Wednesday Jun, 26 2024 01:13:37 PM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 24, 2016)

 • 17:17 PM Sat Sep 24, 2016
1,370
By: 
NDBC

NEWSCAST

SEPTEMBER 24,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Granada, sumabog sa Aleosan, North Cotabato, isa sugatan2.BABAE, ginahasa na, pinatay pa sa Mlang, North Cotabato.3.HIRIT na ceasefire ng MNLF founder para
sa Abu Sayyaf, tinutulan ng AFP.

4. MAGSASAKA sa South Cotabato,
nagbigti, patay at isa pang magsasaka, patay naman sa aksidente

NAGULANTANG ang mga residente sa isang barangay sa Aleosan, North Cotabato dahil sa malakas na pagsabog kagabi sa kanilang lugar.Sinabi ni Aleosan PNP Chief, Police Sr. Insp. Edwin Abantes na pasado alas nuebe kagabi nang maganap ang malakas na pagsabog sa Sitio Tres, Barangay Pagangan, Aleosan.Aniya, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matukoy kung anong uri ng pampasabog ang sumabulat kagabi.Sa naturang pagsabog, isang magsasakang nakilalang si Dante Sultan Antonoganan, ang nagtamo ng sugat sa kanyang binti.Ayon pa kay Abantes, wala pa rin silang suspek kung sino o anong grupo ang resposable sa naturang pagsabog at kung ano ang motibo ng mga ito. TUTOL ang pamunuan ng Armed Forces of the
Philippines o AFP sa hirit na ceasefire ni Moro National Liberation Front o
MNLF Founding Chair Nur Misuari para sa Abu Sayyaf Group o ASG.

Sinabi ni AFP Spokesperson Brig. Gen.
Restituto Padilla na magpapatuloy ang kanilang combat operations laban sa Abu
Sayyaf bilang pagtupad sa kanilang misyon na lipulin ang naturang teroristang
grupo.

Nais sana ni Misuari na magdeklara muna
ng tigil-putukan upang bigyang daan ang pagpapalaya sa mga natitira pang bihag
ng ASG sa Sulu.

Pero giit ni Padilla, ang pagdedeklara
ng ceasefire sa gitna ng mas pinalakas na military operations ay magbibigay
daan lang para makatakas ang mga miembro ng Abu Sayyaf na matagal ng tinutugis
ng tropa ng gobyerno.

Nilinaw naman ni Padilla na magbibigay
daan lamang sila para sa turnover o paglipat ng mga palalayaing bihag.

Sa ngayon, nasa pitong hostages na ang
magkakasunod na napalaya simula nitong nakalipas na linggo mula nang pumagitna
si Misuari sa negosasyon.

Ngunit nasa labing isang ang hostages pa
sa Sulu ang hawak pa rin ng Abu Sayyaf.

Samantala, sa kabilang dako pa, handa
naman ang Autonomous Regional government na magbigay ng gabay ispiritwal at
tulong pangkabuhayan sa mga sumukong miembro ng Abu Sayyaf Group kamakalawa.

Ang 21 mga miembro ng ASG ay sumuko sa Army’s
64th Infantry Battalion sa tulong ni Sumisip Mayor Gulam Hataman sa Basilan.

Nabatid na ang Humanitarian Emergency
Assistance and Response Team ng ARMM o ARMM HEART ang mangunguna sa pagbibigay
ng tulong sa mga ASG surrenderee sa tulong ng health, social welfare, education
at agriculture departments ng rehiyon.

Gagabayan naman sila ng provincial
government ng Basilan at ng local council Islamic leaders para maintindihan ang
tama at tunay na turo ng Islam.

NAGKITA AT
NAGPULONG sina Pangulong Rodrigo Duterte at National Democratic Front chief
negotiator Luis Jalandoni sa Davao City.

Pinag-usapan
nila ang ongoing peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF sa Norway.

Tumanggi
namang magbigay ng detalye si Pangulong Duterte sa pinag-usapan nila ni
Jalandoni bagkus ay ipinaubaya na lamang niya sa peace panels ng gobyerno at
NDF ang mga isyu.

Una rito, nagkita
ang peace panel ng gobyerno at NDF sa Royal Norwegian embassy sa Taguig City nitong
Miyerkules na pinamahalaan ni special envoy to peace process Elizabeth Slattum.

Nagkaisa ang
Office of the Presidential Advisor on the Peace Process at NDF panel na muling
buhayin ang Joint Monitoring Committee para sa pagpapatupad ng Comprehensive
Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.

HULI
sa Pigcawayan, North Cotabato ang magkapatid na taga-Midsayap sa buy bust
operation na inilunsad ng Pigcawayan PNP.

