim Consumer Welfare Act.Kabilang rin sa susuriin ng team kung sumusunod ba ang mga negosyante sa tamang presyo kanilang mga

produkto base na rin sa itinakda ng Price Act. Sa layuning maitaas pa ang kalidad ng serbisyo at kagamitan sa Kidapawan City Hospital, hihingi ngayon

ng tulong ang lungsod kay Health Secreatary Dr. Pauline Jean Ubial.Ito matapos aprubahan ng Sanguniang Panglungsod ang resoulsyong hihingi ng pondo o gamit para sa

Operating room at Delivery room ng City hospital.

Matatandaang una nang nagbigay ng mga kagamitan ang With Love John Foundation na nakabase sa US, pero

ilang mga gamit pa rin ang kailangan ng ospital.Nahikayat rin ang miembro ng konseho na isulong ang naturang resolusyon dahil na rin sa una nang

hakbang ni City Mayor Joseph Evangelista kaugnay sa health card para sa mga indigent patient.Sayang rin kasi umano kung hindi mapapakinabangan ng mga pasyente ang City Hospital na itinayo para sa

kanila.

Sa pamamagitan ng pondo, matutulungan rin nito na ma accredit ang City hospital mula sa infirmary at

maiangat sa level 1 hospital.Aasahang iaabot ang naturang hiling ng konseho ngayong araw kasabay ng health summit na gaganapin sa

lungsod kung saan magiging bisita si DOH Secretary Dr. Pauline Jean Ubial.
Naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang lima mga mag-sasaka

na taga Barangay Doles, Magpet, North Cotabato kahapon.

Kasong theft o pagnanakaw ang kinakaharap ng mga suspek.

Kinilala ang mga ito na sina Amelita Abraham Delry Oyao Manolo Mongcal Glen Lastimoso at Emma Ubo.

Ayon sa report ng CIDG may kaugnyaan sa lupa ang dahilan ng naturang kaso.Sinabi ni CIDG Cotabato provincial administrator, Chief Inspector Christian Duterte Garcia, hindi na

pumalag pa ang mga suspek nang arestuhin ang mga ito alas dos ng hapon kahapon sa nabanggit na

barangay.

Ang order na hulihin ang lima ay inisyu ni Judge Gil Ed dela Vanda ng Municipal Circuit Trial Court sa

Magpet noong September 26, 2016.

Aabot naman sa 8 thousand pesos ang piyansa ng naturang kaso.

NDBC BIDA BALITA DALAWANG
MGA MIEMBRO ng Abu Sayyaf Group o ASG ang kumpirmadong napatay at sugatan din
ang apat na iba pa, kabilang ang isang sundalo sa patuloy na sagupaan ng
magkabilang panig sa Sulu.

Naganap
ang labanan sa Barangay Pugad Manaul, sa bayan ng Panamao at pawang mga tauhan
ni Abu sayyaf sub-leader Alhabsy Misaya ang mga nakasagupa ng tropa ng mga
sundalo.

Sinabi
ni ?Western?Mindanao Command spokesperson Major Filemon Tan na
nakasagupa ng mga sundalo
mula sa 35th at 10th Infantry Battalions ang mahigit sa dalawang dosenang Abu
Sayyaf members ngunit hindi naman mabatid kung kasama sa grupo si Misaya.

Sumaklolo
rin ang Philippine Air Force sa mga sundalo sa pakikipaglaban sa grupo ni
Misaya na may hawak sa ilang mga Malaysian at Indonesian hostages.

Naganap
ang sagupaan isang araw lamang matapos na madagit ng hinihilang Abu Sayyaf ang
isang mangingisda sa Sabah.

Kinumpirma
rin kahapon ng Malaysia na dinukot ng mga armado ang kanilang mangingisda ‘di kalayuan
sa Semporna at tumakas ang mga ito sakay ng speedboat patungong Tawi-Tawi.

MAGDIRIWANG
ngayon ng 67th founding anniversary ang Pikit, North Cotabato.

Sinabi
ni Pikit Mayor Sumulong Sultan na inimbitahan nila bilang panauhing pandangal si
Pangulong Rodrigo Duterte pero hindi ito makararating dahil sa kanyang official
visit sa Vietnam.

Highlights
sa nabanggit na okasyon ang iba't ibang aktibidad tulad ng Motocross
Exhibition, Miss Gay Pageant na dinaluhan ng sikat na Guapulis, libreng pakain
araw-araw sa lahat ng mga taong nakikisaya sa okasyon, at ang performance mamayang
gabi ng bandang ‘Siakol’.

Nilinaw
naman ni Sultan na lahat ng mga palabas ay libre kaya sakaling may maniningil ng
entrance fee or ticket, agad na isumbong sa kanyang tanggapan para mabigyan ng
agarang aksyon.

Nag-negatibo sa iligal na droga ang 200 kawani ng
Koronadal City government na sumailalim sa surprised ramdom drug testing noong
nakaraang lingo.Binigyan diin ni Koronadal City Administrator Cyrus Urbano
na hindi napaghandaan ng mga kawani ang drug testing.

Paliwanag ni Urbano , bukod sa sorpresa ang pagsagawa nito, pinili rin sa pamamagitan ng electronic raffle ang mga isinalang
sa drug test.Ayon naman kay Koronadal City Mayor Peter Miguel ang resulta
ng ikalawang bugso ng drug test ay patunay lamang na malinis sa iligal na droga
ang lokal na pamahalaan.

