Wednesday Jun, 26 2024 01:30:32 PM

NDBC BIDA BALITA (Oct. 15, 2016)

 • 18:27 PM Sat Oct 15, 2016
1,447
By: 
NDBC NCA
Kidapawan highway accident (Photo by Mary Grace Buned)

NEWSCAST

OCTOBER 15,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LIMA patay sa Kidapawan City highway accident2. Ex-soldier, naaresto dahil sa illegal na droga sa Kabacan, North Cotabato3. Labing tatlo sa 42 naaresto tauhan ni Commander Madrox, nasa custody na ng PNP.4. Fish cage operators as Lake Sebu, South Cotabato, luging-lugi na dahil sa fish kill Lima patay, dalawa sugatan sa pinakabagong vehicular accident sa Kidapawan City Dead on the spot ang lima katao habang dalawa naman ang patuloy ngayon na nilalapatan ng lunas sa nangyaring aksidente sa brgy. paco, Kidapawan City kaning alas kwatro ng madaling araw. Sinabi ni Psalmer Bernalte, ang aksidente ay kinasasangkutan ng isang L300 van at motorsiklo. Ayon sa report galing Cagayan de Oro City ang nabanggit na van na may limang pasahero habang patungog Cotabato area naman ang dalawang biktima na sakay ng motorsiklo. Pagdating sa pinagyarihan ng insidente ay nagcounterflow raw sa kabilang ang lane ang mga nakamotrsiklo dahilan na hindi naman nakontrol ng driver ng van at doon na sila nagsalpukan. Halos gupi-gupi naman ang Van at tumilapon ang motorsiklo. Dahil sa lakas ng impact patay on the spot ang lima katao. Tatlong mga biktima ang nasawi sakay ng van habang patay din ang dalawang lalaki sa motorsiklo. Nagpapatuloy naman ngayong nagpapagaling sa pagamutan ang dalawa na kinilalang ang mag-asawang sina Delfin Querkis, 47, at Priscila Querkis, 45. Sa inisyal na report lasing daw ang sakay ng motorsiklo. Ang insidente at pagkakakilanlan sa mga nasawing biktima ay patulong pa ngayong tinutukoy ng PNP. LABING TATLO lamang sa 42 naarestong
mga tagasunod ng notorious drug trafficker na si Mokz Masgal ang nakatakdang
isalang sa paglilitis dahil sa iba’t ibang kasong kriminal.

Ang naturang mga suspek ay naaresto sa Midsayap,
North Cotabato mahigit isang linggo na ang nakakaraan at unang nai-ditene sa
kampo ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Maguindanao.

Pansamantalang inilagay sa military camp
ng MILF ang mga naarestong suspek para maberipika ang pagkakakilanlan ng mga
ito.

Doon din nabatid na 13 lamang sa mga
ito ang sinasabing totoong tagasunod ni Masgal.

Si Masgal ay wanted sa mga kasong
pagbebenta ng iligal na droga, multiple murder, frustrated murder, at
pagnanakaw.

Nabatid na sa ngayon ay nakakulong na
ang 13 sa nadakip na suspek sa North Cotabato PNP lockup cell.

Sinabi ni Army’s 6th Infantry Division
commander Major Gen. Carlito Galvez, Jr. na ang 13 mga suspek ay nai-turnover
sa pulisya base sa anti-crime and security protocols ng gobyerno at MILF.

Kaugnay nito ay lubos naman ang
pasasalamat ni Galvez sa kooperasyon ng MILF mga alagad ng batas.

Ito ang naging susi para matagumpay na
mapasok ng mga ito ang kuta ni Masgal at malumpo ang grupo nito matapos na
maaresto ang mga pinagkakatiwalaan nitong miembro. IPINAGMALAKI
ni Sultan Kudarat Maguindanao Mayor Datu Shameem Mastura ang aktibong
partisipasyon ng mga mamamayan ng bayan laban sa krimen at iligal na droga.

Malaki
ang pasasalamat ng alkalde dahil sa kooperasyon at pagiging alerto ng mga residente
sa lugar para sa kaligtasan ng bawat isa.

Ayon
kay Mastura, hindi nakakalusot ang mga masasamang loob sa Sultan Kudarat dahil
sa bukod sa mga pulis at sundalo, ay alerto din ang mga mamamayan ng bayan sa
pagbabantay.

Maaalalang
ilang mga pampasabog ang nasabat ng mga otoridad sa lugar at bigong sumambulat
dahil sa maagap at mabilis na pagbibigay ng impormasyon ng mga sibilyan sa mga
pulis at sundalo.

