Wednesday Jun, 26 2024 02:29:12 PM

NDBC BIDA BALITA (Oct 26, 2016)

 • 16:55 PM Wed Oct 26, 2016
1,307
By: 
NDBC

NEWSCAST

OCTOBER 26,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DALAWA KATAO, huli matapos makuhanan
ng iligal na droga sa Cotabato city.

2. PAG-ANGKIN ng lupain ng armadong
grupo sa Kabacan, North Cotabato, nauwi
sa pagkaka-aresto sa tatlo katao matapos makuhanan ng armas

3. PUNONG BARANGAY sa South Cotabato, kinondena
ang pag-raid ng mga pulis sa kanyang bahay.

4. Wala raw rubber price manipulator sa North Cotabato, ayon sa isang opisyal

HULI ang dalawang mga lalaki matapos silang
makuhanan ng iligal na droga at drug paraphernalia pasado alas dose ng madaling
araw kanina sa Sinsuat Avenue, Cotabato City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ariel
de Jesus Ang-Angan, 30 anyos, may asawa, isang magsasaka, at taga- Gov. Gutierrez
Avenue, Barangay Rosary Heights 7 at isang Weng Blah Malang, 20, may asawa,
driver at taga- Malagapas, Barangay Rosary Heights 10 ng lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng
City PNP, nagroronda ang mga pulis at ilang mga Barangay Official kasama si City
Mayor Atty. Cynthia Sayadi nang mapadaan sa kanilang hanay ang mga suspek na
sakay ng motorsiklo.

Pero sa halip na tumigil ay mas
pinabilisan pa ng mga ito ang takbo ng kanilang sinasakyang motorsiklo dahilan
para magduda ang mga otoridad.

Agad silang hinabol ng mga pulis hanggang
sa abutan nila ang mga suspek.

Nakita rin ng mga otoridad na mayroong
inihagis si Ang-Angan mula sa kanyang bulsa.

Kaya nung ito ay kanilang siniyasat ay napag
alaman na itinapon ni Ang-angan ang isang improvised glass tooter at dalawang sachets
ng pinaniniwalaang shabu.

Nahaharap ngayon sina Ang-Angan at
Malang sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. MASUSING pinag-aralan
ng mga miembro ng Sangguniang Panglungsod ng Cotabato ang ipapasang Traffic
Code sa lungsod.

Sinabi ni
city councilor Ed Rabago na isa sa mga nakapaloob sa naturang panukalang batas
ang pagbabawal na pumarada sa gilid ng mga pangunahing lansangan sa lungsod
base sa itatakdang oras.

Kahapon sa ikalawang
pagbasa ng naturang panukalang batas, sinabi ni na posibleng maaaprobahan na
ang Traffic Code sa susunod na buwan.

Positibo
naman ang konsehal na kapag naisakatuparan na ito ay maiibsan na ang problema
sa trapiko.

Ito ay kung tatalima
rin sa naturang batas ang mga motorista sa lungsod. SIMULA
sa susunod na buwan ay maglilibot na ang bagong Dental Health Bus ng Cotabato
City Health Office sa mga liblib na barangay ng lungsod.

Sinabi
ni city health officer Dr. Suher Ibrahim na ang naturang health bus ay mula sa
Department of Health.

Ayon
kay Ibrahim, kumpleto sa pasilidad ang naturang dental health bus na pwedeng
magsilbi sa mga mamamayan ng lungsod hanggang walong oras kada araw.

Aniya,
kabilang sa mga serbisyong maaaring ibigay ng naturang pasilidad ay ang mga
basic dental services tulad ng pagbunot at paglilinis ng ngipin.

Dagdag
pa ni Ibrahim, maliban sa pagbibigay ng basic dental services ay nakatakda rin
silang mamahagi ng mga libreng dental kits sa mga liblib at mahihirap na
barangay sa lungsod.

