Wednesday Jun, 26 2024 01:46:20 PM

NDBC BIDA BALITA (Oct 7, 2016)

 • 15:45 PM Fri Oct 7, 2016
1,449
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

OCTOBER 7,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PAGDUKOT sa isang negosyante sa
Cotabato city at kasamahan nito, hindi raw isang kaso ng kidnapping for ransom,
ayon sa PNP.

2. RAPE suspect, arestado sa Kidapawan
City

3. DEPARTMENT OF HEALTH, nagbigay ng
300 wheelchairs sa mga ospital at health center sa South Cotabato.

4. Dalawang rape suspects sa Tboli, South Cotabato, naaresto, NANAWAGAN ngayon si Cotabato city mayor
Cynthia Guiani-Sayadi sa mga mamamayan ng lungsod, lalo na sa mga negosyante at
maging sa mga turistang bumibisita sa syudad, na huwag mabahala kaugnay ng
naganap na pagdukot sa isang negosyante sa lugar kamakailan.

Binigyang-diin ni Sayadi na isolated
case lamang ang pagdukot kay TJ Tagadaya Macabalang, 30 years old, may asawa at
may-ari ng Stickerwerkz and Tarpaulin Printing Shop na nasa Sinsuat Avenue ng
lungsod.

Kabilang din sa tinangay ng mga hindi
pa nakikilalang mga suspek ang kasama ni Macabalang na si Wendel Apostol
Factoral, tatlong araw na ang nakakaraan.

Ayon sa alkalde, isinasantabi na ng
City PNP ang anggulong Kidnapping for Ransom sa kaso ni Macabalang at Factoral.

Sa halip aniya, tinututukan ng mga
imbestigador ngayon ang anggulong maaaring personal ang dahilan ng pagdukot sa
mga biktima.

Ang dalawang biktima ay dinukot sa
tapat ng Obaeda Motorparts, sa Gov. Gutierrez Avenue, barangay Rosary Heights 9
ng lungsod, bandang alas tres ng hapon noong October 4.

Sinasabing sakay ng kulay grey na
Toyota Innova at isang van na walang plaka ang mga suspek na dumukot sa mga
biktima.

Samantala, sa follow up investigation
ng City PNP hinggil sa insidente, hiningi na nito ang kopya ng CCTV footages ng
mga establisimentong malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Gayunman, nabatid na hindi nakikita sa
CCTV footages ang mukha ng mga suspek dahil sa layo ng kuha ng mga CCTV camera.

Batay din sa impormasyon ng City PNP, ni-raid
ng mga operatiba ang bahay ni Macabalang sa Krislamville, barangay Rosary
Heights 6 ng lungsod kagabi.

Target ng raid ang ama ni TJ na si Teng
Macabalang.

Sinasabing sari-saring matataas na uri
ng baril at mga pampasabog ang narekober ng mga otoridad sa naturang bahay.

Nabatid na isa rin sa anggulong
tinitingnan ngayon ng mga pulis ay ang pagkakasangkot ng mga biktima sa mga
iligal na aktibidad.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang
imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

ISA pang hideout
ng notorious na drug trafficker sa North Cotabato na si Moks Masgal alyas
Commander Madrox”.

Sinabi ni
Midsayap PNP chief, police Sr. Insp. Relan Mamon na pasado alas kwatro ng hapon
kahapon nang pasukin nila at halughugin ang safehouse ni Masgal sa boundary ng
barangay Nabalawag at Mudsing sa Midsayap.

Ito ay sa
bisa pa rin ng search warrant kaugnay sa mga kasong drug trafficking at illegal
possession of firearms and explosives na kinakaharap ni Masgal.

Ayon kay
Mamon, bagaman at hindi nila naabutan sa lugar si Masgal, nakakuha naman sila
ng mga dagdag pang mga ebidensya na lalong magpapalakas sa mga kaso laban kay
Masgal.

Katuwang ng
Midsayap PNP sa naturang operasyon ang North Cotabato PNP, Army’s 602nd
Brigade at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12.

Una rito,
naaresto ng mga otoridad ang pamangkin ni commander Madrox na si Kamarudin
Masgal, sa raid na isinagawa kamakalawa.

Kasama ring
nadakip si Salahodin Ali Lumilis, 26, may asawa at taga barangay Nabalawag.

Naaresto ang
dalawang mga suspek sa tulong din ng Moro Islamic Liberation Frount o MILF.

