Tuesday May, 14 2024 05:07:03 PM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 14, 2016)

Local News • 17:25 PM Wed Sep 14, 2016
1,607
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

SEPTEMBER 14,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DALAWA katao, arestado sa
nagpapatuloy na operasyon ng Cotabato City PNP kontra iligal na droga.

2. BAGITONG suspected bomber na nahuli
sa Mlang, North Cotabato, may panawagan sa kanyang pamilya sa Maguindanao

3. School Principal patay, mister
sugatan sa pamamaril sa Koronadal City

4. Lalaki sa South Cotabato, sinalakay ng Diamond snake, ahas napatay NAHAHARAP NGAYON sa kasong paglabag sa sa
R.A 9165 o

Comprehensive Dangerous Drugs Act of
2002 ang dalawang mga lalaki na naaresto sa magkahiwalay na lugar sa Cotabato
city.

Nakilala ang unang nadakip na si Paul
Laurente Salik, 29 years old at taga-Tukananes, Barangay Poblacion Siyete ng
lungsod.

Dinakip ng mga barangay official si
Salik matapos makipagsuntukan pasado alas onse ng umaga kahapon.

Ngunit nang kapakapan ito ay nakuha
mula sa suspek ang

anim na sachets ng pinaniniwalaang
shabu.

Samantala, mag aalas dose naman ng
tanghali kahapon nang madakip din ang isa pang drug suspect na si si Mohaimen
Usman Mantol, 31 years old, laborer at taga - Boliao dos, Barangay Poblacion Mother.

Dinampot ng mga pulis si Mantol matapos
makuhanan ng tatlong sachets ng pinaniniwalaang shabu.

Nagsasagawa noong ng Oplan Tokhang ang
mga pulis sa lugar at nang mamataan ito ni Mantol ay bigla siyang tumakbo
kaya’t hinabol siya ng mga otoridad hanggang sa madakip. NANAWAGAN
ngayon ang National Food Authority o NFA North Cotabato sa publiko, lalo na sa
mga mamamayan ng Pigcawayan, North Cotabato, na mag ingat sa mga naglipanang
pekeng NFA rice retailers sa bayan.

Sinabi ni NFA
North Cotabato Manager Agerico Baquirin na dumarami na ang kanilang natatanggap
na reklamo hinggil sa mga rice retail outlet na hindi naman accredited ng NFA.

Una nang
nagsumbong ang ilang bida texters sa programang Madam Public Service ng DXMS
Radyo Bida hinggil dito, partikular sa Brgy. Balugo, Pigcawayan.

Paliwanag
naman ni Baquiran, hindi pwedeng kumuha ng bulto-bultong bigas ang isang rice
miller at negosyante para ibenta sa NFA outlets.

Sa ngayon ay
mahigpit nang mino-monitor ng ahensya ang mga presyo ng bigas sa naturang
bayan, at sa iba pang mga liblib na barangay sa North Cotabato.

Ayon kay
Baquirin, sinisikap rin ng NFA North Cotabato na makakuha sila ng regular na
update mula sa kanilang mga staff at retailer.

IPINAGMALAKI
ng alkalde ng South Upi, Maguindanao ang gumagandang peace and order situation
sa kanilang bayan nitong mga nakaraang buwan.

Sinabi
ni mayor Reynalbert Insular na hanggang ngayon ay wala na silang naitatalang
malalaking insidente ng krimen sa bayan dahil na rin sa mas pinag-igting na
seguridad sa bayan sa tulong ng mga South Upi PNP at Philippine Marines.

Hinggil
naman sa operasyon kontra iligal na droga, sinabi ni Insular na mahigpit silang
tumatalima sa kautusan mula sa provincial government na sikaping magkaroon ng
zero drug-related incidents.

Sa
ngayon, sinabi ni Insular na mayroon na silang mahigit 300 mga sumukong illegal
drug user at pusher.

Aniya,
may isa rin silang naitalang nasawi sa police operation matapos manlaban sa mga
otoridad.

