Sunday Jun, 23 2024 11:29:58 AM

NDBC BIDA BALITA (3.8.17)

 • 19:09 PM Wed Mar 8, 2017
891
By: 
NDBC

NEWSCAST

MARCH 8, 2017 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. NO. 3 MOST WANTED PERSON sa Cotabato City PNP, arestado.

2. BARANGAY CHAIRMAN, anak nito at isa
pang barangay kagawad, arestado dahil sa iligal na droga at mga hindi
lisensyadong armas sa Lambayong, Sultan Kudarat 3. Kidapawan City village official, nagpasinungaling na sangkot siya sa kasong pamamaril.4. CAFGU n nakpatay ng kapuwa CAFGU sa Tampakan, South Ctoabato,sumuko na HAWAK NA NGAYON ng Cotabato City PNP
ang pangatlo sa kanilang Most Wanted List.

Ito ay matapos na maaresto ang suspek
na si Jhun Uban Bagundang alyas Tricks, walang asawa, construction worker at taga
3rd Road, Purok Francisco, Barangay Datu Balabaran ng lungsod.

Sinabi ni Police Station 3 commander,
Police Sr. Insp. Rustom Pastolero na nadakip si Bagundang pasado ala una ng
hapon kamakalawa.

Ayon kay Pastolero, ilang araw din
nilang minanmanan si Bagundang na matagal ng nagtatago sa batas dahil sa patong
patong na kaso ng pagnanakaw.

Samantala, nadakip din ng pinagsanib na
pwersa ng Sultan Kudarat PNP, Philippine Army at PNP CALABARZON 4-A ang isang
multiple murder suspect sa Cavite.

Naaresto ang suspek na si Khagi Jamil alyas
Guiamal Sayan, 47 years old, may asawa at taga Barangay Mulaog, Sultan Kudarat,
Maguindanao pasado alas singko ng hapon kamakalawa.

Nasakote ito ng arresting team sa
Barangay Salimbao, Sultan Kudarat sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni
Judge Francisco Dizon Panyo ng RTC- Branch 23 ng Trece Martires City, Cavite. DEAD ON THE SPOT ang
isang suspected drug lord at misis nito sa isinagawang anti-narcotics operation
ng mga pulis, sundalo at operatiba ng Philipine Drug Enforcement Agency o PDEA
ARMM sa Maguing, Lanao del Sur.

Kinilala ni Lanao del Sur
PNP Director, Police Supt. Oscar Nantes ang mag-asawang nasawi na sina Cairodin
Anto at Farhana Pangao Anto na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi
ng kanilang katawan.

Nabatid na si Anto ay isa
sa limang mga target ng magkasabay na operasyon sa Barangay Bato-bato at Barangay
Malingon sa bayan ng Maguing.

Ayon kay Nantes, unang
pinaputukan ng mag-asawa ang raiding team dahilan para gumanti ng putok ang mga
otoridad na naging sanhi ng pagkasawi ng mga suspek.

Sugatan naman ang menor de
edad na anak ng mag-asawa na patuloy pa ring ginagamot sa ospital.

Nabatid na dalawa naman
ang sugatan sa panig ng mga otoridad na mula sa tropa ng Philippine Navy.

Bigo namang mahuli ng mga
raiding team ang mga suspected drug dealer sa lugar na sina Baulo Anto at
Sultan Abdullah Pundugar.

Narekober sa abandonadong
hideout ng magasawa ang dalawang sachets ng shabu na may bigat na sampung
gramo, tatlong long firearms, limang shor firearms, tatlong rifle grenades at
iba’t ibang uri ng mga bala.

Ang naturang operasyon ay
isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng PNP ARMM, CIDG ARMM, Special AFP Action
Forces, Philippine Navy, at PDEA ARMM. SUGATAN
ang municipal assessor ng Mother Kabuntalan, Maguindanao matapos pagbabarilin
ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Cotabato City.

Kinilala
ni Police Station 1 Deputy commander, Police Sr. Insp. Tirso Pascual ang
biktima na si Usop Esmael Zacaria, 46 anyos, may asawa, at taga Mother Barangay
Tamontaka, Cotabato City. Batay
sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, habang binabaybay ng biktima ang
Quezon Avenue lula ng kanyang kulay pulang Toyota Hilux na may plakang WBQ 909
pasado alas singko ng hapon kahapon nang bigla na lamang siyang nilapitan ng
dalawang mga lalaking naka-motorsiklo at agad na pinagbabaril. Nagtamo
ng tama ng bala ang biktima sa kanyang kanang balikat at agad rin itong
isinugod sa pinakamalapit na ospital ng mga rumespondeng pulis sa lugar.

