Wednesday Jun, 26 2024 01:17:59 PM

NDBC BIDA BALITA (Oct 12, 2016)

 • 17:42 PM Wed Oct 12, 2016
1,401
By: 
NDBC NCA

UMAABNEWSCAST

OCTOBER 12,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SUSPECTED CARNAPPER, patay matapos
manlaban sa mga pulis sa Cotabato city.

2. DATING KONSEHAL, patay sa drug raid
ng PNP sa Pikit, North Cotabato dalawang iba pa, kabilang ang anak ng deputy
PNP chief, arestado.

3. Koronadal Jail warden na natakasan
ng preso, na-relieve na sa pwesto.

4. Dengue cases sa Maguindanao, tumaas ayon sa DOH PATAY ANG ISANG SUSPECTED CARNAPPER matapos
na manlaban sa mga alagad ng batas na aaresto sana sa kanya pasado alas dyes ng
umaga kahapon sa Barangay Kalanganan Mother, Cotabato City.

Kinilala ang napatay na suspek na si
Adumanan Uba Mang alyas Teting Tawas, may asawa, walang trabaho at residente ng
naturang lugar.

Sa ulat ng City PNP, huhulihin sana ng mga
pulis ang naturang suspek sa pangunguna ni Police Station 4 commander police
senior inspector Reynaldo Delantein, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni
Judge George Jabido ng Regional Trial Court Branch 15.

Ngunit sa halip na sumuko ay bumunot ng
baril si Mang at pinaputukan ang mga pulis.

Bilang depensa ay pinaputukan din ng
mga otoridad ang suspek hanggang sa bumulagta ito.

Isinugod pa sa pagamutan si Mang pero
hindi na ito umabot pa ng buhay.

Nakumpiska mula kay Mang ang isang
caliber 45 pistol, mga bala, dalawang granada, dalawang plastic sachets na
naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, at isang toother. UMAABOT sa 53
mga rebelde na sangkot sa illegal drug trade ang nasakote sa anti-drug campaign
ng mga otoridad habang nasamsam naman ang mga armas sa serye ng operasyon sa
North Cotabato.

Ayon kay Army’s
regional spokesperson Major Felimon Tan,
simula noong linggo ay sunud-sunod na operasyon ang isinagawa
ng tropa ng militar at pulisya sa tulong ng Moro Islamic Liberation
Front o MILF laban sa grupo ni Madrox Masgal na drug dealer sa mga bayan ng Midsayap,
Aleosan at Pikit.

Nasamsam sa
operasyon ang iba’t ibang matataas na kalibre ng armas kabilang ang dalawang
homemade M-79 grenade launchers at mga
bala ng rocket propelled grenade o RPG.

Nabatid na
ang grupo ni Masgal ang pangunahing responsable sa pagkamatay ng mga sundalo ng Army’s 45th Infantry
Battalion at 7th Field Artillery Battalion at pagpapasabog ng landmine laban sa
Army’s 62nd Division Reconnaissance Company.

Pansamantalang
nasa kustodiya ng MILF Camp Darapanan ang mga suspek para sa rehabilitasyon
bago pauuwiin sa kani-kanilang mga pamilya.

Ipinauubaya naman
sa PNP ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito nadakip. PINANGANGAMBAHANG
tumaas pa ang bilang ng kaso ng Dengue sa Maguindanao.

Mula kasi
January hanggang October 7, 2016, pumalo na sa 516 na kaso ng Dengue ang
naitala sa iba't ibang mga bayan sa lalawigan.

Abot
naman sa pito katao na ang nasawi dahil sa naturang sakit.

Ayon
kay Maguindanao-Integrated Provincial Health Office Chief Dr. Tahir Sulaik, mas
mataas ang bilang ngayon ng mga nagkakasakit ng Dengue kumpara sa kaparehong
panahon noong nakaraang taon na mayroon lamang 479 Dengue cases.

Sa
datus ng IPHO MAGUINDANAO, nangunguna ang mga bayan ng Sultan Kudarat na may 93
kaso ng dengue, pangalawa ang Parang na may 86 Dengue cases, Datu Odin Sinsuat
na may 74 North Upi, 41 Buluan 27 at Sultan Mastura na may 18 Dengue cases.

KINUKUMPUNI
na ngayon ng Department of Public Works and Highways o DPWH-Maguindanao First
Engineering District

ang
Salam Bridge sa Barangay Bagoinged, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao na matagal
nang inirereklamo ng mga residente sa lugar.

Nang
mapag-alaman ng DPWH-Maguindanao First Engineering District ang kondisyon
naturang tulay ay agad nila itong ginawan ng program of work.

Umaabot
naman sa limang milyong piso ang pondong inilaan ng ahensya para sa
rehabilitasyon ng naturang tulay.

