Friday May, 03 2024 10:15:16 PM

NDBC BIDA BALITA (2.9.19)

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 00:22 AM Mon Feb 11, 2019
734
By: 
NDBC BIDA BALITA

NEWSCAST

FEBRUARY 09, 2019 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAS MAHIGPIT na implementasyon ng
martial law, solusyon daw sa mga kaguluhan sa rehiyon, ayon sa dating kalihim
ng DILG.

2. ABOT sa 100 Marijuana plants, binunot
ng mga otoridad sa liblib na Sitio ng Tampakan, South Cotabato

3. DALAWA KATAO, sugatan sa engkwentro
ng mga sundalo at NPA sa Makilala, North Cotabato

4. Labing tatlong kaso ng tigdas, naitala sa North Cotabato MAS MAHIGPIT na implementasyon umano ng
martial law sa Mindanao ang solusyon upang tuluyang masawata ang mga karahasang
nagaganap sa rehiyon.

Sinabi ni dating Interior and Local
Government Sec. Rafael Alunan na ito ang ibig sabihin ni P. Duterte sa madalas
na pagbanggit ng Alunan Doctrine sa pagsugpo sa kriminalidad sa Mindanao.

Nakapaloob sa Alunan Doctrine ang mas pina-igting
na security measures, tugunan ang ugat ng kaguluhan, maayos na pamamahala at
matibay at matapang na pagbibigay ng desisyong kinakailangan sa bawat
sitwasyon.

Ayon kay Alunan, mahalaga rin na ituloy
ng AFP at PNP ang Oplan Paglalansag para masawata o kung hindi man ay maibsan
ang pananabotahe ng mga armadong grupo.

Sa tagal umano ng kanyang paninilbihan
bilang kalihim ng DILG ay nasaksihan niya mismo kung paano umiral ang gulo sa Mindanao
na sanhi ng mabagal na pag-unlad ng rehiyon.

Aniya, kailangan ding palakasin ang
pagbabantay sa coastal boarders lalo’t napakahaba nito at maaring daanan ng
foreign terrorists.

Sinabi ni Alunan na kailangang
pakinabangan at gamitin ng mahusay ang assets ng Bureau Of Customs, Bureau Of
Immigration at Philippine Coast Guard para matiyak na hindi makakalusot ang mga
dayuhang terorista.

NASA KRITIKAL pa ring kondisyon ang tricycle
driver na isinugod sa pagamutan sa Cotabato city matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang
suspek sa tapat ng isang paaralan sa Barangay Poblacion, Pikit North Cotabato.

Ito ay base sa isinagawang follow up ng
DXMS AM Radyo Bida sa biktima.

Nakilala ang biktima na si NANO
BANGKUNIAN, 38 years old, residente rin ng nabanggit na lugar.

Ayon sa kamag anak ng biktima na
nagdala sa kanya sa ospital, bandang alas sais ng umaga kahapon habang
namamasada at maghahatid lang sana ito ng kanyang pasahero nang lapitan ng
salarin at paputukan ng isang beses sa tiyan si Bakunian.

SAMANTALA, duguan din nang isugod sa
pagamutan ang isang lalaki matapos din itong pagbabarilin sa kanilang lugar sa
Guindulungan, Maguindanao alas kwatro ng madaling araw kahapon.

Ang biktima ay nakilalang si REDJI DAUD
SANDRON, 21 years old.

Kalalabas lamang umano ni Sandron sa
kanilang bahay nang bigla itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Wala umanong nalalamang dahilan ang
pamilya ni Sandron para gawin ang tangkang pagpatay sa kanya.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa
magkabilang binti ang biktima at patuloy na nilalapata ng lunas sa ospital.

NAKUMPISKA ng
mga sundalo ang matataas na uri ng mga armas matapos nilang madiskubre ang
lugar na pinagtaguan nito sa Datu Piang, Maguindanao.

Sa report
mula sa Army’s 6th Infantry Division, natagpuan ng militar ang
naturang lugar matapos makatanggap ng impormasyon ang Army’s 1st Mechanized
Infantry Battalion.

Ang
natagpuang mga armas ay pag-aari umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o
BIFF na itinago sa likod lang ng Barangay Hall ng Brgy Buayan ng nabanggit na
bayan.