Gayunpaman ayon kay Miguel hindi magiging dahilan
ito para maging maluwag sa kanilang kampanya kontra iligal na droga ang lokal
na pamahalaan.Ipinahayag din nito na hindi dapat maging kampante
ang mga kawani ng city hall dahil tiyak ang pagkakaroon pa rin ng drug test
para sa mga ito.Matatandaan na isang kawani ng Koronadal City
Government ang nag-resign sa trabaho
bago pa tanggalin matapos mag-positibo
sa unang bugso ng drug test ng
Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA noong nakaraang buwan.

Magbibigay ng P3 milyon ang Department of Science and Technology o DOST para sa 35 mga
differently abled persons sa Koronadal City.

Ang mga ito ay pawang nagtapos sa dalawang araw na
Bamboo Handicraft Production training sa Barangay Concpecion sa lungsod.

Ito ay ayon kay Forest Products Research and
Development Institute o FPRDI Forester Santander Moreno na dumalo mismo sa
pagtatapos ng mga benipisyaryo ng programa.

Ang pondo ayon kay Moreno ay ibibili ng mga gamit para sa mass production
ng iba’t ibang mga produktong gawa sa
kawayan.

Ang mga sinanay sa paggawa ng bamboo handicrafs ay
pawang mga benipisyaryo rin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng
Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Tiniyak din ni Moreno na maliban sa pondo, magbibigay din ang DOST ng libreng
consultancy upang lalo pang mapaganda ang kalidad ng mga produkto ng mga bamboo
handy crafts maker na may kapansanan.

Kanya
kanyang paghanda sa posibleng paglindol ang mga eskwelahan sa Koronadal City

Bahagi ng paghahanda na ito ang pakikiisa sa national
simulataneous earthquake drill kahapon.

Kabilang sa mga nagsagawa ng earthquake drill ang
Koronadal Central Elementary School o KCES I , isa sa pinakamalaking public
school sa lungsod.

Kasabay
ng malakas na pagtunog ng bell ay
matiwasay at maayos na lumabas sa kanilang mga silid aralan ang daang daang mga
magaaral ng eskwelahan.

Ipinakita rin ng mga ito ang mga tamang gawin sakali
mang magkalindol tulad ng duck, cover at hold position

Kasunod nito,
dahan dahan namang inipon sa playground ng eskwelahan ang mga estudyante
kung saan masusing silang binibilang ng mga guro.

Ipinahayag naman ng guro na si Eddie Cordova na sa
pangkalahatan naging maayos ang earthquake drill sa KCES I.

Binigyan diin ni Cordova na walang nakatitiyak kung
kelan darating ang kalamidad tulad ng lindol kaya nararapat lamang na ito ay
paghandaan.

Ito ayon kay Cordova ay sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng regular na earthquake drill

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive
Dangerous Drugs Act ang umano’y magkasintahan na aktong nahuling gumagamit ng
iligal na droga sa Koronadal City.

Kinilala ni Koronadal Chief of Police Superintendent
Barney Condes ang mga suspek na sina Ariel Espeja at umanoy girlfriend nitong
si Mecaila Mohammad.

Pinasok ng mga pulis ang kwarto na inokopahan ng
dalawa sa isang lodge matapos isumbong ng isang concerned citizen.

Nakuha kina
Espeja at Mohammad na aktong nahuling humihithit ng iligal na droga ang 2
sachet ng suspected shabu, at drug paraphernalia.

Samantala, matagal nang minanmanan ng mga pulis ang
lima katao na kanilang naaresto kahapon ng medaling araw sa harap ng isang
gasolinahan sa General Santos Drive Barangay Zone IV Koronadal.

Ito ay kinumpirma mismo ni Philippine Drug
Enforcement Agency o PDEA 12 Regional Director Lyndon Aspacio sa Radyo Bida.

Kinilala ni Aspacio ang mga suspek na sina Ferlyn
Joy Fabot, 20 anyos at Quennie David, 19 anyos pawang mga estudyante ng
pribadong kolehiyo sa Koronadal City.

Arestado din ang mga kasama nilang sina France Ivan
Develez, Mark Vincent Castor at Benjamin Nazareno matapos makuhanan ng dalawang
sachet ng suspected shabu, at P500 marked money ng mga pulis.

Ang limang drug suspek ay naaresto kasunod naman ng
pagkaaresto din ng PDEA sa dalawang umanoy mga menor de edad na kalalakihan sa
Purok Abellana, Barangay San Roque, Koronadal.

Pinaghahanap pa ng mga pulis ang suspek na pumatay
sa isang magsasaka sa Barangay Ned bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.Kinilala ni Lake Sebu PNP Chief of Police, Senior
Inspector Ramon Gencianos Jr. ang biktima na si Bebe Pagang 40 anyos, at
nakatira sa Sitio Pulosubong, Barangay Ned.Ang biktima ayon kay Gencianos ay nasawi matapos
gilitan sa leeg ng umano kainuman nito.

Itinuturo naman ni Gencianos na suspek sa krimen ang
isang kinilala lamang nito sa mga alyas na Lando, Tisoy at Kiko Dablio.Ayon kay Gencianos isang witness kasi ang nakakita
sa suspek na si Dablio na may bitbit na patalim habang sinusundan pauwi ang
biktimang si Pagang.Hindi pa batid ng pulisiya kung ano ang motibo ng
suspek sa pagpatay sa biktima.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...