Thursday Jun, 20 2024 11:16:13 PM

NDBC BIDA BALITA (12.26.16)

 • 16:57 PM Mon Dec 26, 2016
783
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 26, 2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. P. Duterte, bumisita sa mga biktima ng Midsayap, North Cotabatobombing medical assistance pinamahagi2.Tatlo katao, patay din habang 28 pa
ang sugatan matapos maaksidente ang sinasakyang bus sa Polomolok, South
Cotabato

4. Suspect sa panununog ng bus sa Koronadal City, kinasuhan na
5. Dalawang motorista di na umabot ng pasko matapos bumangga ang dalang motor sa isang Isuzu Dmax sa Makilala, North Cotabato BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte
ang mga biktima ng pagpapasabog ng granada sa Sto. Nino Church sa Midsayap, North
Cotobato habang isinasagawa noon ang huling Misa de Gallo.

Dinalaw ng Pangulo ang 13 mga sugatan
na ginagamot sa Anecito Pesante Sr. Memorial Hospital sa Barangay Poblacion Uno
sa bayan.

Sinabi ng pangulo na sasagutin ng
pamahalaan ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng mga biktima.

Bukod sa pagbisita sa mga biktima ng pagsabog
ay tumanggap din ang pangulo ng security briefing mula sa local at regional
police official at nakipagpulong din sa mga opisyal ng Midsayap LGU sa
pangunguna ni mayor Romeo Arania.

Una rito, nasa 18 katao ang sugatan sa
naturang pagsabog kabilang na ang isang police officer matapos na dalawang mga
suspek na nakamotorsiklo ang naghagis ng granada sa isang police car na
nakaparada sa tapat ng nabanggit na simbahan.

Samantala, sa panayam kay Midsayap PNP
chief, police Supt. Bernard Tayong, naniniwala siya na talagang puntirya ng mga
suspek ang mga pulis na naroroon sa lugar.

Sasalubungin ng naghihinagpis ng mga pamilya na namatayan ng kaanak sa pagbaliktad ng isang Husky Bus sa PUrok 8, Crossing Sulit Polomolok, South Cotabato ang bagong taon.Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Jonathan De Viejo ng Polomolok na dead on arrival sa ospital. Nasawi din ang isa pang pasahero ng bus na si Magieliene Esteves ng Cotabato City at driver ng kasalubong na motorsiklo na si Sammy Magsipoc nakatira din sa Polomolok.Nabatid na ang naaksidenteng Husky Bus na may body number 2788 at license plate MVV 171 ay mula Cotabato City at patungong General Santos City. Ayon kay Polomolok Chief of Police, Senior Inspector Hernan Gabat, nawalan ng control ang driver ng bus na si Rhoderic Danao matapos makasalubong ang motorsiklo na minamaneho ni Magsipoc.Ito ay matapos magtangkang mag-overtake sa sinusundang motorsiklo. Nagpreno bigla ang driver para sana iwasan ang kasalubong na motorsiklo, na naging sanhi upang magpagulong gulong ito sa highway bago tumama sa puno ng star apple.Ang bus ay natanggalan ng atip dahil sa lakas ng pagkakatama nito sa puno. Ang aksidente na naganap noong Sabado ng hapon ay nagresulta din sa pagkakasugat ng 28 pasahero na dinala sa mga ospital sa Polomolok, General Santos City at Koronadal City. INAMIN ng Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters o BIFF na sila ang responsable sa pagharang ng ilang
mga motoristang dumaraan sa national highway ng Guidulungan, Maguindanao pasado
alas dos ng madaling araw, kamakalawa.

Sinabi ni BIFF spokesperson
Abu Misri Mama na nakatanggap kasi sila ng ulat na may mga intelligence unit ng
militar ang kabilang sa naturang mga motoristang kanilang hinarang.

Inaasahan din nila aniya
na dadaan sa naturang lugar ang iba pang mga sasakyan ng mga sundalo kaya sila
nagbarikada.

Pero giit ni Mama, wala
silang intensyon na maghasik ng karahasan sa mga inosenteng sibilyan, bagkus
aniya, target lamang nila ang mga sundalo.

Nabatid na mahigit dalawang
daang mga sasakyan papunta at papalabas ng Cotabato City ang na-stranded sa
Brgy. Bagan, Guindulungan dahil sa nakaharang na isang trailer van at fish car.

Ilang oras pang naghintay
ang mga motorista hanggang sa tuluyang lumisan sa lugar ang tropa ng BIFF

PATAY NA NANG
isugod sa pagamutan sa Cotabato city ang tanod sa Bgry. Tee, Datu Salibo,
Maguindanao.

