Monday Jun, 24 2024 07:44:11 PM

NDBC BIDA BALITA (3.16.17)

Breaking News • 17:34 PM Thu Mar 16, 2017
997
By: 
NDBC

NEWSCAST

MARCH 13, 2017 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAHIGIT ISANG DAANG decommissioned
MILF combatants, nabigyan ng livelihood assistance ng pamahalaan.

2. Dating PNP personnel ninakawan
iba’t ibang uri ng mga baril, natangay ng mga kawatan sa Kidapawan City

3. DALAWANG mga kawani ng Koronadal City CENRO, umabuso sa trabaho, sinuspinde ng lokal na pamahalaan

4. Kaalaman sa ASEAN, isinusulong ng PIA-12 sa rehiyon ABOT sa 127 na mga decommissioned ng
Moro Islamic Liberation Front o MILF combatant ang binigyan ng mga livelihood
assistance sa isinagawang ceremonial turn-over ceremony sa Camp Darapanan, Sultan
Kudarat, Maguindanao kahapon ng umaga.

Sinabi ni Government Implementing Peace
Panel Chair Irene Santiago na bahagi ito ng pagpapatupad ng Comprehensive
Agreement on the Bangsamoro o CAB partikular ang Annex on Normalization.

Ang programa ay pinangunahan ng Task
Force for Decommissioned Combatants and their Communities o TFDCC at ng
Department of Agriculture.

Nabatid na noong May 31, 2015 ay
napagkasunduan ng GPH at ng MILF na bumuo ng TFDCC na mangangasiwa sa mga
socio-economic at development program para sa decommissioned combatants.

Maalalang noong June 16, 2015 ay nasa
145 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF ng MILF ang nag-turnover
ng kanilang mga armas sa pamahalaan bilang bahagi ng phase 1 ng decommissioning
process.

Samantala, kabilang sa mga ipinamahagi ng
DA sa mga decommissioned combatant kahapon ay mga kalabaw, baka, kambing,
manok, at itik.

May mga binhi din ng palay at mais,
maliban pa sa seedlings ng lanzones, Mangga, Durian, Mangosten, Rubber at mga Abono.

Sa panig naman ng isa sa mga MILF
decommissioned combatant na si Jacob Palao, sinabi nito na hindi niya inasahang
darating ang panahong hindi na sila magbibitbit ng armas at sa halip ay mga araro
at mga alagang hayop na ang kanilang aatupagin sa kanilang mga sakahan.

Aniya, natutuwa siya at ngayon ay may
pagkakataon na silang mamuhay ng mapayapa at matiwasay kasama ng kaniang mga
pamilya. TATLO KATAO ang nasawi, dalawa
sa mga ito magkamag-anak, matapos na ma-aksidente ang mga ito habang sakay ng motorsiklo
sa Barangay North Manuangan, Pigcawayan, North Cotabato pasado alas dose ng
tanghali kahapon.

Kinilala ni Pigcawayan
PNP chief, Police Chief Insp. Realan Mamon ang mga nasawi na sina Adel
Salilaban Salem Mukaladin Manalasal Salem, parehong 21-anyos at
magkakamag-anak at isang Alenor Arba, pawang mga residente ng Barangay Bulucaon
ng nasabing bayan.

Sa paunang imbestigasyon,
binabaybay ng tatlo ang kahabaan ng National Highway lulan ng kulay itim na
Kawasaki Baja nang pumutok ang unahang gulong nito na naging sanhi ng aksidente.

Nawalan ng kontrol ang driver
kaya’t natumba ang minamaneho nitong motorsiklo at tumilapon ang mga angkas nito.

Sabi ni Mamon, wala ring
suot na mga helmet o anumang protective gears ang mga biktima kaya’t nagtamo
sila ng matinding pinsala.

Dalawa sa mga ito ang
ideneklarang dead on arrival habang nasawi naman habang ginagamot si Adel
Salem.

Kaugnay nito ay may
panawagan naman si Mamon sa mga motorista.. LIMA KATAONG SANGKOT sa
pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ang nadakip ng Midsayap PNP sa mas pina
igting na anti illegal drug operations nito sa Midsayap, North Cotabato

Sinabi ni Midsayap PNP chief, Police
Supt. Bernard Tayong na unang nadakip ang suspek na si Ibrahim
Lagayan Buca sa barangay Poblacion Singko sa bayan.

