Wednesday Jun, 26 2024 02:23:45 PM

NDBC BIDA BALITA (Oct. 22, 2016)

Local News • 17:58 PM Sat Oct 22, 2016
1,353
By: 
NDBC

NEWSCAST

OCTOBER 22,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LALAKI, BINUGBOG
NG BAYAW SA COTABATO CITY

2. Carnapper na
nahuli sa President Quirino, may kasabwat raw na pulis

3. Bible, pinamimigay sa mga bilanggong lalabas na sa South Cotabato provincial jail.4. Indian national, huli sa Surallah, South Cotabato matapos maaktuhang gumagamit ng shabu.
Namamaga pa ang
mukha ng isang lalake nang dumulog ito sa Police Station 1 para i report ang
umanoy pang bubugbog sa kanya ng kanyang sariling bayaw pasado 5:30 ng hapon
kahapon sa Bagua 3, Cotabato City. Kinilala ang biktima na si Zalman Midtimbag
Silongan, 44 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa salaysay ni
Silongan, biglang pumasok sa loob ng kanyang bahay ang kanyang bayaw na
pinaniniwalaang lasing. Nang komprontahin ni Silongan ay dito na sya
pinagsusuntok.

Nagtamo ng pasa
sa mukha at sa ibat ibang bahagi ng katawan si Silongan. Agad namang dinampot
ng mga elemento ng Police Station 1 ang suspek na kinilala namang sa pangalang
Nestor Plamor Peka, 26 anyos, hiwalay sa asawa, walang trabaho at residente rin
ng nasabing lugar. ARESTADO
sa Maluso, Basilan ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group o ASG na
sinasabing sangkot sa nangyaring pambobomba sa Kidapawan city noong 2006.

Kinilala
ang dinakip na si Ibrahim Akbar na gumagamit din ng mga pangalang alyas ‘Ustadz
Atti Lintogan’, ‘Ustadz Atti’ at ‘Ustadz Namir’.

Si
Akbar ay inaresto sa bisa ng mga warrant of arrest na inilabas ng korte sa mga
kasong multiple murder with multiple frustrated murder.

Siya
ay may patong sa ulo na 600 thousand pesos.

Ang
operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army, Philippine
National Police Special Action Force kasama ang Maluso PNP at Criminal
Investigation Group. Sinalakay
ng Abu Sayyaf Group ang isang South Korean cargo ship at dinukot ang kapitan
nito at isang Pinoy crewman sa karagatan ng Tawi-Tawi.

Kinumpirma
ito ng Western Mindanao Command na hinarang ng Abu Sayyaf ang MV Dong Bang
Giant hindi kalayuan sa Bongao, Tawi Tawi kamakalawa at dinukot ng sampung mga
armadong lalaki si Park Chul Hong at Glenn Alindajao, na tubong-Cebu .

Sabi
ni Western Mindanao Command spokesperson Major Filemon Tan na agad inalerto ng
anti-terror Joint Task Force Tawi-Tawi ang lahat ng units nito sa lalawigan
upang hanapin at iligtas ang mga bihag.

Wala
namang pahayag ang Korean Embassy sa Maynila ukol sa insidente

Sa
ngayon ay bihag pa rin ng Abu Sayyaf ang isang dosenang Indonesian at Malaysian
sailors na dinukot sa Sabah, Malaysia.-0MAKATATANGGAP na ng regular na operations fund ang lahat ng mga
public school sa limang mga lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o
ARMM simula sa susuod na taon.

Sinabi ni Department of Education o DepEd ARMM Sec. Dr. John Magno
na magbibigay sila ng kinakailangan pondo sa mga public elementary at secondary
schools sa ARMM para magamit ng mga ito sa kanilang local education programs.

Ayon kay Magno, bahagi ng mga programang ito aty ang
pagpapalaganap ng `culture of peace' sa mga mag-aaral sa rehiyon.

