Monday Jun, 24 2024 03:00:20 AM

NDBC BIDA BALITA (12.2.16)

 • 17:51 PM Fri Dec 2, 2016
916
By: 
NDBC

NEWSCAST

DECEMBER 2, 2016 (FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. TERROR ALERT LEVEL 3, itinaas sa
buong bansa dahil sa patuloy na banta ng terorismo.

2. Sa kabila ng banta ng terorismo,
laban kontra iligal na droga sa North Cotabato, tuloy pa rin

3. Drug rehabilitation centers,
ipatatayo sa Mindanao, ayon sa DOH

4. Sayaw Pinoy 2016, umarangkada na sa Koronadal City ISINAILALIM NA sa terror alert level 3
ang buong bansa kasunod ng pagkakadakip sa dalawang mga suspek sa bigong
pambobomba sa US Embassy sa Roxas Boulevard nitong November 28.

Sinabi ni PNP Chief, Police Director-General
Ronald dela Rosa na sa tactical interrogation ay nabatid na ang Luneta Park ang
unang tinangkang pasabugin ng mga suspek.

Kahapon ay pormal nang iniharap sa
media ang dalawang mga nasakoteng suspek na sina Rayson Kilala alyas Rasid, 34
years old at Jiaher Guinar, 30.

Si Guinar, na Marawi City, ay nahuli kamakalawa
ng madaling-araw sa Brgy. Bagong Silang, Caloocan City.

Nakumpiska mula sa kanya ang isang cal.
45 pistol at isang fragmentation grenade.

Nadakip naman sa follow-up operations
si Rasid kamakalawa ng umaga sa Brgy. Bagong Bayan, Bulakan, Bulacan.

Ang mga suspek ay pawang aktibong miembro
ng ‘Ansar Khalifa terror group’, kaalyado ng ‘Maute terrorist’ group na
binabakbakan ng tropa ng militar sa Butig, Lanao del Sur.

Ayon kay dela Rosa, positibong itinuro
ng isang testigo na si Guinar ang naglagay ng Improvised Explosive Device o IED
sa basurahan sa harapan ng US Embassy habang si Rasid naman ang nagmaneho ng sasakyang
ginamit ng mga ito.

Sa ilalim ng terror alert level 3,
sinabi ni dela Rosa na paiigtingin muli ang mga mobile checkpoints at asahan na
ang ‘Oplan Sita’ anumang oras habang maglulunsad rin ng mga raid.

Paliwanag pa ng PNP chief, idineklara
ang ‘terror alert level 3’ sa buong bansa dahil sa may na-monitor silang paggalaw
ng mga terorista na nagpaplanong maglunsad ng karahasan sa iba’t ibang panig ng
bansa.

Samantala, nagawa namang makatakas ng
tatlo pang mga kasamahan nina Kilala at Guinar na pinaniniwalaang nagbalik na
sa Lanao del Sur.

NADAKIP ng mga otoridad
ang halos isang dosenang drug suspects at nakuha mula sa mga ito ang maraming mga
armas sa anti-narcotics operation na inilunsad sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ng Western
Mindanao Command ang ilang mga high-value target na si Aya Balabaran sa
Barangay Kusiong na kung saan ay pinasok ng mga sundalo, pulis at miyembro ng Philippine
Drug Enforcement Agency o PDEA kamakalawa at nabawi sa kanya ang mga
hinihinalang shabu.

Nagsilbi rin ng search
warrant ang mga otoridad kay Lamie Mamasabakulod, isang barangay kagawad ng Tapian kung saan ay nadakip din si Normina Abdula Tampugao at nakuha sa kanya ang 259
sachets ng diumano’y shabu.

Nakumpiska rin sa operasyon
ang anim na automatic rifle, apat na 45-caliber pistol, isang shotgun, dalawang
grenade rifles at sari-saring mga bala. MANANATILI PA RIN sa mga
evacuation center ang ilang residente sa Butig, Lanao del Sur kahit idineklara
na ng pamahalaan na wala na sa lugar ang mga armadong miyembro ng Maute Terror
Group.