Nadakip si Buca matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng suspected Shabu
sa isang PDEA 12 agent na nagkunwaring buyer.

Nakuha mula sa suspek ang pitong sachets ng shabu na nagkakahalaga ng
mahigit apat na libong piso at ang ginagamit na marked money.

Samantala, sa hiwalay na
operasyon, kalaboso rin ang apat katao sa inilatag na buy-bust operation ng
Midsayap PNP sa Barangay Poblacion Otso, Midsayap, pasado alas onse ng umaga
kahapon.

Kinilala naman ni Tayong ang
mga nahuli na sina Rusty Ismael Ibrahim, 37 years old, may asawa Khadafy Raban
Bugas, 33 Abdul Lomondaya Mambayao, 20, pawang mga residente ng Sultan
Kudarat, Maguindanao at Bonifacio Belarte Singco, 45, may asawa at taga
Poblacion Uno, Libungan, North Cotabato.

Nakuha sa apat ang iba’t ibang
mga drug paraphernalia kasama na dito ang P500 bill na marked money, isang
small size plastic heat sealed sachet at isa pa na naglalaman ng
pinaniniwalaang shabu, 2 glass tooter at iba pa.

Ang mga nahuling suspect ay nakakulong na ngayon sa Midsayap PNP lock up cell habang inihahanda ang
kasong isasampa laban sa kanila.

PANGUNGUNAHAN
ng isang Cotabateño o tubong Cotabato City ang 144 na mga magsisipagtapos
ngayong taon sa Philippine National Police Academy o PNPA.

Class valedictorian
ng Class Masidlak PNPA Class of 2017 PNPA si Cadet First Class Macdum Enca.

Si Enca ay
anak nina Yacobnor Enca, isang civil engineer at Zainab Enca, isang public
elementary school teacher.

Napag-alaman
na pang-apat sa anim na magkakapatid si Macdum at pagtulong sa publiko ang
naging inspirasyon sa buhay.

Noong
nag-aaral pa ito sa high school dito sa Cotabato City ay naging kasapi siya ng
United Voices for Peace Network, isang non-government organization.

Bago pa man
pumasok sa akademya nag aral muna ito ng isang taon sa University of
Southeastern Philippines in Davao City sa kursong electronics and
communications engineering.

Bago pumasok
sa academy, bahagi rin si Enca ng one-year student exchange program ng
nonprofit American Field Services o AFS Intercultural Programs sa St. Louis,
Missouri.

Samantala
kasama rin sa top 10 PNPA 2017 sina Cadet First Class Michael Salendab Daunotan
ng Tacurong City (7th Place), Ian Rey Canen Diolanto ng Polomolok, South
Cotabato (8th Place), at Michael John Suniega Sentinta ng Isulan, Sultan
Kudarat (9th Place) at isa rin sa mga nagtapos ay ang babaeng anak ni Cotabato
City Police Station 4 commander Police Chief Insp. Reynaldo Delantein. TULUYAN NG
BINAWIAN NG BUHAY habang ginagamot sa ospital ang isang miyembro ng Bureau of
Fire Protection o BFP ARMM matapos mabiktima ng pamamaril pasado alas dose ng
madaling araw kamakalawa sa Espino street, Mother Barangay Rosary Heights,
Cotabato City.

Kinilala ang
nasawi si Fire Officer 2 JOHN GHADZALI GANANCIAL DATU RAMOS 28 anyos, walang
asawa at residente ng nasabing lugar.

Nagtamo ng
tama ng bala sa kanyang dibdib at paa ang biktima.

Ayon sa
inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, pinagbabaril si Ramos ng hindi pa
nakikilalang mga suspek sakay ng hindi pa matukoy na uri ng sasakyan ng bumaba
ito ng kanyang kulay blue na KIA Picanto na may plakang LFS 842 sa labas ng
kanilang bahay.

Sa ngayon
patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung sino ang responsable sa naturang
pamamaril at kung ano ang motibo nito.

