Wednesday Jun, 26 2024 12:34:08 PM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 13, 2016)

 • 16:25 PM Tue Sep 13, 2016
1,548
By: 
NDBC

NEWSCAST

SEPTEMBER 13,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PORTER, panibagong biktima ng
pamamaril sa Cotabato city.

2. DALAWANG mga bangkay na natagpuan
malapit sa tubuhan sa isang barangay sa Mlang, North Cotabato, nakilala na

3. MGA GRANADA at armas, nakumpiska ng
mga pulis sa bahay na kanilang ni-raid sa Koronadal City

4. Magsasaka sa Midsayap, North Cotabato bagsak kulungan matapos tagain ang kapitbahay. PATAY ang isang porter sa Cotabato City
Mega Market sa panibago na namang insidente ng pamamaril sa lungsod.

Dead on the spot ang biktimang si Gardo
Dimalilay, 40 years old, at taga- Boliao Uno, Barangay Poblacion Mother ng
lungsod matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek pasado alas nuebe
kagabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng City PNP,
naglalakad lang ang biktima sa naturang lugar nang lapitan ng nag-iisang suspek
at pagbabarilin.

Ayon sa mga nakasaksi, matapos gawin ang
krimen ay kalmado lamang na naglakad ang suspek papalayo sa lugar.

Nakuha naman sa crime scene ang anim na
mga basyo ng bala mula sa cal. 45 pistol na posibleng ginamit sa pamamaril.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga
pulis ang pagkakakilanlan ng suspek at kung ano ang motibo nito sa pamamaril at
pagpatay sa biktima.

KULUNGAN
ang bagsak ng isang magsasaka matapos na tagain hanggang sa mapatay nito ang
kanyang kapit-bahay

Sa
barangay Palongoguen, Midsayap, North Cotabato.

Nangyari
ang insidente pasado alas singko ng hapon kamakalawa kung saan sinugod ng
suspek na si Kanoto Cabilinan, 59 years old, ang biktimang si Kimberly Clark
Fuentes, 26.

Sa
inisyal na pagsisiyasat ng Midsayap PNP, natunugan daw ni Cabilinan ang balak
na pagsugod ni Fuentes para patayin siya kaya inunahan niya na ito.

Agad
namang sumuko ang suspek sa mga pulis matapos gawin ang krimen at inamin ang
kanyang kasalanan.

Aniya,
handa siyang pagbayaran ang nagawang krimen pero iginiit din na prinotektahan
lamang niya ang kanyang sarili laban sa banta na una umanong ginawa ng biktima.

KINUMPIRMA
ng Armed Forces of the Philippines o AFP na may intelligence sharing sila ng Malaysia
matapos na pasukin ng mga armado ang karagatan ng Sabah at dukutin ang tatlong mga
mangingisda roon.

Sakay
ng dalawang speedboats ang mga armado nang harangin ang isang trawler nitong
Sabado ng gabi at dukutin ang kapitan at dalawang mga crew nito hindi kalayuan
sa isla ng Pompom sa bayan ng Semporna.

Hindi
naman ginalaw ng mga armado ang apat na ibang crew sa hindi pa malamang dahilan.

Ayon
sa Western Mindanao Command, ang mga armado ay tumakas patungong Alice reef at
Bulubulu Island sa Tawi-Tawi na bahagi ng Autonomous Region in Muslim Mindanao
o ARMM.

Hanggang
ngayon ay wala pang umako sa insidente na nangyari sa kabila ng mahigpit na seguridad
na ipinatutupad ng Malaysia sa Sabah at sa kasalukuyang opensiba ng Western
Mindanao Command laban sa Abu Sayyaf sa Sulu at Basilan na bahagi rin ng ARMM.

Samantala,
sa iba pang balita, patuloy ang opensiba ng militar laban sa Abu Sayyaf sa Sulu
kahit pa noong nagdiwang ang mga Muslim ng Eid’l Adha.

Sinabi
ni Joint Task Force Sulu commander Brig. Gen. Arnel dela Vega na bagaman at
iginagalang nila ang mahalagang okasyon kahapon ng mga Muslim, ay hindi nila
maaaring itigil ang ginagawang pagtugis sa mga miembro ng Abu Sayyaf.