Sinabi ni Army’s 103rd
Brigade commander Col. Roseller Murillo na marami pa rin kasing mga improvised
explosive device at mga booby-traps na naiwan sa lugar kaya hindi pa ito ligtas
para sa mga sibilyan.

Katuwang ng mga tauhan ng
Philippine Army ang mga explosive experts ng PNP sa pag-recover ng mga pampasabog
na nakakalat partikular na sa Brgy. Poblacion.

Una rito. Kahapon ay
sinabi ng militar na tuluyan na nilang nabawi ang mga lugar na kinubkob ng mga
Maute Group members sa nakalipas na mga araw.

Simula noong nakalipas na
Sabado ay umabot sa limampung kasapi ng teroristang grupo ang napatay ng mga
tauhan ng militar samantalang nasa labing-dalawang mga sundalo naman ang
naiulat na sugatan sa bakbakan.

Mismong si Pangulong
Rodrigo Duterte ang nagsabi na bibigyan ng tulong ng pamahalaan ang mga
inilikas na residente sanhi ng naganap na kaguluhan.

Samantala, sinabi ni ARMM
Regional Vice Governor at Department of Social Welfare and Development o DSWD-ARMM
Secretary Haroud Al-Rashid Lucman Jr. na nagsagawa na sila ng relief operations
sa Butig katuwang ang Humanitarian Emergency Action Response Team o ARMM HEART.

HINDI NA
NAGPATUMPIK-TUMPIK PA si Pangulong Rodrigo Duterte at muling iginiit na
Federalismo ang soluyon para matapos na ang bakbakan sa bansa lalo na sa
Mindanao.

Ito ang
pahayag ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa third Autonomous Region in Muslim
Mindanao o ARMM Local Government Summit sa Davao city, kung san siya ang
keynote speaker.

Ayon sa chief
executive ang tanging katanggap-tanggap na opsyon para sa mga Moro ay ang Federalismo,
at kung hindi ay ahasan na ang patuloy na sigalot sa Mindanao.

Inamin naman
nito na patuloy ang gulo sa Mindanao ay dahil sa walang cohesive
action sa pagitan ng Moro at ng pamahalaan.

Dahil dito,
umaasa ang Pangulo na magkaka-isa ang bawat Pilipino para sa susunod na
henerasyon.

Umaasa rin
ito na sa kanyang administrasyon matugunan na ang mga daing ng mga Moro.

Samantala,
wala naang balak ang Pangulo na magdeklara ng martial law.

Giit ng
pangulo, walang silbi ang martial law kung idedeklara ito sa bansa.

Paliwanag pa
nito, walang naging magandang kinahinatnan ang naunang martial law noong
panahon ni dating pangulong Marcos.

