Wednesday Jun, 26 2024 01:01:44 PM

NDBC BIDA BALITA (Sept 22, 2016)

 • 02:01 AM Fri Sep 23, 2016
1,527
By: 
NDBC

NEWSCAST

SEPTEMBER 22,
2016 (THURS)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Cotabato City Mayor Japal Guiani Jr, pumanaw na kanina2.DALAWANG lalaki huli da Cotabato City dahil sa shabu pulis kritikal matapos maaksidente3. Barangay Kagawad ng Kabacan, dalawang iba pa, huli sa drug operation sa Pikit, North Cotabato

4. 57 drug suspek patay sa anti illegal
drug operation ng mga pulis sa Region 12mula July 1 PUMANAW NA SI Cotabato City Mayor Japal Guiani Jr matapos na atakehin sa puso kaninang madaling araw.Ayon kay Cotabato City adminsitrator Dr. Danda Juanday, si Mayor Guiani, 56 na taong gulang, ay pumanaw sa pagamutan at ang kanyang mga labi ay dadalhin sa lungsod.Itinakda ang kanyang libing mamayang alas 3 ng hapon sa Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao. Nakikiramay ang Notre Dame Broadcasting Corporation at Oblates of Mary Immaculatesa pamilya ni Guiani at sa mga taga Cotabato City. KRITIKAL ngayon ang kondisyon ng isang
pulis na naka-assign sa Cotabato City Police station number one matapos madisgrasya kahapon ng hapon sa
lungsod.

Ang biktima ay kinilalang si PO2
Christian Aguinaldo Balan.

Pabalik na si Balan galing sa Cotabato
City Police Office sa PC Hill, Rosary Heights One para magsubmit ng compliance
report kasama ang isang NUP na kinilalang si Katrina Abragan Cadungog na pawang
nakasakay sa isang kulay itim na MIO Scooter na may license plate QU 1475.

Sa report, nawalan umano ng kontrol si
Balan sa kanyang scooter dahilan kung bakit sumalpok sila sa elevated path way
at parehong tumilapon sa kalsada sa mismong harapan ng opisina ng Department of
Public works ang highways- Maguindano district one.

Sugat sa katawan at ulo ang tinamo ng
dalawang biktima na agad namang isinugod sa Cotabato Regional and Medical
center ng lungsod.

SAMANTALA, DINAMPOT ng kapulisan ang
dalawang kalalakihan sa cotabato city dahil sa paglabag sa RA 9165 o
Comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Unang naaresto si Mike Adil Silongan,
58 years old at taga Baranggay Tambak, Sultan Kudarat Maguindanao kahapon ng
umaga sa bahagi ng Rajah Tabunaway Avenue, Baranggay Poblacion 5 ng lungsod.

Nakuha mula sa suspek ang isang plastic
heat sealed sachet ng shabu, isang improvised Tooter at isang lighter.

Kulongan rin ang bagsak ng isa pang
lalaki na kinilalang si Datu Asraf Asildo Abdulkarim.

Sa report, pasado alas tres ng hapon
kahapon nang bibisitahin lamang umano ni Abdulkarim ang kanyang asawa na
nakakulong sa himpilan ng police station number 1 nang tumanggi ang suspek na
magpakapkap sa police on duty.

Dahil ditto, napilitan ang naturang
pulis na i-hold ang suspek.

Dito na nakuha mula kay Abdulkarim ang
isang improvised Toother na posibleng ibibigay niya sa kanyang asawang inmate.

Sa ngayon nakakulong na rin ang suspek
sa Police station number 1 locked-up cell dahil sa pagtatangkang pagpuslit ng
kontrabando. INIHAYAG ni
Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM Governor Mujiv Hataman ang kanyang
mensahe sa paggunita ng International day of Peace kahapon pati na rin ang na
apatnapu't apat na taong paggunita matapos ang deklarasyon ng Martial law.

Sa kanyang
mensahe, sinabi ni Hataman na sa ika-apatnapu't apat na taong nagdaan kahapon,
ito ay isang pagalala sa kalayaang tinatamasa ng bawat isa ngayon.

Ayon kay
Hataman, hindi man naging madali ang naranasan ng nakararami sa pagdeklara ng
Martial Law ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa buong bansa partikular sa
ilang bahagi ng Mindanao, labis naman nilang pinapahalagahan ang kalayaan na
meron ang bawat isa ngayon.

Isang
karangalan rin para sa gobernador ang lahat ng pagsisikap, sakripisyo at alaala
ng mga inidibidwal na naging daan para magbunyi at maramdaman ang tunay na
kalayaan.

SAMANTALA,
NAGTIPONTIPON naman ang mga lider ng Moro National Liberation front o MNLF
kahapon sa Carmen, North Cotabato upang tuluyan ng maayos ang anumang sigalot
sa pagitan ng ilang mga miyembro ng Bangsamoro Armed forces at Moro Islamic
Liberation front.