Samantala,
sa week-long celebration ng 48th Founding Anniversary ng bayan, tiniyak
ni Insular ang kaligtasan ng kanilang mga mamamayan na nakikiisa sa iba’t ibang
mga aktibidad na inihanda ng South Upi LGU.

Aniya
pa, highlight sa kanilang selebrasyon ang kauna-unahang motocross competition
and showdown, ang Search for Mutya ng South Upi, ang sports festival at ang
nightly cultural presentation ng iba’t ibang mga ahensya ng lokal na pamahalaan
at maging ng mga barangay. ITINANGGI
ngayon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang mga kumakalat na
balitang umanib na sila sa teroristang Abu Sayyaf Group o BIFF.

Sinabi
ni BIFF spokesperson Abu Misri Mama na kailanman ay hindi sila aanib sa
teroristang grupo na gumagawa ng mga bagay na labag sa turo ng Islam gaya ng
kidnapping, pagnanakaw at pagpugot sa mga inosenteng sibilyan.

Iginiit
ni Mama na nabuo ang kanilang grupo para ipaglaban ang karapatan ng mga Moro sa
pamamagitan ng paraang katanggap-tanggap sa Islam.

Samantala,
pinabulaanan din ni Mama na sangkot ang kanilang grupo sa mga insidente ng
pambobomba sa Davao city at iba pang mga lugar sa Mindanao.

Iginiit
ni Mama, paninira lang ang mga naturang kumakalat na balita.

ABOT
NA NGAYON sa tatlong milyong mga puno ng niyog ang sinisira ng cocolisap sa
Basilan.

Ito ay
batay naman sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture.

Kaya
naman nagtungo sa Basilan si Agriculture Sec. Manny Piñol para personal na
pangasiwaan ang paghahanap ng solusyon hingil sa nasabing uri ng peste sa mga
pananim na niyog.

Kasama
ni Piñol ang ilang mga eksperto para tumulong na pag-aralan ang ilang mga
opsyon para masugpo ang problema.

Ilan
sa mga nakikitang paraan para sugpuin ang nasabing pests ay ang direktang
pag-spray ng isang uri ng chemical sa mga puno ng niyog.

Inirerekomenda
naman ng ilang eksperto ang pag-inject ng gamot sa mga ugat ng puno.

Kapag
hindi nahanapan ng solusyon, sinabi ni Piñol na tiyak na maraming mga nagtatanim
ng niyog ang maapektuhan sa Basilan at maaari itong kumalat sa iba pang mga
karatig na lugar.

Kaya
aniya, gumagawa na rin sila ng mga paraan para hindi na makalipat sa iba pang mga
lugar ang nasabing uri ng insekto.