Sa ngayon,
sinabi ni DPWH-Maguindanao First District Engineer Nasrodin Ibrahim na nagpapatuloy
ang pagsasa-ayos sa naturang tulay at inaasahang matatapos ito ngayong taon para
ligtas na magamit ng mga residente sa lugar. INAASAHANG
DARATING sa Pilipinas ngayong linggong ito ang bangkay ng Overseas Filipino
Worker o OFW na nasawi sa Kuwait noong nakaraang buwan.

Nakilala
ang naturang OFW na si Beatrice Pandido-Tabanao na gumagamit din ng pangalang
Beatrice Tabanao-Cedeño, 66 years old, at taga- Barangay Villarica, Midsayap,
North Cotabato.

Sabi
ng anak ng biktima na si Ma. Elena Tabanao-Cedeño, August 22 nang mamatay ang
kanilang ina na sinasabing aksidenteng nadulas at nabagok ang ulo.

Pero
ayon kay Elena, posibleng may nangyaring foul play sa pagkamatay ng kanyang
ina.

Aniya,
mukha kasing hinampas ng matigas na bagay ang ulo ng kanyang ina base sa
malaking bukol nito sa ulo.

Kwento
pa ni Elena, noong nakaraang taon ay kinausap sila ng employer ng kanilang ina
sa Kuwait upang payagang maging kidney donor ang nasawing si Beatrice kapalit
ng malaking halaga ng pera.

Subalit
ayon kay Elena, hindi sila pumayag sa kahilingan ng employer ng kanilang ina.

Kaya
hinala ni Elena, posibleng sinadyang patayin ang kanilang ina para makuha ang
kidney nito.

Sa ngayon
ay humihingi na ng tulong ang pamilya ng biktima sa Overseas Workers Welfare
Administration, Philippine Overseas Employment Agency at Department of Foreign
Affairs para mabigyan ng hustisya ang kanilang ina.

Pero
ang problema, undocumented na ang pananatili ni Beatrice sa Kuwait.

Nabatid
na 15 taon nang OFW si Beatrice mula pa noong 2001.

Ngunit napaso na ang kanyang mga papeles noon
pang Patay ang dating konsehal ng bayan ng Pikit nang manlaban ito sa raiding team na nagsagawa ng search operation sa kanilang bahay sa Barangay Maulanan, Pikit, North Cotabato kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Dindo Piang kung saan nakuhanan siya ng ibat-ibang uri ng armas.
Ayon kay Cotabato Police Provicial Director Sr. Supt. Emannuel Peralta, unang pinaputukan ng suspek ang mga otoridad dahilan para gantihan siya ng putok na nagresulta naman ng kanyang kamatayan.
Samantala, kulong rin ang anak ng Deputy Chief ng Pikit PNP na si Nasser Karim nang mahulihan rin ito ng matataas na uri ng kalibre ng baril at libu-libong mga bala.Sinabi ni Peralta na tinatayang nasa isang milyong piso ang halaga ng mga bala at bagong baril na nakuha mula kay Karim.

Nakakulong na rin ang isang Andie Alang matapos makuhanan ng mga baril, dalawang sachet ng shabu at illegal drug paraphernalia sa nabanggit na operasyon.Nasa drug watchlist rin ang tatlo at ikinokonsiderang mga High Value Target ng PNP.

Sa bisa ng search warrant ng korte, hinalughog ng Raiding Team sa panguguna ng Police Regional Office 12 ang mga bahay ng suspek at doon na narekober ang mga armas, granada, shabu at illegal drug parapharnalia.

Kabilang rin sa mga nakuha ang umano M-16 rifle na pag-aari ng Special Action Force (SAF) na kasama sa mga nawala noong Mamasapano clash sa Maguindanao.Inihahanda na ngayon ng PNP ang kasong isasampa laban sa mga suspek.Ipatutupad na ng tuluyan ng Kidapawan City LGU ang CCTV Ordinance number 13-940 para sa lahat ng Business Establishments pagsapit ng January 2017.Ito ay siyang magsisilbing requirement para sa lahat ng mga tindahan sa kanilang renewal ng permits and licenses sa susunod na taon.Kabilang sa mga establisyimento na sakop ng ordinansa ang mga financial institutions gaya ng bangko, cash remittance center, pawnshops, gasoline stations, shopping centers, department stores, groceries at iba pa.Layunin ng CCTV Ordinance na iniakda ng Public Safety and Order Committee ng SP na gawing ligtas laban sa ano mang krimen ang mga may-ari pati na ang mga customer ng mga tindahan.Makakatulong din ang mga CCTV para mas madaling matukoy ang mga responsable sakali may mangyaring krimen.

Una ng inilatag ng City LGU ang mga panuntunan gaya na lamang sa kung anong uri ng CCTV Camera ang dapat ilagay ng mga tindahan.Dagdag din sa mga panuntunan ay kung papaano ima-manage ang operasyon nito, at kung papaanong mag-aambagan ang mga maliliit na tindahan upang magkaroon ng isang reliable na CCTV Camera sa kanilang mga pwesto. Hindi bababa sa 30 estudyante ang sinaniban umano ng masamang espiritu sa Marber National High School, Bansalan Davao Del Sur kahapon.Ayon sa gurong si Meriam Molina, nagsimula lamang sa apat na mga estudyante ang umano bigla na lamang nagwala at hindi na maintindihan ang kilos.