Nasa pangalawang araw na ngayon sa Koronadal City ang Sayaw Pinoy 2016 na pinangunahan ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA.
Ayon kay Sayaw Pinoy Incharge Elric Batilaran , ito ay nilahukan ng grupo ng mga mananayaw mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Tampok sa tatlong araw na aktibidad ang Folk Dance Competioon na nilahukan ng 24 na grupo.
Magtatagisan din sa contemporary Competetion ang 14 na grupo habang ang hip hop competition naman ay may pinakamaraming kalahok na 30 grupo.
Sinabi ni Batilaran na ang Sayaw Pinoy na ginaganap ngayon sa Koronadal City ay kauna unahan sa Mindanao.
Layon nito na mabigyan din ng pagkakataon ang mga magagaling na performer sa Mindanao na makilahok sa kumpetisyon.
Maliban sa dance competition tampok sa Sayaw Pinoy ang pagpapaunlad ng sining ng pagsasayaw sa bansa sa pamamagitan ng ng serye ng forum .
Tiniyak ni Batilaran na dahil sa dumaan sa masusing pagsusuri ng NCCA, magagaling ang lahat ng mga kalahok sa kumpetisyon.
Ipinahayag din nito na ang Sayaw Pinoy 2016 ay libreng mapapanood ng publiko sa South Cotabato Gym and Cultural Center sa Koronadal City hanggang bukas. Isisinuslong ng pamahalaang nasyonal na magtayo ng Drug Rehabilitation Center sa Mindanao.
Sa katunayan ayon kay Department of Health o DOH Undersecretarty at Mindanao Head Abdulla Dumama Jr, ito ay sinisimulan na sa Davao City.
Bukod dito ayon kay Dumama ay pinaplantsa na rin ng gobyerno ang pagtatayo ng drug rehabilitation center sa General Santos City.
Nabatid na sa ngayon ay abot na sa mahigit 10,000 ang mga sumukung drug personalties sa SOCCKSARGEn Region.
Gayunpamnan ayon kay Dumama, bago ilagay sa pasilidad, isasailalim muna sa assessment ang mga ito.
Layon nito ayon kay Dumama ay upang matukoy kung kailangan ipasok ang mga ito sa drug rehabilitation facility.
Ayon kay Dumama na isa rin sa tututukan ng ahensya ang pagsasanay sa dagdag na medical health workers na tutugon sa pangangailangan ng mga sumukong drug personalties sa region 12.
Ito ang ipinahayag ni Dumama kasunod ng pabubukas ng Drug Rehabilitation Center sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Si Dumama ang naging panauhing pandangal sa katatapos lang na Health Summit sa South Cotabato.
Umaapela si Koronadal City Traffic Supervisor Ed Tabago sa mga motorista na huwag dumaan sa bike lane.
Aminado si Tabago na dahil sa kakulangan ng mga traffic enforcers hirap silang bantayan ang bike lane.
Nabatid na sa ngayon ang bike lane ay tinututukan lamang ng dalawa hanggang tatlong traffic enforcers.
Ayon kay Tabago plano ng lokal na pamahalaan ng magdagdag ng mga traffic enforcer sa susunod na taon upang matiyak ang seguridad ng mga siklista na dumadaan sa bike lane.
Para paalalahanan ang mga motorista na bawal sa kanila na dumaan sa bike lane, naglagay na lamang muna ng mga karatula ang City Traffic Office.
Ang bike lane na tinatawag ding walk lane o sikad lane ay matatagpuan sa kahabaan ng General Santos Drive mula city hall papuntang rotunda area.
Iginiit ni Tabago na ang mahuhuling motorista na dumadaan sa bike lane ay bibigyan lamang ng babala o warning sa unang paglabag.
Ang mga pasaway na mahuhuli sa ikalawa at pangatlong offense ay pagmumultahin P500 at P1000.
Matatandaan na ang bike lane ay pormal na binuksan sa publiko kasabay ng Charter Anniversary ng Koronadal City noong Oktobre a uno.
Balik kulungan ang isang sumukong drug personality sa bayan ng Banga, South Cotabato.
Ito ay matapos maaresto sa buy bust operation ng mga pulis kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Banga OIC Chief of Police, Chief Inspector Jardi Mont Sibal ang suspek na si Ricardo Alabado, 30 anyos.Si Alabado ay naaresto ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 at Banga PNP kahapon ng madaling araw.
Nakuha ng mga pulis kay Alabado ang 11 sachet ng suspected shabu, gunting, lighter at marked money.
Ang suspek ay nahaharap naman sa kasong paglabag sa Comprehesnive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tumatanggap ngayon ng tig P500 social pension kada buwan mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD ang 104,171 na mga senior citizens sa Region 12.
Mahigit 23 thousand sa mga ito ay ng naturang benipisyo matapos sumailalim sa validation ng DSWD noong Oktobre.
Ayon kay Labinia Banes ng DSWD , pinakaraming senior citizen na nakinabang sa social pension program na umabot sa mahigit 323,950 ay nasa North Cotabato.
Pumapangalawa ang South Cotabato na mayroong 31,179.
Ang programa ay napakinabangan din ng mahigit 23 thousand sa lalawigan ng Sultan Kudarat at may 13 thousand sa Sarangani.
Ayon kay Banes, hindi lahat ng mga Senior Citizens ay mabibigyan ng P500 monthly allowance.
Paliwang nito, tanging mabibiyayaan laman nito ang mga sakitin at pinakamahihirap bilang pagtalima na rin sa Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Hindi rin maaring makinabang sa programa ang mga Senior Citenzens na may pension sa Social Security System, Government Services Insurance System at suportado ng kanilang mga kaanak.
Ayon kay Banes abot sa mahigit P521 million pesos ang iniliaan ng DSWD para sa social pension ng mga senior citizens sa region 12 ngayong taon. Suportado ngayon ni Cotabato Acting Governor Shirlyn Macasarte ang laban ng Philippine National Police kontra iligal na droga.
Sa ngayon nasa Phase two na ng Oplan Double Barrel A ang PNP sa pangunguna ni Cotabato Police Provincial Director Sr. Supt. Emmanuel Peralta.Ayon kay Peralta sa kabila ng banta ng terorismo sa North Cotabato, hindi pa rin sila titigil sa kanilang gyera sa iligal na droga.
Target ngayon ng PNP ang mga High Value Personalities na posibleng sangkot rito.