Samantala,
pinangunahan din ni Mastura ang pagsasailalim sa drug testing kasama ng lahat
ng mga kawani ng local government unit.

Ito ay para
tuluyang maging drug-free ang Sultan Kudarat LGU at maisailalim sa
rehabilitasyon ang mga kawaning sugapa sa ipinagbabawal na gamot.

NABULABOG ang
mga sibilyan sa barangay Buayan, Datu Piang, Maguindanao matapos na umatake ang
isang armadong grupo sa kampo ng mga sundalo sa naturang lugar.

Sinabi ni
Army’s 6th Infantry Division spokesperson Col. Macton Abo na pasado
alas nuebe ng gabi nang magsagawa ng harassment ang naturang armadong grupo sa
detachment ng Army’s 21 MECHANIZED COMPANY.

Aniya, grupo
ni Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF commander Abu Nawas ang naglunsad
ng pag atake sa mga sundalo na tumagal ng halos 15 minuto.

Gayunman,
ayon kay Abo, wala namang nasaktan sa naturang insidente at ito ay maituturing
na isang isolated case lamang kaya walang dapat na ipangamba ang mga residente
sa lugar.

Samantala, sa
panayam naman kay BIFF spokesperson Abu Misri Mama, iginiit nito na hindi ang
kanilang grupo ang gumawa ng harassment sa detachment ng mga sundalo sa Datu
Piang, Maguindanao.

Ayon kay
Mama, hindi naman nila itatanggi kung sakaling sila nga ang umatake sa mga
sundalo sa naturang lugar.

PINAMAMADALI
na ni Sarangani Provincial Director Franklin Alvero ang pagsusumite ng
affidavit ng mga complainant laban kay Polomolok PNP chief, police Chief
Inspector Giovanni Ladeo.

Si
Ladeo ay inireklamo ng ilang mga kagawad ng media matapos na magpaputok ito ng
baril noong subukan siyang hingan ng pahayag kung bakit hindi nito ikinulong
ang dalawang mga punong barangay na nadakip matapos masangkot sa iligal na
droga.

Sabi
ni Alvero, may basbas mula kay Police Regional Office 12 Director Cedric Train
ang pagsuspindi kay Ladeo habang dinidinig ang kaso.

Inatasan
ni Train si Alvero na personal na kunin ang baril at alisin sa pwesto si Ladeo.

Pero
sabi ni Train, aalamin din nila ang sanhi kung bakit hindi ikinulong ang
dalawang mga punong barangay dahil aniya, baka kasi may banta sa kanilang buhay.

Nabatid
na binigyan lang ng limang araw si Ladeo na magsumite ng kanyang counter
affidavit matapos kinasuhan ng conduct unbecoming of a police officer and a
gentleman.

Patay na nang matagpuan ang isang lalaki malapit sa kalsada ng Mlang- Matalam highway sa brgy. Central Malamote, Matalam North Cotabato alas dyes ng gabi noong nakaraang araw.
Sa report ng Matalam PNP isang tawag ang kanilang natanggap mula kay Kagawad Willie de Guzman ng Central Malamote tungkol sa umano bangkay sa nabanggit na lugar.
Agad namang tinungo ng mga otoridad ang area at doon na tumambad sa kanilang ang bangkay kung saan nakabalot ng packaging tape ang bibig, mga kamay at tuhod nito.Ang lugar ay 200 daang metro lang ang layo mula sa Central Malamote Bridge sa lugar.
Sa imbestigasyon ng PNP nakilala ang biktima na si Rhoderick Caoile, na taga brgy. Kilada, Matalam.
May karatula namang natagpuan malapit sa bangkay ng biktima kung saan ito iniwan pati na isang basyo ng caliber 45 pistol.
Nakasulat doon ang pangalan ng biktima, PUSHER AKO, LAYAS SA NORTH COTABATO.
Nang kapkapan ito may nakuhang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu ang bulsa ng biktima.

Patuloy pa ang imbestigayon ng PNP kaugnay sa insidente. Arestado ang isang 39-anyos na lalaki sa inilatag na buy-bust operation ng Kabacan PNP sa Mapanao Extension, Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 5:30 ng hapon kahapon.
Kinilala ni Police Senior Ins. Ronnie cordero, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Adonis Pulido Lagmay, may asawa na taga Brgy. San Mateo, Aleosan, North Cotabato.
Nakuha mula sa suspek ang isang plastic heat sealed na naglalaman ng shabu sa isinagawang buy bust operation habang narekober ang isa pang plastic sachet ng rikisahin ang suspek.Bago ikinulong sa Kabacan PNP lock up cell ang suspek ay isinailalim pa ito sa medical examination.

