Wednesday Jun, 26 2024 12:46:40 PM

NDBC BIDA BALITA (Oct. 17, 2016)

 • 16:43 PM Mon Oct 17, 2016
1,398
By: 
NDBC BIDA BALITA
Batang isinilang sa sasakyan ni Radyo Bida/Mindanao Cross reporter John Unson.

NEWSCAST

OCTOBER 17,
2016 (LUNES)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAGUINDANAO VICE MAYOR, barangay kapitan, sugatan sa pamamaril, kasamahan patay.2. Improvised bomb, na-defuse sa isang peryahan sa Midsayap, North Cotabato.3. Mga nasawi sa Kidapawan highway accident, pawang kamag-anak ng disaster official ng Kabacan, North Cotabato4. BARIL ng isang pulis sa sa Surallah,
South Cotabato, kinumpiska5. Ginang, nanganak sa sasakyan ng Radyo Bida at Mindanao Cross reporter DETALYE...MASWERTENG
hindi napuruhan ang vice mayor ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao at isa pang
kasamahan nito na punong barangay sa Esperanza, Sultan Kudarat.

Dead
on arrival naman sa pagamutan ang isa pang biktima dahil sa tindi ng mga
tinamong tama ng bala.

Kinilala
ni Sultan Kudarat PNP Director. Sr. Supt. Raul Supiter ang mga biktima na sina
Datu Abdulah Sangki Vice Mayor Samsodin Ampatuan Sangki, Barangay Kangkong chairman
Melchor Dela Cruz Tagle, at isang electrician na si Harold Sayed Kalon na nasawi
sa insidente.

Nangyari
ang insedente sa mismong tahanan ni Tagle sa may Purok Elisan ng nabanggit ng
baranggay pasado alas siyete ng gabi, kamakalawa.

sa
inisyal na imbestigasyon ng Esperanza PNP, nagkakasiyahan ang mga biktima sa
bahay ni Tagle, nang biglang sumulpot ang tatlong mga armadong lalaki mula sa
likurang bahagi ng bahay at agad na pinaulanan ng bala ang mga biktima.

Mabilis
namang sumibat ang mga suspek sa hindi natukoy na direksyon matapos ang
pamamaril.

Na-recover
sa crime scene ang pitong cartridge cases ng cal. 45 pistol, dalawang cartridge
cases ng cal. 30 at dalawang rounds ng
cal. 30 ammunitions na posibleng ginamit ng mga suspek sa pamamaril.

Ayon
kay Supiter, posibleng planado ang naturang pag-atake sa mga biktima.

Bago
kasi ang insidente, nabatid na may ilang mga kalalakihang nagtatanong ng mga
lugasan sa lugar.

Aniya
pa, dalawang anggulo ang tinitingnan ng mga kapulisan kaugnay ng pangyayari.

Sabi
ni Supiter, posible kasing si vice mayor Sangki ang target ng mga suspek,
ngunit maaari ring si barangay chairman Tagle ang puntirya ng mga ito lalo na’t
aktibo ang kapitan sa kampanya kontra iligal na droga sa kanilang lugar.

Sa ngayon, ayon kay Supiter, hinihintay
na lamang nila si Sangki at Tagle na magbigay ng opisyal na pahayag para mas
mabigyan ng linaw ang naturang insidente. NASA
KRITIKAL NA KONDISYON ngayon ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa
nakikilalang suspek, pasado alas sais kagabi sa Cotabato city.

Nakilala
ang biktima na si Johor Simpal Sandigan, 27 years old, self-employed at taga-
Barangay Bagua Dos ng lungsod.

Sa ulat ng City PNP, naganap ang
insidente pasado alas sais kagabi sa loob mismo ng Stall No. 8 ng Barbeque Stand
sa Sinsuat Avenue ng lungsod.

Nabatid na nag-iihaw noon si Sandigan
sa kanilang pwesto nang biglang pasukin ng nag iisang lalaking suspek at
binaril ng malapitan ang biktima.

Tatlong mga tama ng bala ang tinamo ni
Sandigan partikular sa kanyang dibdib, balikat at bandang likuran ng kanyang
ulo.

Agad namang isinugod sa pagamutan si Sandigan.

Habang ang suspek ay naglakad lamang
papalayo sa crime scene na parang walang nangyari.

Ayon pa sa mga nakasaksi, nakasalubong
pa ng suspek ang mga rumesponding pulis subalit dahil abala na ang mga alagad
ng batas at nag-panic na rin ang mga tao sa lugar kaya’t hindi na napansin pa
ang pagtakas ng suspek. NABULABOG
ang mga residente sa isang barangay sa Midsayap, North Cotabato matapos na
matagpuan ang isang improvised explosive device o IED sa lugar.

