Wednesday Jun, 26 2024 12:40:29 PM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 26, 2016)

 • 16:06 PM Mon Sep 26, 2016
1,397
By: 
NDBC

NEWSCAST

SEPTEMBER 26,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BATA patay, 6 sugatan nang araruhin ng truck sa highway ng North Upi, Maguindanao.

2. Mga preso sa loob ng Amas Jail pabor
sa ‘greyhound operation na inilunsad ng
BJMP.

3. 4Ps beneficiaries, tatanggap ng
buwanang rice subsidy mula DSWD

4. Dalawa patay sa kaso ng pamamaril sa Pigcawayan, North Cotabato

PATAY ang isang bata habang sugatan
naman ang anim na iba pa matapos silang araruhin ng isang delivery truck na may
kargang buhangin sa bahagi ng Upi Agricultural School, sa Nuru, North Upi, Maguindanao.

Kinilala ni Upi PNP chief, police Sr.
Insp. Merlie Glemao ang nasawing bata na si Kaharudin Sagan, 11 years old at
taga barangay Ganasi, North Upi.

Nakilala naman ang dalawa pang mga
batang sugatan na sina batang sina Mosanip Khalid at Sayril Clint Tayas, na
pawang mga estudyante ng Bumbong Elementary School sa barangay Gànasi.

Ayon kay Glemao, may tatlong mga guro
pa na sina Emma,

Marilou Mangacob at Yvon Omar, at isang
driver ng motorsiklo na si Agusto Debang, ang slightly wounded.

Batay sa imbestigasyon ng Upi PNP,
pasado alas singko ng hapon noong September 24 nang araruhin ng isang
Mitsubishi Canter with licensed plate XSY 664 at minamaneho ng isang Stephen
Basillo, ang mga naturang bata na kalahok sa isinasagawa noong 13th
provincial Jamboree for Boy Scouts.

Nawalan ng preno ang naturang truck
kaya’t nawalan ng kontrol sa manubela ang driver na naging sanhi ng naturang
insidente.

Agad namang sumuko si Basillo matapos
ang pangyayari,

Ang mga batang sugatan ay nasa Cotabato
Regional Medical Center.

Nagbigay na rin ng assistance ang Upi LGU
sa mga na-aksidente sa pangunguna ni Mayor Ramon Piang Sr.

NAKILALA NA
at kinuha na ng kanilang mga pamilya ang dalawang nasawi matapos mabiktima ng
pamamaril sa Pigcawayan, North Cotabato.

Sinabi ni
Pigcawayan PNP chief, police Sr. Ins. Arniel Melacotones na nasa kani-kanilang
mga pamilya na ang mga bangkay nina Ricky Dillo, single, 33 years old, vendor at
taga Brgy Gumaga, Libungan North Cotabato, at Noel Sagodaquil, single, driver, at
taga Sitio Katitisan, Brgy Cabpange, Libungan.

Nabatid na si
Dillo ay kinilala ng mismong ina nito na si Ederlina Dillo habang si Sagodaquil
at kinilala at kinuha naman ng kanyang kapatid na si Joel Sagodaquil.

Ang dalawa ay
nabaril at napatay ng di pa nakikilalang mga suspek noon pang September 23
habang sakay ng isang payong-payong. Simula
sa araw na ito, magsisimula nang manungkulan bilang alkalde ng Cotabato City si
Cynthia Guiani-Sayadi matapos itong humalili sa puwestong iniwan ng kanyang
yumaong kapatid na si Mayor Japal Guiani Jr.

Si
Sayadi ay nagwaging bise alkalde noong nagdaang May 9 national elections pero
dahil sa pagkasawi ng kanyang kapatid na kasalukuyang Mayor ng lungsod noong
Biyernes dahil sa matinding sakit ay ito na ang pumalit bilang alkalde ng
lungsod.

Humalili
so Sayadi bilang alkalde ng lungsod base sa rule of succession na nakasaad sa
Local Government Code.

