Monday Jun, 24 2024 08:11:34 PM

NDBC BIDA BALITA (12.5.16)

 • 16:18 PM Mon Dec 5, 2016
793
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 5, 2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Bahay ng barangay officials sa Cotabato, ni-raid ng anti-drug unit shabu at baril nakuha2. Kidapawan city Officials, nagpulong
upang pandayin ang Child Welfare Code sa lungsod.

3. Tatlong atleta ng Koronadal, na sumabak sa National Batang Pinoy Games, posibleng magsanay sa Czech
Republic

4. 200 drug dependents sa Mlang, Cotabato, nagtapos na sa rehab program NAGLUNSAD ng anti-narcotics operation
ang mga pulis mula sa Regional Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group ng
PNP 12 sa apat na mga bahay sa Cotabato city.

Nabatid na ang may-ari ng naturang mga
bahay ay kabilang sa mga high value target ng mga otoridad kaugnay ng nagpapatuloy
na kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang
operasyon ng nabanggit na grupo sa lungsod na nagsimula kaninang pasado alas
kwatro ng madaling araw.

Una ng pinasok ng Anti-Narcotics Task
Group ang bahay ni Mother Barangay Bagua chairperson Ela Biruar subalit wala
silang nakuhang anumang kontrabando.

Ni-raid din ng mga otoridad ang tahanan
ni Basher Rakim o alyas Basco, barangay kagawad ng Poblacion Dos, na nasa SK
Pendatun Avenue.

Gayunman, wala ring nakuhang anumang illegal
items sa naturang bahay.

Samantala, tumakas naman ang isa pang target
ng raiding team na si Rajib Bondola nang matunugan ang paparating na raiding
team.

Gayunman, na-recover mula sa tahanan ng
suspek ang isang cal. 45 pistol.

SAMANTALA, naaresto din ang anak nito na si
Abdillah Bondola at isa pang kaanak na si Samira Bondola.

Nakuha mula sa mga nadakip na suspek
ang tatlong sachets ng pinaniniwalaang shabu.

Sa ngayon ay ginagalugad na ng mga
otoridad ang bahay ng isa pang target sa raid na si Kagi Basher Amba sa SK Pendatun Avenue.

Katuwang ng Regional Anti-Illegal Drugs
Special Operation Task Group ng PNP 12 ang Cotabato City PNP sa paglunsad ng
naturang operasyon sa bisa naman ng tatlong search warrants.

Samantala , kaugnay ng ulat na ito, ay may live na update si Anthony Henilo
na kasalukuyang nasa area kasama ang raiding team ng PNP 12 at Cotabato City
PNP. HANDA si Pangulong
Rodrigo Duterte na pasukin ang mga Muslim community kung saan nagkukuta ang Abu
Sayyaf Group at Maute group upang tulungan ang gobyerno sa paglaban sa mga
terror groups.

Sinabi ni Presidential Communications
Officer Sec. Martin Andanar na magiging
target umano ng pangulo ang mga kamag-anak ng mga miembro ng Abu Sayyaf at Maute
Group.

Magugunita na sinabi ni
Pangulong Duterte kamakailan na hindi pa siya makikipag-usap sa Maute group
kasunod ng ginawa nitong pag-atake sa Butig, Lanao del Sur.

Nakikiusap ang gobyerno
sa mga komunidad na tumulong sa pamahalaan upang matukoy ang pinagtataguan ng
mga terorista.

Ayon naman kay AFP public
affairs Chief Col. Edgard Arevalo, importante ang kontribusyon ng mga sibilyan
upang hindi na maulit ang pangyayari, dahil sila ang mas nakakakilala sa mga
tao na hindi normal na naroon sa kanilang lugar kung kaya sila anya ang may
kapabilidad na magreport lalo na at komunidad ito at tanging sila lang ang may
alam.

Kaya giit ni Arevalo,
bagama’t namo-monitor din ng kanilang tropa ang mga ito, mas mabuti na makukuha
nila ang koo­perasyon ng kooperasyon ng mga mismong naninirahan doon.

Samantala, hindi pa rin
anya pinababalik ang ilang residente sa kanilang mga tahanan dahil sa patuloy
pa rin ang clearing operation sa mga hindi sumabog na bomba, mga booby traps,
landmines na maaring nailagay ng mga rebelde. PATULOY ang
mahigpit na operasyon ng Cotabato city PNP laban sa mga indibidwal na sangkot
sa paggamit at pagbebenta ng iligal na droga sa lungsod.