Narekober
ng mga pulis sa crime scene ang anim na basyo ng kalibre 45 pistol. SA ngayon
patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng naturang
pamamaril at kung ano ang motibo ng mga ito. BINATI ni Maguindanao 2nd
Engineering District Engr. James Mlok ang lahat ng mga volunteer at lumahok
para tuluyang matanggal ang walong ektaryang water hyacinth na nakabara sa ilog
ng Datu Piang. Sinabi ni Mlok na ‘JOB
WELL DONE’ ang kanilang isinagawang operasyon kung saan 95 percent nang
natanggal ang mga damo, kangkong, at pusaw na may dalang putik na sumabit sa
paanan ng Datu Piang bridge. Ayon kay Mlok, ang hindi
pa natatanggal ay ang nasa bahagi ng Midsayap.

Natanggal ang nabanggit na
water hyacinth sa pakikipagtulungan ng Datu Piang LGU, PNP, AFP Phil. Army,
MILF, MNLF, drug surfacing personnels, ARMM HEART, OCD ARMM at Maguindanao
provincial office.

Aminado ang opisyal na
lumawak ang naturang mga damo matapos na magkaroon ng lapses sa kanilang
monitoring sa mga papalabas na water hyacinth mula sa Liguasan Marsh. HINIMOK ni
Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM Chief of Staff Atty. Rasul Mitmug
ang mga Out of School Youth at Persons with Disabilities na residente ng
rehiyon na samantalahin ang scholarship program na laan ng Technical Education
Skills and Development Authority o TESDA para sa ARMM. Sinabi ni
Mitmug na nakita ni TESDA Director General Guiling Mamondiong ang
pangangailangan ng ARMM sa skills and development courses kaya't dinagdagan
niya ang dating tatlong libong slots para sa TESDA scholars. Ayon kay
Mitmug, aabot na ngayon sa 60 libo ang maaring mabigyan ng pagkakataon na
makapag-aral ng libre mula sa limang mga probinsiya ng rehiyon.
Pinayuhan naman
ng opisyal ang mga interesadong aplikante na sumangguni sa kanilang mga
munisipyo upang makapag-aral ng libre at makapagtrabaho agad sa tulong ng
TESDA.

Mariing itinanggi ngayon ni Meohao, Brgy. Kagawad Angelito Panes ang ibinabatong alegasyon sa kanya kontra pamamaril sa isang menor de edad sa kanyang compound noong nakaraang Pebrero.Ayon kay Panes, imposibleng magiging suspek siya sa pangyayari gayung wala raw siya sa kanilang bahay ng managyari ang insidente.

Aniya ang asawa lang raw nito ang naiwan sa kanilang bahay sa panahon iyon kaya wala siyang alam sa pangayari.Maging siya ay wala ring alam kung sino ang responsable sa pamamaril.

Matatandaang unang lumabas ang report na si Kagawad Panes ang itinuturong suspek sa onse anyos na batang lalaki matapos itong pumasok sa kanilang compound kasama ang ilang mga bata.

Samantala, nanindigan naman ang pamilya ng biktima na ngayon ay patuloy na nagpapagaling na magsasampa pa rin sila ng kaso kontra kay kagawad Panes lalo pat dalawa ngayon ang lumitaw na witness na magpapatunay na siya ang nakabaril sa biktima.
Hinamon ngayon ni North Cotabato Vice Governor Shirlyn Macasarte Villanueva, ang mamamayan ng North Cotabato na makiisa at makialam sa mga nangyayari lalo na sa sektor ng kababaihan.Ito ang laman sa isinagawang privileged speech ng opisyal kahapon kasabay ng Sangguniang Panlalawigan regular session.

Iginiit ni Macasarte na bilang representante sa sektor ng mga kababainhan sa usapin ng politika, mahigpit niyang sinusuportahan ang anumang pagbabago para sa mga komunidad.