Ito ay
matapos na tambangan ng armadong riding tandem ang Green Nissan Pickup with
licensed plate plate KBW 845 na minamaneho nong ng biktimang si Lawrence
Manunggal 2 years old.

Nabatid na si
Manunggal ay nagsisilbi ring driver ng misis ng kapitan ng Barangay Tee, Datu
Salibo.

Sa report ng
DOS PNP, naganap ang insidente pasado alas dos ng hapon nitong Sabado, sa
bahagi ng Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguidnanao

Pauwi n asana
ang biktima mula sa tanggapan ng DSWD kasama ang tatlo pang indibidwal.

Nagtamo ng
tama ng bala sa ulo at sa likod si Manunggal na naging sanhi ng kanyang
kamatayan.

Maswerte
namang hindi tinamaan ang tatlong pang mga pasahero ng naturang sasakyan na
kinabibilangan ng kanyang misis na si Halima Usman Manunggal, Baby Manunggal at
Ajija Dikay.

Samantala, sa
ngayon ay mayroon ng sinusundang lead ang mga otoridad kaugnay ng naturang
krimen. NANAWAGAN
NGAYON ang Police Station 3 ng Cotabato city sa mga nawawalan ng kamag-anak na magtungo
sa kanilang himpilan.

Ito ay
kasunod naman ng pagkakatagpo ng isang bangkay ng lalaki na palutang lutang sa
Tamontaka River, sa bahagi ng barangay
Kalanganan Dos ng lungsod.

Sinabi ni
Police Insp. Alex de Pedro ng Police Station 3, ang naturang bangkay ay nasa
state of decomposition na nang ma-recover, kahapon.

Aniya, ito ay
bangkay ng lalaking nakasuot ng green denim t-shirt at maong pants, may tangkad
na 5’2 at tinatayang nasa 20 to 25 years old ang edad.

Ang naturang
natagpuang bangkay ay naroroon ngayon sa Villa Funeral Homes sa lungsod.

Pinaniniwalaang
pinatay sa ibang lugar ang naturang lalaki saka itinapon sa ilog hanggang sa
inanod sa barangay Kalanganan Dos. PA-IIGTINGIN
pa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM ang kanilang kampanya
laban sa mga plantasyon ng Marijuana sa iba’t ibang panig ng rehiyon.

Ito ay
matapos naman ng panibagong pagkakatuklas ng malawak na plantasyon ng Marijuana
sa Sitio Babakin, Barangay Bayanga Sur, Matanog, Maguindanao.

Nabatid na
nagsanib pwersa ang mga PDEA-ARMM, Armys 603rd Brigade at Matanog PNP at
naglunsad ng operasyon laban sa 1.5 ektaryang taniman ng marijuana sa naturang lugar.

Nagresulta
ito ng pagkakakumpiska ng abot sa 6.25 million pesos na halaga ng marijuana
seedlings na sabay-sabay nilang sinunog.

Nabatid na
unang nakuha ang 240 thousand Marijuana seedlings sa naturang plantasyon habang
sumunod namang nakumpsika ang sampung libong marijuana seedlings sa isang nursery
na malapit sa lugar.

Sinasabing
pagmamay-ari umano ni dating barangay chairman Radzak Macarimbang Maguid alyas Datu
ang naturang Marijuana plantation.

Gayunman,
bigo ang mga otoridad na mahuli ang nabanggit na suspek na ngayon ay target din
ng kanilang manhunt operation. Nanatili ngayong nasa Code White alert ang walong mga pampublikong hospital sa North Cotabato para sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Integrated Provincial Health Office o IPHO Head Dr. Eva Rabaya, layunin nito na mamonitor ang bilang ng nabiktima ng paputok ngayong holiday season lalo na sa mga barangay sa lalawigan na may mga naitalang firecracker-related injuries at casualties noong 2015.
Samanatala, aasahan namang Ibubunyag ng Department of Health (DOH) ang mga lugar na makapagtatala ng pinakamataas na bilang ng may nabiktima ng paputok.

Tatamaan dito ang mga lokal na pamahalaan na nagpabaya at naging iresponsable para magkaroon ng mga biktima ng paputok.
Nabatid na noong Disyembre 6 inilunsad ng DOH ang shame campaign upang hikayatin ang local government units (LGUs) na suportahan ang panawagan ng gobyerno laban sa mga mapanganib at malalakas na uri ng paputok na tradisyunal na ginagamit sa pagsalubong ng Bagong Taon.Nagsimulang bantayan ng DOH ang firecracker-related injuries at casualties nitong Disyembre 5.

