Wednesday Jun, 26 2024 01:50:08 PM

NDBC BIDA BALITA (Oct. 18, 2016)

 • 16:42 PM Tue Oct 18, 2016
1,338
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

OCTOBER 18,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Nangungunang sakit na sanhi ng pagkamatay sa ARMM, tinukoy ng DOH2. PINANINIWALAANG KAMPO ng MNLF sa
Makilala, North Cotabato, sinalakay ng Army at PNP, mga armas nakumpiska3. LABORER, arestado dahil sa
panggagahasa umano sa isang menor de edad sa Koronadal City

4. Sundalo, pinaghahanap ng mga otoridad dahil sa misteryosong pagkamatay ng misis sa Digos City TINUKOY ng Department of Health o DOH
ARMM ang tatlong mga pangunahing sakit na madalas nagiging sanhi ng kamatayan
ng mga mamamayan sa buong Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Sa lingguhang Tapatan sa ARMM, sinabi
ni DOH ARMM Secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr. na nananatiling problema ang
diarrhea o pagtatae sa maraming mga lugar sa ARMM.

Bukod sa diarrhea, marami rin ang
namamatay dahil sa sakit na pneumonia at cardiovascular diseases.

Sabi ni Sinolinding, nananatiling isa
sa mga top killer diseases ang diarrhea dahil sa kakulangan ng mapagkukunan ng
malinis na maiinum na tubig sa maraming mga lugar sa rehiyon.

Ipinunto rin ng kalihim ang kakulangan
ng maayos na palikuran bilang isa rin sa mga sanhi ng madalas na pagtatae lalo
na ng mga kabataan sa mga liblib na barangay.

Ayon pa kay Sinolinding, matagal ng
problema ang maiinum na tubig sa maraming mga lugar sa ARMM pero hindi pa rin
ito naso-solusyunan dahil sa kakulangan ng suporta mula sa local government
units.
Nabatid na sa ngayon, nasa 47% lamang
ng kabuuang bilang ng mga bayan sa ARMM ang may napagkukunan ng malinis na
tubig at may maayos at malinis na palikuran.

Kaya naman bilang solusyon, sinabi ni
Sinolinding na isusulong nila ang pagkakaroon ng local health board sa bawat
bayan na sakop ng ARMM.

Dagdag pa ni Sinolinding, mayroon ding
19 na LGUs sa ARMM ang nagtapos sa tatlong taong health leadership and
governance program ng Zuellig Family Foundation at United States Agency for
International Development.

Kaya naman sabi ng kalihim, inaasahan
niya ang commitment ng naturang mga LGU para maging katuwang ng DOH ARMM sa
pagpapa-unlad ng kondisyong pangkalusugan ng mga mamamayan sa rehiyon. MULING PUMASA
ang Maguindanao provincial government sa mga pangunahing batayan para
makatanggap ng Seal of Good Local Governance sa ikawalang pagkatataon.

Sa liham na
ipinadala ni Department of the Interior and Local Government Secretary Ismael
Sueno kay Maguindanao governor Esmael Mangudadatu, personal nitong ipinaalam sa
gubernador ang magandang balita.

Nabatid na
naging maayos ang pamamalakad ng Maguindanao provincial government sa larangan
ng Financial Administration, Social Protection at Disaster Preparedness.

Kinilala rin
ng DILG ang pagsisikap ng Maguindanao provincial government na maging
Business-Friendly ang probinsya, mapaganda ang peace and order sa lugar at pagtiyak
sa pangangalaga ng kalikasan.

Dahil sa
naturang pagkilala, maaaring makinabang ang probinsya sa Performance Challenge
Fund at iba pang mga benipisyong ibinibigay sa mga LGU na mayroong Seal of Good
Local Governance.

Samantala, sa
kabilang dako naman, bubuo ng Maguindanao Task Force ang Maguindanao provincial
government katuwang ang Army’s 6th Infantry Division.

Ayon kay
Mangudadatu, layunin ng pagbuo nito na paigtingin pa ang seguridad sa lalawigan
para mas mapalago pa ang investment climate sa lalawigan.

Sa panig
naman ni 6th ID commander Major Gen. Carlito Galvez, Jr., sinabi
nito na ang bubuuhing Maguindanao Task Force ay makikilahok din sa mga humanitarian
at peace-building activities kaugnay ng isinusulong na Mindanao peace process. DALAWA
katao ang nasawi sa panibagong kaso ng pamamaril sa Aleosan, North Cotabato.