Nabatid na aprubado na sa kongreso ang proposed 40.5 billion
pesos na budget ng ARMM para sa susunod na taon.

Malaking bahagi ng naturang pondo ay nakalaan sa sweldo ng mga
kawani sa nasa 30 line agencies ng ARMM.

Ang DepEd-ARMM ay may mahigit 26 libong mga guro at tatlong
libong non-teaching employees sa kabuuang 2,167 elementary schools at 309
secondary schools.

Binigyang-diin naman ni Magno na batay sa direktiba ni ARMM Gov.
Mujiv Hataman, kailangang paglaanan ng operating funds ang mga public
elementary and secondary school para naman tumaas ang kalidad ng edukasyon sa
mga nabanggit na paaralan .

Nabigyan ng Bibliya ang mahigit 200 mga nakalayang preso sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center o SCPRDC .Ayon kay OIC Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas, ito ay bilang kabahagi ng kanilang values formation and rehabilitation program.Layon nito ayon kay Lanzaderas na mahikayat ang mga nakalayang preso na tuloy tuloy na magbagong buhay at mamuhay ng naayon sa kagustuhan ng Maykapal.Ayon kay Lanzeras ang mahigit 1,200 Biblya na ipamimigay nila sa mga inmate ng pasilidad ay bigay ng iba’t ibang religious sector at stakeholders ng SCPRDC na mas kilala rin sa tawag na provincial jail.
Ipinahayag ni Lanzaderas na maliban sa physical activites, bahagi din ang mga religious activities sa rehabilitation program ng mga preso sa provincial jail.
Magbibigay ng dagdag na pinansiyal na tulong para sa mga esudyante ng senior high school ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.Sinabi ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na plano ng provincinal government na maglaan ng P4 million para sa mga ito.Ayon kay Fuentes layon nito na hikayatin ang mga magulang na ipa-enroll sa mga pampublikong eskwelahan ang kanilang mga anak.Ipinahayag ni Fuentes na dahil sa kahirapan marami pa ring mga magulang ang hindi kayang paaralin sa public schools ang kanilang mga anak.
Ayon kay Fuentes ang karagdagang pondo ay mapapakinabangan sa susunod na school year.Sinabi ni Fuentes na naglaan ang provincial government ng tig P2,000 sa bawat senior high school student sa ngayon.
Gayunpaman ayon sa gobernador, inaalam pa nito sa DepEd Koronadal ang kabuuang halaga na binbarayan ng mga estudyante sa buong isang taon.Si Fuentes ay naging panauhing pandangal sa pagpapasinaya ng senior high school building ng Koronadal National Comprehensive High School, ang pinakamalaking public school sa South Cotabato
0Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng mga programa para sa mga sumukong drug personality sa Koronadal City.
Ayon kay City Local Government Operations Officer o CLGOO Juanito Agullana, ilan sa mga lumitaw na drug personality ay kanila nang pinulong.
Ito ayon kay Agullana ay bilang kabahagi ng profiling sa mga ito.
Ayon kay Agullana mahalaga na malaman ang impormasyon hinggil sa isang sumukong drug personality para matukoy ang angkop na tulong para dito.
Ipinahayag ni Agullana na kabilang sa magiging batayan sa pagbibigay ng tulong sa mga sumukong drug personality ang kanilang kasanayan at educational attainment.
Kinumpirma din ni Agullana na tapos na rin ng lokal ng lokal na pamahalaan ang action plan para sa mahigit 700 sumukong drug personalities sa Koronadal City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Compehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang Indian national na naaresto ng mga pulis sa Surallah, South Cotabato.
Kinilala ni Surallah Chief of Police, Chief Inspector Joel Fuerte ang suspek na si Gushan Singh, 23 anyos businessman at nakatira sa Barangay Zone 3, Koronadal City.Inaresto din ng mga pulis ang kasama ni Singh na si Eugene Lapiad ng Zone 2, Libertad Surallah, kung saan sila naaresto ng mga pulis.Ayon kay Fuerte ang mga suspek na matagal nang minamanmanan ng mg pulis ay naaktuhang gumagamit ng illegal drugs sa kubo ni Lapiad.Nakuha sa dalawang drug suspek ang tig isang maliit at medium size ng suspected shabu, dalawang sachet na walang laman, gunting, cutter, at aluminum foil.
Sina Sigh at Lapiad ay naaresto kasunod ng pagkakahuli din ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 sa umanoy drug pusher na habal habal driver at kasama nitong menor de edad .Ayon kay PDEA 12 Information Officer Kath Abad ang suspek na si Randy Aliperio 32 anyos ay naaresto sa Barangay Talahik Surallah.
Arestado din ang kasama ni Aliperio na 16 anyos na binatilyo.Ayon kay Abad si kadalasang ginagamit bilang taga kuha at hatid ng droga ni Aliperio ang mga menor de edad.
Ang mga suspek ayon kay Abad ay kumukuha ng iligal na droga sa barangay Ambalgan, Sto. Nino, South Cotabato.