Ayon
pa kay Ibrahim, magbibigay din sila ng libreng edukasyon sa publiko hinggil sa
tamang pangangalaga ng ngipin.

Samantala,
sinabi ni Ibrahim na kailangan lamang gumawa ng liham sa kanila ng mga punong
barangay para mabisita ng dental health bus. MULING
BUBUKSAN ng Commission on Election o COMELEC ang voters’ registration sa
susunod na buwan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections.

Sa
resolusyon ng Comelec en banc, sa November 7 ay maaari na muling magparehistro na
tatagal hanggang sa April 29 ng susunod na taon.

Ayon
kay Comelec spokesperson James Jimenez, mas pinalawig nila ang registration
upang matiyak ang partisipasyon ng mas maraming botante.

Muling
binuksan ang voters’ registration matapos lumusot sa Senado at Kamara ang
panukala na ipagliban ang barangay at SK elections na inaprubahan naman ni
Pangulong Duterte.

Dahil ditto,
sinabi ng COMELEC na inaasahan nilang madaragdagan pa ng hanggang limang milyon
ang mga boboto sa susunod na taon.

Nabatid
na sa isinagawang registration noong July 15 hanggang 30 ay nasa tatlong milyon
na mga botante ang nagpatala. HANDA
RAW ang Department of Agriculture o DA-12 sakaling manalasa sa rehiyon ang mga
pesteng Cocolisap.

Gayunman,
sinabi ni DA 12 Director Mila Casis na sa ngayon ay wala pa naman silang namo-monitor
na mga lugar sa rehiyon na dinapuan na ng naturang insektong pumapatay sa mga
pananim na niyog.

Una
rito, mahigit isang milyong puno ng niyog ang sinira ng mga pesteng Cocolisap
sa iba’t ibang mga bayan sa Basilan nitong taon lang.

Naglaan
na ng mahigit 200 milyong pisong pondo ang Philippine Coconut Authority para sa
pagsugpo ng naturang peste.

Gayunman,
nabatid na sa ngayon ay umabot na sa ilang mga lugar sa Zamboanga ang naturang peste
bagay na ikina-aalarma ngayon ng mga katabing lalawigan. Inirerekomenda ngayon ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan sa barangay Council ng Poblacion Kidapawan na lumikha ng isang task force para tututok sa Kalinisan at Kaayusan ng barangay Poblacion ng Lungsod.Ito ang ipinahayag ni City Vice Mayor Bernardo Pinol Jr. matapos niyang tipunin ang mga barangay Officials para pag-usapan ang nasabing problema.Iginiit ni Piñol na bumuo sila at magpatupad nang pangmatagalang programa upang maitaguyod ang kalinisan hindi lamang dahil sa ‘show window’ ng lungsod ang Poblacion kungdi dapat din na maging magandang ehemplo sa iba pang barangay.Nais din ng opisyal na palakasin pa ang segregation ng basura, waste management, paglilinis ng mga kanal at iba pang daluyan ng tubig.Kabilang rin sa mga dapat nilang tutukan ay ang paglalagay ng angkop at dagdag na streetlights sa mga madidilim na lugar para na rin sa kaligtasan ng mga mamamamayn lalo tuwing gabi.
Naniniwala ang barangay Council ng Kisandal, Magept, North Cotabato na epektibo ang programang kanilang ipinapatupad sa mga recovering addicts kagaya ng Zumba Session.