Sa Enero 5, 2017 ay magpapalabas ng ulat hinggil sa shame campaign ang DOH. Abot sa higit 200 mga senior citizen sa bayan ng Makilala ang makatatanggap ng limang daang
piso kada buwan.

Ito ay base narin sa ipinasang ordinansa ng Makilala LGU nitong nakaraang quarter ngayong taon.

Ayon kay Makilala Mayor Rudy Caoagdan, ang pamimigay ng tig limangraan piso bawat buwan sa dagdag na mga senior citizen, ay magmumula sa 1, 698, 814.00 pesos na inilaang pondo para sa mga PWD at Senior Citizen sa bayan.Subalit ayon kay Caoagdan, ang makatatanggap lamang ng pera mula sa LGU, ay ang mga senior
citizen na hindi benepisyaryo mula sa listahan ng Office of Senior Citizen’s Association o OSCA
na may budget mula sa national government.Layunin nito na mabigyang pansin at pagkakataon ang mga matatandang walang tinatanggap na
benepisyo.

Naniniwala naman ang Makilala LGU na sa ganoong paraan ay mapaparamdam sa mga senior citizen
ang kanilang halaga at suporta ng gobyerno.
Apat na oras bago magpasko noong Sabado ay nasunog ang bahagi ng public market ng Digos City,
Davao del Sur.

Ayon sa report nag-umpisa ang sunog sa lumang stalls sa lugar.Gawa raw kasi sa light materials ang mga nabanggit na stall dahilan para mabilis na kumalat
ang apoy.

Mabilis namang naka responde ang BFP pero tuluyan pa ring naabo ang ilang parte ng Palengke.

Wala naman naitalang sugatan sa insidente.Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Protection Digos at inaalam pa ang kabuoang
danyos ng nasabing sunog.

Paalala ngayon ng mga otoridad sa publiko na maging maingat sa lahat ng panahon lalo na ngayong Holiday Season.
Hindi na umabot pa ng pasko ang dalawang back rider nang sumalpok ang kanilang sinasakyan motorsiklo sa isang Isuzu D-Max Pick Up Truck sa brgy. Saguing, Makilala, North Cotabato.Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Edwin Roque, 38, at isang Jerwin Betil, 23-anyos pawang mga residente ng brgy. San Vicente, Makilala.Ayon sa report, papuntang Davao City ang Dmax na sasakyan na minamaneho ng isang Allan Peras Francisco, 38, isang civil engineer na taga Mintal Davao City mula sa Kidapawan City nang makabanggaan niya ang isang Motorstar 125 na motorsiklo.
Minamaneho ito ng isang Jerome Mondano, laborer n taga brgy. San Vicente kasama ang dalawang angkas na sina Roque at Betil.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga pasado alas otso na ng gabi noong Biyernes ay nagtamo ng matinding sugat ang tatlong sakay ng motorsiklo na agad namang dinala sa Provincial Hospital.Pero ideneklara nang dead on arrival ng mga doktor ang backrider na sina Roque at Betil.

Dinala din kaagad sa Makilala PNP ang dalawang sasakyan.