Hustisya
naman ang sigaw ng kanyang pamilya at ng mga kasamahan nito sa BFP ARMM kaugnay
ng pagkamatay ni FO2 Ramos. Magsilbi sanang babala sa mga abusadong kawani ng gobyerno ang pagsuspinde sa mga kawani ng koronadal City Environment and Natural Resources Office sa kanilang mga kawani.
Ito ang ipinahayag ni Koronadal City Environment and Natural Resources officer Agustus Britania matapos kumpirmahin ang dalawang buwang suspension ng kanilang dalawang job order employees.
Sinabi ni Britania na matapos ang masusing imbestigasyon dalawa lamang sa sampung mga kawani ng CENRO ang ang sinuspinde dahil sa hindi magandang asal ng mga ito sa Si-Ok Falls sa Barangay Mabini.
Sa halip kasi na magbayad ng tig P25 na entrance fee, nagbayad lamang ng P50 ang naturang mga empleyado.
Ayon kay Britania hindi rin tama na ipagmalaki ng mga ito na sila ay taga CENRO at binantaan pa ang mga nagbabantay sa Si-ok Falls.
Sinabi ni Britania na nagluto rin at uminom sa Si-ok falls ang mga CENRO Employees na mariing ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Britania dapat pangalagaan ng bawat kawani ng gobyerno ang trabahong ipinagkatiwala sa kanila. Pinababalik ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato sa mga lokal na pamahalaan ng Koronadal at Surallah ang resulosyon na nagbibigay ng dagdag na benipisyo sa kanilang mga kawani.Ayon kay South Cotabato Board Member Romeo Tamayo Jr, ang additional monetary benefits ay paglabag sa Revised Compensation and Position Classification System Act.Nabatid na ang mga kawani ng Koronadal LGU ay nakatanggap ng tig P25,000 na dagdag na bonus Bisyembre noong nakaraang taon.Ito ay maliban ba sa CNA,Christmas bonus at productivity enhancement incentives o PEI na nabigay sa mga ito.Nilinaw naman ni Tamayo na maari pang magsumite ng motion for reconsideration o humingi ng authorization sa office of the president para sa dagdag na benipisyo ang Koronadal LGU.Habang hindi pa naibibigay ng lokal na pamahalaan ng Surallah ang dagdag na benipisyao ng kanilang mga kawani.
Ayon kay Tamayo ibinalik nila ang resolosyon ng dalawang bayan para maaksyunan ng local chief executive o SP at mabigyan ng kopya nito ang Commission on Audit o COA. Nagasasagawa pa rin ng registration sa mga barangay ng Koronadal ang Comelec.
Ayon kay City Election officer, Atty Richard Opinion, layon nito na mapadali ang voter’s registration para sa Sangguniang Kabataan at barangay elections.
Ipinahayag nito na ang mga magpaparegister sa SK elections ang kailangang magdala ng school ID, birth certificate o baptismal certificate.
Ito ay upang mapatunayan na sila ay nasa 15 hanggang 17 anyos.
Habang ang mga botante naman sa barangay eleksyon na magpatala sa comelec dapat magdala ng valid ID.Binigyan diin ni Opinion na walang extension ang SK at Barangay election registrations.
Kaya apela ni Opinion sa mga mamamayan, huwag nang hintayin ang mga huling araw ng pagpapatala para makaiwas sa siksikan.
Sinabi ni Opinion na ang registration of voters ay magtatapos sa April 29.
Sisimulan ng Philippine Information Agency o PIA 12 ang serye ng forum hinggil sa South East Asian Nations o ASEAN sa Kidapawan City Gymnasium ngayong araw.
Ito ay inaasahang dadaluhan ng mga guro at estudyante sa lungsod at karatig lugar sa North Cotabato.
Gaganapin naman ang ikawalang forum sa Sultan Kudarat State University o SKSU Access Campus sa Tacurong City bukas.
Magkakarom din ng forum sa Cotabato City Polytechnic College sa March 31.
Ayon kay PIA 12 OIC Regional Director Joey Sem Dalumpines layon ng aktibidad na lalo pang maipalaan ang ASEAN.Inaasahan din na sa pamamagitan nito makakahikayat ng suporta ang pamahalaan para makuha ng Pilipinas ang ASEAN Chairmanship at makapaghost ng aktibidad hinggil sa 50th Anniversay ng ASEAN ngayong taon.Ipapaliwanag sa forum ang kahalagahan ng ASEAN sa pagsulong ng kaunlaran sa mga bansang kasapi nito kabilang ang Pilipinas.
Inaalam pa ng lokal na pamahalaan ang halaga ng pinsalang dala ng mga pagbaha sa apat na barangay sa Polomolok, South Cotabato noong Myerkules ng gabi.
Nilinaw naman ni Polomolok Disaster Risk Reduction and Management Council Action Officer Jonathan Fabulare na walang apektadong mamamayan dahil sa baha.
Gayunpaman ayon kay Fabulare sinira nito ang ilang mga farm roads sa mga barangay ng Koronadal Proper, Magsaysay, Lumakil at Bentung kung saan apat na baka ang naanod.
Sinabi ni Fabulare na pinasok din ng baha ang dressing plant ng manok sa lugar.
Inihayag ni Fabulare na ang mga binahang barangay ay dinadaanan ng Silway River na mariin ngayong minomonitor ng lokal na pamahalaan. Muling ginalugad ng City LGU ang mga pwesto sa loob at palibot ng Mega Market sa Kidapawan City.
Marami pa kasi sa mga ito ang wala pang kumpletong permits and licenses na magnegosyo na may pahintulot mula sa

