Wednesday Jun, 26 2024 03:06:31 PM

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

NDBC BALITA • 09:00 AM Mon Jun 17, 2024
307
By: 
NDBC NCA

HEADLINES

1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12

2   Sa North Cotabato, marami din ang naaresto sa anti-drug operation

3   Eid’l Adha celebration, maayos na naidaos sa BARMM

4   Mindanao peace process, maaring tularan ng ibang bansa, ayon sa Papal Nuncio

5   Father’s Day tragedy, ANIM patay, kabilang ang isang sanggol, matapos na ang sinasakyang tricycle ay mabangga ng truck sa GenSan

SA ATING PAMBUNGAD NA BALITA…

ABOT SA P2.2 million ang halaga ng shabu na nakumpiska ng PNP Region 12 sa ikinasang simultaneous anti-crime law enforcement operations o SACLEO nitong weekend sa buong rehiyon.

Nagresulta din ito ng pagkaaresto ng 85 katao na mga wanted persons sa ikinasang warrant of arrest implementaion, ayon kay PRO-12 regional director Brig. Gen. Percival Placer.

Abot naman sa 34 na mga drug personalities ang naaresto sa ibat ibang drug buy bust operation. Isa ang iniulat na nasawi sa matapos manlaban sa mga otoridad sa Koronadal City.

Inihayag rin ni Placer na abot sa 63 na mga armas ang nakumpiska, isinuko at na-recover ng PNP sa ibat ibang operation.

Ang lahat ng mga naaresto ay nasa ibat ibang police station sa rehiyon at sinampahan na ng kasong paglabag sa anti-drug law at illegal possession of firearms.

-0-

SAMANTALA, matagumpay SACLEO sa North Cotabato na nagresulta sa pagkahuli ng mga wanted persons, karamihan sangkot sa illegal drugs.

Sa Carmen, nasa kulungan na ang apat na drug suspect matapos mahuli sa buy bust operation Barangay General Luna. Huli sina alias Dodong, Alias Dick, Alias Jeremie na pawang taga Kidapawan.

Sa Kabacan, huli ang isang job order employee na kinilalang si Dodongskie ng Barangay Poblacion. Siya ay nakunan ng shabu, marijuana at drug paraphernalia.

Sa Pikit, nahuli din ang isang alias Nor, 30 taong gulang na Brgy. Rajahmuda, Pikit SGA BARMM sa ikinasang bust operation sa Barangay Dalingaeon.

Sa Arakan naman, naaresto ng PNP si alias Rico na taga Barangay Salasang at nakunan ng isang sachet ng shabu habang sa Barangay Nuangan, Kidapawan ay nadakip ang 40 taong gulang na si Alias Juls na taga Barangay Indangan.

Sa M'lang, naaresto din ng PNP si James na bread baker na taga Baranagay Sangat at nakunan ng isang sanchet ng shabu.

Silang lahat ay nakapiit na at sasampahan ng kaukulang kaso.

-0-

MALIBAN pa sa mga drug suspects na nahuli sa SACLEO ng North Cotabato PNP ay huli din sa hot pursuit operation ang isang carnapper sa President Roxas.

Nakunan din si alias PotPot ng Barangay Kayaga, Kabacan ng shabu at granada maliban sa Honda Mio na kanyang tinangay.

Naaresto rin ang murder suspect sa Banisilan habang taga Pikit na si Alias Egay ang naaaresto sa PIgcawayan dahjil sa kasong murder.

Sa Libungan, huli ang babaeng suspect sa kasong homicide habang naarest6o ang lalaking 40 taong gulang dahilsa tangkang pagpatay sa sariling anak sa Malapag, Carmen.

May mga naaresto din na wanted person sa Minapan, Tulunan at Arakan.

Isang suspected NPA ang nadakip naman sa Magpet at ang wanted person dahil sa kasong arson ang naaresto ng PNP sa Alamada.

-0-

SA KIDAPAWAN CITY, inihayag ng PNP na merong grupo ng mga carnapper ang nag-ooperate na pinaniniwalaang may kagagawa sa serye ng nakawan ng motorsiklo sa lungsod.

 

Ito ang sinabi ni Kidapawan Deputy Chief of Police Lt. Jay Sarda sa panayam ng Radyo BIDA.