Sinabi ni Kisandal Chairperson Jaime Madyu, regular nilang ginagawa ang naturang pagsasayaw tuwing umaga para mabaling ang atensyon ng kaniyang mga constituents sa paggamit ng illegal na droga.Ayon kay Madyu, abot sa 38 mga indibidwal na mula sa kanyang barangay ang nagsurface sa PNP na kanila ngayong tinutulungan at patuloy ding minomonitor ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC.Ang pahayag ng ito ng opisyal ay nag-ugat naman matapos ang ilang mensahe na natanggap ng Radyo Bida Textline na umano ilang mga drug addict pa rin ang bumalik sa paggamit ng iligal na droga.Hiling lamang ni Madyu sa mga residente sa barangay na agad na makipag-ugnayan sa barangay officials sakaling mang may makita silang kahina-hinalang aktibidad na ginagawa ng mga recovering addict.Sa kabila nito, positibo pa rin si Madyu na madedeklara nilang Drug free ang barangay sa tulong na rin ng mga residente sa lugar.
Inaasahang magpatupad ng Traffic re-routing at mahigpit na inspeksyon ang mga otoridad sa mga sementryo pagsapit ng Undas sa Kidapawan City.Base na rin ito sa ipinababang derektiba ni City Mayor Joseph Evangelista na masegurong maayos at ligtas ang lahat habang bumibisita sa himlayan ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay.Sinabi naman ni Traffic Management Unit head Rey Manar, maglalagay sila ng sapat na tauhan sa Cotabato Memorial Park, Cautivar Private Cemetery at sa Catholic Cemetery na siyang pinakamalalaki sa lungsod.

Katuwang nila sa pagbabantay ang mga pulis at BPAT.

Iginiit ni Manar na mahigpit na ipagbabawal ang pagdadala ng armas, matutulid na bagay, nakalalasing na inumin at maging maiingay na sound system sa mga sementeryo.
October 31 ng umaga ay magsisimulang ipatutupad ang rerouting sa mga sasakyang papasok at lalabas sa naturang mga lugar.
Sa mga tutungo sa Cotabato Memorial at Cautivar, magsisilbing daan papasok sa lugar ang Bautista Street na liliko pakanan sa Jose P. Dans Street. at Exit point naman ang Tamayo Street.Magbibigay ng parking space ang Cotabato Memorial at Cautivar para sa mga sasakyang papasok sa lugar.

Sa Catholic Cemetery naman, entry point ang Diamond Street at exit point naman ang ruta palabas ng Suerte Subdivision.

Una ng pinatambakan ni Mayor Evangelista ng limestone ang tabi ng Catholic Cemetery upang siyang magsisilbing parking space ng mga sasakyan dahil bawal pumarada sa loob ng sementeryo.Maglalagay din ng tauhan ang TMU at PNP sa Binoligan Public Cemetery at Kidapawan Memorial Park sa Brgy Kalasuyan.

Nakaantabay din ang City Call 911 upang tugunan ang emergency sa mga sementeryo. Naging tensyunado ang barangay Aringay sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, kamakalawa ng tanghali.

Ito makaraang mamataan sa lugar ang presensiya ng ilang armadong grupo na diumano’y inaangkin ang malawak na lupain sa barangay Aringay.
Ayon sa report, pinipigilan umano ng mga armadong grupo na pinamumunuan ni Abdullah Mantawil ang mga magsasaka sa lugar na magsaka.Agad namang rumesponde ang tropa Kabacan PNP sa pangunguna ni Chief of Police Sr. Ins Ronnie Cordero sa lugar kungsaan naaresto ang tatlo katao dahil sa paglabag sa illegal possession of firearms.Bukod kay Mantawil, inaresto din sina Mokaman Anting Mohamad, 45-anyos, may asawa na nakuhanan ng 1 unit ng kalibre .45 ng pistol, M1911, steel magazine na naglalaman ng pitong piraso ng cartridges at isang Taotin Mohamad, 52-anyos, magsasaka kapwa residente ng barangay Aringay.Ang mga narekober na firearms ay isusumite sa PNP Crime lab para sa cross matching examination.

Isinailalim muna sa medical examination ang tatlo bago ipiniit sa Kabacan PNP lock-up cell.Samantala, Agad namang humupa ang tensiyon sa area matapos na mamagitan ang local na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Herlo Guzman Jr.sa nabanggit na usapin. Nilinaw ni Region 12 Rubber Council President Rodrigo Sargado Jr. na walang monopolyo ng kartel ng goma sa North Cotabato.Ayon kay Sargado, nakabatay raw sa world market ang presyo ng rubber cup lumps.