Kabilang sa
mga nakuha ng mga sundalo ay isang M653 carbine, isang M653 carbine COLT AR-15,
isang M203 40MM GL, isang cal .45 pistol, isang cal .38 pistol, mga bala at ilang
mga pampasabog.

Ikinatuwa
naman ni Army’s 6th ID Commander, Major General Cirilito Sobejana sa mga
sibilyan na nakipagtulungan sa mga sundalo at nagbigay ng impormasyon hinggil sa
mga nakatagong armas ng BIFF.

NAGING
EMOSYUNAL sa huling pagkakataon ang ilang mga kawani ng ARMM sa isinagawang
flag retreat kahapon ng hapon sa loob ng ORG Compound sa Cotabato City.

Ito ay
pinangunahan mismo ni ARMM Governor Mujiv Hataman kasama ang mga regional
Secretaries at department heads.

Maaaring ito
na kasi ang huling pagkakataon na sila ay magtipon-tipon sa isang flag retreat.

Dala-dala ng
mga empleyado at opisyal ang isang
tarpaulin na may nakasulat na Thank You and Goodbye ARMM.

Bagaman wala
pang opisyal at malinaw na impormasyon, mababakante muna umano ang mga posisyon
ng mga kawani ng ARMM para sa bubuuing BARMM. WAGI
ang kalahok mula GLACI Cultural Dance Troupe ng Datu Piang, Maguindanao sa
LGU/Open Division ng Cultural Dance Drama Competition kagabi kaugnay ng 3rd
Inaul Festival sa Maguindanao celebration sa Buluan, Maguindanao.

Nag-uwi
ng 100 thousand pesos na cash prize at trophy ang koponan.

Sa
high school division, nanalo naman ang General SKP Ligawasan Youth National
High School ng General Salipada K. Pendatun na nag-uwi rin ng isang daang
libong pisong cash at trophy.

Samantala,
sa elementary division naman, nagwagi ng grand prize ang Mac-Ale Elementary
School ng Parang, Maguindanao.

75
thousand pesos na premyo at trophy ang kanilang napanalunan matapos tanghaling
champion sa sinayaw na singkil.

Sinabi
ni Maguindanao provincial budget officer Lynette Aguilar, siya ring director ng
naturang patimpalak, na layon ng naturang contest na maipakita sa mga mamamayan
ng probinsya ang iba’t ibang kultura ng Maguindanaon. Mental Health program bilang tugon sa suicide incidents pinaiigting ng provincial health ng South Cotabato
Inatasan ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido ang kanilang mental coordinator na tutukan ang tumaas na kaso ng suicide incidents sa lalawigan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Atrudido na plano ng integrated provicial health office na I-capacitate ang mga Guidance Counselor ng mga eskwelahan.

Ayon kay Aturdido, marami kasi sa mga nagpakamatay sa lalawigan ay pawang mga nasa school age o estudyante.

Aminado naman si Atrudido na dahil sa mas komplikado hindi gaanong natutukan noon ng IPHO ang isyu sa mental health.
Gayunpaman ayon kay Aturdido, gumagawa sila ng mga hakbang upang maresolba ang nasabing problema.Matatandaan na para matulungan ang mga kabataang may mentalhealth issues, nagsisimula na ring manguna sa mga forum hinggil dito ang Social Action Center ng Diocese of Marbel.
Humihingi rin ng tulong sa mga eskwelahan at parokya para sa nasabing programa si SAC Director Father Ariel Distora.
May 100 puno ng Marijuana plants pinagbubunot ng mga otoridad sa liblib na Sitio ng Tampakan, South Cotabato
Natuklasan ng mga otoridad ang may isang daang puno ng Marijuana plants sa liblib na Sitio ng Sawmill, Barangay Liberty, Tampakan, South Cotabato.
Kasama ng mga kasapi ng Tampakan PNP na pinamumunuan ni OIC Police Chief Inspector Joseph Forro na sumalakay sa nasabing lugar ang mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12.

Ang nadiskubreng newly grown marijuana plants na nagkakahalaga ng mahigit P20,000 ay pinagbubunot naman ng mga ito. Dahil sa layo ng lugar karamihan sa mga natuklasang marijuana plants ay sinunog na lamang mga police at PDEA agents sa lugar habang ang iba naman ay dinala ng mga ito sa Tampakan Municipal Police Station.