Una
nang tumakbo ang magkapatid bilang tandem noong nakaraang halalan at sila ay
pinalad namang magwagi matapos iboto ng kanilang mga constituents.

Samantala,
magsisimula na ring maglingkod bilang vice mayor si dating first councilor
Graham Nasser Dumama.

Habang
uupo na rin sa Sangguniang Panglungsod ang bagong konsehal na ang anak ng
yumaong mayor na si Japal Guiani.

Sa
kauna-unahang pagkakataon ay ituturo ng mga sundalo ang anti-drug education na
programa ng Drug Abuse Resistance Education o DARE sa mga mag-aaral sa bansa.

Ang
mga sundalong sinanay sa anti-drug education ay bahagi ng adhikaing mapalawak
ang implementasyon ng DARE sa mga paaralan hindi lang sa Maynila kundi sa buong
kapuluan.

Ayon
kay DARE Philippines Association, Inc. president Dr. Antonio Abacan, Jr.,
Umabot sa 29 na mga miyembro ng Philippine Army-Civil Military Operations Group
ang nagtapos bilang DARE instructors.

Bukod
sa mga nagtapos na sundalo ay may 14 pang pulis ang naunang nagtapos ng
nasabing programa na kasalukuyang nagtuturo sa paaralan sa Maynila.

Si
Mayor Estrada ang chairman ng DARE Philippines Association, Inc., na nagpakilala
sa DARE sa bansa mula sa US noong bise presidente pa ito at pinuno ng
Presidential Anti-Crime Commission noong 1993. TINANGAY
ng mga di nakikilalang carnapper ang itim na MC BAJAH motorcycle ni VIVENCIO
CALUNGSOD AZUELO, na may licensed plate
MC 21009 Sa Pikit, North Cotabato.

Naganap
ang insidente pasado alas kwatro ng madaling araw kahapon sa national highway
na bahagi ng Brgy Dalingaoen sa naturang bayan.

Ayon
sa biktima, napansin na lamang niya na may sumusunod sa kanya ang dalawang mga
armadong lalaking naka motorsiklo.

Agad
anya siyang binaril ng isa sa mga suspek, tinamaan siya sa balikat dahilan para
mawalan ng control sa manubela.

Nang
matumba ang biktima ay agad siyang nilapitan ng mga suspek at tinangay ang
kanyang motorisklo.

Gayunman,
dahil sa maagap na pagresponde ng mga sundalo

ng RPSB
2nd company at Army’s 7th Infantry Battalion ay nahuli ang isa sa mga suspek sa
Brgy. Nalapaan na nakilalang si ALADIN AKAS KALIMBOLAN, 30, magsasaka at taga
Brgy Nunguan, Pikit.

Nakuha
rin sa suspek ang XRM motorcycle with licensed plate ML-3277 na ginamit ng
suspek sa pagsasagawa ng pagnanakaw.

Nabawi
rin ang motorsiklong pag aari ni AZUELO sa Brgy Tinutulan, pikit kinagabihan.

