Wednesday Jun, 26 2024 01:30:22 PM

NDBC BIDA BALITA (Oct. 10, 2016)

 • 16:42 PM Mon Oct 10, 2016
1,573
By: 
NDBC NCA
(Courtesy Notre Dame University)

NEWSCAST OCTOBER 10, 2016 (MON) 7and00 AM HEADLINESand 1. TOP-NOTCHER sa Mechanical Engineering Board Exam mula sa Notre Dame University, tatanggap ng 100 thousand pesos cash reward mula sa unibersidad.2. ABOGADO sa North Cotabato, patay sa pamamaril.3. Barangay Officials, mananatili pa rin sa pwesto KAPAG naipagpaliban ang Barangay Election, ayon sa DILG Secretary 4. 50 bahay, binaha sa Koronadal City MAGKAHALONG tuwa at lungsod ang nararamdaman ni Mechanical Engineering Board examination top-notcher Engr. Elso Umbao Elumbaring Jr. ng Notre Dame University, dito sa lungsod ng Cotabato.Sinabi ni Engr. Elumbaring na bagaman at sobrang masaya siya sa hindi inaasahang biyaya ay nalulungkot din siya dahil may ilan sa kanyang mga kasamahang kumuha ng pagsusulit ang hindi pumasa.Mula kasi sa 16 na mga kumuha ng naturang board exam mula as NDU ay labing apat lamang ang pumasa.Nabatid na first take pa lamang ni Engr. Elumbaring subalit nakakuha na ito ng markang 90.15% dahilan para manguna sa three thousand, 110 Mechanical Engineering Board examination passers ngayong taon.Napag alaman din na abot sa 4,470 ang kumuha ng naturang pagsusulit noong September 28-29, 2016 sa iba’t ibang mga Professional Regulation Commission o PRC testing centers sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao at Lucena.Sinabi ni Engr. Elumbaring na ang kanyang matibay na pondasyon mula elementary, high school at sa kolehiyo ang naging susi para magtagumpay.Si Elumbaring ay produkto ng Cotabato City Central Pilot School at Notre Dame Village National High School.Ayon kay Engr. Elumbaring, bukod sa puspusang pag-aaral ay binibigyan din niya ang kanyang sarili ng panahong makapaglibang bilang stress-reliever.May mensahe naman ito sa kanyang mga guro sa lahat ng mga mag-aaral. Samantala, binate naman ni NDU president Fr. Charlie Inzon, OMI si Engr. Elumbaring.Binari rin nito ang mga guro ng College of Engineering sa kanilang unibersidad na malaki ang naitulong sa paghahanda ni Engr. Elumbaring.Ayon kay Fr. Inzon, naghahanda sila ngayon para sa malaking selebrasyong ibibigay bilang pagkilala sa karangalang ibinigay ni Engr. Elumbaring sa Unibersidad at maging sa lungsod.Aniya, tatanggap din ng isang daang libong pisong cash reward si Engr. Elumbaring bilang regalo sa kanyang ng paaralan. PINAULANAN ng bala ang bahay ng bise alkalde ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao na nasa bayan ng Shariff Aguak.Base sa inisyal na imbestigasyon ng Shariff Aguak PNP, pasado alas otso ng gabi kamakalawa ng pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang bahay ni Shariff Saydona Mustapha Vice Mayor Bai Ameerah Ampatuan-Mamalapa.Nabatid na 15 mga bala ang tumama sa gate ng bahay nito na mula sa M-14 at M-16 rifles.Gayunman, ayon sa pulisya, wala namang nasaktan sa naturang insidente.Bago naganap ang pamamaril, sinabi ni Mamalapat na tinapunan din ng mga bato ang bubong ng kanilang bahay.Hinala naman ng bise alkalde, baka mga tauhan ni Shariff Aguak Vice Mayor Akmad Ampatuan ang responsable sa insidente.Ngunit mariin naman itinanggi ni Shariff Aguak Mayor Marop Ampatuan ang alegasyon ni Vice Mayor Mamalapat.Aniya, walang armed barangay peace-keeping action members ang kaniyang tatay.Samantala, sinabi ni Army’s 601stBrigade commander Col. Cirilo Sobejana na nakausap na nila ang magkabilang kampo kaugnay sa strafing incident.Aniya pa, napagkasuduan nila ng kanilang police counterpart na magtalaga ng joint police and military outpost sa Barangay Poblacion sa Shariff Aguak para agad na makapag-responde ang mga otoridad sakaling mayroong ganitong uri ng insidente.Nabatid