Pinaghahanap pa ang cultivator ng nadiskubreng Marijuana Plants na si Isagani Binuhay na nakatakas naman bago pa man dumating ang mga pulis at PDEA agents sa lugar.
Grade I Pupil patay matapos malunod sa irrigation canal sa Sto. Nino, South Cotabato
Kinilala ng Sto. Nino PNP na pinamumunuan ni Acting Chief of Police, Police Senior Inspector Sherwin Panaguiton ang biktima na si JohnMark Galan, 7 years old, grade 1 pupil at nakatira sa Purok Malipayon, Barangay M Roxas, Sto. Nino, South Cotabato.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang, sumama ang batang biktima sa menor de edad ding pinsan sa irrigation canal.
Ang biktimang si Galan ay aksidenteng nahulog sa tubig habang nakatayo sa tabi ng NIA canal, may 200 metro mula sa kanilang bahay.

Ito naman ang sinabi ng kasamang pinsan ni Galan sa mga pulis.
Nang makita mula sa pagkakalunod ang katawan nito, dinala pa ng kanyang mga kaanak sa Clinca Luntao sa nasabing bayan ang batang biktima kung saan siya ideneklrang dead on arrival.
City Disaster Risk Reduction Officer hiningi ang tulong ng publiko para manatili ang katiwasayan sa Koronadal
Tumulong sa pagpapanatili ng katiwasayan sa lungsod.

Ito ang panawagan ni City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano sa mga mamamayan ng Koronadal.Ayon kay Urbano dapat na maging vigilante ang mga mamamayan sa anumang terroristic activity.

Hiling nito sa publiko na agad na ireport sa mga kinauukulan ang mga kaduda-dudang personalidad o o bagahe sa kanilang lugar.Ito ang sinabi ni Urbano bilang reaksyon sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu na kumitil ng maraming buhay noong nakaraang buwan.

Igniit ni Urbano na mahalaga ang pagtutulungan ng mga mamamayan at PNP para sa katiwasayan.Ayon kay Urbano ang katiwasayan kasi aang isa sa mga pang-akit ng mas maraming turista ng isang lugar.
Egg production, pinalalago ng DA sa dalawang barangay ng Esperanza, Sultan Kudarat
Umaasa ang Department of Agriculture 12 na tataas ang egg production ng mga duck raisers sa dalawang mga Barangay ng Esperanza, Sultan Kudarat.

Ito ay matapos sanayin ng DA sa duck raising, balut making at salted egg making ang mga poultry growers sa lugar.
Ang mga ito ay pawang mula sa mga barangay ng Margues at Numo.

Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Mila Casis, isinagawa nila ito matapos makita na mas angkop sa mga mamamayan ng lugar na gawing kabuhayan ang duck raising.
Maliban sa training ang mga sinanay na magsasaka ay nabigyan din ng dalawang generator set ng DA.Isinagawa ng DA ang pagsasanay matapos mapili ang mga poultry growers ng Esperanza na best implementers ng Community-based Participatory Research o CPAR Project sa SOCCKSARGEN. Mga privately-owned K9 dogs na sinanay ng LGU, tumutulong na din sa pagbabantay ng seguridad sa Kidapawan City Ito ay ayon kay City Disaster Risk Reduction Management Officer head Psalmer Bernalte sa panayam ng Radyo Bida.
Sinabi ni Bernalte, mas dumami pa ang K9 deployment ngayon dahil nadagdagan ang K9 dogs ng PNP at City 911.
Abot naman sa 68 na mga K9 toddlers ang sinanay at nakapagtapos dahil sa tulong ng LGU noong nakaraang 2018.
Dagdag pa ni Bernalte, hindi lamang ang mga K9 dogs ang sinanay kundi pati na ang mga handlers.
Nakadeploy ang lahat ng mga bagong K9 units sa lahat na matataong lugar gaya ng mga terminal at sa mega market.
Makakatulong ang nasabing mga aso sa pagbabantay ng seguridad lalo pa’t papalapit na ang Charter day celebration ng lungsod at aasahang dadagsa ang mga tao sa City Plaza at sa iba pang mga lugar. North Cotabato, nakapagtala ng 13 na kaso ng measles simula ngayong taon – ayon sa Integrated Provincial Health Office head
Ito ay ayon kay Integrated Provincial Health Office head Dra. Eva Rabaya sa naging panayam ng Radyo Bida.
Karamihan sa kaso na naitala ay mula sa bayan ng Midsayap, ayon kay Rabaya at nasa maayos na kondisyon sa ngayon.
Base sa kanilang datus abot na sa 13 na kaso ang natala simula lamang nitong nakaraang buwan.
Sinabi ng Rabaya ang tigdas ay sanhi ng virus na maaring makahawa sa pamamagitan ng person to person contact, sa pagbahing o sa pag-ubo.
Ang mga sintomas ng nasabing sakit ay pag-ubo, sipon ang skin rashes.
Dagdag pa ni Rabaya ang maigi anyang gawin upang maiwasan ang nasabing sakit ay pabakunahan ang mga anak sa pinakamalapit na mga health centers sa mga barangay.
Dahil maaring magdulot ng komplikasyon at mahantong sa pagkabulag at pagkamatay.
Aminado si Rabaya na marami sa mga magulang ang takot na magbakuna dahil na rin sa isyu ng dengvaxia pero paglilinaw anya na ligtas ang magpabakuna kontra tigdas. Tricycle drayber, patay sa panibagong kaso ng pamamaril sa Pikit, North Cotabato
Kinilala ang biktima na si Nano Bangloñan, 38 anyos at nakatira sa Brgy. Fort Pikit, North Cotabato.
Nangyari ang pamamaril alas 6:30 ng umaga kahapon sa National highway ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat ng PNP, sakay ang biktima ng kanyang tricycle nang pagbabarilin ng mga suspek na lulan dinng motorsiklo.
Nagtamo ng sugat mula sa tama ng bala ang biktima sa kanyang likod at ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Mabilis namang tumakas ang suspek patungong lib-lib na barangay ng Pikit.
Naisugod pa si Bangloñan sa ospital pero ideneklarang patay ng mga doktor.
Sa ngayon, blangko pa ang PNP sa motibo ng mga suspek sa pagbaril at pagpaty sa nasabing biktima. NDBC BIDA BALITA Dalawa sugatan sa engkwentro ng Militar at New People’s Amry sa Makilala, North Cotabato
Dalawang mga sundalo ang naiulat na sugatan sa muling sagupaan ng Militar at mga miyembro ng New People’s Army sa Sitio Badok Barangay New Baguio, Makilala North Cotabato pasado alas 10 ng umaga kahapon.
Sa panayam ng Radyo-Bida kay 39th Infantry Battalion Commading officer Lt. Col. Rhodjun Rosales, mahigit sa 20 mga miyembro ng NPA ng Guerilla Front 72 na pinangunahan ni Kumander Burjak ang nakasagupa ng militar.
Sinabi ni Rosales, plano sana ng grupo na manglusob ng detachment at magsunog ng mga equipment sa Tulunan Cotabato at sa erya ng Malabuan.
Anya, nasa tatlo hanggang limang araw nang nakastandby ang grupo sa naturang lugar. Samantala alas 3 ng hapon kahapon, habang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad, narekober ang dalawang landmine explosive devices, 8 blasting caps, 50 meters detonating wires at mga gamit ng mga communistang grupo sa kanilang hide out.
Sa ngayon patuloy pa ang pagsasagawa ng mga otoridad ng hot pursuit operation sa nasabing lugar.

NDBC BIDA BALITA Motorsita, patay sa vehicular accident sa Kidapawan City
Kinilala ang biktima na si Jonel Nanlabe Blen, 24 anyos, private employee at nakatira sa Barangay Ranso, Carmen Cotabato.
Nangyari ang insidente sa harap Our Lady of all graces Cathedral alas 10 ng gabi, kamakalawa.
Ayon sa ulat ng Kidapawan City traffic division, binabaybay ng biktima ang National Highway sakay ng kanyang motorsiklo patungong Cotabato ang direksyon.
Nang pagsapit sa lugar ng insidente, aksidenteng bumangga ito sa isa pang m otorsiklo na minamaneho naman ni Samuel Ebawan Opus, 31 anyos sakay ang isang limang taong gulang na bata na nakatira sa Purok 1, Brgy. Lanao, Kidapawan City.
Mabilis namang isinugod ang mga biktima sa Ospital, pero kahapon ay binawian na ng buhay si Blen habang ginagamot sa isang Ospital sa Davao City.

NDBC BIDA BALITA

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...