Wednesday Jun, 26 2024 12:55:05 PM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 23, 2016)

 • 17:00 PM Fri Sep 23, 2016
1,656
By: 
NDBC

NEWSCAST

SEPTEMBER 23,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA BAGONG MAYOR at vice mayor ng
Cotabato city, manunumpa sa tungkulin ngayong umaga.

2. MAG-ASAWA, patay sa pamamaril sa
Arakan, North Cotabato

3. Koronadal City PNP, nagpaliwanag kaugnay
ng alegasyong may nawawalang 1.3 million pesos sa bahay na kanilang ni-raid.

NAKATAKDANG MANUMPA ngayon sa tungkulin
bilang bagong alkalde ng Cotabato city si vice mayor Atty. Cynthia
Guiani-Sayadi.

Ito ay kasunod naman ng pagkamatay ni
mayor Japal ‘Jojo’ Guiani Jr. kahapon ng umaga dahil sa cardiac arrest sa San
Pedro Hospital, sa Davao city.

Alas nuebe ngayong umaga gagawin ang
oath-taking ni Sayadi kasabay din ng panunumpa ni 1st councilor
Graham Nasser Dumama bilang bagong vice mayor ng lungsod.

Una ng sinabi ni Sayadi na bagaman at
lubha silang nalulungkot sa maagang pagpanaw ni mayor Guiani, kailangan nilang
ipagpatuloy ang serbisyo ng lokal na pamahalaan para sa mga mamamayan ng
lungsod.

Ayon kay Sayadi, bago
sumakabilang-buhay ang alkalde, mahigpit nitong ipinagbilin sa kanya na ipagpatuloy
ang mabuting pamamahala sa lungsod.

Si Sayadi ay nakapanayam ng DXMS AM
Radyo Bida, ilang oras matapos na masawi si Mayor Guiani kahapon ng umaga.

Samantala, sinabi naman ni 1st
councilor at incoming city vice mayor Dumama na nakatakda namang pagbotohan ng kanilang
partidong National People’s Coalition ang ilalagay na pang sampung konsehal na
kukumpleto sa mga miembro ng Sangguniang Panglungsod. KIRITIKAL ngayon
ang kondisyon ng isang lalaki na biktima ng pananaga sa Cotabato city kagabi.

Halos maputol
ang kanang kamay ng biktimang si Maruf Igan Sumayal, 19 years old, may asawa at
taga barangay Bagua Uno, ng lungsod.

Sa inisyal na
imbestigasyon ng City PNP, , pasado alas sais kagabi habang nakatayo lamang si
Sumayal sa harapan ng Cotabato City National High School -Main Campus sa
Sinsuat Avenue para sunduin ang kanyang kapatid nang bigla siyang lapitan ng
isang grupo ng mga lalaki at agad siyang pinagtataga gamit ang isang itak.

Maliban sa
sugat sa kanang kamay, nagtamo rin ng sugat sa kanang siko at daliri ang
biktima.

Plano naman
ngayong hingin ng City PNP ang CCTV footage ng isang establisemento na malapit
sa lugar para Makita ang tunay na pangyayari at matukoy ang pagkakakilanlan ng
mga suspek. NAGDULOT
ng tensyon at pangamba sa ilang mga residente ng Parang, Maguindanao ang
iniwang kahon sa barangay Nituan sa bayan matapos pagdudahang may laman itong
bomba.

Sinabi
ni Parang PNP chief, police Sr. Insp. Erwin Tabora na agad na kinordon ng
Explosives and Ordnance Disposal team ang lugar kung saan iniwan ang naturang
kahon.

Una
rito, mas lumakas ang paniniwala ng mga otoridad na bomba ang laman ng kahon
matapos na lapitan ito ng kanilang dalang sniffing dog at umupo sa tapat ng
kahon.

Indikasyon
kasi ito na may kahina hinalang bagay na naamoy ang aso sa loob ng kahon.

Gayunman,
nang kusang pasabugin ng EOD team ang kahapon, nabatid na pawang mga kitchen
utensils ang laman nito.

Pero
giit ni Tabora, mas mabuti na ang maingat para hindi magtagumpay ang anumang
masamang balak ng mga masasamang grupo.

Bagaman
at negatibo sa bomba ang iniwang kahon, nagpapasalamat pa rin ang Parang PNP
chief dahil sa kooperasyon ng mga mamamayan sa naturang lugar. UMARANGKADA
NA naman ang Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-ARMM sa kanilang
Oplan Big Bertha o kampanya kontra iligal na droga.

Pasado
alas-singko ng umaga kahapon ng isagawa ng CIDG-ARMM ang kanilang operasyon na
nagresulta sa pagkaka-aresto ng suspek na si THO CAMSA sa Datu Odin Sinsuat,
Maguindanao.