Kaya naman
nitong weekend ay ilang indibdwal pa ang naaresto ng mga otoridad.

Nitong Sabado,
nadakip si Abubakar Abdul, 20 years old, taga Sk Pendatun Avenue, barangay
Poblacion Dos.

Naaresto ang
suspek sa Agong Lodge, sa Don Rufino Alonzo Street, pasado alas dyes ng gabi at
nakuha mula sa kanya ang apat na sachets ng pinaniniwalaang Shabu at ilang drug
paraphernalia.

Pasado alas
onse naman ng gabi nang maaresto ang isa pang suspek na si Asemin Manibpel, 34
years old taga Kampo Muslim, Mother Barangay Bagua.

Nakuha mula
sa suspek ang isang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Bago ito,
nadakip din ang isang Titong Adim, 32 years old at taga Malagapas, Barangay
Rosary Heights 10.

Nakuha naman
mula sa kanya ang dalawang sachets ng shabu, improvised o home-made pistol at
mga bala.

Samantala, sa
hiwalay na operasyon ay naaresto naman ang isang Morsid Dayam Panabal, 24 years
old, payong-payong driver at taga barangay Rosary heights 10 ng lungsod.

Siya ay
nakuhanan ng isang sachet ng shabu. DUMATING NA
sa Kalamansig, Sultan Kudarat ang tropa ng

2nd Marine
Battalion Landing Team o MBLT-2 kahapon.

Mismong si
Kalamansig mayor Ronan Garcia ang nanguna sa mga lokal na opisyal sa
pag-welcome sa mga sundalong marino sa kanilang bayan.

Sa kanyang
maiksing talumpati sa simpleng welcoming program kahapon, sinabi ni Garcia na
itinuturing niyang mga anghel ang mga sundalong dumating sa kanilang bayan na
tutulong para sa pagpapanatili ng seguridad sa kanilang lugar at gayundin ang
pagbabantay sa karagatang kanilang nasasakupan.

Ayon naman
kay 2nd Marine Brigade commander Brig. Gen. Alvin Parreño, ipagpapatuloy nila ang magandang
nasimulan ng mga naunang grupo ng mga sundalong naitalaga sa naturang lugar.

Dumalo rin sa
naturang programa si Kalamansig PNP Chief Inspector Patrich Elma at sinabing nagagalak
siyang makatuwang ang MBLT 2 sa pagbabantay sa bayan.

SA KABILA ng
mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad sa Cotabato city ay may ilang insidente
pa rin ng pamamaril na naitala sa lungsod

Nabaril at
napatay ang biktimang si Charles Ong Escobar, 32 years old, may asawa, walang
trabaho at taga San Rafael Street, Barangay Rosary Heights 11 ng lungsod.

Pasado alas
dose ng tanghali nitong Sabado, December 3 nang pagbabarilin ng di kilalang
suspek ang biktima sa Peñafrancia Village.

Dead on the
spot ang biktima na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng
kanyang katawan.

Samantala,
una rito, pasado alas dos ng hapon nitong December 2 nang mabaril din ang
biktimang si Sumarno Sidek, 27 years old, single, walang trabaho at taga
barangay Rosary Heights 7 ng lungsod.

Natagpuan na
lamang na nakahandusay sa tabing kalsada ng Ortouste Extension ang biktima matapos
pagbabarilin ng di kilalang suspek.

Naisugod pa
sa pagamutan si Sidek pero idineklara itong dead on arrival.