Sangkot umano sa robbery hold up incident sa isang sanglaan sa Koronadal City noong 2014 ang isang dating pulis na naaresto sa Koronadal City.
Ito ayon kay Koronadal City Chief of Police Superintendent Barney Condes ay ayon sa pinagkakatiwalang source ng PNP na nakapasok umano sa grupo ng suspek.
Ang suspek na si Emmanuel Quibite alays Tuko 59 anyos ay naaresto sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa Barangay General Paulino Santos.
Ayon kay Condes sii Quibete ay maaring kasabwat ng ng limang mga suspek sa panghohold up at pagtangay ng libo libong halaga ng ng mga alahas sa Agencia Brillantes noong September 18,2014.
Matatandaan na dalawa sa mga suspek sa insidente na ikinasawi ng dalawang security guard ng sanglaan ay nakakulong na ngayon sa South Cotabato Provincial Rehabiliation Center.
Isa sa mga kasamahan ng mga ito ay napatay din sa anti iligal drug operation ng mga pulis sa barangay Namnama noong nakaraang taon.
Dinala na ng magsasakang si Gabriel Mulana ang king cobra sa Banga Municipal Police Station.
Ayon ay Maulana ito ay upang magsilbing babala sa mga mamamayan na nalulong sa panghuhuli ng mga gagamba sa masukal na bahagi ng kanilang lugar.
Ang King Cobra na mas kilala sa tawag na diamond snake” ay napatay ni Mulana sa Barangay El Nonok Banga kahapon.
Sa panayam ng Radyo bida Koronadal sinabi ni Mulana na akala niya noong una na tinawag siya ng kanyang anak.
Laking gulat na lamang nito nang sa kanyang paglapit ay nakita nito ang tila nakatayong ahas.
Sinabi ni Mulana na dahil sa gulat at takot, tumakbo siya sa kalapit na sapa ngunit hinabol pa rin siya ng ahas.
Ayon kay Mulana umabot pa ng halos 30 minuto bago nito napatay ang king combra na may labinisang talampakan ang haba.
Inihahanda na ng PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa tatlo katao na naaresto sa drug buy bust operation ng mga pulis sa Koronadal City pasado ala sais kagabi .
Ayon kay Koronadal City Anti Drug Abuse Council o CADAC Chair Glorio Sandig ang mga naaresto ay nasa drug watchlist at matagal ng minamanan ng mga pulis.
Kinilala ni Sandig ang isa sa mga drug suspek na si Ian Ross Dalguntas dating kawani ng City Environment and Natural Resources Office o CENRO Koronadal.
Ayon kay Sandig arestado din ang pinsan ni Ian Ross na si Ruben Dalguntas, dati namang kawani ng Koronadal City Traffic Section.Kasama din sa mga naaresto ang isang kinilala lamang sa pangalang Alyas Ella” na nagpupumiglas pa sa mga pulis.Nakuha sa mga suspek ang apat na maliliit at dalawang malaking sachet ng suspected shabu, gunting, tooter, P500 drug buy bust money at drug paraphernalia.
Ang mga suspek ay naaresto sa Purok Ramos, Barangay Santa Cruz, Koronadal.Ayon naman kay Barangay Santa Cruz Chairman Reuben Tano, bagong salta pa lamang sa kanilang lugar ang tatlong drug suspek.Gayunpaman ayon kay Tano ang bahay kung saan sila naaresto ay pagaari ng isang drug personality na nag-resurface at ngayon ay hindi na nagpapakita sa kanilang barangay. Inaalam pa ng pulisiya kung ano ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa isang magasawa sa Barangay Namnama, Koronadal City kahapon.
Kinilala ni Koronadal City Chief of Police Superintendent Barney Condes, ang nasawing biktima na si Jelyn Sumapal na dead on arrival sa pribadong ospital dahil sa matinding mga tama ng bala baril.
Si Jelyn ayon kay Condes ay Principal ng Sumapal Elementary School sa Palavilla, LUtayan.
Nakaligtas naman sa pamamaril ang mister nitong si Antonio Sumapal at ngayon ay gwardyado ng pulisiya sa isang pribadong ospital sa Koronadal City.
Ayon kay Condes habang sakay ng kanilang owner type jeep pauwi sa barangay Palavilla sa Lutayan, Sultan Kudarat, ang magsawang Sumapal ay pinagbabaril ng riding tandem na suspek pagdating sa barangay Namnama.
Sinabi ni Condes na sakabila ng tama ng mister na si Antonio nagawa pa nitong imaneho ang sasakyan hanggang sa Community Police Assistance Center o COMPAC di kalayuan sa pinagyarihan ng pamamaril upang makahingi ng tulong.
Ayon kay Condes tumulong sa pagdadala sa magasawa sa ospital ang mga pulis na nakatalaga sa lugar.
Ang riding tandem na mga suspek na tumakas patungong Avancena,Koronadal matapos gawin ang krimen ay pinaghahanap pa ng PNP Inaalam pa ng pulisiya kung sino ang suspek na bumaril at pumatay sa isa katao sa Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Odoy Miranda, 40 anyos,negosyante at nakatira sa Polomolok.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng pulisiya na habang kumakain si Miranda, nilapitan siya ng suspek at binaril.
Nakauha ng mga rumespondeng pulis sa crime scene ang basyo ng 45 pistol na posibleng ginamit sa pagbaril kay Miranda.
Ang biktimang si Miranda ay dumaan lamang sa isang kambingan para kumain habang nag-dediliver ng mga prutas at gulay ng barilin ng suspek. Umaasa ngayon ang Matalam LGU at Matalam PNP na magiging maayos ang takbo ng buhay ng mga nagsurface na drug dependents dahil sa pagkakasangkot nila sa iligal na droga.
Ito ang naging laman ng mensahe ni Matalam Mayor Cheryl Catamco kasabay ng mass oath taking ng abot sa 400 mga recovering addicts kahapon na isinagawa sa Matalam gymnasium.Buong araw ang naturang programa kung saan nagkaroon rin ng drug symposium sa hapon para sa dagdag nilang kaalaman tungkol sa epekto ng iligal na droga sa kanilang katawan.Iginiit din ni Catamco na magsisimula na sa susunod na buwan ang drug test sa mga nag-surface at isasailalim rin sila sa monitoring ng PNP.Pangungunahan naman ito ng Matalam PNP at mga barangay officials mula sa 34 na barangay ng bayan.Ang mga drug dependent ngayon sa bayan ng Matalam ang magiging pangalawa na sasailalim sa Programa na pinangungunahan ng pribadong grupo sa Kidapawan City na siya ring katuwang ng City LGU sa Balik Pangarap Program ni City Mayor Joseph Evangelista. Nanawagan ngayon si Johari Jokrie Buisan, 17-anyos, na naaresto kasabay ng operasyon ng mga otoridad sa barangay Dunguan Mlang sa kanyang pamilya sa SK Pendatun, Maguindanao na bisitahin ito sa kulungan.