Ang pahayag na ito ay ginawa ng opisyal kasabay rin ng press conference sa 3rd Rubber Congress sa Kidapawan City na nagtapos kahapon.Hindi ikinaila ni Sargado na problema pa rin sa North Cotabato ang mababang presyo ng goma.

Ilan sa mga dahilan nito ay ang low quality ng latex, ang iba naman ay may halong battery solution na naging dahilan ng mababang bilihan dito, ayon naman sa mga opisyal.

Dahil dito hinihikayat ni Sargado ang mga magsasaka ng rubber na bumuo ng cluster upang maabot nila ang target na 1,000-2,000 tons para maka-avail ang mga ito ng plus 5 sa bilihan ng goma.Ibig sabihin kung ang kasalukuyang presyo ng rubber ay P20 madadagdagan ng plus 5 na magiging P25 ang bawat kilo na kuha.Ayon naman kay Jack Sandique, isa sa mga may ari ng rubber processor sa lalawigan, planu nila na makabuo ngayon ng rubber board sa North Cotabato at ma-i-pre-sinta ang road map kung paanu pa mapalago ang industriya ng goma sa probinsiya at sa bansa. Nagpapatuloy ngayon ang early registration ng Department of Education o Deped sa mga papasok sa Grade 11 ng Senior High School sa susunod na taon.
Paliwanag ni Deped 12 Information officer Antonio Maganto, mahalaga ang early registration upang mapaghandaan ng ahensya ang pangangailangan ng mga Senior High School students sa susunod na school year.
Ayon kay Maganto kabilang sa kinoknsidera sa mas maagang pagpapatala ang mga libro, silid aralan at mga gurong kukuning ng DepEd.Payo ni Maganto sa mga magpapatala, pumunta sa mga eskwelahan kung saan nais magaral, at sulatan ang senior high school slip.
Kasama din dapat ng mga magpatala ang kanilang mga magulang o guardian.
Mahalaga din ayon kay Maganto na dalhin ng mga ito ang kanilang birth certificate at report card.Nilinaw ni Maganto na walang bayarin sa early registration ng Deped na magtatagal naman hanggang sa October 29.
Tinanghal bilang kauna unahang model Indigenous People o IP Family ng South Cotabato ang pamilya nina Andro at Siga Fitan.Ang pamilya Fitan ay mula sa bayan ng Lake Sebu.
Pumapangalawa naman sa kanila ang pamilya nina Cornelio at Mary Bucong ng Koronadal City.
Nasa pangatlong pwesto naman sina Mr. and Mrs Vicente at Mary Laco and family ng bayan ng Tupi.
Ang mga nagwagi ay tumanggap ng P20,000, P15,000 at P10,000.Ayon kay South Cotabato Indigenous Peoples Mandatory Representative Edgar Sambog ang mga napiling IP model family ay magiging modelo sa pagsulong ng mga reproductive program ng pamahalaang panlalawigan.Ang pagpaparangal sa Model IP family ay naging highlight ng IP Day Celebration sa South Cotabato Gym kahapon.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mahigit 2,000 IP mula sa iba’t ibang lugar ng South Cotabato.
Ilang araw bago mag undas at todos los santos wala pa ring paggalaw sa presyo ng kandila sa Koronadal City.
Ito ay ayon kay Department of Trade and Industry o DTI South Cotabato Provincial Director Flora Gabunales.
Ayon kay Gabunales sa ngayon may kandila sa South Cotabato na nabibili pa rin sa halagang tatlo hanggang limang piso.
Gayunpaman ayon kay Gabunales, aasahan na ng mga mamamayan ang pagtaas sa presyong kandila habang papalapit ang araw ng mga patay.Ayon kay Gabunales, madalas tumataas ang presyo ng mga kandila may hugis at kulay tuwing Undas at Todos Los Santos.