Ayon sa City
PNP, posibleng personal grudge at isolated ang naturang mga shooting incident
kaya’t walang dapat ipangamba ang mga mamamayan ng lungsod dahil nananatiling
mapayapa sa pangkahalahatan ang syudad. Posibleng ipadadala ng Pilipinas sa Czech Republic para sanayin ang tatlong mga atleta ng Koronadal City sa susunod na taon.
Kinilala ni Koronadal Deped Sports Supevisor Napoleon Comicho ang ma ito na sina Jovanni Kasi, Marjun Sulleza,at isa pang kasama ng mga ito na naglalaro sa athletics.
Ayon kay Comicho bago ipadala sa bansa dapat maabot ng tatlong mga atleta ng Koronadal ang record ng Pilipinas sa athletics.
Gayunpaman nilinaw ni Comicho na ang pagtungo ng mga atleta sa athletics para sanayin sa Czech Republic ay nakadepende sa performance ng mga ito sa National Batang Pinoy Games 2016.
Ang patimpalak ay katatapos lamang gawin sa Tagum City, Davao Del Norte kung saan nasungkit ng KOronadal City ang pang sampung pwesto mula sa 38 lugar na kalahok.
Ang lungsod ay nakakuha ng 36 na medalya, kabilang ang 12 gold medals, 11 silver at 13 bronze medal.
Nasa pang labinisang pwesto naman ang General Santos City na mayroong 11 gold, 16 na silver at 16 bronze medals.
Nasa pang 26 naman ang lalawigan ng South Cotabato na nakasungkit ng 4 na gold, 6 na silver at 11 bronze medals.
Napapakinabangan na ngayon ang milk processing plant ng South Cotabato
Ito ay matapos pormal na buksan ng provincial Veterinary Office.
Ang pasilidad ay matatagpuan sa Animal Production and Processing Center sa Barangay Tinongcop, bayan ng Tantangan.
Ang pagbubukas nito ay isinagawa kasabay ng Animal Farm Festival .Ayon kay provincial veterinary office OIC Flora Bigot, ang pinakabagong gusali sa animal production center ay magsisilbing lugar kung saan ipo-proseso ang gatas ng kalabaw.
Ito ay ginagamit naman sa mga supplemental feeding program ng lalawigan.
Bukas din ang pasilidad para sa educational tour.Maliban sa mga kalabaw kabilang din sa mga inaalagaan sa animal production center ang iba pang mga hayop na ipinamimigay upang magkaroon ng dagdag na kabuhayan ang mga mamamayan sa lalawigan. Dadalo sa ASEAN Conference on Drug Use Prevention International Standards ang walong myembro ng Provincial Anti Drug Abuse Council o PADAC South Cotabato.
Ang conference ay gaganapin sa National Institute for Science and Mathematics Education Development sa University of the Philippines sa Quezon City simula ngayong araw hanggang sa December 7.
Ang aktibidad ay inorganisa ng ASEAN Training Center for Preventive Drug Education o ATCPDE.
Layon nito na mapaigting ang pandaigdigang panuntunan sa paglaban sa iligal na droga.
Ito ay tinataguyod din ng United Nations Office of Drugs and Crimes.
Magiging highlight ng aktibidad ang pagbabahagi ng programa kontra iligal na droga ng bawat bansa sa ASEAN.
Ang mga delegado ng South Cotabato para sa conference ay pangungunahan ni Board Member Agustin Demaala na siya ring PADAC Permanent Representative.
Ayon kay ?ACPDE Director Frances Garce Duca Pante, ang output ng mga participant sa conference ay magiging gabay sa pagbalangkas ng mga polisiya at programa para sa kinabukasan ng mga kabataan.
Dadalo din sa conference ang mga kinatawan mula sa mga bansang Brunie Darrusalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam.
Inilunsad na ang 2015 Children Welfare Code ng South Cotabato.
Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes,layon nito na mabigyan proteksyon ang mga kabataan laban sa pang-aabuso.Nakasaad sa Children Welfare Code ang mga panuntunan na titiyak sa proteksyon, survival at development ng mga kabataan.
Nanguna naman sa paglagda sa pledge of commitment bilang suporta sa Children code sina Governor Daisy Avance Fuentes at Vice Governor Vicente de Jesus.Matatandaan na sinimulan ng Provincial Council for the Protection of Children ang pagbalangkas ng Children Welfare Code noong 2013.
Kasama din sa mga gumawa nito ang Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO.
Suportado din ito ng non government organization na Save the Children.
Kasabay ng pagdating ng buwan ng Disyembre ang pagsisimula na ring pagdayo ng mga mamamayan sa South Cotabato Provincial Capitol .Tuwing panahon kasi ng kapaskuhan nakagawian na ng mga mamamayan na gawing pasyalan ang lugar dahil sa mga palamuting pamasko na matatagpuan dito.
Hindi lamang mga bata ang naaliw sa makukulay na mga ilaw na nakapaligid sa kapitolyo kung di pati na rin mga nakatatanda.Agaw pansin sa mga mamamayan ang isang malaking puno na kasing taas ng kapitolyo na nilagyan ng makukulay na ilaw na tila isang buhay na Christmas Tree.
Tampok din sa lugar ang isang life size na Belen.Tawag pansin din sa mga motorista ang mga punong kahoy sa harap ng kapitolyo na kinabitan ng makukulay na ilaw.
Ayon sa ginang na si Emily Peralta, dahil sa ganda nitona tila nagpapadama sa simoy ng pasko, malimit nitong dinarayo kasama ang kanyang mga apo ang kapitolyo.
Ang South Cotabato Provincial Capitol ay bukas sa publiko tuwing gabi ngayong panahon ng kapaskuhan. MALAKI-LAKI na rin umano ang nagagasta ng ilang mga tricycle operator sa Kidapawan City para lamang kulayan ng asul ang kanilang mga tricycle.

