Monday Jun, 24 2024 04:03:47 AM

NDBC BIDA BALITA (12.7.16)

Breaking News • 17:33 PM Wed Dec 7, 2016
1,139
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 7, 2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Limang quarry heavy equipment, sinunog sa Koronadal City2. PULIS, sugatan matapos masabugan ng
bomba habang nagsasagawa ng raid sa bahay ng Maute brothers sa Marawi city.

3. MGA NAPAPATAY sa anti-narcotics
operations sa North Cotabato, abot na sa 40, ayon sa PNP

4. MGA BINAHANG RESIDENTE ng Lambayong,
Sultan Kudarat, abot na sa mahigit limang libo.

5. HIV-AIDS cases sa South Cotabato, halos 100 na. Limang heavy equipment sinunog ng NPA sa Koronadal City Hindi na nakapalag pa ang security guard ng isang quarry site sa Purok Aquino, Barangay Concepcion,Koronadal City nngg tutukan ng armas at dis armahan ng mga umanoy nagpakilalang myembro ng New Peoples Army o NPA.Ayon sa gwardiyang si Carlo Baron, matapos kunin ang kanyang armas, nilimas din ng may 20 armadong kalalakihan na pawang naka-bonnet ang mga armas sa tanggapan ng quarry site.Tinangay din ng mga ito ang dalawang cellular phone at isang computer monitor. Inihayag ni Baron na agad na binuhusan ng gasolina ng mga suspek ang tatlong pay loader at dalawang dump truck na pagaari ng Happy Living Realty Development Corporation o HLRDC at sub contractor nitong Q-Mix Company. Ang Security guard na si Carlo Baron. Ipinahayag naman ni Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes na maaring pakay ng mga suspek ang mga heavy equipment ng Q-mix company na may banta na umano ng extortion mula sa rebeldeng grupo. Ayon sa police official posibleng nadamay lamang sa insidente ang mga heavy equipment ng HLRDC. Ang mga suspek ayon kay Condes na pumasok sa quarry site pasado alas syete kagabi ay armado ng assorted rifle. Ayon sa police official maaring hindi napansin ang mga mamamayan ang pagpasok ng mga residente dahil sa dilim ng lugar. Posible rin ayon kay Condes na watak watak na dumating sa quarry site ang mga suspek. Umapela naman si Condes sa mga mamamayan na para mapanatili ang katiwasayan sa Koroandal, agad na isumbong sa mga otoridad ang mga kahina hinaloang personalidad o bagay na makikita sa kanilang lugar. Isang police commando ng PNP-Special
Action Force ang sugatan sa Marawi city nang lusubin ng mga otoridad ang bahay ng
Maute brothers.

Dalawang Improvised Explosive Device o
IED ang natagpuan ng mga otoridad sa mga sinalakay na bahay bukod pa sa sumabog
na ikinasugat ng isang pulis na hindi naman kinilala sa report.

Kabilang sa mga nilusob ng pinagsanib
na pwersa ng mga sundalo, pulis at operatiba ng Criminal Investigation and
Detection Group o CIDG ARMM ang tahanan ni Farhana Maute sa Marawi city, ina ng
magkapatid na sina Abdullah at Omar Maute, founders ng Dawlah Islamiya, o mas
kilala sa tawag na Maute terror group.

Nakatakda namang sampahan ng kasong
illegal possession of explosives si Farhana.

Samantala, ilang mga baril din ang
na-recover ng mga operatiba ng CIDG ARMM, Army’s 65th Infantry Battalion at Lanao
del Sur PNP sa apat pang mga bahay ng sinasabing kamag-anak ng magkapatid na
terorista.

Sinabi ni Lanao del Sur PNP Director,
Police Senior Supt. Agustin Tello na inihahanda na nila ang mga dokumento para
sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga may-ari ng nabanggit na mga
bahay na sina Abdullah Romato Maute, Mohammad Kyayam Maute, Hamsah Romato
Maute, Abdulazis Romato Maute at Mahathir Romato Maute.