Aminado naman si Gabunales na walang kontrol ang DTI sa mga sari sari store dahil nagbubukas ang mga ito para maging convenient ang mga mamimili.
Kaya payo nito sa mga mamamayan para maka menos gastos mas makabubuting mammili ng mg akandila at iba pang kakailanganin sa Undas sa mga mall o malalaking establisemento.
Inihayag din ni Gabonales na dahil minsan lamang sa isang taon ginugunita ang Undas at Todos Los Santos, kadalasan ay hindi na rin inaalintana ng publiko kung tumaas man ang presyo ng mga kandila.
Ayon kay Gabunales sa ganitong mga panahon mas mahalaga para sa mga mamamayan na mayroong maiaalay sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Iginiit ni South Cotabato Ex Officio Board Member at Poblacion, Polomolok Barangay Chairman Vicente Yungco Jr, na pwersahan umanong pinasok ng mga pulis ang kanyang bahay.
Ayon kay Yungco , hindi makatarungan ang umano’y mala- notorious na criminal na pagtrato sa kanya ng mga pulis.Sa katunayan ayon kay Yungco nagdulot ng trauma sa kanyang pamilya ang umanoy pagsipa at pagtutok ng baril ng raiding team sa kanyang 20 anyos na anak.
Ayon kay Yungco, hindi taga Barangy Poblacion ang isang Jonard De Juan na tumestigo laban sa kanya kaya may pagkakamali umano ang pag raid ng mga pulis sa kanyang bahay.Dahil naiaktyat na sa korte ang kaso, inirefer na lamang muna sa Committee on Human Rights at Public Order and Safety ang hiling ni Yungco sa kapawa nito mga baorad member.Kabilang dito ang pagpapatawag sa team leader ng raiding team na si POI Rudy Marz Juaniza at paghingi ng paliwanag kay PNP Provincial Director Franklin Alvero sa proseso at pag-verify sa mga umano’y pinaghihinalaang narco politicians .Si Yungco ay nagpahayag ng kanyang privelge speech sa SP upang kondenahin ang pag raid sa kanyang bahay noong Oktober 9.
Wala man nadiskubreng iligal na droga nakuha noon sa bahay ng Barangay kapitan ang tomahawk shot gun, at 9 mm na baril na issued ng province.
Naninindigan naman si Yungco na hindi sa kanya ang bala ng 45 pistol na kasama sa mga narecover ng nga pulis.
Kinilala ni Sto. Nino PNP Chief of Police , Senior Inspctor Richel Cabuslay ang suspek na si Michael Hamsa, residente ng Purok Lovers, Barangay Ambalgan, Sto. Nino, South Cotabato.
Ayon kay Cabuslay si Hamsa ay napatay matapos umanong manlaban sa drug buy bust operation ng pulisiya sa Ambalgan.Ipinahayag ni Cabuslay na nakuha ng mga pulis mula sa nasawing si Hamsa ang isang 38 revolver,apat na bala isang sachet ng suspected shabu at drug paraphernalia.
Si Hamsa ay dead on the spot dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang pisngi at iba pang bahagi ng katawan.
Ayon kay Cabuslay si Hamsa ay nakalaya lamang matapos makapagpyansa dahil sa kasong karnaping sa bayan ng Surallah.
Kinumpirma din ni Cabuslay na nakatakas naman ang pinaghihinalaang dalawa pang mga kasama ni Hamsa na target din ng anti illegal drug operation ng pulisiya.
Si Hamsa ay pangalawa na sa mga drug suspek na napatay matapos manlaban sa mga pulis sa South Cotabato.Matatandaan na patay ang drug suspek na si Zaldy De Reyes matapos umanong manlaban din sa mga pulis sa Barangay New Pangasinan,Koronadal City noong nakaraang lingo.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...