Nakuha
mula kay THO CAMSA ang apat na pakete ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na
49.3 gramo na nagkakahalaga ng humigit kumulang 200 libong piso.

Nakumpiska
rin sa suspek ang apat na iba't ibang disposable lighter at anim na
magkakaibang Identification card.

Sa
report, naaresto si CAMSA sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge
Bansawan Ibrahim ng RTC 12TH Judicial region, branch 13 sa Cotabato City.

Kaisa
naman ng CIDG-ARMM sa paglunsad ng naturang operasyon ang DOS Municipal Police
station, PRO-ARMM sa pakikipagugnayan sa PDEA-ARMM.

Kasalukuyan
namang nasa CIDG-ARMM locked-up cell ang nasabing suspek. SIMULA
sa susunod na buwan ay inaasahang magiging epektibo na ang umento sa sahod ng
mga mangagawa sa pribadong sektor sa Region 12.

Sinabi
ni Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB 12 Secretary Jessie
dela Cruz na aprubado na kasi ang Wage Order RB 1219.

Batay
sa naturang bagong wage order, madaragdagan ng P20 kada araw ang sahod ng mga
nasa non-agricultural sector.

P17
naman ang umento sa sahod ng mga nasa retail service at kinse pesos ang
idadagdag sa arawang sahod ng mga nasa agricultural sector.

Ayon
kay dela Cruz, bukas nakatakdang ilalabas sa mga pahayagan ang bagong wage
order at magiging epektibo ito makaraan ng 15 araw.

Samantala,
sinabi ni dela Cruz na exempted naman sa bagong wage order ang mga kumpanya na lubhang
naapektuhan ng kalamidad. Patay na nang madatnan ng mga kapitbahay nito ang mag-asawa nang pagbabarilin sila ng di pa kilalang armadong lalaki sa Sitio Muyas E.Barangay Lanao Kuran, Arakan, North Cotabato.

Kinilala ang mga biktima na sina Norberto Gascon 53 anyos at asawa nitong si Rita Gascon, 65-anyos.Sinabi ni Crisenxano Campos, barangay Chair ng Lanao Kuran, Arakan, nasa loob lamang ng kanilang kubo ang mag-asawa nang pasukin ng mga armado at pinagbabaril.

Ayon kay Campos, wala namang naka-initan ang mag-asawa bago ang insidente at katunayan aniya sila pa ang agad hinihingan ng tulong ng kanilang mga kapitbahay tuwing nagigipit.
Robbery naman ang sinusundang anggulo ng PNP sa motibo sa krimen bagay naman na kinumpirma rin ni Campos.
Batay kasi sa kanilang pag-imbestiga sa lugar wla na ang pera ng mag-asawa.

Samantala, base naman sa bakas ng mga paa sa crime scene maraming tao ang gumawa sa krimen at may nakasuot pang combat.
Bagani o BlackFighter naman ang pinaniniwalaang gumawa sa krimen dahil ayon kay Campos sila lang ang may armas na m14 sa area na siya namang narekober na basyo ng bala sa crime scene.

Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari.
Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Sanguniang Panglungsod ng Kidapawan ang panukalang inihain ni IP Mandatory Representative Radin Igwas na humihiling sa mga principal at school heads sa lungsod na gawin bilang uniporme ang kanilang tribung kasuotan.Ito ay isusuot naman kada araw ng biyernes lamang.

Una nang nagpadala ng liham si Igwas kay Kidapawan city Schools Division sup. Dr. Kahar Macasyon kaugnay sa nabanggit na panukala.Layunin nito na maprotektahan at mapreserba ang kultura at tradisyon ng mga katutubo sa Kidapawan city.Ikinatakot rin kasi ng ilang mga opisyal ng SP na baka matakpan na ng modernong kasuotan ang sanay pagpreserba sa kasuotan ng tribu.Kaya naman para mapanatili pa rin ng mga Lumad ang pagpapahalaga sa kanilang kultura, isinusulong ang nasabing panukala.Tiniyak naman ni Igwas na siya ring chairman ng Committee on Moro and tribal Affair na hindi nila hahayaang mabiktima ng pambubuli o pangungutya ang mga kabataang lumad na magsusuot ng kanilang kasuotan tuwing biyernes sakali mang tuluyang aprubahan ang nasabing panukala.
Abot na sa 27 ang mga K9 units o highly-trained nga mga aso ang katuwang ngayon ng Philippine National Police sa Kidapawan City para masugpo ang iba't-ibang krimen sa lungsod.
Sinabi ni Police Officer 3 Newton Fajardo, ang team leader ng K9 unit sa Kidapawan City PNP, mula sa bilang 27, 18 sa naturang mga aso ay matatawag nilang highly-skilled habang ang siyam naman ay sumasailalim pa sa on-the-job training.Ayon kay Fajardo tatlo ang qualification or skills ng mga K9 ang kanilang hinahawakan sa ngayon.Una ang attack dog na ginagamit sa hostage taking ikalawa ang IED dogs na makakadetect ng mga improvised explosive device at ang ikatatlo ay narcotics dogs.
Sa tatlo, ang IED dogs ang may pinakamaraming breed sa Kidapawan at isa na rito ay si Hans kung saan mula 2012 tatlong positibong IED na ang nadetect nito.