Kinilala
ni Aleosan PNP Chief, police Sr. Insp. Edwin Abantes ang mga nasawing biktima
na sina Ricardo Calon, 49 years old, magsasaka na taga Barangay New Leon, at
si Daisy Campoy 54, health worker sa Barangay
Katalikanan, Aleosan.

Sa
inisyal na ulat ng Aleosan PNP, pasado alas siyete ng umaga kahapon, patungo
sana ng Midsayap si Calon at minamaneho ang kanyang Badja motorcycle habang
angkas si Campoy nang sundan sila ng riding tandem.

Agad
silang pinagbabaril ng isa sa mga suspek gamit ang cal. 45 pistol.

Nagtamo
ng tatlong tama ng bala si Calon habang apat na tama naman ng bala ang tinamo
ni Campoy na naging dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Matapos
ang pamamaril, tinangay ng mga suspek ang motorsiklong minamaneho ni Calon at
saka tumakas sa di malamang direksyon.

Sabi
ni Abantes, carnapping ang nakikita nilang motibo sa naturang insidente.

Sinubukan
pang habulin ng mga pulis ang mga suspek pero nabigo silang mahuli ang mga ito. PATAY
ang hepe ng Poona Bayabao PNP sa Lanao del Sur matapos pagbabarilin ng mga
suspek na riding tandem sa Marawi city kagabi.

Kinilala
ni Lanao del Sur PNP Director, police Sr. Supt. Agustin Tello ang nasawing
opisyal na si police inspector Darangina Ditucalan, 45 years old, may asawa at
kasalukuyang police chief ng Poona Bayabao PNP.

Ayon
kay Tello, pasado alas sais kagabi habang sakay ng kanyang MISTUBISHI L-200
PICK UP si Ditucalan nang sundan at pagbabarilin ng dalawang mga suspek na naka
motorsiklo sa bahagi ng Sitio Boulevard, barangay Lumbac Madaya, Marawi city.

Nagtamo
ng tatlong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na
naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Cal.
45 pistol ang ginamit ng mga suspek sa pamamaril base sa mga basyo ng bala na
narecover sa lugar. MAGBUBUKAS
NA ngayong araw ang City Mall ng Double Dragon Properties Corporation.

Sinabi
ni executive secretary to the city mayor Boy Rasalan na ito ang pinakamalaking
branch ng city mall sa buong Mindanao.

Sinasabing
ang City Mall ang pinaka-malaking Branded independent community mall chain sa
Pilipinas kaya mapalad ang Cotabato city na napili bilang isa sa mga lokasyon
na pinagtayuan ng City Mall.

Ipinagmalaki
naman ni Rasalan na pawang mga local producer ang makikita sa City Mall – Cotabato.

Samantala,
sinabi ni Rasalan na may plano na rin ng Traffic Management Unit ng lungsod
para maging maayos ang daloy ng trapiko sa lugar.

Sa
panig naman ng City PNP, tiniyak ng pulisya na mas hihigpitan nila ang
pagbabantay para maiwasang masalisihan ng mga masasamang loob lalo pa’t may mga
artista at espesyal na panauhing darating ngayong araw sa lungsod.

