Wednesday Jun, 26 2024 01:21:12 PM

NDBC BIDA BALITA (Oct 24, 2016)

 • 20:25 PM Mon Oct 24, 2016
1,268
By: 
NDBC
Ito ang Mindanao Star bus kung saan binaril ang dalawang opisyal ng bus sa Midsayap, North Cotabato noong linggo. (Larawan kuha ni G. Anwar Emblawa na binigay sa NDBCNews)

NEWSCAST

OCTOBER 24,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Mindanao Bus supervisor at pinsan, binaril at napatay sa Midsayap, North Cotabato.2. Apat naaresto sa anti-drug operation sa Alamada,North Cotabato3. Live 81 mm mortar, nakita sa isang barangay ng Cotabato City4. Tatlo patay sa boundary ng Sultan Kudarat at South Cotabato, mga biktima, bibili lang sana ng balut.5. DOT-12 Festival of First Peoples, pasisimulan ngayong Mierkules sa rehiyon PATAY ang bisor ng isang pampasaherong
bus at isa pang menor de edad sa panibagong insidente ng pamamaril sa Midsayap,
North Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na si Adimar
Pangato, 33 years old, supervisor ng Mindanao Star Bus Company at Wahid
Pangato, 16 years old, pawang mga taga-Nuling, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sinabi ni Midsayap PNP deputy chief,
police Sr. Insp. Relan Mamon na nangyari ang insidente pasado alas tres ng
hapon kahapon sa loob mismo ng Mindanao Star Bus.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Midsayap
PNP, posibleng sumakay ang dalawang mga suspek nang tumigil ang bus sa terminal
sa Midsayap.

Pagsapit sa bahagi ng Barangay
Villarica sa bayan ay agad na pinagbabaril ng mga suspek ang mga biktima.

Pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa
ulo ang mga biktima at sa iba pang bahagi ng kanilang katawan na naging dahilan
ng kanilang agarang pagkamatay.

Na-recover naman sa crime scene ang
siyam na basyo ng bala ng cal. 45 pistol na ginamit ng mga suspek sa pamamaril
sa mga biktima.

Ayon kay Mamon, posibleng may kinalaman
sa trabaho ang pagpatay kay Pangato at kasamahan nito.

Nakatakda kasing ma-promote si Pangato
bilang overall supervisor ng Mindanao Star Bus Company.

Samantala, nakatakas naman ang mga
suspek sakay ng dalawang mga motorsiklong naka-abang na sa nabanggit na lugar.

Una rito, noong Sabado, October 22
binaril at napatay din ang biktimang si Toh Kabilangan, isang habal-habal driver.

Nangyari ang pamamaril sa biktima sa
loob ng isang tindahan sa barangay Lower Katingawan, Midsayap.

Naglalaro lamang daw ng baraha ang
biktima kasama ang iba pang mga driver nang lapitan ng suspek at saka
pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol.

Dead on the spot ang biktima.

Ayon kay Mamon, posibleng may kinalaman
sa iligal na droga ang pagpatay kay Kabilangan.

Batay kasi sa kanilang mga natanggap na
impormasyon, kilalang tulak ng iligal na droga si Kabilangan.

ISANG
BALA ng 81mm mortar ang natagpuan sa isang bahay sa Cotabato city.

Ayon
kay Police Station 2 commander police Insp. Carlo Jurinario, natagpuan ang
naturang bala pasado alas sais kagabi sa likurang bahagi ng bahay ng isang
Mario Araneta sa Purok Dos, Barangay Rosary Heights 9 ng lungsod.

Sa
ngayon aniya, inaalam pa nila kung sadyang iniwan ang naturang bala na
nakalagay sa loob ng kahon, o matagal na itong naroon sa lugar ngunit ngayon
lang natagpuan.

Nabatid
na isang bata ang nakakita ng naturang kahon at agad na isinumbong sa kanyang
ama.

Sabi naman
ni PO3 Reynaldo Bayal, miembro ng Explosives and Ordnance Team ng City PNP, may
kakayanan pang sumabog ang naturang bala.