Ginawa
ni dela Vega ang pahayag sa blessing ng ng bagong gawang ospital sa Camp
Bautista, sa Sulu.

Ayon
kay dela Vega, malaki ang maitutulong ng bagong ospital sa pagligtas ng buhay
ng mga sundalong nasusugatan sa labanan at paghahatid ng serbisyo medikal sa
kanilang mga pamilya habang sila ay naka-istasyon sa Sulu.

Batay
sa pinakahuling datos ng militar, 27 mga sundalo na ang nasugatan at 15 naman ang
napapatay sa patuloy na pagtugis ng militar sa Abu Sayyaf sa Sulu habang isang
sundalo naman ang sugatan at tatlo ang napatay sa Basilan.

Sa
panig ng Abu Sayyaf, 32 na ang napatay sa Sulu at 27 naman sa Basilan.

Kasabay
nito ay nanawagan naman si dela Vega sa mga residente ng Sulu at Basilan na
makipagtulungan sa pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng lahat. NATUKOY
NA NGAYON ng PNP ang utak sa madugong pambobomba sa ‘night market’ sa Davao
City noong September 2 na kumitil sa buhay ng 14 katao habang mahigit sa 70 katao
naman ang naitalang sugatan.

Ito
ang kinumpirma ni PNP Chief Director-General Ronald dela Rosa pero tumanggi naman
ang opisyal na pangalanan ang naturang mastermind habang nagpapatuloy pa ang
masusing imbestigasyon sa kaso.

Nang
matanong kung ang inarestong si Talitay, Maguindanao Vice Mayor Aldul Wahab
Sabal ang utak sa pambobomba, sinabi ni dela Rosa na inaresto ang opisyal sa
kasong may kinalaman sa illegal drugs at illegal possession of firearms.

Umugong
kasi ang balitang inaresto si Sabal dahil sinasabing sangkot umano ito sa Davao
bombing kung saan siya ang nagpondo para maisagawa ang naturang pambobomba.

Ayon
kay dela Rosa, sa ngayon ay masasabing pawang mga espekulasyon lamang ang mga
naturang balita dahil wala pa naman silang mga ebidensyang hawak para patunayan
ang naturang mga alegasyon. NATAGPUANG nakalambitin
at wala ng buhay ang isang lalaki sa Cotabato city.

Pasado alas
singko ng hapon kahapon ng madatnan ng kanyang kapatid na wala ng buhay si
Armando Acala Sia, 54 years old at taga Doña Teresa Street, Barangay Poblacion
Tres ng lungsod.

Isang lubid
na nylon ang ginamit ni Sia sa pagbigti sa second floor ng kanilang bahay kung
saan siya natagpuan ng kanyang kapatid.

Ayon sa
kapatid ni Sia, pag-alis niya ng kanilang bahay kahapon ng umaga ay napansin
niyang balisa ang kanyang kapatid.