Hati ang reaksyon ng mga kabataan sa South Cotabato hinggil sa isinusulong na paga-amyemda sa Juvenile Justice Welfare Act of 2006.Layon ng House Bill No. 2 o Minimum Age of Criminal Responsibility Act na ibaba ang edad ng mga batang maaring makasuhan ng mula 15 sa nuebe anyos.
Ito ay matapos lumabas sa report na dahil sa hindi maaring kasuhan, ginagawang kakutsaba ng mga criminal ang mga menor de edad sa kanilang masamang gawain.Nagpahayag naman ng pagtutol sa bill ang Paralegal Children’s at Deped students sa iba’t ibang eskwelahan ng South Cotabato.
Habang may mga nagsasabi naman na ibaba sa 12 anyos sa halip na 9 anyos ang criminal liability sa mga batang nagkakasala.Ayon sa ilang mga estudyante, dahil sa hindi pa makapagdesisyon para sa kanilang mga sarili,madaling maloko ang mga batang nagakaedad ng 9 anyos pababa.
Habang ang mga nasa 12 anyos ayon sa mga ito ay mayroon nang tinatawag na sense of the world .Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO Social Worker Grace Rodel ito ang lumabas sa konsultasyon hinggil sa panukala ng Provincial Council for the Protection of Children o PCPC.Layon ng konsultasyon na malaman ang hinaing ng mga kabataan sa isinusulong na panukala nina House Speaker at Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez at Capiz Representative Fredenil Castro.
Nagpapatuloy pa rin ang monitoring ng mga kinauukulan hinggil sa fish kill phenomenon na mas kilala sa tawag na kamahong sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.
Gayunpaman nilinaw ni Lake Sebu Rehabilitation, Conservation and Development Program o LSRCPD Supervisor Carlos Legaste na ligtas pa ring kainin ang mga Tilapia galing ng Lake Sebu.
Ito ang ipinahayag ni Legaste matapos sirain ng fish kill ang mahigit P800 thousand na halaga ng tilapia sa Lake Sebu.
Ang fish kill ay nagsimula sa lugar noong Oktobre 4 dahil sa masamang panahon na naging dahilan naman ng pabago bagong temeratura at kakulangan ng oxygen sa lawa.
Abot na sa 70 mga fish cage operators sa Lake sebu ang apektado ng fish kill.
Ito ay batay naman sa pinakahuling joint report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Lake Sebu Municipal Agriculture Office, at Lake Sebu Rehabilitation, Conservation and Development Program.
Inihayag din ni Legaste na nagsimulang magtanggal ng tilapia sa kanilang mga fish cages ang mga fish cage operators sa Lake Sebu noong Oktobre 6.
Upang matulungan ang mga apektadong fish cage operators bibigyan ang mga ito ng tilapia fingerlings ng lokal na pamahalaan.
Ang Lake Sebu ang pangunahing supplier ng Tilapia sa South Cotabato at iba pang lugar sa SOCCKSARGEN Region
Sinimulan na ng Philippine Marine Corps o PMC ang screening ng kanilang mga aplikante sa South Cotabato Gym sa Koronadal City kahapon.
Ayon kay PMC Mobile Recruitment OIC Captain Romelito Macaraig kailangan nila ngayon ng 760 marine applicants.Ang mga nais maging kasapi ng PMP ay dapat natural born Filipino citizen, may good moral character, nasa 18 hanggang 23 anyos, walang sinusuportahang asawa o anak at dapat mayroong 72 units sa kolehiyo o nakapagtapos ng TESDA vocational course.Ang mga mga aplikante ay wala ring dapat kaso,dapat ding physically, mentally at psychologically fit ang mga ito at makapasa sa AFPSAT at IQ test.
Tatanggapin naman bilang mga officer candidate applicants ng Philippine Marines ang mga nasa 21 hanggang 29 anyos.
Ipinahayag din ni Macaraig na hindi na kailangan ng mga officer candidates ng PMC na pumunta ng kalakhang Maynila dahil sa kauna unahang pagkakataon ipo-proseso sa Koronadal City ang kanilang application.
Ang eksaminasyon ay gaganapin sa Koronadal City sa November 6.
Sina Board Members Esther Marin Catore, Dardanilo Dar at Emon Matti, ang unang tatlong myembro ng konseho na nagsauli ng 9 mm na baril na isyu sa kanila ng South Cotabato Provincial Government.Ayon kay Board Member Dar, ito ay dahil sa pangambang matulad din sila kay Association of Barangay Chairman President at Sangguniang Panlalawigan Ex-official Member Vicente Yungco.Ipinahayag ni Dar na ibinalik nila ang kanilang mga armas habang hindi pa naayos ng pamahalaang panlalawigan ang mga permit nito.
Matatandaan na si Yungco ay nakalabas lamang ng kulungan matapos makapagpyansa.Ito ay matapos makuha ng pulis sa bahay nito ang baril na issued ng provincial government.
Maliban sa tatlong mga board members ibinalik na rin ng mga barangay officials sa mga bayan ng Polomolok, Surallah, Tampakan, at Norala ang kanilang mga armas.
Ito ay kinumpirma sa Radyo Bida ni Provincial General Services Head Marlyn Almaden .Ayon kay Almaden susunod na rin sa mga ito ang mga barangay Officials ng Lake Sebu ngayong araw.
Sinabi naman ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na ang pagbalik ng armas ng mga opisyal ng barangay ay isang malaking hamon ngayon sa pulisiya.Binigyan diin ni Fuentes na dahil sa wala nang magagamit na armas, obligado ang pulisiya na rumesponde maging sa pinakamalalayong lugar kung kinakailangan.
Isinailalim na sa inquest proceedings kahapon ang isang 28 anyos na laborer sa Koronadal City
Ito ay matapos iturong suspek sa umano’y pangagahasa sa isang walong taong gulang na bata .
Sinabi ng isang barangay kapitan sa Radyo Bida na ang suspek ay nakainuman pa umano ng ama ng biktima.
Nabatid na kinutuban umano ang ina nang mawala at hindi na makita ang suspek na kaanak din nila kaya niya ito hinanap.
Nagulat na lamang ang ina ng matuklasan na pinasok na pala ng suspek ang kanyang anak sa kanilang kwarto.
Ang suspek na mula sa Davao City ay kadadayo lamang sa Koronadal.
Nabatid na tumakas pa ang suspek ngunit naaresto din ng mga tanod nang magtangkang bumalik sa barangay kung saan umano nito inabuso ang menor de edad na biktima. Wala nang naiwang tao at tanging mga baril at bala na lamang ang nadatnan ng mga otoridad sa isinagawang operasyon kahapon ng umaga sa brgy. Guangan, Makilala, North Cotabato.Sa report ng Makilala PNP, tinungo nila ang nabanggit na lugar matapos makatanggap na report na umano may kampo ng MNLF sa brgy. Guangan.