Patay ang isang drug suspek matapos umanong manlaban sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa Koronadal City.Kinilala ni Koronadal Chief of Police, Superintedent Barney Condes ang suspek na si Zaldy Delos Reyes na dati nang sumuko sa pulisiya.Ayon kay Condes si delos Reyes ay dinala pa sa South Cotabato Provincial Hospital ngunit binawian din ng buhay dahil sa mga tama ng bala ng baril na natamo nito.Aminado naman si Condes na walang koordinasyon ang mga kasapi ng Police Reginal office 12 nang magsagawa ng anti illegal drug operation sa New Pangasinan.Si De Los Reyes ay pangalawa na sa mga drug personality na napatay sa lugar
Matatandaan na patay din ang 28 anyos na drug suspek na si Enrico Carlos alyas Jimboy matapos umanong barilin ng riding tandem na mga suspek sa harap mismo ng kanilang bahay sa Purok Francisco, New Pangasinan. Tiniyak ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na na mabubulok sa kulungan ang nahuling carnapper na si Joven Madarang.Sinabi ito ng alkalde pagkatapos maibalik ang Toyota Hiace Grandia Vansa mismong may-ari at operator nitong si Relly Domaoan na taga Antipas, kahapon ng umaga sa City Hall.Ayon kay Evangelista hindi lamang ang pagtangay sa van ni Domaoan ang reklamong kinakaharap ni Madarang.

Nabatid na nakakuha ng ilang police blotter ang Highway Patrol Group ng PNP at Traffic Management Unit na umano sangkot pa sa ilang insidente ng ‘panloloko’si Madarang.Matatandaang dumulog sa TMU ang may ari ng naturang sasakyan ng hindi na ibinalik ng suspect ang van matapos itong rentahin noong October 4.Nagpakilala umanong isang ‘Jay Kuan’ na isang anak ng alkalde ng Libungan si Madarang kay Domaoan at napaniwala nito ang biktima na siya ay nagmamayari ng mga gasolinahan sa kanilang bayan.Matapos makapag blotter sa City PNP, ay inalerto ng TMU ang lahat ng mga HPG units at maging Army Checkpoint sa buong Rehiyon dose na posibleng dadaanan ng nawawalang sasakyan.Agad na dinala ng mga otoridad ang sasakyan sa lungsod samantalang sabay na isinilid din sa lock up cell ng Kidapawan PNP si Madarang na nademanda na sa kasong carnapping.Naniniwala ang mga otoridad na planong ibenta ng suspect ang sasakyan matapos nitong alisin at palitan ang ilang orihinal na kagamitan nito.Napag-alaman rin na may kasabwat ng pulis si Madarang na ngayong ay patuloy ding iniimbestigahan ng mga otoridad.
ISA ANG KIDAPAWAN CITY SA NAKATAKDANG TUMANGGAP NG SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE O SGLG.