NAGSASAGAWA ngayong umaga
ng tree-planting activity ang nasa 250 drug surrenderees ng Libungan, North
Cotabato.
Sinabi ni Libungan mayor
Amping Cuan na nagtatanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy ang naturang mga
drug personality sa barangay Ulamian, Libungan, upang muling kumapal ang
kagubatan sa naturang bahagi ng bayan.
Ayon kay Cuan, ang
naturang aktibidad ay bahagi naman ng rehabilitation program ng mga drug
personality sa kanilang lugar na una ng nangakong magbabagong buhay.

Bukod sa naturang
aktibidad, may iba pang intervention na gagawin ang lokal na pamahalaan ng
Libungan para sa mga naturang surfacing drug personality gaya ng food-for-work
at livelihood training katuwang naman ang iba pang ahensya ng pamahalaan at
non-government organization.

Samantala, sinabi ni Cuan
na hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang mahigpit na kampanya kontra
iligal na droga.

Nabatid na sa kabuuhan,
umaabot na sa 800 ang mga sumukong drug personality sa bayan mula ng ipatupad
ang Oplan TokHang ni P. Duterte. INAASAHAN
NAMANG maso-solusyunan na ang problema sa mga mabaho at hindi namamantinang mga
septic tank sa mga kabahayan at iba’t ibang establisimento sa Cotabato city.

Nakatakda
kasing magtayo ng fully-mechanized septage facility sa ilalim ng Septage
Management Program ang pamahalaang lungsod katuwang ang Cotabato City Water
District at USAID.

Sinabi ni
General Services Office chief Engr. Boyet Saavedra na ang naturang three
thousand square meters treatment facility ay nagkakahalaga ng 65 million pesos.

Ayon pa kay
Saavedra, ito ang kauna unang fully-mechanized treatment facility sa buong
Pilipinas.

Kamakalawa ay
isinagawa na ang ground-breaking para sa naturang pasilidad.

Sabi ni
Saavedra, kapag aprubado na ang pondo ay sisimulan na ang public bidding para
maitayo na ang naturang pasilidad sa lalong madaling panahon.

Samantala,
binigyang-diin naman ni Saavedra na magiging malaki ang pakinabang ng naturang
pasilidad para sa mga mamamayan ng lungsod.

PATULOY
ngayon ang imbestigasyon kay dating National Bureau of Investigation o NBI 12 regional
director Atty. Eric Augusto Isidoro na sinibak sa tungkulin dahil umano sa
pagkakasangkot nito sa produksyon at pagbebenta ng iligal na droga sa bansa.

Si Isidro ay
sinasabing protektor umano ng isa sa mga shabu laboratories sa bansa na
nadiskubre ng mga otoridad sa Catanduanes nitong November 26.

Sa ngayon ay
isinailalim na sa masusing imbestigasyon si Isidro sa utos naman ni NBI
Director Dante Gierran.

Nabatid na
dati ring pinuno ng NBI Anti-Illegal Drugs Division si Isidro bago ito
itinalaga bilang regional director ng NBI 12.

Sa panig
naman ni Augusto, mariin nitong itinanggi ang akusasyon pero ayaw na nitong
magbigay pa ng iba pang pahayag habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kanya.

Iginiit din
nito na bagaman at natanggap na niya ang relief order ay wala pa naman daw
kasong isinampa laban sa kanya.

Ayon kay Isidoro
sa ngayon ay pansamantala siyang nasa NBI-Internal Affairs Division.

PLANO ngayon
ng bayan ng Datu Montawal na maging Tobacco capital ng Maguindanao.

Sa tulong ng
National Tobacco Administration, sumailalim sa Seminar Workshop on Quality
Tobacco Production Technology ang apat na raang farmers mula sa 11 barangay ng
bayan.

Maliban sa
teknolohiya ukol sa pagtatanim ng tabako, may farm equipment at rice assistance
ding natanggap ang mga benepisyaryo, ayon kay Vice Mayor Datu Ohto montawal.

Sinabi ni
Montawal na matagal nang nagtatanim ng tabako ang maraming magsasaka sa bayan
kahit pa noong sakop pa sila ng bayan ng Pagalungan.

Dahil sa
kumikitang kabuhayan sa tabako, nais palaguin ng lokal na pamahalaan ang
produksyon ng tobacco.