Sinabi
ni Midsayap PNP deputy commander police Sr. Insp. Relan Mamon na pasado alas
siyete ng gabi kamakalawa nang makatanggap sila ng tawag hinggil sa
hinihinalang bomba na natagpuan sa Sitio Sampaguita, barangay Poblacion Otso, sa
naturang bayan.

Agad
na nagtungo ang Explosives and Ordnance Disposal team sa lugar at kinumpirma na
ang naturang IED ay gawa sa 57mm war head at cellpone ang detonating device
nito..

Mabilis
namang kinordon ng mga otoridad ang naturang lugar at dinis-armahan ang bomba.

Sabi
ni Mamon, kapag sumabog ang naturang bomba ay may kapasidad itong
makapaminsala.

Samantala,
batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Midsayap PNP, dalawang lalaki at isang
babae ang nag-iwan ng naturang bomba sa lugar.

Sakay
umano ng isang trisikad ang mga suspek at matapos na iwan ang IED ay agad
sumakay ng pampasaherong van ang mga ito. MAGANDANG
BALITA para sa mga Cotabateño!

Masayang
ipinapa-alam ng Cotabato City Tourism Office na muli nitong bubuksan ang dating
city hall ng lungsod para sa mga mamamayan ng lungsod at maging sa mga bisita
nito.

Sinabi
ni City Tourism Officer Gurlie Frondoza na ang lumang city hall ay isa na
ngayong City Museum kung saan makikita ang ilang mga makasaysayang kagamitan ng
lungsod.

Ayon
kay Frondoza, ngayong araw gagawin ang formal opening at ribbon-cutting ng City
Museum na pangungunahan ni city mayor Cythia Sayadi at vice mayor Graham Nazzer
Dumama, kasama ang iba pang mga city official.

Inaasahang
magiging espesyal na panauhin din ng lungsod para sa grand opening ng city
museum si Department of Tourism o DOT 12 Regional Director Nelly Dillera.

Sabi
ni Frondoza, naglaan ng 1.5 million pesos na pondo ang DOT 12 para sa
rehabilitasyon ng naturang gusali habang 600 thousand pesos naman ang
counterpart ng City LGU para sa kabuuang pondong 2.2 million pesos.

Sa
ngayon, ayon kay Frondoza, nasa phase one pa lamang ang proyekto na itatampok
ang mga artifact na mula sa Notre Dame University.

Aniya,
bukod sa pagiging museum, ang naturang gusali ay magsisilbi ring reception area
para sa mga bibistang turista sa lungsod.

MAITUTURING
na ‘act of heroism’ o kabayanihan ang ginawang pagsagip ng isang reporter at
stringer ng Radyo Bida at Mindanao Cross, sa isang manganganak na ina na
kanyang natagpuan sa tabing daan ng Esperanza, Sultan Kudarat.

Kwento
pa ni John Unson, reporter din ng Philippine Star, natagpuan niya kahapon ang
buntis na si Bainot Maniging na nakahilata sa national highway at tila
manganganak na.

Agad
na inihinto ni Unson ang kanyang sasakyan at isinakay si Bainot sa tulong ng
mga bystander sa lugar.

Isusugod
sana ni Unson sa ospital si Bainot subalit napansin niyang talagang manganganak
na ito.

Kaya
naman gamit ang kanyang rescuing skill, tinulungan na lamang ni Unson na
magluwal ng kanyang sanggol si Bainot sa loob mismo ng kanyang sasakyan.

Ayon
kay Unson, malusog na batang lalaki ang iniluwal ni Bainot.

Si
Unson, kasama ang iba pang mga miembro ng Oblate Media ay sinanay sa emergency
response at rescue mission ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas,
National Union of Journalists in the Philippines at maging ng Army’s 6th Infantry
Division.

Samantala,
agad namang nagbigay ng tulong pinansyal sa naturang ina si Maguindanao
governor Esmael Mangudadatu.

Si
Bainot ay residente ng Saniag area sa Ampatuan, na malapit sa Maguindanao massacre
site. Hindi pa rin tumitigil ang Kabacan PNP sa pag-papaigting sa kanilang kampanya kontra iligal nga droga

sa bayan.
Katunayan isang biyuda na naman na umano usher nang Last two ang kulong ngayon matapos ang inilatag na

buy bust operation ng PNP nitong sabado ng umaga sa Rizal Avenue, Poblacion Kabacan.

