Wednesday Jun, 26 2024 02:01:20 PM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 21, 2016)

 • 16:00 PM Wed Sep 21, 2016
1,582
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

SEPTEMBER 21,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MABAGAL NA INTERNET CONNECTION ng
PLDT, pai-imbestigahan ng Sangguniang Panglungsod ng Cotabato.

2. KIDAPAWAN CITY ELECTION OFFICE,
pabor sa pagpapaliban ng SK at Barangay Elections.

3. TATLONG mga suspected drug pusher, naharang
sa check point ng mga pulis sa Koronadal City

4. DALAWANG kabataan, missing sa Kidapawan City, magulang nag-aalala NAGHAIN ng resolusyon sa Sangguniang
Panglungsod ng Cotabato si city councilor Bruce Matabalao para imbestigahan ang
reklamo ng maraming mga internet subscriber ng PLDT hinggil sa napaka-bagal na
internet connection.

Sinabi ni Matabalao na agad namang
inaprubahan ni acting vice mayor Graham Dumama ang naturang resolusyon at
nakatakdang hingan ng paliwanag ang PLDT kaugnay ng naturang reklamo.

Giit ni Matabalao, karapatan ng mga
libo-libong internet subscriber sa lungsod na malaman ang dahilan kung bakit ‘very
poor’ ang internet services ng PLDT gayung nagbabayad naman ng tama ang
kanilang mga subscriber.

Batay sa reklamo ng mga PLDT DSL
subscriber sa lungsod, matagal na nilang napapansin ang tila ba panloloko na
ginagawa ng PLDT.

Sabi ni Jeff Mendez na liman taon ng
subscriber ng PLDT My Home DSL, nagbabayad siya ng internet connection na may
bilis na 5-MBPS pero nasa 2 hanggang 3 MBPS lang ang kanyang napapakinabangan.

Aniya, nitong mga nakaraang araw ay
hindi na nga umabot ng 1-MBPS ang kanyang internet speed.

Ganito rin ang reklamo ni John Unson,
na isa ring PLDT MyHome DSL subscriber.

Aniya, ramdam niya ang panlilinlang ng
PLDT ngunit para bang walang magawa ang mga subscriber kundi magtiis.

Maging si Gilmhar Lao ng Office of Civil
Defense ARMM, ay nagpaabot din ng reklamo dahil apektado ang kanilang trabaho
dahil sa napakabagal na internet connection.

Kaya ayon kay Matabalao, nararapat na
magpaliwanag ang PLDT hinggil sa problemang ito na matagal nang nirereklamo ng
kanilang mga subscriber.

HULI
sa raid ng mga pulis ang dalawang mga suspected drug pusher sa Midsayap, North
Cotabato kahapon.

Nakilala
ang mga nadakip na sina Ramil Dapilaga alyas Bobong at kapatid na si Rodelo
alyas Puno, taga barangay Anonang, Midsayap.

Sinabi
ni Midsayap PNP chief, police chief insp. Renan Mamon na matagal na nilang
minamanmanan ang magkapatid na una ng sumuko noon at nangakong magbabagong
buhay.

Sa
inilunsad na operasyon ng Midsayap PNP kahapon ng hapon, nakuha mula sa
magkapatid ang labing isang sachets ng pinaniniwalaang Shabu na nagkakahalaga
ng 11 thousand pesos at mga drug paraphernalia.

Nakatakda
namang sampahan ng kaukulang kaso ngayon ang magkapatid.

Inaalam na
rin ng mga otoridad kung saan kumukuha ng supply ng ipinagbabawal na gamot ang
magkapatid na suspek. TINAMBANGAN
ng mga armadong suspek ang grupo ng mga pulis sa Picong, Lanao del Sur.

Nangyari
ang insidente sa barangay Maganding, Picong, Lanao del Sur pasado alas dos ng
hapon kahapon.

Sabi
ni Lanao del Sur PNP director, Police Sr. Supt. Agustin Tillo na pabalik na
sana sa kanilang headquarter ang grupo ni Picong PNP chief, police insp. Rolly
Bagsingit kasama ang ilan pang mga pulis at CAFGU mula sa kanilang inilunsad na
Oplan Tokhang sa lugar nang pagbabarilin ng mga armadong suspek.

Sinasabing
ang grupo ni Akil Darimbang alyas Akil Binong Alilang, na isa sa mga pumuga sa Provincial
Jail, sa Brgy. Tampilong, Marawi City noong August 27, 2016 ang sumalakay sa
mga pulis.