Lokal na Pamahalaan.Paraan ito ng City Government para malaman kung sumusunod ba sa Revenue Code ang mga pwesto sa palengke.
Hindi lamang kasi Business Permits ang dapat icomply ng naturang mga tindahan.Kaakibat din ng Business Permit ang Sanitary clearance SSS, Philhealth at Pag Ibig contributions para sa mga

namamasukan sa tindahan, Fire Safety Clearance at Building Clearance.Dalawampu at apat na mga stalls sa Building 3 at perimeter area ang ginawan ng inspection ng City LGU.

Kabilang sa mga tindahan na ito ay mga ukay-ukayan dry goods and grocery, pati na rin mga sanglaan.

Bagamat at may mga business permits na ang mga ito, may kakulangan o di kaya ay expired na ang ilan sa kanilang

mga clearances.

Payo ngayon sa mga tindahang sinuri na asikasuhin na ang mga kaukulang clearances upang hindi maipasara ang

kanilang mga pwesto.
Nanatili ngayong naka alerto ang pamunuan ng Makilala PNP at 39th Infantry Battalion ng Philippine Army sa

kanilang area of responsibility.

Kasunod ito sa nangyaring panununog ng bus ng Yellow Bus Line Inc. Sa Sitio Bagong Silang , brgy. San Vicente,

Makilala, North Cotabato noong lunes ng umaga.

Kaugnay nito, makikipag-usap ang pamunuan ng Yellow Bus Line kay Cotabato Governor Emmeylou Mendoza kaugnay sa

pangyayari.Pagkatapos naman nito ay makikipag-usap din sila sa PNP, BFP at militar para pag-usapan ang kaso na kanilang

isasampa sa mga responsable sa krimen.

Ang nabanggit na impormasyon ay kinumporma rin ni Makilala PNP Chief Ins. Elias Colonia base sa pahayag ng

Liason Officer ng YBL.
Abot sa 17 mga New People's Army surenderees ang nakatanggap ng cheke bilang inisyal na cash assistance sa

kanila sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program.
Ayon kay 39th IB spokesperson 1st Lt. Silver Belvis, tinanggap ng mga surenderees ang 15 libong piso sa

provincial capitol sa Amas, Kidapawan kasama ang mga mataas na opisyal ng 39th IB, DILG at ilang mga LGU

officials sa North Cotabato.Sa 17 NPA rebel returnees tatlo rito ay mga babae habang 14 naman ang mga lalaki.