Abot sa mahigit 288,000 na benipisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps sa region 12 ang mabibiyayaan ng rice subsidy ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ayon kay DSWD 12 Information Officer Dennis Domingo, na ito ay bilang pagtalima na rin ng ahensya sa naging suhestyon ni Senator Franklin Drilon.
Ayon kay Domingo kapag ipinatupad na ang rice subsidy, makatatanggap na dagdag na P650 kada buwan ang mga 4Ps beneficiary.
Katumbas naman nito ang 20 kilo ng bigs.
Sa kasalukyan bawat benipisyaryo ng 4Ps ay tumatanggap ng tig P1,400 monthly stipend mula sa gobyerno.
Ito ay maliban pa sa P500 health grant at P300 educational assistance sa bawat nagaaral na bata sa isang pamilya.
Umaapela si Koronadal City Administrator Cyrus Urbano sa mga mamamayan ng lungsod na maging alisto sa landslide at posibleng mga pagbaha.
Sinabi ni Urbano na dapat na doble ang pagiingat na gagawin ng mga mamamayan na nakatira sa mga delikadong lugar tulad ng pampang ng mga ilog o sapa at paanan ng bundok.
Ang mga lugar kasi na ito ayon kay Urbano ay madalas makararanas ng baha o landslide.
Partikular na pinag-iingat ni Urbano ang mga nakatira sa pampang ng bulok creek na madalas umaapaw sa tuwing bumubuhos ang malakas na ulan.
Ayon kay Urbano, dahil sa mga pagulan na naranasan nitong mga nakalipas na araw,gumuho ang bahagi ng bundok sa mga Barangay ng Assumption at Saravia sa Koronadal.
Gayunpaman nilinaw ni Urbano na ang gumuhong lupa ay malayo sa mga bahay at walang lumikas dahil sa insidente.
Binigyan diin ni South Cotabato Provincial Epedemiology and Surviellance Unit o PESU Head Cecile Lorenzo na naging maagap ang mga otoridad sa pagtala ng biktima ng paputok sa lalawigan.
Ito ang naging dahilan kung bakit kadalasan ayon kay Lorenzo mas maraming naitalang biktima ng paputok sa South Cotabato.
Sinabi ni Lorenzo na 12 sa 21 ospital sa lalawigan ay direktang nakapagbigay ng datus sa Online National Electronic Injury Surviellance System ng Department of Health.
Habang ang mga mga ospital at rural health unit naman na walang access sa pasilidad ay regular na nagpapadala ng datus sa PESU.
Nabatid na mahigit 100 sa 193 na biktima ng paputok sa pasko at bagong taon noong nakaraang taon sa Region 12 ay naitala sa South Cotabato.
Ito rin ang dahilan ng maagang pagpapatupad ng Iwas Paputok” Campaign ng provincial health office sa lalawigan.
Dadalo sa tourism summit na gagawin ngayong araw sa General Santos City ang daang daang mga stakeholders ng Department of Tourism o DOT sa region 12.
Ayon kay DOT 12 Regional Director Nelly Nita Dillera, layon ng aktibidad na lalo pang mapaunlad ang industriya ng turismo sa rehiyon.
Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalakas ng tourism organizations at pakikipag ugnayan sa kanilang mga business partners.
Ayon kay Dillera, magiging highlight ng tourism summit ang Tourism Exellence Awards night na kikilala sa mga indibidwal at grupo na malaki ang naiambag sa ikauunlad ng industriya ng turismo sa region 12.
Ang tourism summit ay kabilang lamang sa serye ng mga aktibidad ng DOT ngayong Tourism Month Celebration.
Matatandaan na ang SOX o SOCCSKSARGEN Tourism Sector ay nauna nang nakapagsagawa ng Tourism Congress sa Sarangani Province.
Dumalo din sa birdwatching training ng grupo sa Tacuronog City ang mga bird enthusiasts ng rehiyon.
Tema ng Tourism month celebration ngayong taon ang SOX TourismandEngaging Stakeholders to Current Trends for a More Aligned Tourism Industry.” Minamadali na ng local na pamahalaan ng Koronadal ang konstruksyon ng Integrated Public Terminal ng lungsod.
Sa katunayan ayon kay Terminal Project Manager Engineer Zaldy Gayosa, inaasan na matatapos na ang proyekto sa Hulyo sa susunod na taon.
Ayon kay Gayosa, sa ngayon ang natapos na ang konstuksyon sa may 32 porsyento ng terminal.
Matatandaan na ang konstruksyon ng public terminal ay sinimulan Disyembre noong nakaraang taon.
Ang pasilidad ay matatapuan sa may anim na ektaryang lupain sa Crossing Diaz, BArangay Zone 3.
Nauna nang ipinahayag ni City Mayor Peter Miguel na bilang regional set ng region 12, nararapat lamang na magkaroon na rin ng sarili nitong Integrated Public Terminal ang Koronadal.
Ito ayon sa alkalde ay matagal ng hinintay ng mga mamamayan ng lungsod at karatig lugar. BILANG bahagi ng Civil Service Month celebrations, nagtanim ang halos 100 mga empleyado ng gubyerno sa city hall ng higit 150 na Mahogany seedling, nito’ng Sabado.
Itinanim nila ang mga ito sa gilid ng itatayong bagong City Jail na nasa Barangay Kalaisan, Kidapawan City.