pa na humihingi ng dagdag na military escorts si vice mayor Mamalapat, dalawang linggo na ang nakakaraan. BIGO ang mga otoridad na makakuha ng mga kontrabando sa raid na isinasagawa nito sa barangay Tunggol, Datu MOntawal, Maguindanao.Partikular na pinasok ng pinagsanib na pwersa ng Datu Montawal PNP at PNP ARMM kahapon ng umaga, ang bahay ni mayor Vicman Montawal sa bisa ng Search Warrant 2016-153-154 na inisyu ni RTC Branch 13 judge Bansawan Ibrahim.Sinaksihan naman ni barangay chairman Jimmy Montawal at vice mayor Otto Montawal ang naturang raid. Nabatid na wala si mayor montawal sa lugar noong ipinatupad ang search warrant. PINAGTATANIM na ng punungkahoy ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang mga opisyal ng barangay sa bansa.Sinabi ni DILG Secretary Mike Sueno na sa pamamagitan ng ganitong simpleng aktibidad ay mababago at mapapabagal ang epekto ng global warming.Base sa kanyang direktiba, hiniling ni Sueno na vice-chairperson din ng Disaster Preparedness of the National Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga punong barangay na makipag ugnayan sa concerned Environment and Natural Resources Office sa kanilang probinsya, siyudad o munisipalidad, upang maging maayos ang gagawing pagtatanim ng puno.Pinayuhan din ng kalihim ang lahat ng sangguniang barangay na bumalangkas ng nararapat na ordinansa na direktang nag-aatas sa lahat ng may-ari ng building at homeowners na magtanim ng puno sa kanilang bakuran o harapan ng gusali at mga bahay para makadagdag ng kakayahan sa paglaban sa global warming.Ipinag-utos din ng kalihim sa lahat ng mga governor at mga mayor na bantayan, i-monitor at palawigin ang kanilang intervention sa mga punong barangay sa gagawing tree planting activities para maipatupad ito ng mabisa at mahusay. MAGIGING MAS MADALI NA ngayon sa mga Pinoy na gustong makapagpatala at makakuha ng Technical Vocational Education and Training sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA matapos na buksan ang online application para sa tatlong scholarship programs.Ayon kay TESDA Director General Secretary Guiling Mamondiong, kabilang sa online application ang mga kursong Training for Work Scholarship Program, Private Education Student Financial Assistance at Special Training for Employment Program.Aniya, napakadali lamang ang pagkuha ng online application, kinakailangang lamang magtungo sa website ng TESDA na and//www.tesda.gov.ph/education www.tesda.gov.ph/education o barangay, kumpletuhin ang form at i–click ang create”. Matapos ito ay makatatanggap ang aplikante ng confirmation sa kanyang email na may kalakip na kakaibang Learner’s ID o kaya naman ay i-click ang barangay kasanayan para sa kabuhayan at kapayapaan”.Ipadadala ang application sa kinauukulang TESDA Provincial Offices at dahil ilalagay ng aplikante ang nagustuhang technical vocational course ay agad din itong makararating sa Technological Institutions o kaya naman ay sa private-owned TVET provider.Matapos ma-proseso ng TESDA Provincial Office ang scholarship application ay makatatanggap ng email ang aplikante kung saan ay nakasaad dito kung kailan magsisimula ang training at kung saang training institution ito gaganapin. HANGGANG sa ngayon, blanko pa rin ang mga awtoridad sa motibo at kung sino ang nasa likod ng pagbaril at pagpatay sa abogadong si Honorato Mazo ng Public Attorney Office o PAO.Binaril si Mazo, habang minamaneho nito ang kanyang Nissan pickup truck palabas ng bahay niya sa may Purok Gumamela, Poblacion, Matalam, alas-10 ng umaga, nito’ng Sabado.Tadtad ito ng bala mula sa kalibre 45 na pistola.Patay na nang siya ay ihatid sa ospital.Si Mazo, edad 54, ay PAO lawyer at blocktimer ng DXND Radyo Bida, tuwing alas-7 ng umaga, kada Linggo.Patuloy pa ang imbestigasyon ng Matalam PNP