Ito ang hiling ni Buisan nang ekslusibo itong mapakapanyam ng Radyo Bida sa loob ng kulungan sa Mlang PNP kahapon.Ayon kay Buisan, tanging Lola lamang nito na taga barangay Inas, Mlang ang nakakaalam na nakulong siya kaya nanawagan ito sa kanyang ina na bisitahin ito. Samantala, itinanggi naman lahat ng 17-anyos ang akusasyon sa kanya na kasamahan siya ng mag-amang sina Guiamadel at Anwar Sandigan, siyang target ng PNP at AFP sa nabanggit na operasyon.Salaysay pa ni Johari, nagsasaka lamang siya sa lugar at hindi alam ang aktibidad ng mag-ama.

Bagaman at kilala niya ito, lingid naman sa kanyang kaaalaman ang ginagawang bomba sa kanilang mga bahay.Sinabi pa nito na unang pagkakataon umano siyang nakapunta sa bahay ng mag-amang Sandigan noong kasagsagan ng operasyon.Ikinuwento nito na isang sundalo lamang umano ang nagdala sa kanya sa nasabing lugar, at dahil sa takot napilitan itong sumama.Sa kabilang dako, inamin naman ni Mlang PNP Chief of Police Chief Ins. Ramil Hojilla ang bantang pang-aatake sa kanilang tanggapan dahil naka kustodiya sa kanila si Buisan.Ito ay base naman sa kanilang mga imporamsyong natatanggap.

Pero handa naman umano ang PNP at katunayan aniya, nagpadala na ng team ang 7th IB para sa dagdag na personnel na magbabantay sa Mlang PNP at ilang strategic areas sa bayan. Kaso ng dengue sa bayan ng Antipas, tumaas

KUNG noon, abot lamang sa sampung indibidwal ang nagkaroon ng dengue sa bayan ng Antipas, North Cotabato, sa ngayon, naitala na ito sa bilang na 55.
Ang naging batayan ng datus ay nitong Agosto lamang ngayong taon.

Ikinumpara naman ito sa bilang sa kapareho ring buwan, noong nakaraang taon.