Ang parangal ay bilang pagkilala ng Department of the Interior and Local Government sa mga namumukod tanging LGU’s na nakapagtala ng maayos na pamamahala at epektibong nakapagbigay ng serbisyo publiko sa taumbayan.Mismong si City Mayor Joseph Evangelista ang nagbunyag ng nabanggit na development matapos niyang pangunahan ang turn over ceremonies ng dalawang DOH Funded Barangay Health Stations nitong linggo lang.Ayon kay Evangelista, nakapagtala ng mataas na performance rating ang Kidapawan City sa tatlo mula sa anim na criteria na isinasaad ng SGLG.

Mas mataas na performance rating ang naitala ng City LGU saand Business Friendliness and Competitiveness Environmental Management at Good Financial Housekeeping.Samantalang mataas din ang performance rating ng City LGU sa usapin naman ngand Social Protection Disaster Preparedness at Public Safety/Law and Order.Dahil dito ay makakatanggap ng prayoridad at maraming incentives mula sa National Government ang City LGU gaya ng lamang ng mga proyektong pang imprastruktura at maging technical assistance sa pagpapatupad ng mga pangunahing programa.Personal na iaabot ni DILG Sec. Mike Sueño ang SGLG Award kay Mayor Evangelista at City DILG Director Ging Kionisala sa darating na October 27 sa isang seremonya na gaganapin sa National Capital Region.
Naibalik na sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP North Cotabato ang tatlo sa limang mga Children in Conflict with the law o CICL na tumakas kamakalawa sa Prison without wall sa brgy.Amas, Kidapawan City.Napag-alaman na ang mga nabanggit na CICL ay nahaharap sa iba’t-ibang mga kaso.

Dahil dito, kinausap na rin ng mga awtoridad ang pamilya ng dalawang CICL na makipagtulungan para sa pagsuko ng mga ito.Wala munang impormasiyon na ibinigay si Supt. Peter Bungat, Jail Warden ng BJMP tungkol rito dahil sa maselan ang mga kasong kinakaharap ng mga CICL.Ang prisons without wall ay nasa annex ng North Cotabato District Jail kungsaan maliliit lamang ang mga bakal dito dahilan para madaling masira ng mga tumakas na CICL.
Matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang China na winawakasan na nito ang ugnayan ng Pilipinas sa Amerika may ilang mga reaksyon naman rito ang ilang residente ng Kidapawan City.Sinabi ni Robin na isang guro, hindi siya sang-ayon sa naging desisyon ng Pangulo.

Aniya, baka raw ay nabigla lang ang at hindi pa handa ang Pilipinas na kumalas sa bansang Amerika.

Marapat lamang raw na pag-aralan rin muna ng Presidente ang ibinigay ng suporta ng Amerika sa bansa. Hindi rin pabor si Mary Mae isang estudyante sa naturang desisyon ng Pangulo.

Para kay Mary, ilang mga Chinese na raw na sangkot sa iligal na droga ang mga nahuhuli sa bansa at kalaban rin ng Pilipinas ang China sa usapin ng West Philippine Sea. Pero kung si Marlon naman ang tatanungin na isang Tricycle Driver, pabor siya sa naging desisyon ni Duterte.

Posible raw na mas malaki ang tulong na maibibigay ng China sa Pilinas, lalo na ang paglagak ng pondo at maraming mga Pilipino at mabibigyan ng trabaho. Nabatid na pinirmahan na ang abot 13 Memorandum of Understanding sa pagitan gn Pilipinas at China sa layuning mapalakas pa ang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.Kaugnay nito hindi din tiyak kung puputulin din ng Pilipinas ang relasyon nito sa US sa aspeto ng humanitarian assistance.Ayon kay NDRRMC spokesperson Mina Marasigan, bagama’t hindi naman pumapalya ang Amerika sa pag-aabot ng tulong tuwing may kalamidad, bahala na aniya ang Department of Foreign Affairs na umapela ng tulong mula sa international community.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...