sa naturang kaso. DI NA nakapalag ang negosyanteng si Alvin Papelerin alias Balong matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu sa labas ng isang shopping mall sa Digos City, kahapon.Ayon sa report, matagal nang nasa watchlist ng mga nagbebenta ng shabu ang suspect.Nakuha mula kay Balong ang ilang sachet ng shabu at cash na ginamit sa buy-bust.Tatakas sana ang suspect, gamit ang kanyang motorsiklo, matapos matunugan na huhulihin na siya ng mga pulis.Gayunman, mas mabilis kumilos ang Digos City PNP at nahuli, noon din, ang suspect.Hawak na ngayon ng PNP si Balong at ang kanyang motorsiklo na gagamitin nila’ng ebidensiya kontra rito. Matapos ang clearing operation at Oplan Greyhound sa North Cotabato District Jail, ibat-ibang programa ngayon ang planong isagawa para sa mga bilanggo. Isa na rito ang Therapeutic Community Modality Program o TCMP, na may layuning bigyan ng rehabilitation program ang mga inmate. Nakapaloob sa programang ito ang pagsasagawa ng religious activities, Lectures, meeting at iba pa, para bigyang kaalaman ang mga preso sa iba pang aspeto.Ito ang inihayag mismo ni Jail Warden Supt. Peter Bongat ng BJMP North Cotabato, matapos nitong simulan ang mga hakbang para malinis ang loob ng compound.Sa ngayon nasa mahigit 50 porsyento na ang lebel ng kalinisan sa loob ng nasabing compound kung saan sako-sakong mga kontrabando ang narekober ng mga BJMP operatives nakaraang linggo.Naniniwala si Bongat na sa pamamagitan ng Therapeutic Community Modality Program, maililihis ang atensiyon ng mga inmate sa nasabing programa at tuluyan nang maabot ang drug-free facility at zero-contrabands sa North Cotabato District Jail. KUNG dati, nakikitira lang sila sa kanilang mga kaanak.Ang iba, sa ilalim ng tulay nagtayo ng bahay.Sa ngayon, ang limampung mga pamilya na nabibilang sa mahihirap na sektor ay may sarili nang mga bahay.Nito’ng Biyernes, ginawa ang turnover ng 50 mga housing unit sa Purok-Sais, Barangay Batasan, Makilala.Proyekto ito ng Makilala LGU at ng National Housing Authority o NHA.Ang isang bahay ay nagkakahalaga ng P100 thousand o kabuuang P50 million sa 50 mga bahay. Apektado ng mga pabagha ang mahigit 50 pamilya sa Purok Pagasa, Barangay Carpenter Hill, Koronadal City magaalos onse kagabi.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano, sanhi ng pagbaha ang pag-apaw ng kanal sa highway bunsod ng malakas na buhos ng ulan.
Nabatid na dahil sa biglaang pagapaw ng tubig, maraming mga gamit ng mga residente ang nalubog sa putik.
Hirap naman ngayon ang mga apektadong residente sa paglinis ng mga putik na pumasok sa kanilang bahay.
Ayon kay Urbano isinisisi naman ng mga residente ang mga pagbaha sa lugar sa madalas na pag-apaw ng tubig sa drainage system ng Department of PUlbic Works and highway s o DPWH.
Inihayag ni Urbano na namimigayna ngayon relief assistance ang lokal na pamahalaan sa mga binahang mamamayan.
Inaalam pa ng CDRRMC ang halaga ng mga ari arian na sinira ng baha.
Kakausapin din ng local na pamahalaan ang DPWH South Cotabato District upang masolosyonan ang madalas na pagbaha sa Carpenter Hill na isinisisi ng mga residente sa kanilang drainage system. Mananatili pa rin sa kanilang mga pwesto ang kasalukuyang Barangay Chairman ata iba pang opisyal ng Barangay kapag hindi natuloy ang Barangay Election nagyong taon.
Ito ang nilinaw ni Department of the Interior and Local Government Secretary Esmael Sueno.
Binigyan diin ni Sueno na maari lamang tanggalin ang mga nakaupo ngayong Barangay Chairman kung may sapat na dahilan.
Gayunpaman ayon sa DILG Secretary dapat pa rin itong masusing imbistigahan.
Ayon kay Sueno may mga grupo kasi na naglilibot sa iba’t ibang panig ng bansa at nangrere-cruit sa mga interesadong na pumalit sa kasalukyang mga opisyal ng barangay .