Agad beneripika ng Makilala PNP katuwang ang 39th Infantry Battalion ang area.Agad namang nakipag-ugnayan ang PNP at AFP sa barangay officials ng Guangan kung saan kasama rin sa naturang operasyon si Datu Rodney Fuerte, siyang chair ng Municipal Federation of Tribal Chieftain ng Makilala.

Isang guard house naman ang makikita sa lugar at may singnage na may nakasulat ng BANGSAMORO ROYAL REPUBLIK at may mga larawan ng MNLF at kanilang Flag.Wala na silang nadatnang MNLF member kundi mga baril at bala na lamang.

Kabilang na rito ang isang unit ng 9mm CZ75b caliber pistol na may magazine at bala, dalawang magazine na may 12 cartdgies, 45 remington ran caliber pistol, at 12 gauge shotgun na may limang bala.
Agad namang isinumite ng mga otoridad sa Provincial Crime Laboratory Office sa Kidapawan City ang mga nakumpiskang baril at mga bala.

Ngayon patuloy pa ang imbestigasyon at monitoring ng PNP sa nabanggit na lugar.
Iprenisinta sa mga kagawad ng media kahapon ng umaga ang mga matataas na uri ng armas na nakuha mula sa mga rebeldeng grupo na pinamumunuan ni Samad Masgal alias Madrox sa brgy. nabalawag, Midsayap, North Cotabato.

Kasabay na rin ito ng Press conference sa 602nd Brigade sa Camp Lucero, Carmen, North Cotabato.

Ito ay pinangunahan nina MGen., AFP Carlito Galvez Jr., ang commanding Officer ng 6th ID, Philippine Army 602nd Brigade Commander Manolo Samarita, P/SSupt. Emmanuel Peralta, Provincial Director ng CPPO at PDEA 12 Regional Director Lyndon Apacio.Ayon kay Galvez, nakuha ang mga armas sa labing tatlong mga tauhan ni Toks Masgal alyas Kumander Mabrox sa anti drug operation ng pinagsanib na pwersa ng militar, pulisya, Philippine Drug Enforcement Agency at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa liblib na barangay sa bayan ng Midsayap, North Cotabato at hangganan ng lalawigan ng Maguindanao.Kinilala ang 13 mga nahuling nahaharap sa warrant of arrest na sinaand Ali Masgal Buat, Guiamalodin Palakad, Guiama Milikano, Mandag Mamalinta, Nandi Pagao, Taokie Lumilis, Kenny Dima, Ronnie Catulong, Morem Milicano, Omar Angking, Sari Lumilis, Mantoa Gombila at Tiyabong Mamalinta na pinaniniwalaang miyembro ng drug ring na pinamumunuan ni Madrox.Giit pa ng opisyal na si Mabrox din ang responsable sa pananambang sa mga tauhan nito na kasapi ng 62nd DRC nitong nakaraang buwan ng Hulyo na ikinamatay ng tatlong mga sundalo habang nagsasagawa umano sila ng enforcement operation.
Wala raw magbabago sa sinumpaang tungkulin ni Ins. Sindatu Karim na dating deputy ng Pikit PNP.