Ngunit
aniya, wala naman itong nakakakabit na triggering device kaya hindi pa ito
maikokonsiderang isang bomba.

SUGATAN
ang isang magsasaka matapos tamaan ng bala mula sa dalawang naglalabang grupo
ng mga armado sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala
ang biktima na si Bangon Puwalas Balusan na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang
bayag.

Nangyari
ang palitan ng putok ng dalawang di pa natukoy na grupo ng mga armadong lalaki
sa boundary ng barangay

Kapinpilan
at barangay Tambulawan, sa Midsayap pasado alas dos ng hapon.

Nagkataon
naman na nasa lugar ang biktima kaya tinamaan ng ligaw na bala.

Sa
ngayon ay namagitan na ang Army’s 3th Infantry Battalion at Midsayap PNP sa
naturang bakbakan. HULI ang dalawang mga babaeng sinasabing sangkot sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa Alamada, North Cotabato.
Nadakip ang mga suspek na sina Nora Dimalimpos at Rombai Matanog pasado alas nuebe ng umaga kamakalawa sa Sitio Tabunan, Brgy. Guiling, Alamada, ng pinagsanib na pwersa ng Alamada PNP, North Cotabato PNP, Army's 38th Infantry Battalion Philippine Drug Enforcement Agency 12 at Regional Intelligence Division ng PNP 12.Ang dalawa ay naaresto sa bisa ng Search Warrants number 10-18-661 up to 10-18-684 na inisyu ni Judge Alandrex Betoya ng Regional Trial Court Branch 16.

Samantala, hindi naman naaresto ng mga otoridad ang dalawa pang mga suspek na kabilang din sa listahan ng kanila sanang huhulihin na sina Palao Panduma at Gayak Panduma.Nakuha naman mula sa mga nadakip na suspek ang siyam na sachets ng pinaniniwalaang shabu na magkakaibang ang laki at bigat dalawang improvised glass tooter dalawang disposable lighter limang aluminum foil, at isang fragmented hand grenade PRB 423 at ilang cash P3, 600.

nabatid na ang mga nakumpiskang iligal na droga ay may kabuuang street value na P15, 000.

Samantala, nahuli din ng mga otoridad ang asawa ni Palao Pandulo na si Marisa Panduma sa bisa naman ng warrant of arrest para sa kasong attempted murder na inisyu ni Judge Lily Lydia Laquindanum ng RTC Branch 24 ng Midsayap, North Cotabato noong March 22, 2016.

Nadakip din ang isa pang wanted na si ALIKAN BUNDAS KURANSANG na nahaharap sa kasong murder.

Si Kuransang ay may warrant of arrest with Criminal Case Number 15-208 na inisyu noon pang January 29, 2016. Kalaboso ngayon ang isang carnapper matapos maaresto ng Tulunan PNP sa public market ng brgy.Poblacion Tulunan pasado alas sais kagabi.
Kinilala ni Police Sr. Ins. Felix Fornan, hepe ng Tulunan PNP ang suspek na si Amy Tutu-an Dagon, 35 anyos.

Sa bisa ng warrant of arrest ng korte nahuli ang suspek dahil sa kinakaharap nitong kaso na RA 6539 o anti-carnapping.Ito ay may criminal case no. 3850-2016 kung saan may pyansang 180,000 pesos.

Nasa kustodiya na ngayon ng Tulunan PNP lock up cell ang suspek.

Samantala patay naman ang isang 29-anyos na si Elly Joy Emboc Vicente matapos saksakin sa Purok Banana brgy. Meohaw, Kidapawan City sabado ng gabi.Base sa report nakilala rin ang suspek na si Rodani Lucas Adas alyas Dan-Dan , 19-anyos, magsasaka at residente rin ng nabanggit na lugar.