Ang mga operator na ito ay bago lamang nabigyan ng prangkisa ng City Tricycle Franchising and Regulatory Board o CTFRB.

Abot sila ng 500.Ayon sa report, ilang mga operator na ang gumasta ng halos apat na libong piso para lamang kulayan ng asul ang kanilang tricycle.
Pero nito’ng Huwebes, laking dismaya nila nang mabatid na OFF WHITE ang kulay na gagamitin sa mga tricycle ng Kidapawan City.Tatlo lamang ang pinagpilian ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan.Ang mga ito ay PINK, YELLOW, at OFF WHITE. Hindi kasama sa mga pinagpilian ang ASUL o BLUE.

Sa tatlo, mas nanaig ang OFF WHITE.Katwiran ng mga konsehal, OFF WHITE kasi ang kulay ng GOMA na pangunahing produktong agricultural sa lungsod.May tatlong taon pa ang mga operator para palitan nila ang kulay ng kanilang mga tricycle, ayon sa CTFRB.
KRITIKAL ang 30-taong gulang na laborer na lalaki matapos saksakin ito ng mismo niya’ng kainuman sa Kidapawan City, alas-10 kagabi.Kinilala ang biktima na si Ricky Dayam ng Barangay Sudapin, ng lungsod.

Ang suspect kinilala lamang sa alias na ‘Pin-Pin’.

Ayon sa report, nag-inuman ang dalawa sa isang tindahan sa Barangay Sudapin nang bigla silang magtalo.Ang pagtatalo nauwi sa pananaksak.

Gamit ng suspect sa pananaksak ang isang kutsilyo.

Sa tiyan ang tama ng biktima.

Agad namang tumakas ang suspect matapos ang insidente. Nagtapos na sa Moral Recovery Program ng Mlang LGU ang higit 200 mga recovering addict na una ng nag surface sa Mlang PNP.

Napaloob sa nasabing programa ang mga lectures na naka sentro sa pagbabago at tuluyang paglimot sa ilegal na droga.Kabilang din dito ang mga spiritual lectures na pinangungunahan ng mga pastor.Una ng nakapagtala ang Mlang PNP ng higit 500 mga gumagamit ng ilegal na droga na nagsurface sa PNP.

Ayon naman sa PNP, isasailalim parin ang mga ito sa monitoring upang mapatunayan na seryoso sila sa kanilang pangakong magbabago.Una naring nabigyan ng tarabaho ng Mlang LGU ang ilang mga nag surface. NAKASENTRO sa drug clearing operations sa mga barangay sa buong North Cotabato ang katatapos lamang na drug summit na isinagawa sa kapitolyo sa Amas complex, Kidapawan City.Sinabi ni Chief Inspector Jingle Parallag, spokesperson ng Cotabato Police Provincial Office, layon nito na linisin sa mga ipinagbabawal na droga ang bawat barangay sa probinsiya.

Kasama na rin dito ang pagsawata sa demand ng droga upang mahinto na ang suplay nito.Binigyang-diin ni Parallag na malaki ang magiging partisipasyon at tulong na magagawa ng bawat opisyal ng barangay sa programang ito dahil mas kilala nila ang kanilang mga nasasakupan.Noong Huwebes, higit 300 mga kapitan ng barangay sa buong lalawigan ang dumalo sa drug summit.

Cops seize P10.6-M worth smuggled cigarettes in Sulu

COTABATO CITY - The police seized P10.6 million worth of imported cigarettes in an anti-smuggling operation in Barangay Kajatian in Indanan, Sulu on...

Cops recover P110,000 worth of smuggled cigars in Picong, LDS

MARAWI CITY  - In line with the directives of PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil to crackdown counterfeit and smuggled cigarettes following...

Motorist busted with "shabu" in Kapatagan, LDS

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - Kapatagan Municipal Police Station and 2nd Provincial Mobile Force Company LDSPPO seized 35 grams of Shabu...

Cotabato Light announces a reduction in residential rates for June 16 to July 15 billing period 

COTABATO CITY -  The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) customers will experience a significant reduction in residential rates of...

National level most wanted person nabbed in Sarangani

GEN. SANTOS CITY (June 24) -- Police Regional Office 12 – Intensified intel-driven operation of PRO 12 led in the arrest of a National Level Most...