Bago ang tree planting ay isinagawa muna nila ang clean-up drive sa mga drainage canal at iba pang waterways ng lungsod. Nanguna rito ang Human Resource Management Office ng city LGU.

Bahagi rin ng Civil Service Month celebrations ang pagbibigay ng orientation sa mga bagong empleyado ng city hall patungkol sa kanilang rights and privileges bilang mga trabahante.Ngayong linggo aasahan naman ang feeding program sa may Sitio Embassy sa Barangay Perez ng Kidapawan City. HULI ng mga operatiba ng Kidapawan City PNP ang 33-anyos na tricycle driver na si Enrique dela Pieza matapos makuhanan ng shabu sa buy-bust raid, kagabi.

Nanguna sa operasyon si Police Officer 3 Ramil Ranara ng Intelligence and Investigation Division ng Kidapawan City PNP.Nakuha mula kay Dela Pieza ang ilang gramo ng shabu at marked money.

Si Dela Pieza ang pinakahuling drug pusher na naaresto ng PNP na naaktuhang nagbebenta ng shabu.Simula July, higit 20 na ang mga suspected drug pusher sa Kidapawan City ang naipakulong ng mga pulis.Maliban dito, tuluy-tuloy rin ang Double Barrel Campaign at Operation TokHang ng PNP sa lungsod para hikayatin ang mga taong sangkot sa droga na itigil na ang ilegal nila’ng gawain. HINDI natinag ang mga jail personnel, mga sundalo, at pulis, sa protestang inilunsad ng mga preso sa loob ng Amas Jail sa capitol compound sa Kidapawan City.

Nito’ng Sabado, itinuloy nila ang paggalugad sa loob ng presuhan.Bago nila ito ginawa, pinalabas muna ng mga gwardiya ang lahat ng mga preso at inilipat sa Prisons Without Walls o PWOW na selda ng mga babae.

Pero hindi agad sumunod sa utos ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.Nagmatigas ang iba.

Kaya, ipinag-utos ni BJMP jail warden Superintendent Peter John Bungat na gamitin na ang tear gas.

Dito na nagsilabasan ang natirang mga preso sa loob.

At nang cleared na ang erya, saka pumasok ang BJMP personnel, Special Action Forces, 39th Infantry Battalion, at Cotabato Police Provincial Office.Laking gulat nila sa dami ng mga nakumpiskang mga gamit sa loob ng presuhan.

Halos inabot ng madaling araw nito’ng Linggo ang Operation Greyhound. PARA mas lalo pang mapalago ang organikong pagsasaka sa North Cotabato, isang techno-demo on organic farming ang itinayo sa may capitol site sa Barangay Amas, Kidapawan City.Magsisilbing model farm ang naturang techno demo farm

Iso-showcase rin nito ang iba’t ibang paraan sa pagsasaka, gamit ang mga organikong paraan.Magtatanim rin sila ng mga organikong gulay, tulad ng ampalaya, talong, sitao, pechay, patola, upland kangkong, upo,
bell pepper, radish, kamatis, okra, at siling labuyo.Sinabi ni Roy Magbanua, ang Focal Person sa techno demo garden ng Office of the Provincial Agriculturist, nakapaloob din dito ang urban gardening na kung saan ang mga patapong plastic bottles ay ginagamit bilang taniman ng gulay.Ang iba pang component ng techno-demo farm ay ang formulation at paggamit ng organikong pataba, pestisidyo, at ang vermi-compost production.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...