Ito ang ipinahayag ng opisyal matapos itong marelieve sa kanyang pwesto dahil sa mga nakumpiskang baril sa kanyang anak sa isinagawang opersayon ng mga otoridad noong nakaraang October 12, 2016.Iginiit ni Karim na mananatili ang kanyang katapatan at sensiridad sa kanyang trabaho at wala raw magbabago rito.

Hindi pa niya tiyak kung anong kaso rin ang kakaharapin nito na isasampa laban sa kanya.Nabatid na kabilang sa mga target ng PNP ang anak ni Karim na si Nasser Karim na umano High Valued Target sa patuloy na kampanya ng PNP kontra iligal na droga, mga baril at eksplosibo.

Sa bisa ng search warrant ng korte wala nang nagawa pa si Karim at matagumpay na isinagawa ang search operation sa buong compound nito.

Ibat-ibang uri ng baril ang nakuha sa bahay ng kanyang anak pati na mga bala.

Paliwanag naman ni Karim na pag-mamay ari raw ng barangay Lagunde Council ang naturang mga armas dahil Kapitan ang misis nito at kinakailangan nila ang baril para proteksyon.

Doon lamang raw nila pinakustodiya sa bahay ng anak dahil miembro at nangunguna rin ito sa mga barangay tanod ng barangay. Sa ngayon ay naka assign si Karim sa Regional Personnel Holding and Accounting Office ng PRO 12 sa General Santos City habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso ng kanyang anak at sa kanya.

Limang taon na ang nakalilipas, wala pa ring naabot na hustisya ang mga mamamayan ng North COtabato kaugnay sa pagkamatay ni Father Fausto Pops Tentorio,Pontifical Institute for Foreign Mission.

Kaugnay nito isang rally kahapon ang isinagawa ng progresibong grupo na pinangunahan naman ng Promotion og church peoples responce o PCPR, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP at Karapatan North Cotabato. Sinabi ni Jerry Alborme ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, wala pa ring sagot at matutukoy na responsable sa pagkamatay ni father Pops pati na ang ibang mga namatay na magsasaka sa lalawigan.Ayon kay Alborme, isa rin sa dahilan ng kanilang isinagawang protesta ay para ipabatid ang kanilang patuloy na pagbuhay sa adbokasiya na Father Pops.

At kabilang na rito ang pagptotekta sa Ancestral Domain ng mga lumad at mga karapatan ng mga ito.Iginiit ni Alborme na matapos ang limang taon, nananatili pa ring matatag na ipinaglalaban ng mga magsasakang lumad ang kanilang mga lupang iniwan ng kanilang mga ninuno.

Kabilang rin sa kanilang isinisigaw na wakasan na ang pagpatay sa mga inosenteng magsasaka sa North Cotabato.Samantala, positibo naman ang pananaw ng mga nabanggit na grupo sa administrasyong Duterte na mabibigyang hustisya at matutuldukan na ang pamamamaslang sa mga lumad sa pamamagitan rin ng nagpapatuloy na peace talks ng Duterte Administration.
Palaisipan pa rin hanggang ngayon para sa pamilya at kakilala ni Ailyn May Eli Española, 27-anyos ang kanyang pagkamatay na nangyari sa Barangay Aplaya, Digos City noong nakaraang miyerkules.Ayon sa report, pumuntang dagat ang mag-asawa para mag overnight at doon na nangyari ang malagim na trahedya.

Nilamon raw ng di matukoy na uri ng nilalang si Ailyn dahilan ng kanyang kamatayan.Base na rin sa mga witnesses na nakapanayam ng radyo Bida sa lugar, umano'y shokoy raw ang pumatay sa biktima.

Hindi naman kombinsido ang pamilya Eli sa nangyari sa biktima dahil nang madatnan raw ng Tiyuhin sa punerarya si Ailyn ay may pasa raw ito sa kanyang leeg at lumabas raw ang dila.Una rito, ilang mga problema na rin raw ang nabanggit ng biktima tungkol sa kanilang pagsasama at kabilang na rin ang pagfile ng annulment case ng asawa nito na isang sundalo na kinilalang si Corporal Dio Cesar Jr. ng 602nd IB ng Philippine Army.Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari at hinihintay na lamang din ng Pamilya Eli ang resulta ng autopsy kaugnay sa pagkamatay ni Ailyn.Matapos ang ilang araw na lamay sa biktima ay hindi na raw nagpakita doon si Corporal Dio Cesar Jr.
Si Ailyn May Eli Española ay isang pastora ng Christian and Missionary Alliance Churches of the Philippines at nakatakda itong ilibing sa darating na October 22, 2016.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...