Magkakaroon na ng sariling bangko ang mga ordinaryong mangagawa lalong lalo na ang mga overseas Filipino workers o OFW.Ayon kay Department of Agriculture o DA Secretary Manny Pinol, ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang cabinet meeting ang pagtatag ng Workers’ Bank.
Ipinahayag ni Pinol sa kanyang facebook page na ang pagkakaroon ng Workers’ Bank ay ipinanukala mismo ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa pangulo.Ayon sa kalihim ang Postal Bank ay bibilhin muna ng Land Bank of the Philippines at papangalanang Workers’ Bank.Ayon kay Pinol ang Workers Bank ay pansamantala munang magiging subsidiary ng Land Bank hanggang sa umunlad at makapagbili ng shares ang mga mangagawa at maging part time owner nito. Abot na sa 98 na kaso ng HIV/AIDS ang naitala sa South Cotabato mula Enero hanggang Octobre nitong taon.
Ito ay mas mataas ng 22 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay South Cotabato Assistant Provincial Health Officer Dr. Ala Baby Vingno, 19 sa mga ito ay maituturing nang AIDS at 79 naman ang HIV positive o hindi pa nagpapakita ng sintomas.Ipinahahayag ni Vingo na 48 sa HIV/ AIDS cases na ito ay natuklasan noong Setyembre.
Pinakamaraming HIV/AIDS patients sa South Cotabato ay nasa 15 hanggang 24 anyos at 25 hanggang 34 anyos.Siyam katao na rin ang nasawi dahil sa naturang karamdaman sa South Cotabato ngayong taon.
Kaugnay nito, umapela si Vingno sa mga HIV/AIDS patients na maging responsable at regular na mapag-check up sa HIV/AIDS Core Team o HACT Clinic sa South Cotabato Provincial Hospital.Hiniling din nito sa mga mamamayan na mayroon risky sexual behaviour at may pagdududa sa kanilang kalusugan na magpa HIV test. Tiniyak naman ni Provincial HIV/AIDS Focal Person John Codilla na may sapat na anti retroviral o ARV drugs ang HACT clinic para libreng ipamimgay sa mga HIV/AIDS patients sa South Cotabato at karatig lugar.
Apektado ng mga pagbaha ang mahigit 5,000 katao sa barangay Tinomigues, Lambayong, Sultan Kudarat.
Ayon kay Tinomigues Barangay Chairman Winona Mamalu Lim simula Disyembre a kwatro hanggang ngayon ay lubog pa rin sa hanggang tuhod na baha ang kanilang lugar.
Isinsisi naman ni Lim sa nasirang dike sa ilog ang baha.Nilinaw naman ni Lim na dahil sa mga pagbaha na naranasan sa kanilang lugar sa nakalipas na walong taon, nasanay na rin ang mga mamamayan ng Barangay Tinomigues.Ayon kay Lim sa kabila ng pananalasa ng kalamidad nakapaghahanap pa rin ng alternatibong pagkakatitaan ang mga binahang residente para maitawid ang pang araw araw na pangangailangan. Gayunpaman umapela pa rin sa Lim sa gobyerno na sana ay mahanapan ng pangmatagalang solusyon ang matagal nang dinaraing na problema sa mga pagbaha sa baranga Tinumigues. Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng pulisiya sa pagpatay sa isang barangay Kagawad sa Isulan, lalawigan ng Sultan Kudarat.Tama ng bala ng di pa matukoy na uri ng armas sa ulo ang ikinasawi ni Kalawag 3, Isulan , Barangay Kagawad Danny
