Wednesday Jun, 26 2024 12:16:47 PM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2016)

 • 16:48 PM Tue Sep 27, 2016
1,312
By: 
NDBC

NEWSCAST

SEPTEMBER 27,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DAAN-DAANG PAMILYA sa boundary ng
Midsayap at Aleosan sa North Cotabato, nagsilikas dahil sa away ng dalawang
magkalabang pamilya.

2. Mga department head ng Kidapawan city
LGU, tikom ang bibig sa lifestyle check.

3. Dalaga, patay matapos aksidenteng mabaril
ng menor de edad na best friend sa T’boli, South Cotabato

4. Bombing suspect sa North Cotabato, naaresto. NAKAPIIT NA ngayon sa bilangguan ang isang lalaki na sinasabing suspect sa pagpasabog ng isang improvised bomb sa Kabacan, North Cotabato noong Nov. 2014 na ikinasawi ng isang estudyante at ikinasugat ng 17 iba pa.Kinilala ni Kabacan town police chief Senior Inspector Ronnie Cordero ang naarestong suspect na si Gardo Usop alias Gardo Sampulna, 49 na taong gulang at residente ng Barangay Kayaga.Si Usop ay naaresto linggo ng hapon sa kanyang tahanan sa tulong ni Barangay Kayaga chairperson Bong Bacana batay sa ipinalabas na arrest warrant ng korte.Samantala, mahigpit na pinabulaanan ni Usop na sangkot siya sa pambobomba. Isa lang daw siyang ordinaryong magsasaka at walang kakayahang maghasik ng karahasan.Si Usop ay nakapiit na ngayon sa North Cotabato provincial jail. DAAN-DAANG PAMILYA ang nagsilikas sa
Sitio Sulok, Barangay Dungguan, Aleosan, North Cotabato.

Ito ay matapos na magkabarilan ang
dalawang armadong grupo sa katabi nitong lugar sa Barangay Balike, Midsayap,
North Cotabato.

Sinabi ni Aleosan PNP chief, police Sr.
Insp. Edwin Abantes na nagsimula ang palitan ng putok pasado alas kwatro ng
hapon kahapon hanggang alas otso kagabi.

Ayon kay Abantes, agawan sa lupa sa
pagitan ng mga pamilyang Piang-Manangga at Sinolinding.

Nabatid na nagkaroon na ng amicable
settlement ang dalawang mga pamilya noong Enero, pero sa hindi pa malamang
dahilan ay muling sumiklab ang kaguluhan sa lugar.

Gayunman, sabi ni Abantes, muling
namagitan ang Aleosan LGU para humupa ang tensyon at nagtutulungan din ang mga
pulis at sundalo para hindi na lumala pa ang sitwasyon sa lugar.

Ayon kay Abantes, pansamantalang
nanunuluyan ngayon sa kanilang mga kamag-anak ang mga sibilyang lumikas mula sa
naturang lugar.

TULUYAN NANG
nasibak sa serbisyo ang incumbent mayor ng ?Balabagan, Lanao
del Sur.

Ito?ay?makaraang
mapatunayang guilty sa grave
misconduct sa pagbalewala sa rules kaugnay sa pagbibigay ng sweldo at leave
approval ang sinibak na si mayor Edna Ogka-Benito.

Kinansela rin
ang eligibility ni Benito at diskwalipikado na itong maupo sa anumang posisyon
sa gobyerno kasabay ng pagbawi sa kanyang retirement benefits.

Sa
11-pahinang desisyon, inatasan ng Office of the Ombudsman ang regional secretary
ng Department of Interior and Local Government o DILG sa Autonomous­ Region in
Muslim Mindanao, na ipatupad ang utos sa lalong madaling panahon.

Batay sa
Ombudsman investigators, nabigong aksyunan ni Benito ang?leave?application at
payment ng back salaries?ng?isang?empleyado noong
2014.

Nahaharap din
si Benito sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and
Corrupt Practices Act ng Republic Act No. 3019. UMAABOT
SA halos 300 sako ng bigas ang ipinamahagi ng local na pamahalaan ng Datu
Montawal, Maguindanao para sa mga dating drug addict na nangakong
magbabagong-buhay na.

Sinabi
ni Datu Montawal Vice Mayor Datu Ohto Montawal na ang nabanggit na mga bigas ay
tulong ng lokal na pamahalaan para sa pagbabagong buhay ng mga biktima ng
iligal na droga.

Ayon
kay Montawal, tig-iisang sakong bigas ang tinanggap ng 269 beneficiaries.

Lahat
ng tumanggap ng bigas ay kabilang sa tinutukan ng barangay officials, Municipal
Social Welfare and Development Office, at PNP.