Karamihan sa kanila ay taga Tulunan, Magpet at Makilala at meron ding isang taga Bukidnon area.
Sinabi ni Belvis na ang 15 thousand na kanilang natanggap ay pauna pa lamang at susundan ito ng abot sa 50

thousand pesos kung masasapinal na nila ang ginawang project proposal sa gobyerno.
Nakadepende na ngayon sa mga surenderees kung paano nila gamitin ang cash assistance na ibinigay sa kanila para

sa pagbabago ng kanilang buhay.
Bukas naman ang 39th IB sa mga rebeldeng nanatili at nagtatago sa mga bukiring bahagi ng North Cotabato at

Davao del Sur sa kung sino man ang nais na magbalik loob sa gobyerno.
Pinasok ng mga nagpakilalang NBI member ang bahay ng dating PNP personnel sa Sitio Pinantao, brgy. Upper

Kalasuyan, Kidapawan City pasado ala una ng hapon kahapon.
Kwento pa ng biktima na si Reynaldo Dinampo, 80-anyos, negosyante, pinasok sila ng walong mga kalalakihan na

may bitbit na mga baril.Agad raw silang nagdeklara ng hold-up.

Sakay ang mga suspek sa isang Fortuner at SUV na mga sasakyan.

Ayon kay Dinampo, namukhaan niya ang isa sa mga suspek dahil nitong nakaraang linggo ay una nang nakipag usap

sa kanya para bumili ng baril.Aniya, unang pumasok ang tatlong mga suspek at sumunod naman ang lima at dito na hinalughog ang kanilang bahay.Natangay ang kanyang apat na mga long firearms at tatlong unit ng 45 caliber pistol.

Sa panayam ng Radyo Bida kay Dinampo, giit nitong may lisensya ang kanyang mga baril bagay naman na

iniimbestigahan din ngayon ng mga otoridad.
Samantala, sa kabila ng takot na naramdaman ng mag-asawang Dinampo, pati anak nito nagpapasalamat pa rin sila

dahil walang nasaktan at napatay sa insidente.

Nabatid na una nang pinasok ang kanilang bahay at natangay rin ang ilang mga gamit noong 2014 at kabilang na

rito ang isang unit ng armalite rifle.

Patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari.
Abot sa 8, 331 kilo na mga rubber ang na-ideliver at binili ng bidder sa inilunsad na Rubber Trading Center sa

Barangay Luhong, Antipas, North Cotabato kahapon.

Nabatid na abot sa 40.40 pesos ang presyo sa bawat kilo ng rubber base na rin sa nanalo sa bidding kung saan

ibinase rin sa presyo sa world market.
Dinaluhan naman ito ng mga magsasaka mula sa bayan ng Antipas, Brgy. Green Hills at Idaoman sa Pres. Roxas,

Brgy. Linao, at Sta. Maria sa Matalam at sa Arakan, North Cotabato.Ito na ang pang-apat na paglulunsad ng Rubber Trading Center sa lalawigan.

Una nang inilunsad ang nabanggit na programa sa Brgy. Tamped, Matalam, sunod sa Brgy. Pangao-an, Magpet, at

Brgy. New Panay, Aleosan.

Nakatakda namang isasagawa ang Bagsakan Center sa bayan ng Makilala at Arakan.
Layunin nito na matulungan ang mga rubber farmers lalo na sa pagbibigay sa kanila ng mas mataas na presyo ng

kanilang mga produkto at matutulungan din sila kung paano maka produce ng kalidad na goma.

Cops seize P10.6-M worth smuggled cigarettes in Sulu

COTABATO CITY - The police seized P10.6 million worth of imported cigarettes in an anti-smuggling operation in Barangay Kajatian in Indanan, Sulu on...

Cops recover P110,000 worth of smuggled cigars in Picong, LDS

MARAWI CITY  - In line with the directives of PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil to crackdown counterfeit and smuggled cigarettes following...

Motorist busted with "shabu" in Kapatagan, LDS

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - Kapatagan Municipal Police Station and 2nd Provincial Mobile Force Company LDSPPO seized 35 grams of Shabu...

Cotabato Light announces a reduction in residential rates for June 16 to July 15 billing period 

COTABATO CITY -  The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) customers will experience a significant reduction in residential rates of...

National level most wanted person nabbed in Sarangani

GEN. SANTOS CITY (June 24) -- Police Regional Office 12 – Intensified intel-driven operation of PRO 12 led in the arrest of a National Level Most...