Nahuli ang suspek matapos ilunsad ang hot pursuit operation ng PNP.Ayon sa report, nagtamo ng saksak ang biktima sa kanyang dibdib na agad namang isinugod sa pagamutan subalit ideneklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Nasa kustodiya na ngayon ng City PNP ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. Umapela ngayon ng tulong ang isang ama na taga Antipas, North Cotabato sa mga otoridad matapos dalawang linggo nang nawawala ang walong taong gulang nitong anak.Sinabi ni Beriel Benjamin, ama ng biktima na nawala raw ang kanyang anak na si Meriel habang naliligo sa Dawis Beach, Digos City noong October 8.Salaysay pa ni Mang Benjamin sa Radyo Bida, humingi raw ng pera ang anak nito sa kanya at dahil sa walang siyang barya ay umalis nalang ang anak.

Ilang minuto pa ay hindi na mahagilap ng ama ang bata na agad naman nilang hinanap.Ayon kay Benjamin, nakasuot raw ng maong na short si Meriel at damit na kulay lavender.

Ang insidenteng ito ay hindi pa raw alam ng ina ni Meriel na nasa ibang bansa.

Pinagsisikapan ngayon ni Mang Beriel na makita ang anak na umano nasa Digos City lamang kung saan ilang impormasyon ang kanilang nakuha na may mag-asawa raw na nakakita sa bata.May report rin na nakatulog lang si Meriel sa isang tricycle.

Sa ngayon humihingi ng tulong si Mang Beriel na mahanap ang anak at makipag ugnayan lamang sa Antipas PNP o sa Radyo Bida sakaling mahanap ang anak na si Meriel.
Hinihimok ngayon ng Dept. of Trade and Industry North Cotabato Provincial Office ang mamamayan na makiisa sa pagdiriwang at obserbasyon ng National Consumer Welfare Protection Month ngayong October 2016.
Ayon kay DTI North Cot Provincial Director Engr. Anthony Bravo, mas magiging malakas ang consumer protection and welfare o kampanya ng DTI kung makikipagtulungan mismo ang mga consumer.Layunin ng DTI na ipabatid sa mga konsumedores ang kanilang mga karapatan bilang mga mamimili at makaiwas sa mga posibleng pang-aabuso ng ilang mga establisimiyento.Kaugnay nito sinabi ni Bravo na nakahilera na ang ilang mga aktibidad ng DTI kaugnay sa pagdiriwang ng National Consumer Welfare Month kung saan kabilang na rito ang Quiz on the Air, ocular and monitoring, seminars at iba pa na magtataguyod ng consumer rights and protection.Batay sa Presidential Proclamation No. 1098 ay ipinagdiriwang bawat Oktubre ng kada taon ang National Consumer Welfare Month at ngayon taon ito ay may Tema naand Consumer Protectionand A Shared Responsibility .

Mahigit isang daang mga magsasaka ng mais mula sa bayan ng Matalam, North Cotabato at Columbio, Sultan Kudarat ang sumailalim at lumahok sa dalawang araw na pagsasanay hinggil sa cassava production technology.

Ayon sa Department of Agriculture 12 Cassava Technical Working Group, layunin nitong matulungang mapataas ang kita ng mga corn farmers dahil ang cassava ay maaari ring itanim sa pagitan ng mga mais sa tamang panahon at teknolohiya.Kabilang sa mga inirekomendang varieties ng cassava ay ang Lakan, Rayong, PSB 11 at PSB 12 na pawang mayroong mataas na ani at angkop sa ibat ibang klase ng lupa na gaya ng sandy at clay loam.Pinaalalahanan din ang mga magsasaka na ang ugat ng cassava ay mayroong hindi at pwedeng kainin dahil may nakakalasong kemikal sa ugat nito na kung tawagin ay cyanide content.Ito ay makikita sa mga putting variety ng cassava.

Kung kayat piliin lang ang dilaw na kulay nito at hugasan mabuti bago lutuin at kainin.Sa kasalukuyan in demand ang cassava dahil ang San Miguel Corporation ay bumibili ng volume supply ng cassava fresh chips at powder form sa pamamagitan ng kanilang mga naitalagang assembler buyers sa ilang bayan at probinsiya sa buong Region 12.
Abot sa 102 mga indibidwal at persons with disabilities o PWD's mula sa bayan ng Mlang ang nakatanggap ng dalawang milyong pisong halaga ng Livelihood Assistance at Equipment mula sa Department of Labor and Employment o DOLE 12.Ito ay bahagi naman ng Livelihood program na isinusulong ng LGU Mlang.