Napatay
sa naturang pananambang si PO1 Rohodin Tahir Mala habang sugatan naman si
Bagsingit, at si PO3 Saidamin Enggang Rashid.

Agad
namang isinugod sa Dr. Serapio Montañer District Hospital sa Malabang, ang mga
sugatan. Sila ay agad ding isinugod sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato
City. NAKIPAGPULONG
ang bagong pinuno ng Army’s 6th Infantry Division sa pinuno ng Bangsamoro
Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front o MILF kagabi.

Ginanap
ang dinner meeting nina Major Gen. Carlito Galvez, Jr. at Al-Mansur Gambar, sa
Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Noon
na lamang nagkaharap ang mga lider militar at rebeldeng grupo mula ng magsimula
ang government-MILF peace negotiations.

Sa
naturang pagpupulong, nangako ang dalawang mga lider na magtutulungan para sa
maayos na implementasyon ng 19-year government-MILF ceasefire sa Central
Mindanao.

Si Galvez
ay hindi na bago sa MILF dahil magsilbi itong pinuno ng government’s
Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities bago pa naitalagang
commander ng Army’s 6th ID.

Sabi
naman ni Gambar, makahulugan ang personal na pagbisita ni Galvez sa kampo ng
MILF dahil nagpapakita ito ng sensiridad sa panig ng pamahalaan. Kung si Atty Myla Luna ang tatanungin, siyang COMELEC officer ng Kidapawan City, may magandang epekto ang pagpapaliban sa Barangay at SK Election ngayong Oktubre 2016.
Ayon kay Luna, tiyansa ito sa mga hindi pa nakapag parehistro para mabigyan sila ng pagkakataon na magpatala sa nabanggit na tanggapan para makaboto.

Pangawala, hindi raw sila magmamadali sa kanilang paghahanda sa eleksyon lalo pa't katatapos lamang ng Presidential Election noong Mayo.
Sa ngayon, inihinto muna ang paghahanda sa sana'y Barangay at SK election ngayong Oktubre at posible itong mangyayari sa October 23, 2017.
Kaugnay naman sa pormal na postponement ng nabanggit na halalan ay hinihintay din ng mga COMELEC office sa buong bansa ang pinal na pagbasa nito.

Hinihintay na lng din nila ang abiso mula sa COMELEC National office kung kelan magreresume ang registration.
Una na ring ibinahagi ng ilang residente ng Kidapawan ang positibo at negatibong hatid ng postponement ng SK at Barangay Election.
Ilan kasi sa kanila ay hindi na sang-ayon sa pamamalakad na sa kanilang mga barangay official kaya nais na nila itong palitan.

Ang iba naman ay ikinatuwa ang desisyon ito dahil maipagpapatuloy pa umano ng mga opisyal ang kanilang mga programa at proyekto sa kanilang barangay.
Ibinunyag ni Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas, na nangangailangan ngayon ng dagdag na mga guro ang lalawigan lalo na para sa Senior High School.

Ito ayon pa kay Obas ay dahil magbubukas na rin ang grade 12 sa susunod na taon.
Ayon kay Obas, 99 na mga senior High school sa buong probinsiya ang binuksan ngayong taon bagay naman na mas marami sa orihinal na plano.

Nabatid na nasa 63 senior High school lang sana ang bubuksan ngayong taon pero ikinonsidera kasi ang mga mag-aaral na nasa malalayong barangay sa lalawigan.
Ngayong nasa apat na buwan pa lamang mula sa pagbubukas ng klase ay inaayos pa rin nila ang deployment ng mga guro sa elementary at Senior High Schools.

Una nang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, na malaki pa rin ang pangangailangan sa bilang ng mga guro sa kabila ng pagkaka-hire sa halos 200,000 guro sa pagitan ng 2010 at 2016.
Sinabi ni Briones na nasa mahigit 15 bilyong piso aniya ang nakalaan para sa pag-hire ng mahigit 53,000 mga bagong guro sa buong bansa.

Dahil dito hinihikayat din ng DepEd ang mga nagtapos ng kursong Math, Science, Engineering o Technical Vocational Courses sa TESDA na mag-apply bilang part-time senior high school teacher.
Muling magbubukas ang Armed Forces of the Philippines ng oportunidad sa mga kabataang nais maging sundalo sa Pilipinas.

Kaugnay nito, hinihikayat ng Philippine Army Recruiment Center Office ang gustong maging sundalo na sumailalim sa AFP Service Aptitude Test.