Napag-alaman
na una na palang na-confine ang biktima sa Davao Mental Hospital noong 2009
dahil sa problema sa pag-iisip. Itinuturing ngayong bayani ng mahigit 30 pasahero ng Bus na iniligtas nito sa lalawigan ng Laguna, mula sa posibleng pagsabog ng Granada ang isang taga-Koronadal City.
Saludo at Pasasalamat kay Sir Dennis Domingo I, sa pagkakaligtas niya sa aming buhay,” ang mga katagang ito ay nakalagay sa tarpuline na ipinakalat sa iba’t ibang lugar sa bayan ng Cabuyao at naging viral sa internet
Ito ayon kay Domingo ay hindi nito inaasahan.
Ayon kay Domingo, sinabihan nito ang mga pasahero na huwag magpanic at bumababa nang makita ang isang granada sa loob ng bus noong August 30.
Gayunpaman ayon kay Domingo, nang mapansin nitong malapit nang matanggal ang pin ng granada, lakas loob niya itong hinawakan.
Sinabi ni Domingo na para hindi gumalaw o mahulog ang Granada mula sa pagkakahawak nito, ini-masking tape niya ito sa kanyang kamay na nangangatog na sa magkahalong pagod at nyerbiyos.
Sa panayam ng Radyo Bida Koronadal kay Domingo, sinabi nito, na makalipas ang may isang oras, dumating na ang Explosive Ordnance Division o EOD team ng PNP para kunin ang Granada.
Ayon kay Domingo, ayaw sana niyang malaman ang ginawa niyang pagsalba sa buhay ng mga pasahero ng Bus.
Kaya lamang nagsimulang kumalat ang mga tarpuline ng pasasalamat ng mga pasahero ng bus sa kanya matapos ang pagsabog sa Davao City.
Binigyan diin ni Domingo na pinakamabisang paraan pa rin upang maiwasan ang karahasan ang pagiging mapagmatyag ng bawat mamamayan.
Si Domingo na mula sa Koronadal City ay naninirahan na ngayon sa Cabuyao, Laguna.
Beniperipika pa ng pulisiya kung tototong ngang menor de edad ang suspek na nahuling nagtangkang magpuslit ng iligal na droga sa Koronadal City PNP lock up Cell.
Nakuha pasado alas dose ng tanghali kahapon sa suspek na umanoy menor de edad ang isang sachet ng suspected shabu, at disposable lighter.
Ito ay ayon kay Koronadal City Anti Drug Abuse Council o CADAC Permanent Representative Dr. Glorio Sandig.
Ayon kay Sandig ang mga kontrabando ay nakasilid sa isang isang pakete ng sigarilyo.
Ito ayon kay Sandig ay ibibigay sana ng suspek sa isang preso sa lock up cell.
Binigyan diin naman ng suspek na ipinadala lamang sa kanya ang sigarilyo at hindi nito batid na ito ay naglalaman pala ng iligal na droga at drug parapernalia.
Dahil sa sunod sunod na pagkakabuko ng tangkang pagpuslit ng iligal na droga, hinigpitan pang lalo ng mga otoridad ang paginspeksyon sa mga bumibisita sa mga kulungan sa Koronadal City.
Matatandaan na maliban sa shabu na hinalo sa adobo para sa isang inmate, nabisto rin ng mga kasapi ng Bureau of Jail Management and Penology ang tangkang pagpasok sa sa city districk jail noong nakaraang buwan ng shabu na isiniksik sa pakete ng noodles.
Binalaan ni Sandig ang mga may balak pang magpuslit ng iligal na droga sa mga kulungan ng Koronadal na huwag nang ituloy ang masamang balakin. Nagpapatuloy pa rin ang Gulayan sa Barangay at Gulayan sa Opisina project ng National Nutrition Council o NNC.
Ayon kay NNC 12 Regional Coordinator Arceli Latonio, layon ng patimpalak na masawata ang problema ng malnutrisyon.
Layon nito dito na matiyak ang pagkakaroon ng sapat na supply ng pagkain at maikintal sa kaisipan ng mga mamamayan ang kahalagahan ng pagtatanim ng gulay sa mga likod bahay at community garden.
Ang Search for Gulayan sa Opisina ay bukas sa lahat na mga regional line agencies habang ang mga Barangay Nutrition Committee o organisadong Community groups ay maari namang makilahok sa Search for Gulayan sa Barangay”. Patuloy ding tumatanggap ng entry ang NNC XII para sa kanilang Search for Best Breastfeeding Station”.
Ito ay bukas naman sa lahat na mga health and non-health facilities, establishments o institutions, private at public sector.
Ang isang lugar o lalawigan ay maari lamang magsumite ng isang entry sa bawat kategorya.
Ang patimpalak sa regional level ay magtatagal naman hanggang sa huling ng Setyembre.Ang Regional Awarding Ceremony ay gaganapin naman sa Oktobre a biente syete.
Umaasa si South Cotabato Board Member Agustin Demaala na dadami pa ang mga resurfacing drug personalities sa lalawigan.
Ito ay matapos maglaan ng mahigit P1.5 million na pondo ang pamahalaang panlalawigan para sa mga drug suspek na nais magbagong buhay.
Ayon kay Dema-ala ang pondo ay nakapaloob sa supplemental budget number 4 ng provincial government na inaprubahan ng SP.
Gagamitin ito sa Anti-Drug Initiatives for Surfacing Drug Personalities Involved in Drugs o SPID program.Saklaw nito ang pagbili ng mga starter kits na gagamitin sa linggohan at buwanang drug testing sa mga lumitaw na drug pusher at user sa South Cotabato.
Ayo kay Demaala, sa ngayon ay abot na sa mahigit 7,000 ang mga lumitaw na drug personalities sa South Cotabato.