Sa ngayon, inihahanda nang Kabacan PNP ang kasong paglabag sa RA 9165 na isasampa laban sa suspek.

Samantala, huli rin ang isang 28-anyos na si Rolan Jan Celoifas Vila, residente ng Montay, Libungan nang makuhanan rin ng iligal na droga.Nabatid sa report na habang nag-da-drive ng motorsiklo ang suspek napansin ang kahina-hinalang kilos nito habang naka-convoy sa Patrol Car ng Pikit PNP.Pabalik noon ang tropa ng Pikit sa kanilang himpilan matapos magsagawa ng house visitation ng maka-convoy nila ang suspek na naka-motorsiklo na walang plaka

Agad namang nag-over take ang patrol car at hinarang ito.Hinanapan umano ng mga pulis ng kaukulang dokumento ang nasabing sasakyan at doon narekober ang isang plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shabu mula sa suspek.Kulong ngayn si Vila sa Pikit PNP habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya./Krezel Dianne S. Beñez

Mariing itinanggi ng Chief Expiditer ng North Cotabato District Jail ang report na may over pricing sa mga panida sa kanilang kooperatiba.Sinabi ni Felix Capalla wala raw'ng ganyang pangyayari sa kanilang pinapatakbong kooperatiba sa loob ng compound ng BJMP.

Ayon kay Capalla, nasa 25-50 sentimos lamang ang kanilang ipinapatong sa bawat produkto dahil aniya, mga inmates rin raw ang nagbibigay pahintulot sa mga presyo ng kanilang paninda.Nabatid na ang nabanggit na kooperatiba ay pinamamahalaan ng mga preso kung saan napupunta naman sa ibang mga pangagailalangan nila ang income nito.

Sa kabilang banda, inamin naman ni Capalla na may nangyaring over pricing noong hindi pa si Supt. Erwin Bungat ang Jail Warden sa BJMP.

Ito ay dahil kanya kanya na ng mga preso sa pagbenta ng mga paninda sa loob ng kulungan.Para kay Capalla, marami na raw ang nagbago sa loob ng District Jail sa ngayon.

Ikinatuwa nila una ang paglinis sa kanilang compound, ikalawa ay ang pagpapabalik ng dalaw system na bagamat mahigpit, nakatitiyak naman silang wala nang kontrabandong makakapasok rito.Katunayan dalawang babae nga ang na BAN sa BJMP kahapon matapos magtangkang magpuslit ng tabako para ibigay sa isang preso.

Sa ngayon, patuloy ang ginawang renovation at paglilinis sa loob ng kulungan. Pinaalalahanan ni Department of Trade and Industry o DTI Sarangani Provincial Director Nenita Barroso, ang mga mamamayan sa lalawigan na alamin ang kanilang mga karapatan bilang mamimili.Kasabay din nito ayon kay Barroso ang maigting na monitoring ng DTI sa mga establisemento sa lalawigan.
Layon nito ayon kay Barroso na matiyak na sumusunod sa batas ang mga negosyante at hindi maaring makapanloko sa mga consumer .Sa katunayan ayon kay Barroso, 6 na mga commercial establishment na sa Sarangani ang pinagmulta dahil sa kabiguang maglagay ng Import Commodity Clearance o ICC sticker sa kanilang mga paninda.Ito ayon kay Barroso ay sa kabila ng paninindigan ng mga ito na binili nila ang mga produkto sa mga lehitimong supplier.Umaapela si Barroso sa mga mamamayan ng Sarangani na para sa kanilang kaligtasan tiyaking may ICC sticker ang bibilhing mga produkto.
Partikular na pinagiingat ni Barroso ang publiko sa mga Chrismtas lights na walang ICC sticker na madalas pagmulan ng sunog at kadalasang dumadami sa panahon ng pasko.Kinumpirma din ni Barroso na tatlong mga establisemento sa Sarangani na nagbebenta ng hardware products ay makatatanggap ng Bagwis Seal of Exellence bronze awards.
Ang parangal ay ibinibigay ng DTI Head Office sa mga negosyanteng nangangalaga sa kapakanan mga consumer sa pamamagitan ng patas na pagnenegosyo.