Layunin ng
naturang pagtitipon na ibalik ang pagkakaisa at itatak sa isipan ng bawat isa
na tapus na ang deka-dekadang pakikipagbakbakan.

Giit ng MNLF
hindi man maibabalik ang mga nagdaang panahon pero maaari parin silang maging
bahagi ng pagkakaroon ng tama at magandang bukas para sa henerasyon ngayon.

MATAPOS
ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan ng diumanoy
narcopoliticians” sa bansa, inaaabangan naman ngayon ang ikalawang batch ng
mga pangalan na posibleng sangkot rin sa droga.

Maging
ang mga opisyal ng mga barangay ay hindi rin nakatakas sa mga maaaring
mapabilang sa susunod na listahan.

Kamakailan
lang ay HINILING ni Department of the Interior and Local Government o DILG Sec.
Ismael Mike Sueno sa PNP na isumite na sa kanila ang pangalan ng mga barangay
officials na umano'y sangkot sa iligal na droga at katiwalian.

Paliwanag
ni Sueno, ito'y para matanggal kaagad sa pwesto ang mga barangay officials na
sangkot sa illegal drug trade sa bansa.

Iginiit
ni Sueno na kailangan nang matanggal at mapalitan ang mga tiwaling opisyal ng
barangay lalo na't hindi na matutuloy ang halalan sa Oktubre.

NAGPAHAYAG
ng kanilang suporta ang grupo ng mga babaeng Muslim sa gagawing inspeksiyon
partikular na sa mga nakasuot na burqa o niqab sa kababaihan.

Sa
isinagawang sesyon sa Davao city council, naniniwala si Konsehal Halila Sudagar
na ang nasabing hakbang ay mahalaga at hindi makokonsidera na isang
diskriminasyon laban sa mga Muslims o hindi pagbibigay respeto sa kanilang
relihiyon.

Una ng
ipinanukala ng security officials ang nasabing polisiya kay Davao City Mayor
Inday Sara Duterte matapos ang nangyaring pambobomba sa night market na
ikinasawi ng 15 katao at ikinasugat ng higit 60 iba pa.

Sakop
rin ng nasabing panukala ang hindi pagsuot ng iba pang garments na natatabunan
ang mukha gaya na lamang ng balaclavas, sunglasses, sombrero at maskara sa mga
pampublikong lugar gaya ng malls at mga parke.

Sinabi
rin ni Sudagar na sa pamamagitan ng nasabing hakbang maipapakita ng mga kapatid
na Muslim na nakikiisa rin sila para labanan ang terorismo. Inaasahang ilalabas sa mga susunod na linggo ang resulta ng drug test na isinagawa sa kasapi ng PNP Special Action Force sa Cotabato Police Provincial Office o CPPO.
Ito ay makaraang isailalim sa surprise random drug test ang nasa higit 50 police personnel na naka base sa Amas, Kidapawan City kahapon ng umaga.

Pinangunahan ang naturang drug test ng Scene Of the Crime Operatives o SOCO North Cotabato.
Naniniwala naman ang mga opisyal ng CPPO na walang magpopositibo sa mga isinailalim sa drug test.

Kung mayroon man ay agad itong matatanggal sa puwesto ngunit dadaan pa rin sa tamang proseso.Ang isinasagawang drug test sa pulisya ay bilang pagtugon sa hangarin ng kanilang liderato na linisan ang kanilang hanay.

Suporta rin ito sa nagpapatuloy na kampanya ng Administrasyong Duterte kontra iligal na droga sa buong bansa. Patuloy ngayon ang panawagan ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa publiko na suporthan ang proyektong One Million Lapis” ng Department of Social Welfare and Development- Council for the Welfare of Children o CWC.Nakapaloob kasi sa Memorandum na ipinalabas ng Department of Interior and Government o DILG noong September 6, 2016 ang paghihikayat sa lahat ng lokal na pamahalaan sa bansa na ibigay ang kanilang suporta sa proyekto.Ito ay sa pamamagitan ng paghimok sa mga establisiemento sa kanilang mga lugar na maglagay ng kahon na maaring lagyan ng lapis mula sa publiko.

Sa isang documentary report taong 2012, ipinakita na may mga kabataan sa malalayong komunidad sa bansa na kinakailangan pang paghatian ang isang lapis, makapagsulat lamang.Katuwang ng Department of Social Welfare and Development- Council for the Welfare of Children (CWC) ang Department of Education kasama na rin ang SM Malls at National Bookstore.Ipapadala ng Local na Pamahalaan ng Kabacan ang mga nakolektang mga lapis bago pa man ang Final counting.