Ito ay ayon kay Isulan Chief of Police, Superintendent Joefil Siason.Ayon kay Siason matapos sumama sa anti illegal drug operation sa kanilang lugar, naglalakad na pauwi na si Sendad ng pagbabarilin ng riding tandem na mga suspek na nagabang sa kanya sa madilim na kanto.Ipinahayag ni Siason na matapos sumuko noon sa mga otoridad, naging aktibo na sa kampanya nito kontra iligal na droga si Sendad.
Ayon kay Siason si Sendad ay siya ring chairman ng peace and order Committee ng Kalawag 3 Barangay Council.Inaalam pa ng pulisiya kung may kaugnayan sa iligal drugs o trabaho nito ang pagkakapaslang sa barangay Kagawad.Matatandaan na patay din ang dating barangay kagawad na si David Dwight Domingo nang pagbabarilin sa Isulan noong nakaraang buwan.
Sa kabila nito tiniyak naman ni Siason na nanatiling stable ang peace and order situation at walang dapat ipangamba ang mga mamamayan ng Isulan, Sultan Kudarat. Abot sa 4.2 million pesos ang inilaang pondo ngayon ng Lokal na pamahalaan ng Kabacan para sa implementasyon ng kanilang Oplan Dalus o Kaisa ka, Kaunlad Laban sa Droga.Ang nabanggit na programa ay inisyatiba ng LGU Kabacan kontra iligal na droga sa ilalim rin ng peace and order public safety plan na inaprubahan ng Sangguniang Bayan noong November 8, 2016.Binigyan diin ni David Don Saure, MDRRM Head ng Kabacan na ang Oplan Dalus ay bahagi at suporta rin sa Masa Masid program ng DILG at Project Double Barrel ng PNP.Sa pamamagitan nito maibibigay sa mga drug surenderees ang programa na para sa kanila sa ganun ay tuluyan na nilang talikuran ang paggamit ng iligal na droga.Ayon kay Saure ang pondong nabanggit ay 15% mula sa intelligence fund ng LGU Kabacan, na gagamitin rin para sa mga livelihood program.Matatandaang abot sa 726 na recovering addicts ang una nang nagsrface sa PNP noong Hulyo.Sa ngayon katuwang ng Oplan Dalus sa pamamagitan ng Municipal Anti-illegal Drug Abuse Council ang iba pang concerned agenicies sa pagpapalaganap ng masamang epekto ng droga at pagpapaigting pa sa mga Information Education Campagin kontra droga na isinagawa sa mga eskwelahan at mga barangay ng bayan.Ang salitang Dalus ay ilokano term na ang ibig sabihin ay Oplan Linis.
Umakyat na sa 41 mga indibidwal na sangkot sa iligal na droga ang napaslang sa North Cotabato.Resulta naman ito sa ibat ibang anti-illegal drug operation mula sa mga operating unit na isinagawa sa lalawigan.Bahagi ito sa ipinayahag ni Police Superintendent Bernard Tayong, spokesperson ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO kasabay ng Provincial Anti-illegal Drug Summit kahapon.Ayon kay Tayong ang nabanggit na bilang ay sa anti-illegal drug operations gaya ng search warrant, buy bust at law enforcement operation.Nabatid na nagpapatuloy pa ngayon ang Project Double Barrel ng PNP kung saan nasa third phase na ang naturang proyekto na nakasentro naman sa mga High Value Target o personalities.Samantala, nakatutok naman ngayon ang mga municipal station sa North Cotabato sa Oplan Taphang o Oplan Tapok Hangyo.