Ilang minuto pa ay mas dumaming mga estudyante na ang nagwawala na nasa Grade 8, hanggang grade 10.Mabilis namang dinala sa pagamutan ang mga mag-aaral pero walang nakitang sakit ang mga doktor maliban na lamang sa Mass Hysteria at Hyperventilation o pag-akyat ng nerbyus.

Agad namang sinuspinde ang klase sa mga estudyante.Palaisipan naman sa mga guro ang pangyayari dahil halos sa mga umano nasaniban ay mga babae.

Ang Marber National High School ay malapit lamang sa Davao-Cotabato National Highway at ang likuran naman nito ay kagubatan.Inamin naman ng punong guro ng paaralan na may mga kahoy silang pinutol pero hindi ito kombinsidong ang pagputol nila ng kahoy ang dahilan ng pangyayari.

Noong nakaraang taon isang estudyante rin umano ang sinaniban ng masamang espiritu sa lugar.Ayon kay Molino, nitong lunes lang, apat na estudyante ang umano dumaan rin sa parehong karanasan kaya agad na pina-bindisyunan sa isang pastor ang isang bahagi ng paaralan.Samantala, pahayag naman ng ilang eksperto tinamaan ng panic attack ang mga estudyante at kalauna'y nagdulot ito ng mass hysteria.Ipinayo ngayon sa mga magulang at guro na ihiwalay muna sa ibang tao ang mga estudyante kung maharap sila muli sa ganitong sitwasyon.Pinaalalahanan din ang mga mag-aaral na huwag kalimutang kumain ng umagahan bago pumasok ng eskwelahan upang walang maramdamang kakaiba. Bubuhaying muli ang Abaca Industry at gagawing sentro sa produksyon nito ang Kidapawan city sa buong Soccsksargen at ARMM region.Ito ang ipinahayag ni City Vice Mayor Bernardo Piñol base na rin sa utos at hiling ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Dahil dito, isang forum hinggil sa abaca farming ang isinagawa kahapon sa City Gymnasium na nilahukan ng daan-daang magsasaka at farmers organization sa North Cotabato.Layunin ng forum na makonsulta at maipaintindi sa mga magsasaka ang tungkol sa industriya ng abaca at ang produksyon nito.

Bisita kahapon si Victor Prodigo, executive director ng Philippine Fiber Industry development Authoyity.Iprinisenta rin ni Joven Hibaler, siyang regional director ng Phil. fiber industry development authority sa region 11 ang Proposed project on abaca para sa North Cotabato.Nangunguna rito ang comprehensive area expansion kung saan isang libong ektarya ng lupain ang tataniman ng abaca sa Kidapawan City at Magpet area, 300 hectares sa Makilala at 200 hectares naman sa bayan ng President roxas.Kabilang rin dito ang establishment of abaca nursery, diseace management, education training at ang stakeholders training.Ang nasabing proposal ay makakatulong ng malaki sa mga magsasaka lalo pat in-demand ngayon ang Abaca dahil nga bumababa ang suplay nito at marami ang nangangailangan sa labas ng bansa. Nagpapatuloy ngayon ang dalawang araw na Good governance Summit sa limang mga bayan sa North Cotabato kasama na ang mga barangay officials at Civil Society Organizations na isinagawa sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.Kabilang sa mga bayan na ito ay ang Arakan, Antipas, Pres. Roxas, Magpet at bayan ng Matalam.

Dito tinalakay ang mga best practices ng mga implementers, Civil Society at mga stakeholder’s kaugnay sa kanilang mga karanasan sa pag-implementa ng mga proyekto sa kanilang lugar.Ang dalawang araw na aktibidad ay sinimulan kahapon na pinangunahan naman ng ACF, Mindanao land Corp. o MinLand, Empowered Participatory Governance Towards Progress o EPG-progress at Department of Interior and Local Government o DILG.Layunin nito na maipakita ang kaalaman ng bawat LGU kung paano bumuo ng mga inisiyatiba lalo na kung kulang ang kanilang mga pondo para sa isang programa at proyekto.Nais ring ng mga nabanggit na ahensya na turuan ang mga LGU na gamitin ang kanilang mga resources kahit limitado paman ito para mapalago ang kanilang bayan.

Iginiit naman ni Rachel Paradiag, project manager ng EPG-progress, hindi raw madali na pag-aralan ang good governance.Aniya, nais nilang baguhin ang pananaw ng bawat komunidad, na ang aspetong governance ang siyang utak sa lahat ng proyekto lalo na pag may magandang relasyon ang Gobyerno at CSO.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...