Aniya, madalas kabilang sa grupo ay mga estudyante at ilang mga mekaniko sa mga motorshops sa lungsod.

Sila ay mahigpit na sinusubaybayan at darating ang araw na sila ay mahuhulog di sa kamay ng batas, ayon kay Lt. Sarda.

Dahil dito, plano ni City Mayor Jose Paolo Evangelista na bumili ng Global Positioning System o GPS tracker bilang tracking device para solusyunan ang carnapping sa lungsod.

Ipamimigay ito ng libre para sa mga qualified na mga residente ng Kidapawan na may kumpletong papeles.

Inaasahang maibibigay nila ito sa susunod na dalawang Linggo.

-0-

SA DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte, naaresto ng PNP ang isa sa mga most wanted person ng lalawigan sa ikinasang operation sa Barangay Semba.

Agn nadakip ay kinilala sa pangalang Alias Koy na may kasong murder.

Sa Wao, Lanao del Sur, huli ang isang high value target drug suspect sa opezration ng PNP sa Barangay Panang.

Nakuha sa suspect ang P68,000 na halaga ng shabu, blood money at iba pang drug evidence.

-0-

Dead on the spot ang tricycle driver na si Jeffrey Pudadera, 45 anyos nang manlaban umano sa mga kasapi ng PDEA at PNP na aaresto sana sa kanya sa Koronadal.

Ayon kay PDEA 12 Information Officer Kat Abad sugatan din ang isang PDEA agent nang barilin umano ng suspek.

Dagdag pa ni Abad si Pudadera na taga Barangay General Paulino Santos Koronadal ay nakorner sa drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Zone IV.

Pero sa halip na sumuko ay nagputok ito ng armas.

Ayon pa kay Abad nakumpiska ng mga pulis at operatiba ng PDEA 12 sa suspek ang anim na mga sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng higit sa P100,000.

 

Narekover din ng mga ito sa nasawing drug suspect ang  9mm na baril, P1,000 marked money at apat na  tig P1,000 na boodle money na ginamit sa kanilang bust bust operation.

Nakuha din ng mga otoridad  ang cellphone na ginagamit umano ng suspect sa kanyuang illegal drug transaction.

-0-

Bukas pa rin ang mga tanggapan ng Comelec para sa voter registration mula Lunes hangang Sabado.

Ito ang ipinahayag ni South Cotabato Election Supervisor Atty. Jay Gerada.

Ayon kay Gerada maliban sa mga bagong botanTe, tinatanggap din ng Comelec ang mga magpapalipat ng registration.

Dagdag pa ni Gerada maliban sa kanilang mga tanggapan nagsasagawa rin ng Satellite Registration ang Comelec sa mga liblib na lugar sa lalawigan.

Paalala lang ni Gerada sa mga registrants maging totoo sa mga impormasyon na inilalagay sa registration form dahil ito ay under oath.

Magtatagal ang voter registration sa Setyembre 30, 2024

Ito ay bilang paghahanda na rin sa 2025 Midterm election.

-0-

Makabibigay lang ng post-event ng mga impormasyon sa lindol ang Phivolcs.

Paliwanag ni Phivolcs General Santos Station Officer-In-Charge Nane Danlag, wala kasing makaalam kung kelan magaganap ang mga pagyanig.

Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Danlag mahalaga na laging mapaghandaan ang lindol.

Sinabi rin nito na dahil sa hindi naman nagtatagal ang lindol hindi aniya dapat magpanic ang publiko.

Mahalaga din ayon kay Danlag ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman para makaiwas ang isang indibidwal sa sakuna.

Kaya Paalala ni Danlag sa publiko huwag balewalain ang duck, cover, and hold at seryosohin ang mga babala ng gobyerno para makaiwas sa sakuna.

Samantala gagawin naman ang Second Quarter nationwide simultaneous earthquake drill sa Hunyo 28.

-0-

Sumuko ang isang Communist Terrorist Group o CTG member sa Isulan, Sultan Kudarat kasunod ng pakikipag-negosasyon nito sa Sultan Kudarat PNP, Isulan PNP at Regional Mobile Force Batallion 12.