Isinasagawa ang Oplan Taphang sa mga lugar kung saan hindi naisagawa ang Oplan Tokhang na kinakatok ang mga bahay ng pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga.Ito ay bagong stratehiya ng PNP na kung saan iipunin ang mga mamamayan at hihilingin para mas mapadali ang pagresolba lalo na ang usapin ng droga sa kanilang komunidad.
Inirerekomenda ngayon ng Provincial Advisory Council sa mga local Chief Executive sa North Cotabato na gayahin ang ipinapatupad na programa ng Kidapawan City Government para sa mga drug personalities na una nang nagsurface sa PNP.Ito ay ang Balik Pangarap Program na pinangunahan mismo ni City Mayor Joseph Evangelista katuwang ang Balik Pangarap Coordinators.Naging basehan ng PAC members ang nabanggit na rekomendasyon matapos i-presenta ni Mayor Evangelista ang laman ng Balik Pangarap Program sa kauna-unahang Provincial Anti Illegal Drug Summit sa lalawigan kahapon na ginanap Elai resort, Kidapawan City.

Dinaluhan naman ito ng ibat ibang stakeholders kagaya ng PNP, AFP, Municipal Mayors at Vice Mayors, NGO, Religios Sector, academe, DILG Officers at miembro ng Provincial Advisory Council.Bagamat iba-iba ang stratehiya na ginagawa ng mga LGU sa North Cotabato para matulungan ang mga drug personalities nakita naman nila ang kakaibang ginagawa ng City.Kabilang na rito ang isang oras kada araw na fellowship bilang therapy ng mga surenderees, Sports activities, at kada quarter na Drug Test.Ang makakakumpleto naman sa siyam na buwan sa nabanggit na programa ay doon na makakatanggap ng livelihood programs ng LGU pati na sa gustong mag-aral.Dahil dito, malaking potensyal ang nakikita ng mga PAC member na pwede ring i-duplicate ng ibang LGU.

Umaasa naman ang PAC members at iba pang stake holders na sa nabanggit na summit, matutulungan ng bawat isa ang patuloy na kampanya kontra iligal na droga sa North Cotabato.
Dead on the spot ang isang magsasaka matapos itong pagbabarilin sa mismong sakahan nito sa hangganan ng Sitio Lanitap at Sitio Tabulon, Brgy. General Luna Carmen, North Cotabato.Kinilala ni Police Chief Ins. Julius Malcontento, hepe ng Carmen PNP ang biktima na si Larry Narvas Valdez, 51-anyos, may-asawa at residente ng Purok Miracle, Poblacion, Kabacan, North Cotabato.Ayon sa report, pinagbabaril ang biktima ng dalawang di pa kilalang suspek habang natutulog ito alas 12:00 ng tanghali kahapon sa loob ng tolda ng kanyang katiwala.Matapos ang pamamaril ay tinangay pa ng mga suspek ang motorsiklo ni Valdez na isang Suzuki thunder, kulay itim na may license plate 9874 MR at mabilis na tumakas.Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril na posibleng ginamit sa pamamaril.

Land Conflict naman ang isa sa mga sinusundang anggulo ng PNP na motibo sa krimen.
Isinagawa kahapon sa bayan ng Mlang ang kauna-unahang Municipal rice industry consultative congress.

Bahagi naman ito sa nagpapatuloy na kawayanan Festival ng bayan na binuksan noong lunes.Ang nabanggit na rice Congress ay dinaluhan ng mga magsasaka, farmers association at irrigators association.Kabilang naman sa binigyan diin ni Ronnel Malasa, science research specialist 2 ng Department Of Agriculture ang magandang dulot ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka.Ayon kay Malasa ilang mga bagay kasi ang nagiging dahilan kung bakit kaunti lamang ang produksyon ng palay sa bansa kung ikukumpara naman sa mga bansa ng china, thailand, indonesia at vietnam na kilalang mga malalaking rice producer country.Kabilang raw rito ang gastos ng mga magsasaka sa abono pa lamang, labor at renta sa lupa.Dahil dito iprenisenta ni Dante de luna, CEO sa isang Agricultural Company ang makabagong teknolohiya na mula pa sa ibang bansa na sa ngayon ay ginagamit na ng ibang magsasaka sa Pilipinas.Aniya, Abot sa pitong libo lamang ang babayaran ng magsasaka sa isang hektaryang sakahan gamit ang nabanggit na makinarya mula sa land preparation hanggang pag harvest nito.Ipiprisenta din ito ni De Luna sa Mlang LGU officials upang mas mapaangat pa ang produksyon ng palay sa bayan.
Nabatid na una ng inihayag ni Mlang Vice Mayor Joselito Pinol na isa ang bayan sa magiging Rice Basket ng bansa.

11 Dawlah Islamiya terrorist group members surrender to Army in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na sugpuin ang terorismo, tinulungan ng 6th Infantry Battalion (6IB...

Caritas Philippines to launch award in memory of ‘social action pillar’ in PH

Caritas Philippines is introducing an award to honor diocesan social action centers (DSACs) that have done exceptional work. Bishop Jose Colin...

Village exec in firearms deal slain ni Lanao Sur ops

COTABATO CITY — An incumbent village chair in Lanao del Sur was killed when he resisted arrest and traded bullets with the agents of Criminal...

Survey shows BARMM likely voters unaware of 2025 poll processes

COTABATO CITY  – The majority of likely voters in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) lack awareness of the new voting...

Selection of officials for 8 Bangsamoro towns on

COTABATO CITY - Bangsamoro regional officials are now screening applicants for mayor, vice mayor and municipal councilors for the eight newly-...