Kabilang na rito ang mga ina na sinisikap na mabigyan ng buhay ang kanilang mga anak.Layunin ng Women's Month Celebration na ipakita ang tunay na pagbabago sa pamamagitan ng mga kababaihan sa kanilang papel sa komunidad.

Tema ngayong taon ay naka angkla sa we make change work for women .

Matatandaang sa unang State of the Nation Address o (SONA) ni President Rodrigo Duterte binigyang diin nito na ipatupad ang Magna Carta of Women mula sa LGU hanggang sa barangay units.Layunin nito na matiyak na ang lalaki at babae ay magkatuwang na trabahuin ang pag-unlad sa usapin ng pang-ekonomiya, panlipunan, pangkultura at political developments sa buong bansa.

Ang National Women’s Month Celebration kada Marso ay bahagi lamang sa worldwide observance ng International Women’s Day o IWD. Umaasa ngayon ang Colombio PNP na madadagdagan pa ang mga drug personalities na makakapagtapos ng Oplan SMB.

Ang SMB o Sumuko, Magbago, Bumangon ay may layuning matulungan ang mga sumukong drug personalities sa bayan na magbago sa tulong na rin ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at MSWDO.Kaugnay nito, bago lamang nakapagtapos ang abot sa 350 drug personalities sa anti-drug campaign na Oplan SMB sa Columbio, Sultan Kudarat.

Sa naturang programa ay makikinabang ang mga sumukong drug pushers at users sa cash for work program para sa sustainable income.

Kabilang sa inaalok na trabaho sa mga ito ay ang pagtatanim ng puno ng saging sa loob ng limang araw kung saan makakatanggap sila ng sweldong P206 kada araw.Umaasa ngayon ang PNP at LGU na mas marami pa silang matutulungan sa nabanggit na programa lalo na ngayong muling ibinalik sa PNP ang Oplan Double Barrel Reloaded. Tumataginting na P3.49 Billion ang kinikita ng negosyo ng shabu kada taon dito sa Rehiyon dose.

Ito ang naging laman sa presentasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 kasabay sa paglulunsad ng Oplan SAGIP ng Dangerous Drugs Board sa Kidapawan City.Mismong si PDEA 12 Director Gil Castro ang naglahad ng nakakalulang bilang ng pera na umano ay kinikita ng negosyo ng shabu na ibinebenta at itinutulak sa SOCSKSARGEN.

Ikinamangha ng mga dumalo sa Oplan SAGIP ang rebelasyon ni Castro gayung napakalaki ng perang nabanggit na kinikita ng iligal.Base sa ginawang computation ng PDEA, aabot sa mahigit tatlong bilyong piso ang kita sa shabu kung ilalagay ang presyo nito sa P300 kada sachet mula 32,000 drug users sa ilalim ng illegal drug watch list ng PDEA kada buwan.Lubhang malaki ang kinikita ng mga sindikato ng droga dahil illegal ang kalakalan na ibig sabihin, walang buwis na nireremit sa gobyerno.

Maliban sa shabu, nasa mahigit sa P300 Million kada taon rin ang kita mula naman sa Marijuana.Giit pa ni Castro, tama lamang ang ginagawang giyera sa illegal na droga ng Administrasyong Duterte dahil lubhang nakakasira ito sa buhay at katinuan ng mga drug users. Isa isang sinagot ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga ang lahat ng akusasayon sa kanya kaugnay sa pagbawi ng Department of Agriculture sa proyekto na para sana sa LGU.
Una, sinabi ni Mayor Gonzaga na hindi totoo na dinala niya sa kanyang bahay ang mga bigas na bigay ni pangulong Duterte para sa mga magsasaka sa bayan.

Aniya, binabantayan raw ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP ang mga bigas na nakalagay sa GYM at ang MSWD naman ang naka-assign rito.Pangalawa sa usapin ng High value Crops na abono, ayon kay Gonzaga di rin niya ito itinago sa kanilang bahay kundi hiniling raw ng Municipal Agriculturist na ilagay sa kanyang bodega dahil puno sa aktibidad ang gym sa mga panahong iyon.Ang paliwanag na ito ng alkalde ay nag-ugat matapos itong gawing dahilan ni Agriculture Sec. Manny Pinol para bawiin sa Magpet LGU ang una nang iturn-over na Corn tractor sa kanila.Nabatid na February 2016 ang turn over sa 2.5 million Corn tractor Project sa LGU at kinansela raw noong September 2016.