Mismong si DOLE 12 Regional Director Albert Gutib ang nag-abot sa nabanggit na mga technical assistance sa higit isang daang recepient.

Nakapaloob sa naturang mga gamit ang freezer, refrigerator, welding machine, hand grill at mga gamit para sa mga barbero at iba pa na nagkakahalaga ng isang milyong piso.Habang isang libong halaga din ang para sa PWD's kung saan gagamitin nila ito para sa kanilang catering services na negosyo.Nagpapasalamat din si Mlang Mayor Russel Abonado sa DOLE 12 sa suportang ibinigay nito sa kanilang mga programa.

Hiling lamang ni Abonado sa mga recepient na ingatan at pahalagahan ang naturang mga gamit.Plano rin ng LGU na imonitor ang mga tulong mula sa recepient para matiyak na napalago at nagamit ito ng maayos. Problema ngayon ng maraming mga mamamayan ng Koronadal City ang walang pakundangang pagtatapon ng basura sa kanilang lugar ng di kilalang mga tao.
Kadalasan ayon sa mga ito ang mga basurang ito ay nagiging sanhi ng mga pagbaha sa kanilang lugar.Dismayado din ang mga dumalo sa pagpupulong sa kawalan umano ng kooperasyon ng kanilang mga barangay officials at sa pangangalaga ng kalinisan sa kanilang kapaligiran.Ito ang hinaing ng karamihan sa mga mamamayan na dumalo sa konsultasyon hinggil sa pagapapatupad ng Revised Ordinance on Solid Waste Management.
Ayon kay Koronadal City Environment and Natural Resources Officer Agustus Britania isinusulong ng ordinansa ang pagpataw ng kaukulang multa sa mga mamamayang iresponsable sa pagtatapon ng kanilang mga basura.
Kapag naipatuad na ang revised ordinance bibigyan ng insitibo ang mga mamamayan sa mga makapagtuturo sa sinumang lumabag dito.
Layon nito na mahikayat ang mga mamamayan na tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang lugar.Nilinaw naman ni Britania na bago ipatupad ang ordinansa, ito ay ipapaliwanag muna sa mga mamamayan ng 27 barangay sa Koronadal City. Inaasahang makikilahok sa international paragliding sa lalawigan ng Sarangani ang 9 na mga banyagang piloto.
Ang mga nais manood sa aktibad ay kailangang magbayad ng P3,500.Ang paragliding festival ay isa sa inaabangang aktibidad sa TAU Sox and Festival of the First People ng Department of Tourism o DOT 12.
Ang Festival na magpapakita sa kultura at tradisyon ng mga Blaan, Tboli, Teduray at Maguindanaon ay gaganapin sa Oktobre 27 hanggang 30.Ayon kay DOT 12 Regional Director Nelly Nita Dillera ang bawat lugar ay may inihandang pagtatanghal bilang pakikiisa sa festival.Sa Koronadal City matitikman ng mga mamamayan ang katutubong pagkain sa pamamagitan ng cook fest sa City Hall Lobby sa October 27.
Katutubong palaro naman ang masasaksihan ng mga mamamayan ng Tacurong City sa Sportsfest na gaganapin sa October 28.Habang ibibida naman ang mga taga Cotabato City ay ipinagmamalaking inaul cloth ng mga Maguinaoan sa pamamagitan ng fashion show na lalahukan ng mga Malaysian at Indonesian.
Matutunghayan n ng mga mamamayan ang traditional house exhibit sa Veranza Mall sa General Santos City.Saklaw din ng festival ang pagbibigay ng DOT 12 ng tour package sa mga mamamayan na nais pumunta sa mga tourist destination ng SOCCKSARGEN Region. Isinasagawa na ngayon ang evaluation para sa Outstanding Municipal Drug Abuse Council o MADAC sa South Cotabato.
