Wednesday Jun, 26 2024 12:59:26 PM

NDBC BIDA BALITA (Oct. 6, 2016)

 • 18:06 PM Thu Oct 6, 2016
1,319
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

OCTOBER 6,
2016 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAGUINDANAO VICE GOVERNOR, kabilang
sa mga government executive na pinasususpinde ng Ombudsman matapos makitaan ng
ilang iregularidad habang nasa serbisyo.

2.Landslide, dahilan ng paglikas ng abot
sa sampung pamilya sa Lake Sebu, South Cotabato

3. Lodging houses na ginagawang drug den, target sa anti illegal drug campaign ng Koronadal PNP4. Dalawa naaresto ng Talayan PNP dahil sa illegal drugs KABILANG si Maguindanao vice governor
Datu Lester Sinsuat sa mga government executive sa Mindanao na pinasususpinde
ng Office of the Ombudsman Mindanao.

Base sa kautusan ni Ombudsman Conchita
Carpio Morales, pinasususpinde ang bise gubernador at iba pang mga government
executive sa Mindanao dahil sa iba’t ibang offenses tulad ng hindi paghahain ng
Statement of Assets and Liabilities o SALN, dishonesty, abuse of authority at
iba pang mga iregularidad.

Bukod kay Sinsuat, pinasususpinde rin
ng ombudsman sina Bukidnon Governor Jose Ma. Zubiri, Jr. Zamboanga del Norte
Governor Roberto Uy Impasug-ong, Bukidnon Mayor Anthony Uy Sibutu, Tawi-Tawi
Mayor Kuyoh Pajiji and Kauswagan Lanao del Norte Mayor Rommel Arnado.

Samantala, agad namang nagpaliwanag si
Sinsuat kaugnay ng suspension order ng Ombudsman.

Nilinaw ni Sinsuat na ang naturang mga
nabanggit na kaso ay noong mayor at vice mayor pa lamang siya ng Datu Odin
Sinsuat.

Ngunit aniya, napatunayan na ng
ombudsman noon, na wala siyang hangaring itago ang kanyang mga asset at linlangin
ang gobyerno.

Pero sabi ni Sinsuat, pinasususpinde
siya ng ombudsman dahil sa ‘simple negligence’ o kapabayaan.

Gayunman, hindi pa ito ‘final at
executor’ at katunayan ay naghain na ang kanyang kampo ng motion for
reconsideration.

Kaya nilinaw ni Sinsuat na sa ngayon ay
patuloy siyang nagsisilbi bilang bise gubernador ng Maguindanao. ARESTADO ng
pinagsanib na pwersa ng mga pulis at sundalo, ang anak ng wanted na si Moks
Masgal alyas Commander Madrox” sa Midsayap, North Cotabato.

Si Commander
Madrox ay subject ng pursuit operation ng mga otoridad dahil sa mga kasong drug
trafficking at illegal possession of firearms.

Sinabi ni
Midsayap PNP chief, police Sr. Insp. Relan Mamon na nadakip kahapon si Kamarudin
Masgal, 21 years old, taga barangay Nabalawag, Midsayap at pamangkin ni
Commander Madrox sa pangalawang asawa nito.

Kasama ring
nadakip si Salahodin Ali Lumilis, 26, may asawa at taga barangay Nabalawag.

Naaresto ang
dalawang mga suspek pasado alas tres kahapon sa tulong din ng Moro Islamic
Liberation Frount o MILF.

Nabatid na
ang mga naarestong suspek ay nagsisilbing lookout ni Commander Madrox tuwing
nagbebenta ito ng Shabu sa mga bayan ng Midsayap, Aleosan at Pikit.

Gayunman,
bigo pa rin ang mga otoridad na maaresto si commander Madrox na pangunahin
nilang pakay sa inilunsad na pursuit operation.

Una rito, noong
Agosto ay nilusob din ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis, sundalo, at Philippine
Drug Enforcement Agency ang hideout ni commander Madrox na nagresulta sa
pagkamatay ng dalawang mga sundalo at isang pulis, at pagkasugat ng pitong iba
pa. ARESTADO
ang dalawa katao sa checkpoint sa barangay Poblacion, Talayan, Maguindanao, ng pinagsanib
na pwersa ng mga pulis mula sa Talayan Datu Anggal Midtimbang at Guindulungan.