Ang ipinagtaka rin ni Mayor Gonzaga na siningil sila ng DA kaugnay sa 10% equity ng proyekto gayung nasa kapatid naman ito ni Sec. Pinol na si dating Magpet Vice Mayor Efren Pinol.Sa panayam naman kahapon kay Agriculture Sec. Manny Pinol, sinabi niya handa raw siyang magbitiw sa pwesto sakaling mapatunayan ni Mayor Gonzaga na ibinigay niya sa pangalan ng kanyang kapatid ang proyekto.
Ayon kay Sec. Pinol na sa isang Farmers Organization nila ibinigay ang proyekto o ang Pusong Magpetenyo at hindi sa mismong pangalan ng kapatid nito.

NDBC BIDA BALITA Kapitan ng barangay. anak nito at barangay kagawad inaresto ng mga pulis dahil sa iligal na armas at droga sa Lambayong, Sultan Kudarat
Kinilala ni Sultan Kudarat PNP Provincial Director, Police Superintendent Raul Supiter Officer, ang naaresto na si Barangay Zenebin, Lambayaong, Sultan Kudarat Chairman Ali Bigkug 49 anyos.Ayon kay Supiter ,nakuha kay Bigkug ang 5 sachet ng suspected shabu.
Ang anak ni Bikug na si Mohiden ay kasama din sa mga naaresto matapos makuhanan ng mga pulis ng calibre 99 at 45 pistol na baril.Sinabi ni Supiter na arestado din sa hiwalay ha operasyon ng mga pulis si Barangay Timbalayan Kagawad Mohammad Tasil 36 anyos.
Nakuha ng mga pulis sa bahay ni Tasil ang 45 pistol.Samantala pinaghahanap pa rin ng mga pulis si Barangay Sadsalan Chairman Butch Magango, 48 anyos na umano ay nakatakas matapos makuha sa bahay nito ang apat na bala ng 9 mm na baril.Ayon kay Supiter pakay ng pinagsanib na pwersa ng PRO 12, militar at Lambayong PNP sa pagsalakay sa tatlong mga lugar na ihain ang search warrant dahil umano sa pagatatago ng iligagl na armas ng mga suspek. Sasama sa Pilgrimage to Holon 2017 Season 3 ang abot sa may 250 na mga trekker.
Ang aktibidad ay bilang kabahagi ng ipinagdiriwang ngayong 43rd Foundation Anniversary at 19th Seslong Festival sa bayan ng T’boli, South Cotabato.Ang pag-akyat ng mga mamamayan sa lawa sa March 10 hanggang 12 ay hudyat na rin ng muling pagbubukas sa mga turista ng Lake Holon.Ngunit nilinaw ni T’boli Municipal Tourism Officer Rodel Hilado na sa ngayon ay sarado na ang registration sa kanilang pilgrimage.Sinabi ni Hilado na may inihandang mga gimik ang lokal na pamahalaan para sa tiyak na ikasisiya ng mga aakyat sa Lake Holon.
Kasama din nila sa pag-akyat sa lugar ayon kay Hilado ang mga myembro ng Barangay Peace Keeping Action Team o BPATs na titiyak sa segurdad ng mga trekker.Ang Lake Holon na pangunahing tourist destination sa bayan ng T’boli ay matatagpuan sa tuktok ng Mt. Melebingoy sa Barangay Salacafe.
Matatandaan na dahil sa isinasagawang rehabilitasyon, pansamantala munang isinara sa mga tourista ang Lake Holon noong Enero.