Kinilala ang suspek na si Noria Openg Haron, 42-anyos na taga brgy. Makagiling, Sultan Kudarat,

Maguindanao.Nakuha mula kay Haron ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu at 500 peso bill bilang marked

money.

Tinatayang aabot sa higit labinlimang libong piso naman ang halaga ng mga nakumpiskang shabu.

Kulong ngayon sa Kabacan lock up cell ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Sec. 5 at 11

ng RA 9165 laban sa kanya.
Patay ang isang 44-anyos na lalaki matapos itong saksakin ng kanyang kakilala sa Brgy. Kanibong,

Tulunan, North Cotabato pasado alas otso ng gabi nitong sabado.Kinilala ni Sr.Ins Felix Fornan, hepe ng Tulunanan PNP ang biktima na si Ricardo Ebido Jr. habang

kinilala naman ang suspek na si Jimmy Garigay Gumata.

Ayon sa report ng Tulunan PNP bago paman nangyari ang pananaksak, nagkainitan pa umano ang suspek at

ang biktima dahilan para tagain ni Ebido si Gumata ng kanyang bitbit na bolo.Nagtamo naman ng maraming sugat si Gumata sa kanyang kamay at likod at gumanti rin ng saksak sa

biktima gamit ang kutsilyo.

Sa dibdib tinaman ang biktimang si Ebido na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

Agad namang isinugod ang suspek sa pagamutan at ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng PNP.Wala pang pahayag ang pamilya ng biktima kung magsasampa ito ng kaso laban sa suspek.

Samantala, sugatan rin ang isang Eduardo Lamere, 42-anyos, biyudo nang saksakin rin ng kanyang

pamangkin na 23-anyos na si Dexter Lamere sa Purok 2, Brgy. F. Cajelo, Tulunan.

Nangyari ang insidente pasado alas otso kagabi kung saan nagkainitan rin umano ang dalawa dahilan ng

pananaksak ni Dexter kay Eduardo.Nabatid na tinulak raw ng biktima ang suspek at hinamon pa ng suntukan pero gumanti ang suspek at

sinaksak ang bitkima.

Agad namang nadala sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng sugat sa kanyang likod habang kulungan naman

ang bagsak ng 23-anyos kung saan inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa kanya.

Iminunangkahi ngayon ni Psalmer Bernalte, siyang Public Safety Division Head ng Kidapawan City LGU sa

CDRRM council na bilisan na ang pagpapatupad ng Republic Act 10586 o an act Penalizing persons driving

under the influence of Alcohol.Ayon kay Bernalte kinakailangan na raw ito sa Kidapawan City pati na ang pagbili ng alcohol breath

analyzer para sa mga motorista.Nais ni Bernalte na magiging bahagi sa mga gagawing inspeksyun ng PNP at TMU ang paggamit ng alcohol

breath analyser sa mga dryber.

Ikinabahala kasi ni Bernalte dahil umabot sa halos 60 insidente ng vehicular accident ang naitala sa

Kidapawan nitong Setyembre lamang at karamihan rito ay malulubha at may mga nasawi.Ang naturang pahayag ng opisyal ay nag-ugat matapos ang madugong aksidente na naitala noong madaling

araw ng Sabado sa purok Rambutan, Brgy. Paco Kidapawan City kung saan lima katao ang nasawi.Ito ay kinasasangkutan ng isang L300 van at motorsiklo.

Bagamat hindi matiyak ni Bernalte na lasing o nakainom ang mga biktima na nakasakay sa motorsiklo mas

mainam pa rin na bilisan na ang pagpapatupad ng nabanggit na batas.Nilinaw naman ni Bernalte na apat ang patay na sakay ng motorsiklo kung saan kinilala ang mga ito na

sina Vence Ocumen, Julius Saure, Arjay Campañero at Pully Paclibre.Ang mga biktima ay pawang mga kamag-anak diumano ni MDRRMC Head David Don Saure ng LGU Kabacan.

Isa naman ang naiulat na namatay na sakay ng van na si Elton Bayodo ng Cagayan de Oro City.Ito ang paglilinaw ng opisyal sa unang naibigay na impormasyon sa Radyo Bida.

Samantala, patuloy naman ngayong nagpapagaling sa pagamutan ang mag-asawang sina Delfin Querkis, 47

at Priscila Querkis, 45, kapwa sakay ng van.Sa inisyal na pagsisiyasat, sinasabing nag-counterflow ang motorsiklo sa linya ng van kaya naganap ang

trahedya.