Nakilala
ang mga nadakip na suspek na sina Ahmad Basino, 23 years old, may asawa at taga-
barangay Poblacion Datu Paglas, Maguindanao at Arsad Ukap, 30, taga barangay Kamasi,
Ampatuan, Maguindanao.

Ayon
kay Talayan PNP, police senior insp. Jun Olis, na nakuha mula sa mga suspek ang
walong medium size sachets ng Shabu, isang cellphone at isang improvised toother.

Napag-alaman
na sakay ng asul na honda motorcycle na may temporary licensed plate MA 15156
ang mga suspek mula sa Talitay nang maharang ng mga otoridad.

Sa
ngayon inihahanda na ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa mga suspek. NAGSAMA-SAMA
ang mga guro mula sa labing apat na pampublikong eskwelahan ng Northern
Kabuntalan, Maguindanao kahapon sa isang restaurant sa Cotabato City.

Ito ay
para ipagdiwang ang WORLD TEACHERS’ DAY.

Maliban
sa pagtitipon, binigyan din ng pagkilala ng Northern Kabuntalan LGU ang humigit
kumulang isang daang elementary at secondary teachers ng naturang bayan.

Natuwa
naman ni Balong Elementary School principal Jailon Manalasal dahil nabigyan
sila ng pagkakataong magkasalo-salo at magdiwang.

Si
Manalasal ay 29 na taon ng nagsisilbi bilang guro.

Nagpapasalamat
din si Datu Alamansa Dilangalen National High school principal Almira Benito
dahil sa suporta na ibinibigay sa kanila ng lokal na pamahalaan ng kanilang
bayan.

Samantala,
sa iba pang balita, magandang balita naman kung ituring ni Department of
Education Sec. Dr. John Magno ang panawagan ni Act partylist representative
Baby Vargas sa DepEd National Office na madaliin na ang pagpapalabas ng 35 milyong
pisong pondo para sa chalk allowances ng mga guro sa ARMM ngayong taon.

Sa panayam
ng programang Madam Public Service ng DXMS-AM Radyo Bida Magno, sinabi nito na nagpapasalamat
siya sa kongresista dahil napansin nito ang pangangailangan ng mga guro sa
ARMM.

Nabatid
na hanggang ngayon kasing nasa third quarter na ng 2016 ay hindi pa rin nada-download
ng Deped-national ang chalk allowance ng kanilang mga guro.

Samantala,
nabatid pa mula sa kalihim na inaasahan nilang tatanggap na rin ng Maintenance
and Other Operating Expenses o MOOE ang ibang mga paaralan sa ARMM na dati ay
wala nito.

Aniya,
ang pondo para rito ay nakapaloob sa 2017 approved budget sa lebel ng Kongreso.

ISA
ISANG isinuko ng mga tinaguriang ‘Children of War sa Basilan ang kanilang mga
dalang toy gun sa mga sundalo.

Ang
mga naturang bata ay mula sa mga conflict-affected area sa Basilan gaya ng Sumisip,
Tipo-Tipo at Albarka.

Kapalit
ng isinuko toy guns ay mga laruang tulad ng bisikleta at educational materials.

Ang
naturang seremonya ay bahagi pa rin ng Festival of Love and Peace ng Save the
Children of War Association na binuo at pinangungunahan ni Dra. Arlyn Jawad
Jumao-as.

Ayon
kay Jumao-as, layunin nilang ipaunawa sa mga bata na mahalagang mamuhay ang mga
ito ng normal, makapaglaro at makapag aral.

Aniya,
isa rin itong paraan para maintindihan ng mga bata na hindi solusyon ang
paggamit ng baril para sa paglutas ng anumang problema.