Ang official declaration ng nalikom na lapis ay gaganapin ngayong darating na Novermber 5, 2016 bilang kick-off activity sa pag gunita ng 2016 National Children’s Month.Ang mga nalikom na lapis ay ituturn-over sa Department of Education sa November 20, 2016.

Abot sa isang libong aso at pusa ang babakunahan sa Kidapawan City sa darating na September 28, 2016 upang tuluyang masawata ang rabis sa lungsod.Ayon kay City Veterinarian Dr. Eugene Gornez, ipinaliwanag niya na ang isa sa pinakamabisang paraan upang masawata ang kaso ng rabis ay ang pagbabakuna sa naturang mga hayop.Ang bakunang ituturok nila sa mga aso at pusa ay libre at may bisa sa loob ng isang taon.

Bahagi rin ito ng World Rabies Day.Ayon kay Gornes, maliban sa anti rabies vaccination, magsasagawa din sila ng ligation at castration sa mga aso.Ikinalaarma kasi ng opisyal ang paglobo ng bilang ng mga askal na pakalat kalat sa lungsod na umaabot na sa higit 15 libo.Samantala, bukod sa pagbabakuna ng mga alagang aso at pusa, magbibigay din ang City Veterinary Office ng mga mahahalagang impormasyon sa mga pet owner tungkol sa pagiging isang responsableng tagapag-alaga ng hayop.

Kaugnay nito, hindi rin sila tumutigil sa kanilang kampanya sa mga barangay sa Kidapawan at nagpapatuloy rin ang panghuhuli ng mga aso na walang may-ari para hindi na magdulot ng peligro sa mga mamamayan.
Naaresto sa isang drug operation ang barangay Kagawad at kasama nito sa Barangay Ladtingan, Pikit, North Cotabato ala 1:30 kahapon ng hapon.Kinilala ng Pikit PNP ang mga nahuli na sina Omar Tado Solaiman, 33-anyos, may asawa at Barangay Kagawad ng Buluan, Kabacan at isang Banjie Aliuden Mangansakan, 31-anyos at residente ng Paidu Pulangi, Pikit, North Cotabato.Nakuha mula kay Solaiman at Mangansakan ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia.

Batay sa report, bukod sa dalawa ay naaresto rin nila ang isang Marken Facto Gravidez, 23-anyos, electrician na taga brgy. Osias, Kabacan.Huli si Marken sa inilatag na Checkpoint operation sa National Highway, partikular sa Poblacion sa bayan ng Pikit, alas 2:45 kahapon ng hapon.

Sa ngayon, nakakulong na sa Pikit PNP lock up cell ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Dugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanila. Inaasahang mas magiging mahusay at epektibo na ngayon ang pag responde ng mga Pulis, BFP, at Militar sa North Cotabato.