Kinilala ni  Isulan Chief of Police Lt.Col. Julius Malcontento ang sumukong CTG member na si alias Santiago, 43 anyos taga Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Siya ay sumuko sa mga pulis sa barangay Bual, Isulan.

Ayon pa kay Malcontento, dala ng dating CTG member sa kanyang pagsuko ang isang 357 revolver.

Samantala sumuko rin ang isang CTG member sa Koronadal kasunod ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ng PNP.

Ayon naman kay Koronadal Chief of Police Lt. Col.

Hoover Antonio, ang pagbabalik loob sa pamahalaan ng dating CTG member ay resulta ng pagsisikap ng PNP na makumbinse ang mga rebelde na magbagong buhay para naman maisulong ang pagkakasundo at katiwasayan.

-0-

Kumita ng higit sa P76, million pesos ang mga magsasaka na nakilahok sa Kadiwa ng Pangulo na pinangaunahan ng DA 12 sa General Santos City.

Kaugnay nito, sinabi ni DA 12 Regional Executive Director Roberto Ferales na plano nitong gawin ang Kadiwa activities kada lingo o  kada buwan sa nasabing lungsod.

Inutusan din ni Ferales ang Philippine Food Development Authority o PFDA na magtayo ng Kadiwa Center sa Gensan.

Ang Kadiwa ng pangulo ay marketing initiative ng DA na may layong mabigyan ng access ang mga consumer sa abot kayang mga commodity.

Layon din nito na na matulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa marketing ng kanilang mga produkto.

-0-

MOH-BARMM, nagpaalala sa publiko na palagiang maglinis ng paigid para iwas dengue ngayong pumasok na ang tag-ulan

GINAWA ng Ministry of Health ang paalala ngayong dumadalas na ang mga pag-ulan kung saan kalimitang namamahay ang mga lamok na may dala ng dengue sa mga basa, tambak na tubig, masukal, at maduming lugar.

Sa BARMM, puspusan ngayon ang education campaign ng MOH lalong-lalo na sa mga bahaing mga lugar kung saan naiimbak ang mga tubig na pinamamahayan ng mga lamok na may dala ng sakit na dengue.

Payo pa ng MOH, kapag may sintomas ng mataas na lagnat, panghihina, sakit sa kasukasuhan at kalamnan. rashes sa katawan, pagsusuka at pagtatae ay maiging kumunsulta na sa doktor.

Sa pinakahuling tala naman ng Cotabato Regional and Medical Center simula ntong Enero hanggang June 12, sampu na ang nasawi dahil sa dengue.

Sa kanilang admission, pinakamarami ay mula sa Maguindanao na 229 na sinundan ng 129 mula Cotabato City.

Kabuuang 478 dengue patients na ang naitala ng CRMC simula 1st hanggang 2nd quarter ngayong 2024.

-0-

Bangsamoro Region, maaaring gawing modelo ng ibang bansa pagdating sa conflict resolution ayon sa papal nuncio

SINABI ni Apostolic Nuncio to the Philippines Charles Brown na ang peaceful resolution ng gobyerno sa mga kaguluhan sa Mindanao ay maaaring gawing basehan upang wakasan ang mga umuusbong gulo lalo na sa mga bansang may kinakaharap na kahalintulad na krisis.

Sa kanyang mensahe sa Vin D’honneur sa Malacañang noong nakaraang linggo, pinapurihan ni Brown, na siya ring concurrent dean of Philippine Diplomatic Corp ang tagumpay ng implementasyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB, ang peace agreement sa pagitang pamahalaan at mga dating MILF combatants, na siyang nagwakas sa matagal ng gulo sa Mindanao.

Dahil dito ay nabuo ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Umaasa si Brown na maging inspirasyon ng ibang magugulong bansa ang CAB ng BARMM.

Binigyang diin nito ang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng dayalogo na siyang pinaka mabisang paraan upang pigilan ang mga lumalalang kaguluhan.

Tiniyak din ni Brown na buo ang suporta ng Diplomatic Corps sa Pilipinas lalo na sa darating na parliamentary elections sa BARMM.

-0-

 

 

Rouge Moro group harasses village, prevent relief mission for residents

COTABATO CITY - Moro gunmen on Tuesday fired assault rifles at a barangay hall in Bialong in Shariff Aguak, Maguindanao del Sur and prevented...

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...