Base sa ulat, nagmula sa Cagayan de Oro City ang van na may limang pasahero habang patungo naman ng

Cotabato area ang apat na sakay ng motorsiklo nang mangyari ang aksidente.
Muling nanawagan ang National Food Authority o NFA North Cotabato Provincial Office sa mga magsasaka

na ibenta ang kanilang mga palay sa mas mataas na halaga.

Sinabi ni Lucille Taypin, OIC General Manager ng NFA North Cot, hinimok nito ang mga magsasaka sa

lalawigan na ibenta sa NFA ang kanilang aning palay para makatiyak ng mas mataas na presyo.

Ayon kay Taypin, abot sa P17 kada kilo ng palay ang bili ng NFA sa mga magsasaka at may incentive pa

na abot sa 70 sentimos o kabuuang P17.70 per kilo.Maliban rito sinabi din ni Taypin na hindi na ganoon kahirap ang pag proseso ng bilihan ng palay kung

saan tanging barangay certification na lamang mula sa Barangay Chairman ang kailangang dalhin ng mga

magsasaka.

Nakapaloob sa certification ang ilang mga detalye tulad ng dami ng ektaryang sinasaka, average yield o

ani at kung irrigated o hindi ang lupang sinasaka.Sa loob naman ng isang araw ay agad na makukuha ng mga magsasaka ang kanilang bayad sa pamamagitan ng

tseke.

Kaugnay nito, nakahanda raw ang NFA North Cotabato na tanggapin ang lahat ng mga ibebentang palay sa

kanila kung saan abot sa tatlong buying stations ang nag-aantay sa mga farmers at matatagpuan ang mga

ito sa Pigcawayan, M’lang at Kidapawan City.Tugon rin daw ito ng NFA sa bumabagsak na presyo ng palay sa merkado na mula sa P17 – P18 per kilo ay

naging P13 na lamang.Maliban naman sa palay, patuloy pa ring bumibili ang NFA ng mais mula sa mga magsasaka at ito ay sa

presyong P13 per kilo para sa white corn plus 70 sentimos na incentive at P12.30 per kilo ng yellow

corn plus 70 sentimos na incentive o kabuuang P13 per kilo. Abot sa 151 ang kaso ng dengue ang naitala ng Rural Health Unit o RHU sa bayan ng Antipas, North

Cotabato.

Ito ay mula Enero naman hanggang nitong Setyembre 2016.Ang nabanggit na bilang ay mas mataas naman kung ikikumpara noong nakaraang 2015 sa kaparehas na

panahon na may 95 kaso lamang.

Base sa tala ng RHU Antipas, pinakamataas naman sa may naitalang kaso ng Dengue ay noong buwan ng

Agosto na may 60 kaso.Sinabi ni Mark Portillo, Sanitary Inspector ng RHU Antipas, isa raw rito ang nasawi pero nilinaw ng

opisyal na hindi sa bayan nakuha ang nasabing sakit.

Dahil dito, mas pinalalakas pa ngayon ng nabanggit na ahensya ang kanilang ginagawang pagsasanay sa

mga barangay kaugnay sa Aksyon Barangay Kontra Dengue o ABKD para maiwasan ang nabanggit na sakit. ABOT sa mahigit 700 mga kontraktwal na empleyado sa region 12 ang ginawa nang regular employee ng kanilang mga kompanya.Ayon kay Department of Labor and Employment o DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib,ito ay resulta ng mas pinaigting na kampanya laban sa end of contract o endo ng gobyerno.Ipinahayag ni Gutib na bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte, may mga kompanya na sa SOCCKSARGEN na nagkusang gawing regular ang kanilang mga kontraktwal na empleyado.Ayon kay Gutib karamihan sa mga kumpanyang ito ay nasa General Santos City at Sarangani.
Binigyan diin ni Gutib na sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin ang monitoring ng DOLE laban sa endo .Sa katunayan ayon kay Gutib nagbigay ng 20 araw ang ahensya sa may 90 kumpanya sa region 12 na itigil na ang contractualization at sa halip ay kumuha ng regular na mga trabahante.Ang maigting na monitoring ng DOLE laban sa endo ay sinimulan ng ahensya sa region 12 noong Agosto 23.