Nabatid na
ang mga naarestong suspek ay nagsisilbing lookout ni Commander Madrox tuwing
nagbebenta ito ng Shabu sa mga bayan ng Midsayap, Aleosan at Pikit. MATAPOS
ANG ILANG mga pagkakamali sa naunang inilabas na narco-list ng Pangulong
Duterte, sinabi ni Department of the Interior and Local Government o DILG-ARMM
Secretary Atty. Noor Hafizzullah Kirby Matalam Abdullah na bilang abugado,
hindi siya pabor sa pamamaraan na ito ng Pangulo.

Ayon
kay Abdullah, hindi makatarungan na akusahan at pangalanan ang sinuman na
sangkot sa iligal na droga lalo na kung wala namang sapat na mga ebidensyang
magpapatunay sa akusasyon.

Aniya,
may mga kaukulang proseso na dapat sundin alinsunod sa batas at kaakibat nito
ang pagrespeto sa karapatang pantao.

Giit
ng kalihim, dapat magkaroon ng konkretong mekanismo ang mga ahensya na nasa
ilalim ng programa laban sa iligal na droga.

Ang
bahagi ng pahayag ni DILG-ARMM Secretary Atty. Noor Hafizzullah Kirby Matalam
Abdullah sa lingguhang Tapatan sa ARMM.

Samantala,
bagaman at suportado ni Abdullah ang mga programa ni P. Duterte pero iginiit ng
kalihim na bukas pa rin siya para punahin ang mga programa ng administrasyon.

Nabatid
na inaasahang ilalabas naman ng Pangulo ang ikatlong narco-list sa mga susunod
na mga araw. LIMA
KATAO ang nasawi sa rido o away pamilya sa Sumisip, Basilan.

Naganap
ang insidente pasado alas siyete ng umaga kahapon sa Sitio Langaray, Barangay
Manaul sa bayan nang magpang-abot ang magkakalabang angkan ng Abdulmuin at
Alih.

Dalawa
sa mga napatay ay mula sa angkan ng Abdulmuin na kinilalang sina Illang Manisan
at Serny Julti.

Habang
tatlo naman sa mga napatay ay mula sa pamilya Alih na nakilala namang sina
Immah Abubakar, Antotong Ismael at Kasim Talhata.

Sa
ngayon ay gumagawa na ng hakbang ang lokal na pamahalaan katuwang ang mga
Muslim elder para subukang ayusin ang gusot ng magkalabang pamilya upang hindi
na lumala pa ang gulo sa lugar.

Gayunman,
naka-alerto ngayon ang mga otoridad upang maiwasang maipit ang mga sibilyan
sakaling sumiklab muli ang sagupaan.

Nabatid
na kahapon ay may ilang pamilya na mula sa naturang lugar ang lumikas na dahil
sa takot na madamay sa gulo.

Ayon
naman kay Sumisip Mayor Gulam Boy Hataman, agawan sa lupa at mga ari-arian ang
ugat ng away ng mga angkan ng Alih at Abdulmin. LIMANG
indibibwal na pinaniniwalaang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng iligal na
droga ang naaresto ng mga otoridad sa raid na isinagawa sa Shariff Aguak,
Maguindanao.

Kinilala
ang mga naaresto na sina Macky Dumpao, 46 years old Cobra Ezong alias Tato, 30 Montero Dumpao,18
Menzing Galidig, 18 at Abu Sopian, 20 taong gulang.

Pinasok
ng mga otoridad ang bahay ng mga biktima sa Brgy. Timbangan, Shariff Aguak sa
bisa ng search warrant na inisyu ni RTC Branch 13 Judge Bansawan Ibrahim.

Nakuha
mula sa lugar ang isang M-16 rifle with M-203 granade launcher, isang M-79
granade launcher, isang bala ng 40mm, isang magazine ng M-16 rifle, anim na mga
disposable lighters, dalawang cellphones, at dalawang digital weighting scale.

Ang
mga naarestong suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Shariff Aguak PNP. KUNG DATI ,
‘notoryus’ ang North Cotabato district jail kung usapin ng bentahan ng droga
ang pag-uusapan.

Sa
ngayon, matapos ang tuluy-tuloy na greyhound o Operation Galugad ng Bureau of
Jail Management and Penology o BJMP, tuluyan na nilang nalinis ang loob ng
presuhan.

Malaki
ang tiwala ni Cotabato district jail warden Superintendent Peter Bungat na wala
nang nakatagong kontrabando, tulad ng shabu at marijuana, sa loob ng facility.

At
ang pagiging ‘notoryus’ ng jail natanggal na rin.