Layon nito na matukoy kung gaano nakatulong sa mga mamamayan ang mga programa kontra iligal na droga ng bawat local government unit.Nabatid na bago sinimulan ang evaluation ipinagutos ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes ang pagbuo ng isang evaluating team na mangunguna sa evaluation ng mga MADAC.Ang evaluating team ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government bilang Chairperson, at South Cotabato Provincial Police Office bilang Vice Chair.Mayembro naman nito ang mga kinatawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency, Department of Education, Girls Scouts of the Philippines, Provincial Social Welfare and Development office at Provincial Information Office.Ayon kay South Cotabato Provincial Anti Drug Abuse Council Permanent Representative of the Governor Agustin Demaala, magiging batayan sa mga pararangalan ang Organization of the Council.Titingnan din ng mga evaluator ang mga aktibidad laban sa iligal na droga, advocacy , illegal drug operation at administrative function.Sa kauna unahang pagkakataon magiging batayan din sa mga bibigyan ng parangal ang dami ng mga sumukonog drug personalities.Ayon kay Demaala, ang awarding ceremony ay gaganapin kasabay ng Drug Abuse and Control Week Celebration sa Nobyembre.Ang mga mananalo ay tatanggap ng P80 thousand, P60 thousand ,P40 at P20 thousand.
Nais din ng PADAC na gawing P1 Million ang premyo ng Most Outstanding MADAC sa susunod na taon.Layon nito na mahikayat ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin pa ang kanilang kampanya kontra iligal na droga.
pinakamarami sa rehiyon , ayon sa Philhealth 12
Nanguna sa pagpapatupad ng point of care program ng Philippine Health Insurance Corporation o PHILHEALTH ang lalawigan ng South Cotabato.Ito ay batay naman sa naging presentasyon ni South Cotabato provincial Hospital, Chief of Hospital Dr.Conrado Brana sa Social Insurance Education Series ng ahensya.Ayon kay Brana abot na lamang sa dalawang porsyento ng mga pasyente na nagpapagamot sa Provincial Hospital ang hindi myembro ng Philhealth ngayon na mas mababa kumpara sa 45 percent noong 2010.
Ito ayon kay Brana ay patunay na may sapat na pondo ang pamahalaang panlalawigan para agad mabigyan ng health insurance ang sinumang pasyenteng hindi myembro ng Philhealth.
Sa ilalim ng Point of Care Program ng Philhealh na mas kilala din sa tawag na emergency philhealth agad na mabigyan ng membership sa Philhealth ang isang pasyente sa pampublikong ospital kung nakapasa sa evaluation ng social worker. Karnaping ang tinitingnan ngayong motibo ng mga pulis sa pagpatay sa tatlo katao sa Barangay Dumadalig, Tantangan, South Cotabato.Ito ay ayon kay SPO4 Jimmy Cuaresma ng Tantangan PNP Municipal Police Strategy Management Unit ay matapos mawala ang motorsiklo ng isa sa mga biktima.Kinilala ni Cuaresma ang mga napaslang na sina James Job, 15 anyos may ari ng nawawalang kulay itim na Honda RS motorcycle at John Rey Soledad 24 anyos na binata.
Napatay din ang kasama ng mga ito na si Felbes Andrada, 24 anyos at isang magsasaka.Ayon kay Cuaresma ang mga biktima ay pawang mga residente ng Barangay Dumadalig, Tantangan.
Natagpuan ng ilang mga magsasaka ang wala nang buhay na katawan ng mga ito malapit sa boundary ng Dumadalig Poblacion, Tantangan at Purok Salukag sa Barangay Estrella, President Quirino, lalawigan ng Sultan Kudarat dakong alas syete ng umaga kahapon.Ayon kay Cuaresma, dalawa sa mga biktima ay nakahandusay pa sa gitna ng daan habang ang isa naman na maaring tumangkang tumakas ay natagpuan sa palayan.
Ayon kay Cuaresma ang mga biktima ay nasawi dahil sa tama ng mga bala ng baril.
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang mga basyo ng ng 45 pistol at M14 rifle na posibleng ginamit sa pagpatay sa mga biktima.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...