Ito matapos sumailalim partikular ang mga PNP chief, BFP heads at Sundalo sa lalawigan sa tatlong araw na pagsasanay kaugnay sa Basic Incident Command Training System Course na isinagawa sa Kidapawan City.Kasama rin sa naturang training ang ilang media personnel mula sa Provincial Government.Ayon kay Provincial Governor’s Office-Disaster Risk Reduction and Management Division Head Mercy Foronda, kailangan kasing magkaroon ng basic knowledge ang mismong mga opisyal kaugnay rito na siyang mangunguna sa anumang operasyon sakali mang may mga di iniaasahang kalamidad sa magaganap sa kanilang mga lugar.Naging resource persons naman sa naturang training sina Office of the Civil Defense 12 Chief Training Officer Roy Dorado Police Senior Ins. Jenahmeel Toñacao ng Cotabato Police Provincial Office Kabacan Fire Marshall Fire Senior Insp Lowyn Amoyar at Ret. FSInsp Phil Jamero.Nais rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na maging institutionalized ang mga Incident Command System sa bawat pagdating o pagtama ng mga kalamidad. Binigyan parangal ni 6th Infantry Kampilan” Division Commanding General. Major Gen. Galvez, ang tropa ng pamahalaan na naka-recover ng maraming armas, bala at mortars sa seremonya na ginanap sa 601st brigade headquarters sa Barangay Kalandangan kahapon.Sa panayam ng Radyo Bida Koronadal kay 601st brigade commander Colonel Cirilito Sobejana, sinabi niya na narecover ang mga high powered improvise explosive devices sa Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao matapos ang maikling bakbakan sa pagitan ng pininiwalaang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters noong nakaraang sabado.Sa naturang sagupaan, apat na BIFF ang nasugatan subalit nakatakas.
Kabilang sa mga tumanggap ng Bronze Cross Medal sina 601st Brigade Commander Col Cirilito Sobejana, 57th IB Batallion Commander Lt. Col. Jose Ambrosio Rustia, 57th IB Commander Captain Narsula Sema, at Private First Class Mario De Emoy ng 57th IB, 601st Brigaide.Ginawaran naman ng Military Merit Medal sina 1st LT. Jano Cyrill Reyes, 2nd LT Guillermo Pablo, at Reynaldo Maglasang at Private First Class Ryant Abela.
Habang ang Merit Medal with Bronze Spearhead Device ay iginawad naman kina 2LT Cenar Malana, Senior Sergeant Renante Bolivar, Corporals Alger Alipuyo at Archie Dema-ala at Private First Adrian Ganancial.Nabatid na ilang oras makaraang ma-recover ng tropa ng 57th IB ang mga baril, bala at mortar, pistolized M-79 grenade launcher at cal. 60 machinegun, sa Barangay Kauran Ampatuan, nakadiskubre din ang tropa ng Army Mechanized Brigade ng tatlong improvised bomb na iniwan sa tabi ng kalsada papasok sa Hill 166, Barangay Meta, Datu Unsay, Maguindanao Abot na sa 57 mga drug personalities ang napatay sa operasyon laban sa iligal na droga ng mga pulis sa region 12.
Ito ay ayon kay Police Regional Office 12 Information Officer Superinendent Romeo Galgo.Sinabi din ni Galgo na mula July 1 hanggang September 15 nitong taon nakaaresto din ang pulisiya ng 886 na drug traffickers. Sa SOCCSKSARGEN Region.
Ayon kay Galgo ang matagumpay na kampanya kontra iligal na droga ay dahil na rin sa tulogn ng mga local na opisyal.Sinabi ng police official na karamihan sa mga drug suspek na naaresto nitong nakalipas na 13 linggo ay dahil sa tulong ng mga barangay officials.Ipinahayag din ni Galgo na nakatuon ngayon ang kampanya ng local na na pamahalaan sa pagpapaliwanag sa publiko sa kahalagahan ng programa kontra iligagl na droga ng Malakanyang.Ang SOCCSKSARGEN Region ay binubuo ng mga lungsod ng Tacurong, General Santos, Koronadal, Kidapawan at Cotabato City at mga lalawigan ng North Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani.
Nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang 263 indibidwal na apektado ng landslide sa Sitio Atbangan, Barangay Tubeng, Tupi, South Cotabato.Ito ang kinumpirma ni Tupi Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC Action Officer Emil Sumagaysay.
Sa panayam ng Radyo Bida, inihayag ni Sumagaysay na matapos maglipas ng gabi sa evacuation center, pinayagan agad na makauwi ang mga bakwit.Ayon kay Sumagaysay, lumabas kasi sa resulta ng assessment ng MDRRMC na ligtas pa rin ang kanilang lugar.
Maliban sa Tupi, ang malakas na buhos ng ulan nitong mga nakalipas na araw ay nagresulta din sa pagguho ng lupa sa Barangay Assumption, Koronadal City.Kinumpirma naman ni Assumption Barangay Chairman Romy Pandat na inalis na ng local na pamahalaan ang lupang humarang sa daan paakyat ng barangay. Nasa pangangalaga na ng mga pulis ang 10 sachet ng suspected at dalawang baril na kanilang nakuha sa farmhouse at bahay ng isang dating sundalo sa Barangay Malaya, Banga, South Cotabato.Ayon kay South Cotabato Police Senior Inspector Jesson Mocnangan ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG region 12,sinalakay ng mga pulis ang bahay at farmhouse ni Rey Donasco sa bisa ng search warrant ng korte.Ang suspek na si Donasco ay nakatakas sa raiding team dala ang carbine rifle kasama ang live in partner nitong si Mila Rabot alyas Bukay Borjel.Ang mag-live in na sina Donasco at Rabot at kanilang grupo ay supplier umano ng iligal na droga sa bayan ng Polomolok, General Santos City at Koronadal City.Ayon kay Mocnangan si Donasco ay dati nang nakulong dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.
Umapela naman si Mocnangan sa mga makakita sa mga tumakas na suspek na makipagugnayan sa pulisiya.
Napapakinabangan na ngayon ng mga pulis at militar ang Global Positioning System o GPS at two-way radio na bigay sa kanila ng pamahalaan panlalawigan ng South Cotabato.Ayon kay Provincial General Services Officer Marlyn Almaden, abot sa 26 na mga two-way radio at walong GPS ang naipamigay ng kanilang tanggapan.Inihayag ni Almaden na ang mahigit P780 thousand pesos na pinambili ng mga ito ay kinuha mula sa pondo ng Provincial Peace and Order Council o PPOC.Nabatid na ang sampung two-way radio at limang GPS ay naibigay sa 27th Infantry Batallion ng Militar.
Tumaggap naman ng limang two-way radio ang 72nd IB.
Ang South Cotabato Police Provincial Office ang nakatanggap ng 5 units ng two-way radio at 3 GPS.Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes, gagammitin ng militar at pulisiya ang mga equipment sa pagpapanatili ng katiwasayan sa South Cotabato.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...