Iginiit ni Fajardo na ang nabanggit na mga aso ay katuwang ngayon ng City PNP sa crime detection and prevention sa lungsod.

Ang Kidapawan City ang siyang pinaka-una sa buong North Cotabato na bumuo ng K9 Unit sa ilalim ng Public Safety Division ng City LGU. Inilipat na kahapon ang lahat ng mga babaeng preso ng North Cotabato District Jail sa kanilang female custodian center.Sinabi ni Supt. Peter Bungat Jr., ang bagong Jail Warden ng Bureau of Jail management and Penology o BJMP, ito ay upang maihiwalay ang mga babaeng preso.

Nabatid na nasa iisang compound lamang ang mga ito mula sa lalaking preso at kukunti lamang ang mga female custodian force na magbabantay sa kanila.Kaya naman nais ni Bungat na isahin ang lahat ng babaeng preso upang matiyak na mabantayan sila.

Ang nasabing hakbang na ginawa ng opsiyal ay alinsunod na rin sa ‘Magna Carta for Women’.Samantala, itinanggi naman ni Bungat ang report na nagkaroon ng tensiyon sa loob ng BJMP nitong nakaraang gabi.

Aniya hindi raw totoo na may nais palabasin na inmates ang mga jailguards dahilan para pinalibutan ito ng mga inmates para hindi makuha.Gumagawa lamang umano ng alegasiyon ang mga inmates laban sa kanya dahil sa mga bagong panuntunan at paghihigpit nito sa loob ng kulungan.

Nais lamang ng opisyal na linisin ang District Jail sa proliferation ng illegal na droga at kontrabando dahil talamak pa rin ang paglipana ng droga sa loob ng kulungan.
Ipinahinto ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang recruitment at training ng mga miembro ng Moro National Liberation Front o MNLF sa ilalim ng liderato ni Datu Lito Dahines Monreal.
Ito ay base na rin si CEASE-AND-DESIST na inisyu ni Mayor Evangelista kahapon.

Nakasentro ang nabanggit na deriktiba sa lahat ng mga armed organizers sa quasi-MNLF camp sa Malinog, Barangay Guangan, Makilala, North Cotabato.Sinabi ni Evangelista na kadalasang nang rerecruit ang grupo ni Monreal sa mga Lumad na taga Barangay Sumbac at Barangay Junction sa Kidapawan City.

Bukod rito, nanghaharas din umano ang naturang grupo sa ilang mga residente sa nabanggit na barangay bagay naman na nakumpirma rin ng opisyal.Iginiit ng alkalde na walang ginawang koordinasyon at protocol sa opisina ni Presidential Adviser on the Peace Process o OPPAP ang recruitment at training sa grupo ni Monreal.

Para kay Evangelista, iligal ang naturang mga aktibidad ng MNLF na kailangan ihinto.

Kaugnay nito, inutusan na ng alkalde sina Lt. Col Harold Argamosa ng 39th IB at City Police Director, Supt. Leo Ajero, na tiyaking magiging epektibo ang implementasyon sa naturang cease-and-desist order.

VC- JAE

Si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista

Samantala, itinanggi naman ni Monreal na may nangyaring panghaharas sa barangay Sumbac, Kidapawan para mapasama lamang sa kanilang grupo.

Aniya, legal rin umano ang kanilang grupo.