Sa naturang mga kaso, isa rito ang naitalang patay.Pero nilinaw ni Mark Portillo, sanitary inspector ng bayan, na nakuha raw ng nasawing biktima ang sakit na dengue sa Kidapawan City dahil sa lungsod ito nagtatrabaho.Dahil dito nagsagawa ng orientation seminar kaugnay sa Dengue Control Program ang Integrated Provincial Health Office o IPHO sa brgy.magsaysay ng Antipas.

Layunin ng programa na mapalakas pa ang Aksyon Barangay Kontra Dengue o ABKD na isinusulong naman ng Department of Health.

Nilahukan naman ito ng mga barangay Officials ng bayan, religous sector, women sector, senior citizens, health workers at iba pa.

Hinimok ngayon ni Police Senior Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang bawat punong barangay sa bayan ng Kabacan na buhaying muli ang kanilang ‘force multipliers’.
Ayon kay Cordero malaking tulong ito upang mahikaya’t din ang publiko na maging alerto at vigilante sa banta ng pambobomba sa bayan.Ang naturang pahayag ng opisyal ay kanyang ginawa kasabay ng municipal peace and order council meeting o MPOC nitong nakaraang linggo.

Sa nasabing MPOC, inilahad rin ni Cordero ang status ng peace and order ng Kabacan.Bagama’t mapayapa sa pangkalahatan, may malaking banta pa rin ng pambobomba sa bayan.

Dahil dito, i-implementa rin ng opisyal ang mga security plan, partikular na ang Anti-Criminality Plan ng Kabacan, pagpapalakas ng mga check at choke points at ang deployment ng force multipliers.Una na ring inilibas ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang pagtaas nito sa reward money na 200,000 pesos sa kung sino man ang makapagtuturo sa kinaroroonan ng puganteng si Esmael Nasser alyas Kumander Derbi.Si Kumander Derbi ay ikinokonsidirang high risk profile kung saan kasong pambobomba, pamamaril at pagpapatay ang kinakaharap nitong kaso.Nagbanta na rin ito ng planong pagpatay kay Mayor Guzman, base sa report.

Dahil dito nanatiling alerto ang buong hanay ng pulisya sa anumang banta sa seguridad ng mamamayan sa bayan ng Kabacan.
Sinimulan na ng Kidapawan City Government ang random drug test sa mga high school student sa Kidapawan City.

Ito ay bahagi naman sa mas pinalakas na kampanya ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan kontra iligal na droga.Kahapon ng umaga, sinurpresa ni City Mayor Joseph Evangelista ang Kidapawan City National High School o KCNHS isa sa pinakamalaking secondary school sa lungsod sa pamamagitan ng pagpadala ng mga personahe mula sa Scene of the Crime Operatives o SOCO - North Cotabato para isagawa ang naturang drug test.Abot naman sa isang daang estudyante ang naisailalim rito, na napili sa pamamagitan ng draw lots.

Aasahan naman sa susunod na linggo ang resulta ng drug test.

Tiniyak din ni Mayor Evangelista na hindi isasapubliko ang resulta ng naturang hakbang ng mga otoridad.

Nilinaw din ng alkalde na tutulong ang City LGU lalo na kung may mag positibo sa iligal na droga na mga estudyante.Isusunod rin ng opisyal ang iba pang mga Eskwelahan sa lungsod anumang araw mula ngayon.