Nakilala
ang mga nadakip na suspek na sina Reynaldo at Pedro Deomampo, parehong may
asawa, tapos ng kolehiyo, self employed at taga Barangay Poblacion Uno,
Midsayap.

Gayunman,
pansamantalang naninirahan sa barangay Poblacion 3, sa Pigcawayan ang dalawa kung
saan sila natimbog ng mga otoridad.

Pasado
alas diyes ng umaga kahapon nang maaresto ang dalawa sa kanilang boarding house
sa Pigcawayan.

Nabawi
mula sa mga suspek ang two hundred pesos na marked money. Nakuha rin mula sa
dalawa ang dalawang maliliit na sachet ng shabu, isang improvised toother, isang
disposable lighter at isang aluminum foil.

Nabatid
na una ng sumuko sa mga otoridad ang magkapatid na suspected user at pusher pero
pinagpatuloy pa rin ng mga ito ang masamang gawain.

PATULOY
NGAYONG ini imbestigahan ng militar ang pamamaril at pagpatay ng isang sundalo sa
Army commander ng 52nd Engineer Brigade sa Sulu.

Nakilala
ang nasawi na si Major Nurhusin Hadjaruddin at kinilala naman ng militar ang
suspek na si Corporal Julhalim Indanan.

Mismong
sa bahay nito sa Barangay Busbus sa Jolo nabaril ang opisyal.

Hindi
naman nagbigay ng anumang detalye si Western Mindanao Command spokesperson
Major Filemon Tan ukol sa naganap at hindi pa aniya tapos ang kanilang
imbestigasyon sa krimen.

Hindi
rin sinabi ni Tan kung nadakip ang suspek at maging ang mga opisyal at
imbestigador ng pulisya sa Jolo ay tikom din ang bibig.

Wala
naman pahayag ang pamilyang Hadjaruddin ukol sa insidente. Sa oktubre a-sais na nakatakda ang public auction sa lupang kinatatayuan ng National Food Authority na
matatagpuan sa national highway ng Kidapawan City.

Mismong si City Mayor Joseph Evangelista ang nagbunyag sa kabiguan ng NFA na bayaran ang kanilang delinquent
real property taxes sa City LGU na naipon ng mahabang panahon.
Ayon kay Evangelita, nasa mahigit sampung milyong piso ang delinquent real property tax ng NFA sa lupa pa
lamang hindi pa kasali ang mga gusali at iba pang pasilidad nito.Hindi kinatigan ng korte ang katwiran ng NFA na hindi ito magbayad ng real property tax dahil sa pagiging
Government Owned and Controlled Corporation o GOCC nito.Matatandaang noon pa sanang nakalipas na taon isusubasta ng City LGU ang lupain ng NFA ngunit nakapagsumite ito
ng TRO kung kaya ay hindi ito naisailalim sa public auction.Subalit, kinalaunan ay natalo ito sa kasong isinampa ng City LGU sa korte kung kaya ay nailagay ang kanilang
pag-aaring lupa, gusali, makinarya at iba pa sa public auction.

Dahil dito ay pwede ng ilagay sa bidding ang real properties ng NFA na pwede namang bilhin ng ibang indibidwal
o grupo.Pwede pa namang mabawing muli ng NFA ang naisubastang lupain nito sa loob ng isang taong redemption period
kapag nabayaran na nito ang lahat ng bayaring buwis sa City LGU.

Payag naman si Mayor Evangelista na makipagdayalogo sa kanya ang pamunuan ng NFA hinggil sa pagresolba ng
naturang usapin. Nasa North Cotabato District Jail na ngayon nakakulong si Johaire Jukrie Buisan na isang suspected bomber na
nahuli ng mga otoridad sa barangay Dunguan Mlang, North Cotabato noong September 6, 2016.Inilipat ito kahapon kasama ang Mlang PNP personnel.

Nabatid na higit dalawang linggo ring ikinustodiya sa Mlang PNP lock up cell si Buisan matapos itong maaresto.

Kasunod naman nito ang paglalagay sa Blue alert status sa buong bayan ng Mlang.Una na ring inamin ni Chief Ins. Ramil Hojilla ang hepe ng Mlang PNP na nakatanggap sila ng bantang pag-atake
sa kanilang estasyon para kunin si Buisan ng grupong BIFF.

Dahil dito nagpatupad ng 24/7 na pagbabantay ang PNP katuwang ang mga augment forces mula sa militar at force
multipliers.Sa ngayon nanatiling naka alerto ang buong bayan ng Mlang sa banta ng anumang karahasan sa bayan.

Matatandaang sa barangay Dunguan, Mlang mismo narekober ang mga pampasabog na umano pagmamay-ari ng mag-amang
Guiamadel at Anwar Sandigan na ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga otoridad matapos makatakas sa sana'y
operasyon laban sa kanila.