Sinabi
pa ni Montawal na bukod sa ibinigay na bigas, tutulong din ang Datu Montawal
LGU sa pagbibigay ng livelihood training sa mga sumukong illegal drug user na
handang magbagong-buhay.

Samantala,
nagbabala naman ang bise alkalde sa mga patuloy na nagtatago at pa-simpleng
gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga sa kanilang bayan na itigil na ang
masamang gawain dahil desidido silang pairalin ang batas laban sa mga ito.

Hiniling
ng Office of Special Prosecutors o OSP ng Office of the Ombudsman sa
Sandiganbayan na suspendihin sa kanyang trabaho si North Cotabato Gov. Emmylou
Taliño-Mendoza.

Sa
motion na hinain ng OSP, iginiit na kailangang masuspendi si Mendoza upang
hindi magamit ang kanyang kapangyarihan laban sa mga saksi sa kanyang kaso.

Si
Mendoza ay nahaharap sa kasong katiwalian kaugnay sa pagbili ng provincial
government ng 49 thousand,526.72 litters ng diesel sa Shell refilling station
sa Carmen, North Cotabato at Brgy. Lanao, Kidapawan City na pag-aari umano ng
kanyang inang si Noemi Taliño noong 2010.

Ginamit
umano ang nasabing krudo sa road grader at apat na dump trucks sa dalawang araw
na rehabilitasyon ng Ginatilan-Bangkal-Manobo Road sa nasabing lalawigan noong
2010.

Sa
ngayon ay hinihintay pa rin ng OSP ang desisyon ng Ombudsman hinggil sa
kanilang kahilingan. IKINOKONSIDERA
ngayon ng Department of Education o DepEd na isailalim sa random drug testing ang
mga guro at estudyante mula sa mga pampublikong eskuwelahan.

Sinabi
ni DepEd Secretary Leonor Briones na sa pinaigting na kampanya ngayon ng pamahalaan
kontra droga ay hindi maaring isantabi ang mga eskuwelahan mula sa problema ng
droga lalo’t isa silang malaking sektor.

Sa
ngayon ay mayroon 722 thousand teachers at 25 milyong mga estudyante sa buong
bansa.

Paglilinaw
naman ng kalihim, ang drug test sa mga estudyante ay ‘sampling basis’ na may
consent o permiso ng kanilang mga magulang.

Dagdag
pa ni Briones, sisikapin nilang masimulan ito ngayong taon.

Samantala,
sa kabilang dako pa, malamig namang tinanggap ng DepEd sa panukalang agahan ang
Christmas break ng mga estudyante bilang isa sa mga solusyon upang maibsan ang
problema sa trapiko lalo na sa mga malalaking syudad.