Ang insidente ay patuloy na iniimbestigahan ng PNP. Mananataling nasa Blue Alert Status ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO South Cotabato hanggang sa January 1,2007.
Ayon kay South Cotabato PDRRM Officer Mila Lorca, ito ay bilang kabahagi ng pagpapatulad ng kanilang Oplan Kapaskuhan at Bagong Taon, Ibig sabihin nito ayon kay Lorca bukas at handang tumugon sa panahon ng emergency ang kanilang operation center sa loob ng 24 oras.
Sa ngayon ayon kay Lorca naka-standby ang kanilang mga rescue equipment at nakahandang rumesponde anumang oras.Ipinahayag ni Lorca na mayroon na ring nakaimbak na food packs at iba pang kailangan sa relief operation ang PDRRMO.
Sinabi ni Lorca na maliban sa PDRRMO, nasa blue alert status din ang mga Municipal at City Disaster Risk Reduction and Management Office sa South Cotabato.Hiniling din ni Lorca sa Publiko na maging mapagmatyag upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at katiwasayan sa lalawigan.
Sa kabila ng paulit ulit na paalala ng pulisiya sa mga mamamyan na magingat, sunod sunod na insidente ng pagnanakaw ang naitala sa Koronadal City sa bisperas ng Pasko.Dumulog sa pulisiya si Liza Seploc 39 anyos nakatira sa Barangay Namnana, Koronadal.
Ito ay matapos ,manawakan ng P3,000 sa isang Merchandise Store sa Roxas Street, Barangay Zone 2.Sa salaysay nito sa mga pulis, napansin ni Seploc na bukas na ang kanyang bag at nawawala ang pitaka na naglalaman ng P3,000 nang magbayad ito ng kanyang ipinambili kasama ang 5 buwan na sanggol.Nagsumbong din sa pulisiya ang 21 anyos na service crew na si Radelo Cepida nang matangayan ng P700, cellphone at mamahaling relo.Ayon kay Cepida, kumain lamang siya sa canteen sa tabi ng kanyang boarding house Sabado ng tanghali sa Barangay Santo Nino, nang mapansin pagbalik na nawawala na ang kanyang gamit.Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na hindi ni-lock ni Cepida ang pinto ng kanyang kwarto kaya madali itong napasok ng magnanakaw.
Samantala mahaharap naman sa kasong pagnanakaw ang electricial na si Joebert Valencia, 27 anyos, nakatira sa Barangay Mambucal ,Koronadal City.Ito ay matapos umanong nakawin ang isang mamahaling relo ni South Cotabato second district representative Ferdinand Hernandez.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang suspek na si Valencia ay kinuha para magayos ng sirang ilaw sa kwarto ng kongresista.
Saglit na iniwan ng katiwala si Valencia sa kwarto para kumuha ng hagdan.
Ilang saglit matapos makauwi ng suspeki, napansin ng kasambahay na si Rosalie Cain na nawawala na sa kinalalagyan nito ang relo ng kongresista na inayos mismo nito.
Nauna nang umapela si Koronadal City Chief of Police Superintendent Barney Condes sa mga mamamayan na ibayuhin pa ang pagiingat ngayong holiday season kung kelan dumadami ang insidente ng nakawan.
Pinasalamatan ni Koronadal City Fire Marshall Reginald Legaste ang kanilang mga stakeholders dahil sa panibagong karangalan na kanilang natanggap.
Kinilala ng Bureau of Fire Protection o BFP ang Koronadal City Fire Station bilang Best City Fire Station of the Year 2016 sa buong Region 12.Maliban dito iginawad , pinarangalan din si Legaste bilang Best City Fire Marshall.
Ang parangal ay iginawad sa katatapos lang na 43rd Service Recognition Day ng ahensya.
Sinabi ni Legaste na nagtagumpay ang BFP Koronadal dahil sa pagtutulungan at maayos na pagpapatupad ng mga programa ng BFP.Ayon kay Legaste malaki ang pasasalamat nito sa lokal na pamahalaan at mamamayan dahil sa patuloy na suporta sa BFP.
Sinabi ni Legaste na matapos parangalan, mas pagbubutihin pa ng BFP ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng Koronadal City. Nahaharap sa kasong arson ang 9 na mga suspek sa panunog sa isang Husky Bus sa Koronadal City.
Ito ay ayon kay Koronadal City Chief of Police, Superintendent Barney Condes.Ang mga kinasuhan ayon sa police official ay pawang mga myembro ng Guerilla Front 72 ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army o CPP-NPA.
Kinilala ni Condes ang isa sa siyam na kinasuhan na si Roque Norba alyas Bobo Henobra.Matatandaan na ang husky bus na mula Cotabato City ay sinunog ng mga armadong kalalakihan sa national highway barangay Morales, Koronadal City noong December 21 ng gabi.Matapos ang insidente ang mga suspek ay patakbo namang tumakas sa bulubunduking bahagi ng lungsod patungo sa karatig bayan ng Tantangan.Ito na ang ikaapat na bus na sinunog sa South Cotabato simula noong Nobyembre.Ayon kay South Cotabato Governor Daisy AVance Fuentes umaasa siyang agad na matutugunan ang problema matapos niya itong idulog sa pamahalaang nasyonal.

Hundreds displaced as 2 MILF groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY - Some 200 villagers have fled to neutral grounds as two rival groups in the Moro Islamic Liberation Front clashed and reportedly...

Dinna Harbi, NDU nursing student, is Mutya ng Kutawato 2024

Itinanghal na Mutya ng Kutawato 2024 si Dinna Harbi. Ito beauty and brain contest ay pinakatampok sa 65th Araw ng Kutawato celebration 2024....

Marcos accepts Sara's resignation as DepEd secretary

MANILA – Vice President Sara Duterte stepped down as education secretary and vice chairperson of the government’s anti-communist task force,...

6th ID inaugurates, opens Peace Museum

Officials launched on Wednesday a Peace Museum in the Army’s Camp Siongco in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte showcasing relics and mementos...

VP Sara resigns sa education secretary, vice chair NTF-ELCAC

Presidential Communication Office (PCO) statement: At 2:21 pm today, 19 June 2024, Vice President Sara Z. Duterte, went to Malacañang and tendered...