Nakumpiska ng tatlong granada, at iba’t ibang uri ng matataas na baril sa bahay na ni raid ng mga ito ang mga pulis sa Koronadal City.Kinilala ni Koronadal City Chief of Police, Superintendent Barney Condes ang may ari ng bahay na si Suharto Ebus ng Guyabano Street, Purok Bagong Sikat, Barangay General Paulino Santos.
Sinalakay ng mga pulis ang bahay ni Ebus sa bisa ng search warrant ng korte.Wala namang nakuhang iligal na droga ang raiding team sa bahay nito.
Kinumpirma din ng police official na si Ebus ay maituturing na high profile personality sa drug watchlisht ng PNP.Ito ang dahilan ayon kay Condes kung bakit ang pagsalakay sa bahay nito ay pinangunahan ng Regional Special Investigation and Detection Team o RSIDT ng PNP 12 sa General Santos City.Ayon kay Condes aalamin pa ng mga pulis kung may lisensya ang mga armas na nakuha sa bahay ni Ebus.
Nabatid na ang pamilya ay Ebus ay dating nakatira sa Datu Piang Maguindanao at may limang taon nang naninirahan sa Koronadal City.Tanging nadatnan lamang ng mga pulsi sa bahay ng Ebus ang kanilang caretaker.
Inihayag naman ng kanilang caretaker na maliban sa pagiging contractor nito si Ebus ay nagmamay ari din ng rice store. Tukoy na ng mga otoridad ang dalawang bangkay na natapuan malapit sa tubuhan sa barangay Estado, Mlang nitong nakaraang araw.Kinilala ni Chief Ins. Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang mga biktima na sina Geraldo Falsis Ballo, 35-anyos na taga Purok Kabisig, Poblacion, Magpet, at isang Reymar Pacete, 32-anyos na taga brgy. Inac Magpet.Nabatid na natagpuan ang dalawa nitong linggo ng gabi na agad namang inireport ni Brgy. Estado Chairman Ernesto Doong sa mga otoridad.Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na pasado alas dyes ng gabing iyon, isang tricycle umano at tatlo pang motorsiklo ang namataan na huminto sa nabanggit na lugar.

Matapos ang 30 minuto ay doon na nangyari ang krimen kung saan iniwan lamang ang mga biktimang wala nang buhay.Saksak sa leeg ang tinamo ni Pacete habang saksak naman sa dibdib ang tinamo ni Ballo kung saan tinalian pa ang mga kamay nito.

Una rito inireport sa Magpet PNP na missing ang dalawa noon pang September 10.

Patuloy pa ngayong inaalam ng mga otoridad ang motibo sa pagpatay sa mga mga bitkima maging ang pagkakakilanlan sa mga suspek. Itinaas ngayon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa P200,000 ang reward money sa sinumang makapagturo sa kinaroroonan ng puganteng si Esmael Nasser alyas Kumander Derbi.Sinabi ni Guzman na ang unang ipinalabas na isang daang libong piso ay mula sa Kabacan LGU habang ang dagdag na isang daang libong piso naman ay donasyon mula sa business sector sa bayan.Ang naturang hakbang ay ginawa ng alkalde, upang mahikayat ang publiko na makibahagi sa pagtugis kay Kumander Derbi at magbigay ng impormasiyon sa pulisya sa agarang pagkakahuli nito.Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagpapakalat ng mga larawan ng Kabacan PNP katuwang ang LGU kontra sa dalawang mga pugante na sina Ting Puti Mustapa at Esmael Derbi Nasser upang madaling mamukhaan ng publiko at agad na maireport sa kinauukulan.Samantala doble ingat at nakaalerto din ngayon ang buong Kabacan matapos matanggap ang ‘assassination plot’ laban kay Mayor Guzman.Hiling lamang ng alkalde sa publiko na maging vigilante at mapagmatyag sa lahat ng panahon dahil sa banta na rin ng pambobomba sa bayan ng Kabacan. Tuluyan nang inihatid sa kanyang huling hantungan nitong linggo si PO1 Romeo Solana, ang pulis na pinatay ng mga rebeldeng New People’s Army sa barangay Linangkob sa Kidaapwan City, tatlong buwan na ang nakararaan.Nitong ng umaga, binigyan ng desenteng libing ng kanyang mga pamilya sa Barangay Malasila, Makilala ang nasabing pulis.Una nang ibinunyag ni Marjorie Solana, asawa ni PO1 Romeo Solana na handa silang kasuhan ang mga responsable sa pagpatay sa kanyang mister.