Sinabi
ni Briones na bagama’t maganda ang hangarin ng naturang panukala, sa kanilang
sariling obserbasyon ang pagpapatupad ng maagang Christmas break ng mga
estudyante ay wala namang kaugnayan sa nararanasang masikip na daloy ng
trapiko. Handa ang kanilang grupo na tumalima sakali mang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang totl ban sa mga paputok.
Ito ang tiniyak ni Koronadal Firecrackers and Pyrotechnics Dealer Association President Jomel Alo.
Ayon kay Alo posible rin kasing tulad sa Davao City, ipagbawal din ng pangulo ang firecracker at iba pang pyro technic devices sa buong bansa sa pasko at bagong taon.
Gayunpaman ayon kay Alo, may mga kasama silang humihiling sa pangulo na ipatupad ang firecracker ban sa 2017.
Paliwanag ni Alo marami kasi sa kanila ang nakapag-imbak na ng stock hanggang sa katapusan ng 2016.
Ayonkay Nangangamba ang maraming mga firecracker producers na hindi na nila maibebenta pa ang kanilang mga produkto at malugi sakali mang ipatupad ang total ban nito ngayon taon.
Inihayag din ni Alo na sana isaalang alang din ng pangulo ang kalagayan ng maraming mamamayan na mawawalan ng kabuhayan sakali mang ipatupad ang total ban sa mga paputok.
Pinulong na ng mga opisyal ng barangay ang mga pamilya na apektado ng unti unting pagguho ng daan sa Purok Upper Valley, Barangay Sto. Nino, Koronadal City.
Ito ay ayon kay Sto Nino, Barangay Chairman Roberto Banaria.
Ayon kay Banaria, bumabalangkas na rin ng resolosyon ang mga opisyal ng barangay para agad na matugunan ang problema.
Ang unti unting pagguho ng bahagi ng daan papunta sa katabing ilog ay ikinababahala ng may 20 pamilya na nakatira sa lugar.
Hiniling na rin ng barangay sa local na pamahalaan ng Koronaddal na magpadala ng heavy equipment upang maayos ang nasirang kalsada.
Kaugnay nito, nilinaw nama ni Koronadal City Disaste Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano na bagama’t handang magpadala ng mga gamit ang city government, dapat pa ring isa-alang alang ang kaligtasan ng mga operator nito.
Paliwang ni Urbano delikado para sa mga heavy equipment operator ang mataas na lebel ng tubig sa ilog.
Ayon kay Urbano, pinagaaralan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC ang pagbibigay ng relocation site sa mga apektadong mamamayan.
Para maiwasan ang disgrasya pansamantala munang isinara sa mga sasakyan ang gumuhong kalsada.
Umapela din si Urbano sa mga Barangay Officials ng Sto. Nino na tumulong sa pagkumbinse sa mga residente na malapit sa ilog na lumipat ng tirahan sa mas ligtas na lugar.
Naiturn over na ng pulisya sa Muncipal Social Welfare And Development Office o MSWDO ang babaeng menor edad na nakapatay umano sa 18 anyos nitong best friend sa Poblacion, T’boli, South Cotabato.
Ito ang ipinahayag ni T’boli Chief of Police, Chief Inspector Josemarie Simangan sa panayam ng Radyo Bida.
Kinumpirma din ni Simangan na hawak na rin ngayon ng pulisiya ang 22 anyos na laborer na si Pedro Duron, na siyang may ari ng 12 gauge shotgun na nakabaril sa biktima.
Ayon kay Simangan, si Duron ay kasintahan ng nasawing si Sheena Mae Calumba, 18 anyos at grade 11 student ng isang pribadong eskwelahan sa T’boli.
Ayon kay Simangan, nagkayayaan umano ang magbest- friend na pumunta sa bahay ni Duron.
Nang makita umano ang baril, kanila itong pinaglaruan at aksidenteng naputukan si Calumba.
Ang biktimang ay dead on arrival sa ospital dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang kaliwang mata.
Ayon kay Simangan ang mayari ng ng pumutok na 12 gauge shot gun na si Duron ay posibleng kakasuhan ng illegal possession of firearms.
Patuloy namang nanawagan ang pulisiya sa sa mga motorista ng South Cotabato na magingat sa pagmamaneho.
Ito ay matapos maitala ang sunod sunod na aksidente sa daan na ikinasawi ng dalawa katao.
Patay ang 22 anyos na si Jay Napilla, nakatira sa Barangay San Vicente, Banga matapos maaksidente sa minamanehong motorsiklo.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na aksidenteng nabangga ni Napilla ang bakal na harang sa highway nang mawalan ito ng kontrol sa minamanehong motorsiklo.
Ang biktima ay dead on the spot matapos makalasog lasog ang katawan bunsod ng lakas na pagkakabangga sa railing ng highway sa Crossing El Nonoy, Barangay Reyes Banga.
Sugatan naman sa insidente at nagpapagaling pa sa ospital ang angkas nitong si Egie Salasinas, 19 anyos at nakatira din sa San Vicente, Banga.
Samantala inaalam pa ng pulisiya ang pagkakakilanlan sa naka motorsiklo ring biktima na anaaksidente sa purok 3, Barangay Paliaan, Tupi, South Cotabato.
Ang biktima ay tinatayang nagkakaedad ng 25 anyos, naka itim na t-shirt at maong na pantalon ngayon ay nasa isa nang punerarya.
Lumabas sa imbistigasyon ng mga pulis na ang biktima ay naaksidente matapos umanong mabangga ang barikada ng Department of Public Works and Hihgways o DPWH .
Umaapela naman ang PNP sa kaung sinuman ang nawalan ng kakilala o kamaganak na makipag ugnayan sa Tupi Municipal Police Station.
Umapela si Koronadal Mayor Peter Miguel sa mga negosyante na makiisa sa 16th Charter Anniversary at 6th Negosyo Festival ng lungsod.
Ito ayon sa alkalde ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng diskwento sa kanilang mga produkto.
Sinabi ni Miguel na mahalaga na maikintal sa publiko na tuwing Oktobre, nagbibigay ng malaking diskwento sa kanilang mga produkto ang mga establisemento sa Koronadal City.
Sa pamamagitan nito ayon kay Miguel ay lalo pang mahikayat ang publiko na dumayo sa lungsod.
Napapanahon din ayon kay Miguel na gagawin ang grand sale tuwing Oktobre kung kelan ipinagdiriwang ang National Consumers Month.
Ang Grand Sale ay isa sa magiging highlight na charter anniversary at negosyo festival ng Koronadal na magaganap sa Oktobre 3 hanggang 4.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...