Tiniyak
rin ng warden na wala nang makaka-eskapo pang mga bilanggo dahil todo-higpit
ngayon ang pagbabantay sa bawat sulok ng presuhan.

Gamit
ang mga security camera na naka-install sa iba’t ibang erya ng district jail,
mamo-monitor na – beinte-kwatro oras, ng BJMP ang mga kaganapan sa loob ng
district jail.

Sinimulan
ng BJMP ang greyhound operations nito pang nakaraang linggo, at nagpatuloy
nito’ng Lunes. ARESTADO
ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-North
Cotabato ang disi-otso anyos na si Reymond Abhelina dahil sa kasong rape with
minor.

Inaresto
si Abhelina base sa court order na inisyu ni Judge Arvin Balagot ng Regional
Trial Court branch 17 sa Kidapawan City.

Bagama’t
nagulat sa kaso, sumama pa rin nang matiwasay sa mga pulis ang suspect, matapos
siya’ng hulihin sa mismong bahay niya sa may Purok Manga, Barangay Paco sa
Kidapawan City, alas-345 ng hapon, kahapon.

Gayunman,
todo-tanggi si Abhelina sa akusasyon.

Kasintahan
raw niya ang biktima at di raw sapilitan ang pagsisiping nila na nagresulta sa
pagbubuntis nito.

Pero
sa ilalim ng Child Abuse Act, ang sex sa bata na ang edad ay katorse pababa ay
maituturing na ring rape.

ABOT sa
dalawampung milyong piso ang halaga ng mga delinkwenteng propriedad ng National
Food Authority o NFA-Cotabato ang binili ng New City Commercial Center o NCCC
na nakabase sa Davao City.

Nangyari ang bilihan
sa public auction na isinagawa sa lobby ng city hall, kahapon.

Sa naturang auction,
binili ng NCCC ang labing-siyam na mga propriedad ng NFA-Cotabato.

Isinailalim sa
auction ang mga lupa at gusali ng NFA matapos hindi sila makapagbayad ng buwis
para dito sa napakatagal nang panahon.

Kahapon, personal na
iniabot ng finance officer ng NCCC na si Dominador Catacutan, Jr., ang tseke na
nagkakahalaga ng P22.2 million bilang kabayaran sa mga delinquent real
properties ng NFA-Cotabato. HINDI akalain
ng lola ng walong taong gulang na batang si Nene – hindi niya tunay na
pangalan, na makararating ito ng Kidapawan City, gamit lamang ang biseklita.

Naglayas raw kasi si
Nene matapos kagalitan ng mga kaanak niya.

Ginamit sa
paglalayas ang biseklita na pag-aari ng kanyang kapitbahay.

Mula sa Del Carmen
ng President Roxas, North Cotabato, nakarating si Nene sa may Barangay
Binoligan na halos ay 20 kilometro ang layo.

Pero kahapon,
nagkatagpo na ang mag-lola.

SAMANTALA ,
nananatili pa rin sa newborn intensive care unit ng Cotabato Provincial
Hospital ang baby boy na umano iniwan lamang ng ina matapos isilang nito’ng
September 20.

Isang Jennilyn Beron
na taga-Digos City ang sinasabing ina ng sanggol.

Matapos manatili sa
ospital ng limang araw, basta na lamang raw nawala ang ina at iniwan ang
sanggol sa ICU ng ospital.