Inihayag ni Sueno na ang mga recruiter na ito ay humingi pa ng pera sa kanilang mga recuit. Si Sueno ay naging panauhing pandangal sa katatapos lang na 16th Charter Anniversary at 6th Negosyo Festival ng Koronadal City Mapapakinabangan na ng mga negosyante na nais maglagak ng puhunan sa lungsod ang negosyo center na kabubukas pa lamang sa Koronadal City.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel layon ng negosyo center na mapadali ang proseso sa pag-apply ng business permit.
Sinabi ni Miguel na sa pamamagitan ng negosyo center hindi na kailangan pa ng isang negosyante na pumunta sa iba’t ibat tanggapan ng gobyerno para makakuha ng business permit.
Ayon kay Miguel may may nakatalaga na kasing kawani ang local na pamahalaan na aasikaso sa lahat ng kanilang pangangailangan.
Inihayag din ng alkalde na upang makahikayat pa ang mga mamumuhanan, magbibigay din ng tax incentive ang lokal na pamahalaan.
Binigyan diin ni Miguel na kaakibat kasi ng pagdami ng mga negosyante sa lungsod ang dagdag na trabaho sa mas maraming mga mamamayan. Ipinagutos na ni Lake Sebu Mayor Antonio Fungan ang pagputol ng ilang mga puno sa mga lugar na nasa gilid ng highway.
Ito ay sa pamamagitan ng executive order na ipinalabas mismo ng alkalde.
Ayon kay Fungan, kapag hindi kasi naputol ang mga puno, mas malaking perwisyo ang maidudulot nito sakali mang magkaroon muli ng landslide sa lugar.
Inihayag ni Fungan na mamahala sa pamumutol ng mga puno ang municipal environment and natural resources office o MENRO Lake Sebu.
Sakop nito ang mga landslide prone areas sa mga barangay ng Talisay at Poblacion.
Matatandaan na dahil sa pagguho ng lupa bunsod ng walang tigil na ulan noong nakaraang lingo pansamantalang inilikas ang 15 pamilya sa ilang barangay ng Lake Sebu. Nagagamit na ng mga myembro ng T’boli Jewelers Association o TJA sa bayan ng T’boli, South Cotabato ang kanilang bagong production center.
Ayon kay Provincial Environment and Management Office o PEMO Mines ang Geo-Sciences Chief Nancita Acain, ang unang palapag ng gusali ay magsisilbing tanggapan ng adminsitraive staff ng grupo.
Ang ikalawang palapag naman nito ay magsisilbing pagawaan ng mga alahas na gawa sa gold at silver.
Upang magkaroon ng dagdag na capital ang ang TJA na kinabibilangan na grupo ng mga goldsmith, ay nabigyan ng pamahalaang panlalawigan ng P200,000 cash assistance.
Ito ay tinanggap mismo ng presidente ng grupo na si Mary Ann Pagalas, kasabay ng pagpapasinaya sa pasilidad.
Ayon kay Acain, upang mahasa ang kanilang kasanayan sa paggawa ng alahas, ang mga myembro ng TJA ay magkakaroon ng tour sa lalawigan ng Bulacan sa susunod na buwan. Sinimulan ang 16th Kanduli Festival sa bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat sa pamamagitan ng Thematic Parade at Mardi grass competition.
Ayon kay Lutayan Mayor Bai Princess Rihan Mangudadatu Kasaluran, tampok din sa selebrasyon ang Agri Trade Fair.
Matutunghayan din ayon kay Kasaluran sa kanilang AGri Trade Fair ang mga kubo na may display ng iba’t ibang produkto sa Lutayan
Inihayag din ni Sakaluran na masasaksihan din ng mga mamamayan sa Kanduli Festival ang Senior Citizen Day, Hataw ng Kababaihan, Drum andamp Lyre Competition, Bicycle Race, Lutayan Got Talent. Zumba, Basketball Game. DepEd Night with Band, Bahay-Kubo Contest at Mutya ng Lutayan
Tampok din sa selebrasyon ang bloodleeting, medical at dental mission para sa mga mahihirap na residente ng lugar.
Ang selebrasyon ay magtatapos sa pamamagitan ng street dancing competition sa October 12. Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang Ibat-ibang Kultura,Isang Lahi Tungo sa Maunlad at Matatag na Lutayan.”

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...