Tiniyak naman niya na kakausapin nila ang OPPAP para maging pormal ang kanilang mga ginagawang aktibidad sa Kidapawan City. Technical Working Grouppara sa mga drug personalities na sumuko sa PNP, binuno sa South Cotabato
Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes, ang TWG ay binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t iban sector na siyang tutuok sa pangangailangan ng mga Surfacing Personalities Involving Drugs o SPID sa South Cotabato.
Ito ay pinangungunahan ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido bilang Chairperson.
Myembro naman nito ang Provincial Police Office, Department of the Interior and Local Government, at Provincial Social Welfare and Development Office.
Kasama din sa Grupo ang Provincial Anti Drug Abuse Council at kanilang mga counterpart sa City o municipal level.
Maari ring magtalaga ng kinatawan sa grupo ang mga local chief executives.Naniniwala si Fuentes na ang pag-organisa sa mga myembro ng TWG ay lalo pang magpapaigting sa koorinasyon ng mga myembro nito.
Bago pa man simulan ang kanilang mga trabaho, sumailalim muna sa dalawang araw na Seminar-Worshop ang 50 myembro ng TWG.
Layon nito na makapagbalangkas ng mga programa upang matulungan ang mga resurfacing drug personalities sa South Cotabato.
Sa pinakahuling tala ng pulisiya abot na sa 7,538 na drug personalities ang nag-resurfaced sa lalawigan.
Karapatan ng sinuman na magreklamo kung sa tingin nila ay nilabag ng mga pulis ang kanilang karapatang pantao.
Ito ang ipinahayag I ni Koronadal City Chief of Police, Superinendent Barney Condes, matapos ireklamo sa pulisiya ni Suharto Amir Ebus ang pagkalawa umano ng mahigit P1 million pesos nito sa loob ng kanilang bahay.Matatandaan na isinagawa ng mga pulis ang anti iligal drug operation sa bahay ni Ebus sa Barangay General Paulino Santos Koronadal sa bisa ng search warrant ng korte
Naninindigan si Condes na sumuporta lamang ang Koronadal City PNP sa Regional Special Investigation and Detection Team o RSDIT 12 na nanguna sa operasyon.
Bagama’t walang nakuhang droga, narecover ng raiding team sa bahay ni Ebus ang tatlong Granada, matataaas na kalibre ng baril at mga bala.
Wala naman sa kanilang bahay ang pamilya Ebus ng isinagawa ng mga pulis ang raid noong September 12.
Isinasailalim ngayon training ng Department of Tourism o DOT 12 ang mga Birdwatching Guide sa rehiyon.
Ang isang linggong pagsasanay ay magtatapos sa September 27.
Ito ay ginagawa ngayon sa Tacurong City.
Ayon kay DOT 12 Regional Director Nelly Nita Dillera, katuwang nila sa pagsasagawa nito ang lokal na pamahalaan ng Tacurong .
Magiging sentro ng pagsasanay ang Baras Bird Santuary sa Barangay Baras sa lungsod.
Ayon kay Dillera kabilang sa ituturo sa mga participant ang Bird Conservation, Identification, ethics, at spotting.
Layon nito na maisulong ang ang pangangalaga sa Baras Bird Santuary na itinuturing na pangunahing tourist destination sa Tacurong City
Magbibigay ng pinansyal na tulong ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa region 12 na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia.Ayon kay OWWA 12 OIC Marlyn Jamero, ang mga OFW na apektado ng massive-lay off sa Saudi Arabia na benipisyaryo ng kanilang Relief Assistance Program o RAP ay makatatanggap ng tig P20,000.Habang ang pamilya naman ng mga OFW na kaksalukuyang nasa job site ay mabibigyan ng tig P6,000.Ang mga OFW na matutulungan sa ilalim ng RAP ay nagtrabaho sa Mohammed al-Mojil Group , Saudi Bin Laden Group of Companies , Saudi Oger Ltd., Mohammad Hameed Al-Bargash andamp Bros. Trading andamp Construction , Aluminum Company , Rajeh H. Al Merri Contracting Company , at Arabtec Construction L.L.C. Real Estate Development and Investment Company.Umaapela naman si Jamero sa mga OFW at kanilang pamilya na maaring mabigyan ng tulong na makipag ugnayan sa tanggapan ng OWWA 12 sa Koronadal City o sa mga OFW desk sa kanilang lugar.
Isinusulong ngayon ng Department of Enviornment and Natural Resources o DENR Region 12 ang pagsasagawa ng master plan sa ilang mga ilog at iba pang water systems sa Mindanao.
Saklaw ng Development of Climate-Responsive Integrated River Basin Master Plan ang Agno, Buayan-Malungon, Cagayan at Mindanao River Basins o MRB.
Kaugnay nito, pinulong ng ahensya ang mga myembro ng Technical Working Group sa proyekto.
Ayon kay DENR 12 Assistant Regional Director for Management Services Muripaga Umpar, layon ng proyekto na makapagbalangkas ng mga programa para maibsan ang epekto ng climate change sa daluyan ng tubig na sakop ng MRB.
Ipinahayag naman ni DENR 12 Regional Director Datu Tungko Saikol na magiging prayordad ng ahensya ang paglalaan ng budget para sa watershed at river basin projects.
Sakop ng MRB ang Autonomuos Region in Muslim Mindanao, Region 10 at anim na lalawigan ng Region 12.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...