Base sa ipinadalang mensahe ng Army Reserve Company o ARESCOM na naka base sa Camp Lucero, Carmen North Cotabato ito ay gagawin ngayong darating na October 1, 2016 sa Southeastern Mindanao Institute of Technology o SMIT sa Tacurong City.
Ayon sa ARESCOM sa mga nais kumuha ng naturang test magdala lamang ng NSO berth cerficate, transcipt of record original copy para sa mga college graduate, Diploma Form 137 para naman sa High School gradute.

Kailangan din ang valid ID, isang 2x2 picture, lapis at ballpen at magsuot ng puting t-shirt.

Una nang ibinunyag ng AFP na kulang sila sa mga tauhan kaya isa lamang ang AFPSAT na daan para magrecruit ng mga bagong sundalo na handang maglingkod sa bansa.
Patay na nang matagpuan ang isang preso sa loob ng kulungan sa Cotabato District Jail, Barangay Amas Kidapawan City.
nitong nakaraang araw.

Kinilala ang biktima na si Job Magbanua, 41-anyos,na taga Mlang North Cotabato.Ayon sa report nadiskubre na lamang ng kanyang mga kasamahang inmate sa loob ng selda no. 5 na wala nang buhay ang biktima.

Nabatid na inatake raw sa puso si Magbanua na siyang itinuturong dahilan ng kamatayan nito.

Si Magbanua ay isa lamang din sa 18 preso na nagkaroon ng Tuberculosis sa loob ng kulungan mula Enero hanggang Nitong buwan lamang.Matagal na ring inirerekkamo ng mga bilanggo ang kanilang pagsisikan na posibleng dahilan na rin ng pagkalat ng sakit sa loob.

Sa ngayon iniimbestigahan na ng mga otoridad ang pagkamatay ni Magbanua para masigurong walang foul play na nagyari rito.

Nangangamba ngayon ang isang ina para sa kaligtasan ng kanyang anak matapos dalawang araw nang hindi ito umuuwi sa kanilang bahay Kidapawan city.Ayon sa inang si Grisel Legorio, 41-anyos na residente ng Bautista street, Kidapawan city nitong nakaraang araw pa nawawala ang anak na si Glyzel Legorio, 17-taong gulang.

Salaysay ng ina sa mga pulis, Umalis umano ang anak na walang paalam at hanggang sa ngayon ay hindi pa nila batid kong saan ito pumunta.

Nananawagan ngayon si Grisel sa kong sino man ang nakakaalam sa kinaroroonan ng kanyang anak na makipag uganayn lamang sa Kidapawan city PNP.
Samantala, muli na namang umatake ang mga manggagantso sa Kidapawan city.

ito matapos mabiktima nila ang isang Herminigilda Caingcoy, n55 anyos, isang negosyante na residente rin ng Poblacion Kidapawan city.
Salaysay nito, nasa isang private market ng lungsod si Caingoy nang mabiktima ito ng mga suspek.

Natangay Mula sa kanya ang kanyang bag na naglalaman ng mga mahahalagang dokumento kagaya ng mga ID at ang wallet nitong naglalaman ng pera.

NDBC BIDA BALITA Patay on the spot ang isang lalake matapos pagbabarilin pasado alas nuebe kagabi sa Cotabato city.Kinilala ang biktima sa alyas na Tawiwi Mocalam, nasa 25 hanggang 30 taong gulang, isang laborer at taga Baranggay Vito, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.Nangyari ang pamamaril habang nakatayo lamang ang biktima sa gilid ng isang lumber yard na matatagpoan sa Donya Blanco Street, Barangay Poblacion Mother ng lungsod.Sinasabing nilapitan ang biktima ng isang armadong suspek at binaril ng dalawang beses gamit ang cal. 45 pistol.Tinamaan sa mukha ang biktima dahilan ng kanyang agarang kamatayan.Inaalam pa ngayon ng City PNP kung ano ang posibleng motibo sa nabanggit na pamamaril at ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Tatlong tulak ng shabu, naharang sa check point ng mga pulis sa Koronadal City
Kinilala ni Koronadal Chief of Police, Superintenent Barney Condes ang mga suspek na sina Paquito Muica,38 anyos, nakatira sa Barangay General Paulino Santos Koronadal Larry Dominder, 50 anyos ng Banga South Cotabato at ang taga Davao City na si Sally Mendoza.
Ang mga suspek na sakay ng tricyle mula bayan ng Banga ay naharang sa check point ng mga pulis sa national highway Barangay Paraiso, Koronadal City.
Nabatid na binantayan ng mga pulis ang mga suspek matapos isumbong ng isang concerned citizen ang pagdadala nila ng illegal drugs.
Nakuha sa mga ito ang dalawang maliit at dalawang medium pack ng suspected shabu at drug paraphernalia.
Kasong paglabag sa Comprehenmsive Dangerous Drugs act ang kahaharpin ng mga suspek na nakakulong na ngayon sa Koronadal City PNP lock up cell.
Naniniwala si Koronadal City Mayor Peter Miguel na malaking bentahe sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapaliban sa Barangay Election.
Ibig sabihin kasi nito ayon kay Miguel ay ang tuloy tuloy na pagpapatupad ng kasalukuyang programa ng gobyerno.
Paliwanag ni Miguel, kapag nagkaroon kasi ng eleksyon, tatagal pa ng anim na buwan ang adjustment period ng mga bagong halal na opisyal ng barangay.
Magiging dahilan naman ito ayon kay Miguel sa pagkaantala ng mga proyekto ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Miguel, dahil sa walang eleksyon, hindi rin maaring tanggalin sa kanilang pwesto ang mga kasalukuyang ng mga barangay officials.
Ang panukala para sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Eleksyon sa ikaapat na Lunes ng Oktobre sa susunod na taon ay aprubado na ng kamara.