Tadtad ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang isang babae nang matagpuan ito palm oil plantation sa
Purok 1, Brgy. Dungguan, Mlang North Cotabato kahapon.

Kinilala ng Mlang PNP ang biktima na si ARMAIDA MUDSOL SALINDAB, 29-anyos, may-asawa na taga Brgy. Bunawan,
Datu Paglas, Maguindanao.Sa imbestigasyon ng SOCO Kidapawan, maliban sa saksak na tinamo ng biktima, hinampas rin ang ulo ng biktima na
naging sanhi rin ng kanyang kamatayan.

Malaki rin ang paniniwala ng PNP na ginahasa muna ang biktima bago ito pinatay.Narekober din sa crime scene ang isang iron pipe, kutsilyo ang tsinelas na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng
suspek.

Di na rin pumayag ang pamilya ng biktima na isailalim sa post mortem examination ang bangkay nito dahil agad
din namang siyang inilibing base na rin sa kultura ng Islam.
Naging tensiyunado sa loob ng North Cotabato District Jail matapos ilunsad sana ng pulisya, militar at raiding
team ang greyhound operation sa loob ng kulungan kahapon ng umaga.Pero dahil sa mga di inaasahang pangyayari, hindi natuloy ang naturang oplan galugad dahil posibleng
magkasagupa ang mga raiding team kontra ng mga inmates.

Paliwanag naman ni Supt. Peter Bungat, siyang bagong Jail Warden ng BJMP, pinadlock raw kasi ng mga inmates ang
main gate at ayaw papasukin ang mga BJMP personnel.Una rito, alas syete ng umaga kahapon ng magkagulo sa loob matapos igiit ng mga preso ang hiling nilang ibalik
ang dalaw system sa kulungan at pagbibigay sa kanila ng pagkain mula sa kanilang mga pamilya.

Ang hiling naman na ito ay inayawan ni Bungat bagay na kinandado ng mga preso ang gate para di makapaglunsad ng
operasyon.Ipinahayag ni Bungat na hanggat hindi malilinis sa kontrabando ang loob ng District Jail ay di nito papayagan
ang nasabing sistema.

Aminado si Bungat na may mga kontrabando pa rin sa loob lalo na ang illegal drugs.

Dahil dito, nagkaroon ng ilang oras na negosasiyon.Ang resulta, inilabas ng mga preso ang mga kontrabando kagaya ng cell phones, deadly weapons, mga kutsilyo at
iba pa at papayagan na nilang halughugin ang kanilang mga selda.Pero para kay Bungat may nakita umano siyang baril sa loob at dahil hindi ito sinurender ng mga preso hindi
naisagawa ang greyhound operation.

Nilinaw ng opisyal na ayaw niyang ilagay sa alanganin ang mga buhay ng kanyang team at maging ang third party
mula sa brgy. Amas Council at Media.
Ideneklarang nangungunang chief of police sa buong Region 12 si Sr. Ins Felix Fornan ang siyang hepe ng Tulunan
PNP, sa North Cotabato.Ito ay kaugnay naman sa patuloy na kampanya ng PNP kaugnay sa Project double barrel o ang kampanya kontra
iligal na droga.

Si Fornan ang itinanghal na number 1 COP sa buong North Cotabato at maging sa buong rehiyon.Ito ay mula naman sa 60 police station sa rehiyon.

Iginawad ang naturang parangal kay Fornan kasabay ng pagpresisenta rin ng ibang mga police official kaugnay sa
kanilang accomplishments kaugnay sa pagpatupatupad ng project double barrel na una nang sinimulan noong Hulyo 1
hanggang ngayong Setyembre.Ito ay kasabay rin sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa Police Regional Office 12 na naka base
sa Barangay Tambler, General Santos City.Makakatanggap naman si Fornan ng dalawang daang libong piso bila reward sa
na naturang parangal.