Ayon kay Marjorie, brutal ang pagpatay sa kanyang asawa.Malaki naman ang paniniwala ni Senior Supt. Emmanuel Peralta ang Provincial director ng Cotabato Police Provincial Office na hindi nagpalabas ng statement ang New People’s Army o NPA o anumang kalagayan ng prisoners of war nila sa sinapit ng naturang pulis.

Ito dahil sa malaking ‘foul’ at paglabag sa International Humanitarian Law o IHL ang ginawa ng mga rebeldeng grupo sa pagpatay kay Solana.Kaya, posibleng mananagot ang Guerilla Front 53 ng NPA sa ginawa nilang pagpatay kay Solana, dahilan para magsasampa ng kaso ang pamilya nito.Samantala, una nang ibinunyag ng asawa ni Solana na si Marjoerie na alam niyang ipinadala sa isang misyon ang asawa dahil nagtext pa ito sa kanya gabi bago siya nawala.Sa isinagawang press conference ng PNP at AFP kamakailan, inamin ni Peralta na ipinadala sa isang misyon si Solana para alamin ang presensya ng rebeldeng grupo sa lugar.
Sinabi din niyang agad nagsumbong si SPO1 Maguarte, ang kasama ni PO1 Solana nang pasukin ang nabanggit na area sa kanilang immediate superior na si Police Supt. Jerson Birrey kaugnay sa pangyayari.Ayon kay Peralta, pinaiimbestigahan na rin niya ngayon si Supt.Birrey kung bakit ito nagpababa ng command sa mga pulis gayung kasama naman ito sa na-restrict na PNP personnel sa nangyaring Dispersal noong April 1 sa Kidapawan City. Tumaas ng halos sampung porsyento ang sakit na Pulmonary Tuberculosis o PTB sa mga bilanggo sa North Cotabato District Jail ngayong 2016.Batay sa datus, abot sa 18 preso ang nagkaroon ng nabanggit na sakit ngayong buwan lamang kung saan mas mataas naman ito kung ikukumpara noong nakaraang taon sa kaparehas na buwan na may 12 lamang na kaso.Sinabi ni Jail Officer 1 Ricaleen Porneo, Jail Nurse ng Nursing Services Department ng BJMP, mas hinigpitan pa nila ngayon ang kanilang monitoring sa mga preso lalo na ang proseso sa pagbibigay ng gamot sa kanila.

Ito matapos rin na umabot na sa category 2 ng PTB ang isa sa mga bilanggo na isinugod sa pagamutan nitong sabado.

Maliban rito agad din nilang pinasususuri ang mga preso sakali mang makitaan agad ng mga sintomas ng TB.
Libre naman ang naturang pagpapagamot base na rin sa sinusunod na protocol ng BJMP sa National Government.

Dahil sa nakaaalarmang kaso ng Tubeeculosis sa loob ng kulungan, mahigpit ngayong ipinapatupad sa loob ang Tutok Gamutan .Nabatid rin sa datus ng BJMP na kadalasang inaatake ng naturang sakit ay mga presong nasa edad 20 hanggang 30-anyos.

Sa ngayon nasa higit isang libong preso ang nagsisiksikan sa naturang pasilidad kung saan mas maliit naman sa kapasidad na 300-hanggang 700 daang preso lamang. Hindi rin pinalampas nang mga magnanakaw ang isang konsehal sa Kidapawan City matapos looban ang bahay nito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Councilor Ruby Padilla Sison na taga Urban Settlers, barangay Singao ng lungsod.Ayon sa report, pinasok ng mga kawatan ang bahay ng opisyal alas dos ng madaling araw at ni isa ay walang nakapansin rito.Abot naman sa halos dalawampung libong pisong halaga ng mga gamit at cash ang natangay ng mga di pa kilalang suspek.Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng

Isa lamang si Councilor Sison na nabiktima ng pangloloob sa Kidapawan City at wala pang suspek na nahuhuli at nakukulong ang mga otoridad.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...