Sumailalim sa orientation hinggil sa rabbies ang mahigit 70 mga Barangay Health Workers o BHW sa South Cotabato.
Layon nito na mapaigting ang kampanya kontra sa nakamamatay na rabbies sa lalawigan.Ang programa ay magkatuwang na itinaguyod ng integrated provincial health office o IPHO at Provincial Veterinary Office.Ayon kay South Cotabato OIC Provincial Veterinarian Dr. Flora Bigot ang mga sinanay na BHW ay magiging katuwang ng kanilang tanggapan sa pagbakuna ng anti rabbies sa may 70 porsyento na mga aso sa lalawigan.
Sinabi ni Bigot na pangunahing sanhi kasi ng rabbies ang mga domesticated animals o mga hayop sa mga bahay.
Ipinahayag naman ni IPHO Infectious Disease Program Coordinator John Cudilla na itinuturing na public health concern ang rabbies.Sa katunayan ayon kay Cudilla, ngayong 2017, tatlo katao na ang nasawi dahil sa rabbies sa South Cotabato.
Ang rabbies ay kumitil din ng buhay ng anim katao sa South Cotabato noong nakaraang taon.
Isinasagawa ngayon sa mga pangunahing kalye ng Koronadal ang motorcade na nilahukan ng grupo ng mga kababaihan sa lungsod.Ito ay bilang paglulunsad sa Women’s Month Celebration ngayong Marso.
Ayon kay Koronada City Councilor Marie Antonina Hurtado na siya ring Chairman ng Committee on Women’s Children and Family Relations ng konseho, gaganapin ang karamihan sa mga aktibdad kaugnay sa selebrasyon sa likurang bahagi ng lumang city hall.
Sinabi ni Hurtado na tampok sa selebrasyon ang Acoustic night bukas ng gabi, Bingo Socials sa March 10, Live band sa March 11 at Inter Barangay womens Dance Competition sa March 12.Pero ayon kay Hurtado tiyak na inaabangan ng mga mamamayan ang inter Barangay Women Volleyball Tournament sa March 8 hanggang 10.
Ito ayon kay Hurtado ay gaganapin sa mga Gymnasium ng Barangay Zone II at IV.Dinagdag din ni Hurtado mamimigay ng cellphone ang lokal na pamahalaan sa mga maswerteng dadalo sa opening program sa likod ng old city hall ngayong umaga.Umapela naman si Hurtado sa mga dadalo sa programa na magsuot ng violet o purple na damit.
Ito ayon kay Hurtado ay bilang pagpapakita ng suporta sa mga kababaihan.
Tema ng 2017 Women’s Month Celebration ang We Can Make Change, Worlk for Women’ .
Dalawang araw matapos mapatay ang kanyang mga kasama, sumuko na sa mga otoridad ang Cafgu na si Jeffrey Tante.
Si Tante ang pumatay umano sa mga kapwa CAFGU sa liblib na purok ng Aguinaldo, Barangay Kipalpig, Tampakan, South Cotabato.Kinilala ng Tampakan PNP ang mga biktima na sina Junior Uganap, 36 anyos , nakatira sa Purok Marcos, Barangay Santa Cruz, Tampakan na may tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib.Nabaril naman sa kanang kili kili ang kasama nitong si Raymond Blanza 25 anyos ng Barangay Cebuano, Tupi, South Cotabato.
Ang mga biktima na nakatalaga sa CAFGU Camp para magbantay sa compound ng Lapanday Food Corportion sa lugar ay pawang dead on arrival sa isang pribadong ospital sa Koronadal City.Matatandaan na si Tante 23 anyos ng Sitio Latil, Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato ay tumakas matapos ang krimen dala ang issued sa kanyang M 16 rifle.Ayon sa team leader ng mga ito na si Sergeant Dennis Rivera, bago naganap ang pamamaril nagtalo umano ang mga biktima at suspek kung sino sa kanila ang magiging kitchen personnel of the day.Ayon kay Rivera hindi nito inaasahang hahantong sa pamamaril ang insidente sa pag-aakalang naayos na ang gusot sa mga ito.
Inihahanda na nag Tampakan PNP ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.

Caritas Philippines to launch award in memory of ‘social action pillar’ in PH

Caritas Philippines is introducing an award to honor diocesan social action centers (DSACs) that have done exceptional work. Bishop Jose Colin...

Village exec in firearms deal slain ni Lanao Sur ops

COTABATO CITY — An incumbent village chair in Lanao del Sur was killed when he resisted arrest and traded bullets with the agents of Criminal...

Survey shows BARMM likely voters unaware of 2025 poll processes

COTABATO CITY  – The majority of likely voters in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) lack awareness of the new voting...

Selection of officials for 8 Bangsamoro towns on

COTABATO CITY - Bangsamoro regional officials are now screening applicants for mayor, vice mayor and municipal councilors for the eight newly-...

Sahod ng mga nasa Barangay frontline services, itataas ng City Government

ABOT SA 2,000 na buwanang increase ang nakatakdang paaaprubahan sa Sangguniang Panlungsod ni Cotabato City City Mayor Bruce Matabalao para sa mga...