NDBC BIDA BALITA
Tutukan ng kampanya kontra paputok ng South Cotabato Provincial Health Office ang mga bata sa lalawigan.
Ito ay bilang paghahanda ng lokal na pamahalaan sa pasko at bagong taon.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr, ito ang dahilan kung bakit Setyembre pa lamang ay sinimulan na ang kanilang Iwas Paputok campaign”.
Sinabi ni Aturdido na mahalaga na maipaliwang sa mas maraming mga bata ang peligro ng mga paputok kaya nararapat na ito ay gagawin bago pa man ang Christmas vacation.
Ayon kay Aturdido sa pamamagitan nito ay mabigyan ng sapat na panahon ang mga magulang na kumbinsihin ang kanilang mga anak na umiiwas sa paputok.
Matatandaan na 75 sa mahigit 100 biktima ng paputok sa South Cotabato noong nakaraang taon ay pawang nasa 20 anyos pababa.
Ang South Cotabato rin ang may pinakamaraming biktima ng paputok noong nakaraang taon sa buong region 12.
Pinakabatang biktima ay isang 2 anyos na bata na tinamaan ng paputok sa mata.
Magbibigay ng P5 milyon para sa pagpapatayo ng bagong City Police Station ng Koronadal ang Department of the Interior and Local Government o DILG.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel ito ay sinabi mismo sa kanya ni DILG Secretary Ismael Mike”Sueno.
Ipinahayag ni Miguel na magdadagdag na lamang ng pondo ang lokal na pamahalaan para sa ipatatayong city police station.
Ayon kay Miguel, sisimulan ang pagtatayo nito kapag umalis na sa lupaing pagaari ng city government malapit sa Rizal Park ang South Cotabato Provincial Police Office.
Sinabi ni Miguel na kakausapin niya hinggil dito si Governor Daisy AVance Fuentes matapos maglaan din ng P10 milyon ang DILG para sa Provincial Police Office ng South Cotabato.
Ang provincial governmet ay may iniliaan na ring lupain para sa barangay Morales, Koronadal upang pagtayuan ng Provincial Police Headquarters.
Ayon kay Miguel, ang ipatatayong city Police Station sa Koronadal ay kahalintulad ng sa Valenzuela City kung saan matatagpuan mismo sa loob ang PNP lock up cell.
Magkakaroon din ito ng underground parking lot at helipad.
Nagpapatuloy pa rin ang kampanya kontra iligal na droga sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng koronadal.
Kahapon sumailalim sa random drug test ang 200 mga empleyado ng city government sa City Hall.
Ito na ang pangalawang bugso ng drug test para sa mga empleyado ng city government.
Ayon kay Koronadal City Administrator Cyrus Urbano,para maging patas, ang mga kawani na sumalang sa drug testing ay pinili by random ng computer.
Nais naman ng lokal na pamahalaan na maisalilalim sa drug test ang mahigit 1,000 na mga kawani nito.
Matatandaan na isa sa 200 mga kawani ng city government na nagpa drug test noong nakaraang buwan ay nagpositibo sa ipinagbabawal na gamot.
Ang naturang empleyado ay nauna nang nagresign bago pa man tanggalin sa trabaho.
Inaalam pa ng pulisiya kung may pananagutan ang driver ng isang Toyota pick up na nakabangga at naging dahilan ng pagkamatay sa isang magsasaka sa Tantangan, South Cotabaato
Kinilala ang biktima na si Abondio Bestrollo, 54 anyos, at nakatira sa Brgy Mangilala, Tantangan.
Ang nakamotorsiklong si Bestrollo ay aksidente nabangga ng isang Toyota pick up na minamaneh ng 35 anyos na si Bebot Bisalao taga Mangudadatu, Maguindanao.
Lumbas sa inisyal na pagsisiyasat ng Tantangan PNP na si Bestrollo ay aksidenteng nabanga ng sumsunod sa kanyang pick up nang bigla umanong lumiko sa daan.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga sa kanya, ang biktimang si Bestrollo ay tumilapon sa daan .
Natusok ito ng nakausling bakal sa dibdib na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisiya ang dalawang sasakyan ay parehong galing Koronadal City.
Samantala patay din ang isang magasasaka na nagbigti sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay San Isidro, Koronadal City.
Ang wala nang buhay na katawan ng 30 anyos na si Elmer Villanueva ay natuklasan sa bahay nito kahapon ng madaling araw.
Ang problema sa mga kapatid nito sa lupa na mamanahin ang maaring dahilan ng pagpatiwakal ni Villanueva. Ayon naman sa kanyang inang si Rosalinda hindi niya inaasahan na ito ay didibdibin ng kanyang anak.
Naninindigan si Koronadal City Environment and Natural Resources Officer Agustus Britania na hindi nito sinuntok ang 74 anyos na si Orlando Bungan.Sa katunayan ayon kay Britania, dahil sa walang makitang sugat, negatibo ang resulta ng medical exam ni Bungan.Binigyan diin nito na marami rin ang nakakita na walang suntukang naganap sa hagdan ng City Hall noong September 21.Si Bungan na residente ng Barangay Saravia, Koronadal na nagsabing tatlong beses siyang sinuntok ni Britania ay unang hinuli ng mga kawani ng CENRO.Ito ay matapos mabistong pumutol ng mahigit 1,500 board feet na kahoy na lagpas naman sa 500 board feet na unang kinatigan ng CENRO.Ang mga iligal na kahoy na ayon kay Britania ay gusto pang ibenta ni Bungan ay nasa pangangalaga na ngayon ng CENRO .

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...