Balik kulungan ang mag-live in matapos maaresto sa anti iligal drug operation ng mga pulis sa T’boli, South Cotabato.
Kinilala ni T’boli Chief of Police, Chief Inspector Josemarie Simangan ang mga suspek na sina Garry John Asumbra, 38 anyos at Mary Bezel Ponce, 39 anyos.
Ang mga suspek ay naaresto ng mga pulis sa kanilang lugar sa Purok Tanco, Barangay Poblacion, T’boli.
Ayon kay Simangan narekober ng pulisiya sa mga suspek ang 6 na na maliliit at dalawang malaking sachet ng suspected shabu.
Nakuha din sa mag-live in ang isang magazine , mga bala, 45 pistol, at drug paraphernalia.
Ayon kay Simangan isinagawa ng mga pulis ang anti illegal drug operation sa mga suspek sa bisa ng search warrant ng korte.
Ang naarestong umano’y mga drug pusher ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Tiniyak din ni Simangan ang pagpapatuloy ng maigting na kampanya kontra illegal na droga ng T’boli PNP Binigbigyan ng 20 araw mg Department of Labor and Employment o DOLE 12 ang may 97 mga kumpanya sa region 12 na makapag-comply sa labor standard.
Ayon kay DOLE 12 Regional Director Albert Gutib 43 sa mga kumpanyang ito ay lumabag sa pagpapatupad ng General Labor Standards at Occupational Safety.Habang abot naman sa 60 ang nagpapatupad ng kontraktwalisasyon na isang paglabag sa Labor Code of the Philippines.Ayon kay Gutib ito sa isinagawang assessement ng DOLE 12 sa mga establisemento sa Koronadal City, Sarangani at General Santos City.
Babala ni Gutib sa mga nagmamatigas na kumpanya, ipatutupad nito mismo ang compliance order para gawing regular ang mga contractual na manggawa.Binigyan diin din nito na maaring kanselahin ng ahensya ang certificate of registration ang mga contractor at sub contractors na patuloy pa ring magpatupad ng Labor Only Contracting o kontraktwalisasyon.
Abot sa mahigit siyam na libong kilo ng Tilapia ang namatay bunsod ng fish kill o kamahong sa Lake Sebu, South Cotabato.
Ito ay batay naman sa pinakahuling datus ng Office of the Municipal Agriculturist ng Lake Sebu.Ayon kay Lake Sebu Municipal Agriculturist Zaldy Artacho, ang fish kill ay nakaapekto sa 20 ,mga fish cage operators sa bayan.
Karamihan sa mga ito ayon kay Artacho ay mula sa Barangay Poblacion.
Ayon kay Artacho dahil sa fish kill abot sa mahigit P816 thousand pesos ang nalugi ng mga apektadong fish cage operators.Sa panayam ng Radyo Bida kay Lake Sebu Warden Rudy Muyco, sinabi nito na dahilan ng fish kill ay ang kakulangan ng oxygen sa lawa.
Ito ayon kay Muyco ay resulta ng pabago bagong temperatura dahil sa madalas na pagulan ngayon sa bayan.Magbibigay naman ng tilapia fingerlings para sa mga apektadong fish cage operators ang lokal na pamahalaan.Sinabi din ni Muyco na dahil marami pang supply ang mga umangkat sa kanila, wala ring mapabentahan ng ang mga fish cage operators sa Lake Sebu nang mag emergency harvest ang mga ito ng kanilang ma produktong tilapia.
Matapos ang pagkumpiska sa mga takal na gasolina at PAGSIRA sa mga illegal na mga pwesto nito, tinututukan naman ng Bureau of Fire Protection o BFP ang mga nagbebenta ng butane gas.Paliwang ni Koronadal Fire Marshall, Senior Inspector Reginald Legaste, mapanganib ang paggamit ng butane gas sa pagluluto.Ayon kay Legaste may mga butane tank kasi na ang laman aylequified petroleum gas o LPG na maaring sumabog at pagmulan ng sunog.
Sinabi din ni Legaste na ang pagbebenta ng butane gas ay paglabag sa Fire Code of the Philippines.Nakatuon ngayon ang kampanya kontra butane gas ng BFP sa Koronadal City Public Market kung saan marami ang nagbebenta nito.Bilang babala ayon kay Legaste, namigay na ng sulat sa mga vendor at stall owner sa merkado publiko ang BFP.
Ito ayon kay Legaste ay upang maipaalam sa mga ito na bawal na ang pagbebenta ng butane gas sa Koronadal City.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...