Ang bata ay kulang
sa buwan kaya’t nananatili pa rin ito sa pangangala ng ospital. Sumailalim sa Enchanced Entrepreneurial Development Training o EEDT ng Oveseas Workers Welfare Administration ang 16 na mga overseas Filipino Workers o OFW sa Sarangani Province
Ang pagsasanay ay isinagawa sa Negosyo Center ng Department of Trade and Industry o DTI sa General Santos City.
Layon ng training na matulungan ang mga OFW na magtayo ng negosyo na angkop sa kanilang kasanayan o kaalaman.
Itinuro sa mga participant ang tamang paggawa ng business proposal at financial management.
Ang pagsasanay ay bilang pagpapatupad na rin ng Enterprise Development and Loan Program o EDLP, ang pinalawig na trintegration program ng OWWA.
Ayon kay OWWA 12 Officer Incharge Marlyn Jamero,gagawin din ang kahalintualad na training sa iba pang Negosyo Center ng DTI sa Region 12
Ang OFW-EDLP na dating kilala bilang OFW-Reintegration Program ay nagpapahintulot sa mga OFW at qualified dependents na makapag loan ng capital pang negosyo sa Land Bank of the Philippines.
Pinalawak pa ng lokal na pamahalaan ng Koronadal ang pagbibigay ng insintibo sa mga organic farmers ng lungsod.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel mabibigyan na ng tig P20 na insintibo bawat kilo sa kanilang mga produkto ang mga nagtatanim ng organic na gulay sa Koronadal.
Inihayag din ng alkalde P20 din kada kilo ang tatanggapin na incentive ng mga mamamayan na nagpapakain ng natural food sa kanilang alagang baboy.
Nabatid na sa ngayon 30 mga rice farmers at 30 vegetable growers ang nagpapatupad ng organikong pamamaraan ng pagsasaka.
Ayon kay Miguel 35 ektaryag lupain ngayon sa Koronadal ay natatamnan ng mga organic rice at 8 ektarya naman ang tinamnan ng organic vegetables.
Layon nito ayon sa alkalde na matiyak ang pagkakaroon ng sapat na supply ng ligtas na pagkain at mapataas ang kita ng mga magsasaka.
Pinayuhan naman ni Miguel ang mga organic farmers ng Koronadal na para mabigyan ng insentibo makipag ugnayan lamang sa City Agriculture Office.
Matatandaan na nauna nang nabigyan ng P2 pisong insintibo bawat kilo sa kanilang produkto ang mga organic rice farmers ng Koronadal City.
Pinakahuling tumanggap nito ang magsasakang taga Barangay Carpenter Hill na si Trinidad Quinoviva.
Abot na sa mahigit 20 motosiklo ang tinanggalan ng open pipe na tambutso ng Koronadal City PNP Traffic Section.
Ayon kay traffic investigator Police Officer 2 Arnel Falcis, ito ay bilang kabahagi ng pinaigting na kampanya ng pulisiya laban sa open pipe o modified muffler.
Sinabi ni Falcis na ang mga modified na tambutso ay sisirain ng PNP, ayon na rin sa kautusan ng City Chief of Police, Superintendent Barney Condes.
Layon nito na maibsan ang problema ng polusyon sa ingay sa Koronadal City.
Ayon kay Falcis ang sobrang ingay ng mga motorisklong may open pipe sa dis oras ng gabi lalong lalo na sa mga subidvision ay inirereklamo ng mga mamamayan sa lungsod.
Maliban sa modified muffler, tintutukan din ng mga pulis sa Koronadal ang mga motorsiklong walang license plate at kaukulang mga papeles.
Inaasahang makapagbibigay ng mas magandang serbisyo ang mga health facitilies ngayon sa South Cotabato
Ito ay matapos makapagbigay ng 300 daang wheelchair sa lalawigan ang Department of Health o DOH.
Ayon kay Provincil Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr. 230 sa mga wheelchair ay inilaan sa ospital at barangay health centers. Inihayag ni Aturido na ang ang wheelchair na matatnaggap ng isang ospital ay naka-depende din sa kapasidad at pasyente ng mga ito.
Ayon kay Aturdido, magpaalabas pa ng talaan ng mga ospital na bibigyan ng wheelchair ang Provicial Health Office.
Inihayag din ni Aturdido na ang 100 sa mga wheelchair ay naibigay na sa mga persons with disability o PWD sa iba’t ibang lugar ng South Cotabato.
Nahaharap sa kasong rape with homicide ang dalawang suspek sa paggagahasa at pagpatay sa isang 13 anyos na dalagita sa Barangay Laconon, bayan ng T’boli, South Cotabato.
Ayon kay T’boli PNP Chief of Police, Chief Inspector Josemari Simangan ang mga suspek ay hawak na ngayon ng PNP.
Ang mga ito ayon kay Simangan ay isinuplong ng isang witness sa pagsisimula pa lamang ng imbistigasyon ng pulisiya sa krimen.
Kinilala ni Simangan ang mga suspek na sina Jhunry Geronimo, 24 anyos binata, security guard , nakatira Barangay New Dumangas at Samuel Mana 47 anyos,magsaaka may asawa ng Barangay Poblacion sa T’boli. Matatandaan na ang nasa state of decomposition na bangkay ng biktimang si Jonamay Timan ay natagpuan ng dalawa katao na nagaani ng saging sa gitna ng Banana Plantation sa Laconon noong October 2.
Ito ay apat na araw matapos maiulat na nawala ang biktimang Grade 7 student na natagpuang tadtad ng saksak at ibinaon sa mababaw na hukay.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...