Una rito, nitong nakaraang Hulyo abot sa 60 mga PNP personnel ang isinailalim sa drug test kung saan lahat sa kanila ay nag negatibo sa shabu.Sa kapareho ding buwan sinimulan ang BALIK PANGARAP Program ng LGU para sa halos isang libong nag-surface ng mga drug dependents.Matatandaan noong 2015 abot sa anim na mga high school student ang nagpositibo sa droga habang tatlo naman mula sa City LGU employees. Umaasa ngayon ang Matalam LGU at Matalam PNP na magiging maayos ang takbo ng buhay ng mga nagsurface na drug dependents dahil sa pagkakasangkot nila sa iligal na droga.
Ito ang naging laman ng mensahe ni Matalam Mayor Cheryl Catamco kasabay ng mass oath taking ng abot sa 400 mga recovering addicts kahapon na isinagawa sa Matalam gymnasium.
Buong araw ang naturang programa kung saan nagkaroon rin ng drug symposium sa hapon para sa dagdag nilang kaalaman tungkol sa epekto ng iligal na droga sa kanilang katawan.
Iginiit din ni Catamco na magsisimula na sa susunod na buwan ang drug test sa mga nag-surface at isasailalim rin sila sa monitoring ng PNP.Pangungunahan naman ito ng Matalam PNP at mga barangay officials mula sa 34 na barangay ng bayan.Ang mga drug dependent ngayon sa bayan ng Matalam ang magiging pangalawa na sasailalim sa Programa na pinangungunahan ng pribadong grupo sa Kidapawan City na siya ring katuwang ng City LGU sa Balik Pangarap Program ni City Mayor Joseph Evangelista.
Nanawagan ngayon si Johari Jokrie Buisan, 17-anyos, na naaresto kasabay ng operasyon ng mga otoridad sa barangay Dunguan Mlang sa kanyang pamilya sa SK Pendatun, Maguindanao na bisitahin ito sa kulungan.

Ito ang hiling ni Buisan nang ekslusibo itong mapakapanyam ng Radyo Bida sa loob ng kulungan sa Mlang PNP kahapon.Ayon kay Buisan, tanging Lola lamang nito na taga barangay Inas, Mlang ang nakakaalam na nakulong siya kaya nanawagan ito sa kanyang ina na bisitahin ito. Samantala, itinanggi naman lahat ng 17-anyos ang akusasyon sa kanya na kasamahan siya ng mag-amang sina Guiamadel at Anwar Sandigan, siyang target ng PNP at AFP sa nabanggit na operasyon.Salaysay pa ni Johari, nagsasaka lamang siya sa lugar at hindi alam ang aktibidad ng mag-ama.

Bagaman at kilala niya ito, lingid naman sa kanyang kaaalaman ang ginagawang bomba sa kanilang mga bahay.Sinabi pa nito na unang pagkakataon umano siyang nakapunta sa bahay ng mag-amang Sandigan noong kasagsagan ng operasyon.Ikinuwento nito na isang sundalo lamang umano ang nagdala sa kanya sa nasabing lugar, at dahil sa takot napilitan itong sumama.Sa kabilang dako, inamin naman ni Mlang PNP Chief of Police Chief Ins. Ramil Hojilla ang bantang pang-aatake sa kanilang tanggapan dahil naka kustodiya sa kanila si Buisan.Ito ay base naman sa kanilang mga imporamsyong natatanggap.

Pero handa naman umano ang PNP at katunayan aniya, nagpadala na ng team ang 7th IB para sa dagdag na personnel na magbabantay sa Mlang PNP at ilang strategic areas sa bayan. KUNG noon, abot lamang sa sampung indibidwal ang nagkaroon ng dengue sa bayan ng Antipas, North Cotabato, sa ngayon, naitala na ito sa bilang na 55.

Ang naging batayan ng datus ay nitong Agosto lamang ngayong taon.Ikinumpara naman ito sa bilang sa kapareho ring buwan, noong nakaraang taon.

Sa naturang mga kaso, isa rito ang naitalang patay.Pero nilinaw ni Mark Portillo, sanitary inspector ng bayan, na nakuha raw ng nasawing biktima ang sakit na dengue sa Kidapawan City dahil sa lungsod ito nagtatrabaho.Dahil dito nagsagawa ng orientation seminar kaugnay sa Dengue Control Program ang Integrated Provincial Health Office o IPHO sa brgy.magsaysay ng Antipas.