Inilikas ng lokal na pamahalaan ang may sampung pamilya na apektado ng landslide sa Lake, Sebu, South Cotabato
Ang mga ito ay mula sa mga barangay ng Halilan, Lahit, Seloton, Poblacion at Talisay.
Ayon kay Lake Sebu Mayor Antonio Fungan, ang mga bakwit ay pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kaanak at barangay hall na ginawang evacuation center sa mga ito.
Sinabi ni Fungan na kapag nagpapatuloy ang mga pagulan maaring lalala pa ang landslide at mabaon sa lupa ang ilang mga bahay sa mga apektadong barangay.
AyoN kay Fungan lumambot ang bahagi ng bundok sa ilang barangay sa Lake Sebu, bunsod ng walang patid na mga pagulan nitong nakalipas na araw.
Kinumpirma din ni Fungan na isang lane na lamang muna ng Highway papunta at palabas ng Lake Sebu ang madadaanan matapos matabunan ng gumuhong lupa ang isang lane nito.
Nagpadala na ng mga equipment ang lokal na pamahalaan upang tanggalin ang mga putik at lupa na tumabon kalsada.
Rumesponde na rin sa pangangailangan ng mga apektado mamamayan ang provincial disaster risk reduction and management Office o PDRRMO South Cotabato.
Nakatutok ngayon ang kampanya kontra iligal na droga ng pulisiya sa mga lodging houses sa Koronadal City.
Ayon kay Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes may mga lodging houses kasing ginagawang drug den ng ilang drug personalities sa lungsod.
Ipinahayag ni Condes na nitong mga nakalipas na lingo, ilang mga drug suspek ang naaresto ng pulisiya sa loob ng mga lodging houses.
Sinabi ng police official na sa halip na sa mga bahay isinsagawa na sa mga loding houses ang illegal drug transaction at paggamit ng droga .
Ito ay bunsod ng pinaigting na kampanya kontra illegal na droga ng mga otoridad.
Ipinahayag ni Condes na sinuyod na ng mga pulis sa Koronadal ang mga lodging houses at kahalintuad na establisemento para hikayatin na tumulong sa kampanya kontra illegal drugs.
Ayon kay Condes malaki rin ang naitulong ng mga mamamayan na nakatira malapit sa mga loding houses upang maaresto ang ilang mga drug personalities sa Koronadal City . Pinaghahanap pa ng mga pulis ang suspek sa pananaga at pagpatay sa isang katao sa Barangay Moloy,bayan ng Surallah, South Cotabato.Kinilala ni Surallah Chief of Police, Chief Inspector Joel Fuerte ang nasawing biktima na si Lito Lopez alyas Waray 48 anyos, nakatira din sa lugar.
Lumabas sa pagsisiyasat ng mga pulis na si Lopez ay inundayan ng taga habang nakikiramay sa kanilang kapitbahay .
Ang biktima ay nasawi matapos mataga sa ulo, leeg at balikat.
Itinuro namang suspek na tumaga umano kay Lopez ang 27 anyos na binata na si Jason Umudto, alyas Boryo.
Si Umodto ay agad na tumakas matapos gawin ang krimen.
Hindi pa batid ng pulisiya kung ano ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.
Umaapela si Koronadal City Fire Marshall, Senior Inspector Reginald Legaste sa publiko na kumuha muna ng clearance sa kanila bago magsagawa ng fire works display.
Ito ayon kay Legaste ay upang mapakapagpadala ng fire truck ang Bureau of Fire Protection o BFP .
Ayon kay Legaste sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang sunog na maaring magiging sanhi ng mga pyrotechnic devices.
Ito ay habang papalapit na ang pasko at bagong taon kung kelan madalas nagkakaroon ng fireworks display sa mga barangay.
Sinabi ni Legaste na ang kukuha ng fireworks clearance sa BFP ay kinakailangang magbayan ng P300.
Voice Clip…Si Koronadal City Fire Marshall, Senior Inspector Reginald Legaste.
Umaabot na sa 4,541 na kaso ng dengue ang naitala sa South Cotabato sa ika 38th week ng 2016 o mula Enero hanggang October 1.
Ito ay mas mataas ng mahigit 95 percent kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Kung pagbabatayan ang datus ng ng Provincial Epediomology and Surviellance Unit abot sa 662 na kaso ng dengue ang nadagdag sa South Cotabato sa nakalipas na isang buwan.
Nangunguna sa mga lugar sa South Cotabato na may pinakaraming kaso ng Dengue ang Koronadal City mayroong 1,092 .
Pumapangalawa sa Koronadal ang Tupi na nakapagtala ng 1,024 at nakapagdeklara na ng state of calamity dahil sa DENGUE
Pinakamarami namAng naging biktima ng dengue sa South Cotabato na umabot sa 1456 ay mga nasa 11 hanggang 20 anyos.
Umapela naman si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes sa mga mamamayan na nakakaamdam ng sintomas ng dengue na huwag itong balewain at agad pumunta ng ospital.
Kadalasang sintomas ng dengue ang Mataas na lagnat, sakit ng ulo, pagliliyo, at pagsusuka,Sakit ng kalamnan at kasukasuan,Rashes na parang tigdas at Pagdududugo

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...