IGINIIT ni Surallah, South Cotabato Chief of Police, Chief Inspector Joel Fuerte na normal na proseso sa pulisiya ang pag-dis arma sa kanilang mga kasama na isinasailalim sa imbistigasyon.Ito ang paliwanag ni Fuerte kaugnay sa imbistigasyon ngayon ng pulisiya kay Police Officer 1 Ranie Lubaton ng Surallah PNP.Si Lubaton ang umano’y nakabaril sa mga suspected snatcher na sina JR Danao Tukan 28 anyos, at angkas nito sa motorsiklo na si Meliton Abraham 26 anyos pawang mga nakatira sa Sitio T’boli, Barangay Kusan Banga.Paliwanag ni Fuerte sa halip kasi na hintuan ang mga pulis na humarang sa kanila sa rotonda, nakipaghabulan pa ang mga suspek sa mga ito hanggang sa makorner sa national highway, Barangay Liwanay Banga.Ayon kay Fuerte maaring tinamaan lamang na tumalsik na semento ang dalawang sugatan matapos mag-warning shot si Lubaton.
Ipinahayag din ng police official na wala namang balak na magsampa ng reklamo laban kay Lubaton ang mga sugatan.Ito ay matapos aminin na dahil walang lisensya natakot sila kaya pinaharuruot ang sinakyang motorsiklo.
Gayunpaman ayon kay Fuerte kapag nakumpirmnag may pananagutan sa insidente si Lubaton ang PNP na mismo ang magsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya. Hihilingin ng lokal na pamahalaan ang tulong ng central office ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa pagpapayos ng kanilang kanal sa Barangay Carpenter Hill, Koronadal City.Ayon kay City Mayor Peter Miguel ipararating nila sa pamamagitan ng sulat kay DPWH Secretary Mark Villar ang hinaing ng mga mamamayan sa Carpenter Hill.
Isinisisi kasi ng mga residente sa umanoy palpak na kanal ng DPWH ang madalas na pagbaha sa kanilang lugar tuwing umuulan.Naniniwala si Miguel na tanging solusyon lamang sa matagal nang problema sa baha ng mga taga barangay Carpenter Hill ang pagpapalawak sa drainage para makayanan ang malakas na agos ng tubig sa tuwing umuulan ng malakas.Iginiit ni Miguel na ang problema sa drainage system ay matagal ng ipinaglalaban ng mga Barangay Officials ng Carpenter Hill at Koronadal LGU.
Naninindigan naman noon ang DPWH South Cotabato district na ang desinsyo na ginamit nila sa kanal ng Barangay Carpenter Hill ay subok na sa ibang bansa.
Aprubado na ng Department of Environment and Natural Resources ang Health Care Waste Treatment facility ng South Cotabato sa barangay Tinongcop, Tantangan.Ang pasilidad ay gagamit ng Pyroclave Systems Technology sa proseso ng mga basurang galing sa mga ospital,at iba pang mga health care providers.
Ang approval ng DENR ay kasunod ng Environment Impact Statement o EIS Review at presentasyon sa health care waste facility.Ayon kay Provincial Environment and Management Office o PEMO Officer Seigred Flaviano , matapos katigan ng DENR, binuksan na ang Health Care Waste Treatment Facility.Kaugnay nito, ipinahayag naman ni PEMO Environment Management Division Chief Elbe Balucanag na maging ang mga pribadong ospital ay humihiling na dalhin sa pasilidad ang kanilang mga basura.
Gayunpaman ayon kay Balucanag prayoridad nila ngayon ang mga pambublikong ospital.Paguusapan pa ng Technical Workig group kung magkano ang singil sa mga healthcare providers na gagamit sa Health Care Waste Treatment Facility.
Naghahanda na para sa Children’s Month Celebration sa susunod na buwan ang Provincial Council for the Protection of Children o PCPC South Cotabato.Ayon kay Governor Daisy AVance Fuentes, bago pa man ang pagdiriwang, lalagdaan na nito ang Impelementing Rules and Regulations o IRR ng South Cotabato Children’s Code.Ang ordinansa ay sumusulong sa kapakanan at nagbibigay proteksyon kontra pangaabuso sa mga bata.
Sisimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng motorcade sa November 7 sa Koronadal City.Tampok din sa selebrasyon ang poster making contest para sa mga elementary pupils at extemporaneous speech para sa mga high school students.Habang ipapakita naman ng mga out of school youth ang kanilang galing sa pag arte sa pamamagitan ng drama theatre contest.
Inilaan din ng Deped ang kanilang mga pader kung saan maaring ipinta ng mga kabataan ang kanilang mga hinaing.Tema ng 24th Natioinal Childrens Month Celebration sa Nobyembre ang IsulongandKalidad ng Edukasyon sa lahat ng Bata.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...