Abala na ngayon ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC South Cotabato sa kanilang Disaster Awareness Campaign.
Ayon kay PDRRMO Officer Mila Lorca, mariing tinuturuan ngayon ng kanilang tanggapan sa mga nararapat gawin sa panahon ng kalamidad ang mga mamamayan na nakatira sa mga delikadong lugar.
Katuwang ng PDRRMO sa pagsasanay sa mga volunteer ng basic first aid at life saving technique ang Bureau of Fire Protection o BFP.
Ayon kay Lorca sa ngayon ay tapos nang magbigay ng training ang PDRRMO at BFP sa mga residente ng Sitio Acfaon, sa Brgy. Bunao sa Tupi Purok Villa Clara sa Matapol Norala, Purok 2 ng Kinilis sa Polomolok, Sitio Muslimen sa Brgy. Magon sa Tantangan, at Sitio Tafal sa Ned, Lake Sebu.
Gagawin din ang disaster preparedness campaign sa 12 pang mga bahaing lugar sa South Cotabato.
Ayon kay Lorca P250,000 o limang porsyento ng calamity fund ng South Cotabato ang inilaan sa disaster awareness campaign ng PDRRMO.
Naging mabunga ang pakikilahok ng SOCCKSARGEN Region sa katatapos lang na Tourism Expo sa Nanning, China.
Ito ay ayon kay Department of Tourism o DOT XII Regional Director Nelly Nita Dillera.
Ayon kay Dillera naging daan ang aktibidad upang magkasundo ang Guangxi Ministry of Tourism sa China at DOT 12 sa Tourism Promotion, Cultural Exchange at pagtutulungan sa tourism development.
Ilalakip na rin sa Guangxi Museum of Nationalities ang T’boli Cultural Icons na may description at pinagmulan nito.
Ayon kay Dillera dahil sa kasunduan posible ring magkaroon ng palitan ng cultural performances ang Guangxi University at cultural performers ng Region XII.
Matatandaan na ang SOCCKSARGEN Pavilion na nagpapakita ng kultura at tourist destination sa region 12 ay nabili bilang best booth sa 13th China ASEAN Expo.

Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato ang resolution na nagbibigay ng pahintulot kay Governor Daisy Avance Fuentes na lumagda sa Memorandum of Agreement kasama ang Department of Labor and Employment o DOLE XII.
Ayon kay Human Resource Officer Alex Basco layon nito na mabigyan ng tulong pangkabuhayan ang mga preso sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Dentention Center na mas kilala sa tawag ng provincial jail.
Sinabi ni Basco na ang programa ay pinaglaanan ng mahigit P500 thousand.
Mahigit P300 thousand sa pondo ay para sa livelihood project ng mga babeng inmate sa provincial jail habang mahigit P200 thousand naman ay para sa mga parolees at pardonees sa lalawigan.
Gagamitin naman ng Public Employment Service Office o PESO sa monitoring ng proyekto ang mahigit P100 thousand pesos na bahagi ng pondo.
Ipinahayag ni Basco na nakadepende na sa mga benpisyaryo ng programa kung papaano gamitin ang livelihood assistance na bigay sa kanila ng DOLE at Provincial Government.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...