Layunin ng programa na mapalakas pa ang Aksyon Barangay Kontra Dengue o ABKD na isinusulong naman ng Department of Health.Nilahukan naman ito ng mga barangay Officials ng bayan, religous sector, women sector, senior citizens, health workers at iba pa. Hinimok ngayon ni Police Senior Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang bawat punong barangay sa bayan ng Kabacan na buhaying muli ang kanilang ‘force multipliers’.
Ayon kay Cordero malaking tulong ito upang mahikaya’t din ang publiko na maging alerto at vigilante sa banta ng pambobomba sa bayan.Ang naturang pahayag ng opisyal ay kanyang ginawa kasabay ng municipal peace and order council meeting o MPOC nitong nakaraang linggo.

Sa nasabing MPOC, inilahad rin ni Cordero ang status ng peace and order ng Kabacan.Bagama’t mapayapa sa pangkalahatan, may malaking banta pa rin ng pambobomba sa bayan. Dahil dito, i-implementa rin ng opisyal ang mga security plan, partikular na ang Anti-Criminality Plan ng Kabacan, pagpapalakas ng mga check at choke points at ang deployment ng force multipliers.Una na ring inilibas ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang pagtaas nito sa reward money na 200,000 pesos sa kung sino man ang makapagtuturo sa kinaroroonan ng puganteng si Esmael Nasser alyas Kumander Derbi.Si Kumander Derbi ay ikinokonsidirang high risk profile kung saan kasong pambobomba, pamamaril at pagpapatay ang kinakaharap nitong kaso.Nagbanta na rin ito ng planong pagpatay kay Mayor Guzman, base sa report.

Dahil dito nanatiling alerto ang buong hanay ng pulisya sa anumang banta sa seguridad ng mamamayan sa bayan ng Kabacan.
Sinimulan na ng Kidapawan City Government ang random drug test sa mga high school student sa Kidapawan City.Ito ay bahagi naman sa mas pinalakas na kampanya ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan kontra iligal na droga.Kahapon ng umaga, sinurpresa ni City Mayor Joseph Evangelista ang Kidapawan City National High School o KCNHS isa sa pinakamalaking secondary school sa lungsod sa pamamagitan ng pagpadala ng mga personahe mula sa Scene of the Crime Operatives o SOCO - North Cotabato para isagawa ang naturang drug test.Abot naman sa isang daang estudyante ang naisailalim rito, na napili sa pamamagitan ng draw lots.

Aasahan naman sa susunod na linggo ang resulta ng drug test.

Tiniyak din ni Mayor Evangelista na hindi isasapubliko ang resulta ng naturang hakbang ng mga otoridad.

Nilinaw din ng alkalde na tutulong ang City LGU lalo na kung may mag positibo sa iligal na droga na mga estudyante.Isusunod rin ng opisyal ang iba pang mga Eskwelahan sa lungsod anumang araw mula ngayon.Una rito, nitong nakaraang Hulyo abot sa 60 mga PNP personnel ang isinailalim sa drug test kung saan lahat sa kanila ay nag negatibo sa shabu.Sa kapareho ding buwan sinimulan ang BALIK PANGARAP Program ng LGU para sa halos isang libong nag-surface ng mga drug dependents.Matatandaan noong 2015 abot sa anim na mga high school student ang nagpositibo sa droga habang tatlo naman mula sa City LGU employees.

BARMM youth nanawagan ng BTA extension

COTABATO CITY - Nagtipon ngayong umaga sa Gutierrez Avenue papasok ng Bangsamoro Government Center ang grupo ng mga kabataan para ipanawagan ang BTA...

Son stabbed dead, daughter wounded by father in MagNorte rampage

COTABATO CITY - A man stabbed his 11-year-old son dead and seriously wounded her adolescent daughter in a rampage at about midnight Sunday in...

Shiek Guiamaden named Bangsamoro 'Wali'

COTABATO CITY — The Bangsamoro Parliament convened in a special session on Monday, May 13, to officially appoint Sheikh Muslim Guiamaden as the new...

Wanted MILF commander, nakatakas sa CIDG operation sa MagNorte, bata ginamit na human shield

COTABATO CITY - Nakatakas sa warrant implementation ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM si Musa Alamada o kilala bilang...

Cotelco announces power interruption for May 14 in Kabacan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...