Samantala patuloy naman ngayon na iniimbestigahan ng PNP ang mga barangay Chairman na posibleng sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Governor Macasrate may ilang reports silang natatanggap na may mga brgy. Chairmen umano sa lalawigan ang sangkot rito bagay naman na beneberipika pa ng mga otoridad. Ngayong Disyembre nakatakda namang ilabas ang bagong listahan na sangkot sa iligal na droga na kinasasangkutan ng barangay officials, mayors, governors, at members ng judiciary atprosecutors.
Abot raw ito sa limampung libo hanggang isang daang libo ayon pa kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Inaasahang magkakaroon na ng ngipin ang pagpapatupad ng Child Welfare Code sa Kidapawan City.

Nakapaloob sa draft ng Implementing Rules and Regulations o IRR nito, na istriktong ipapatupad ang batas para protektahan ang mga bata at gawing child friendly ang Kidapawan City.Layunin ng City Government na magkaroon ng angkop na programa para sa child development.
Ilan lamang sa mga probisyon ng draft ng IRR na binigyang diin ay angand pagseguro na hindi nabu-bully ang bata sa eskwelahan, pagkakaroon ng pasilidad sa mga government at private institutions na magagamit ng mga batang PWDs’ pagpapataw ng parusa sa mga magulang na labis manakit at sapilitang pinata-trabaho ang mga anak kampanya laban sa pornograpiya, human trafficking at pagkalulong sa illegal na droga ng mga bata pagsegurong may programa para sa mga batang in conflict with the law proteksyon ng mga bata sa panahon ng mga kalamidad at kaguluhan at iba pa.

Nagpulong ang mga representante ng iba’t-ibang departamento ng City LGU kamakailan kasama ang pribadong sektor upang pag-aralan ang inihandang draft ng Child Welfare Code o City Ordinance 14-989.Napagkasunduan nila na palitan at dagdagan ang ilang probisyon ng sa gayun ay magkaroon ng patas at tamang pagpapatupad ng mga batas pambata sa Kidapawan City.

Mula sa SP ay aaprubahan ni Mayor Evangelista ang IRR na ipalalabas niya sa pamamagitan ng isang Executive Order pagsapit ng unang quarter ng 2017.
Higit isang daang mga baboy ang aasahan na sabay sabay lilitsunin bilang highlight ng Kawayanan Festival sa Mlang North Cotabato.

Mas marami naman ito kung ikukumpara noong mga nakaraang taon.

Nakatakda itong ibibida sa darating na December 9, 2016.
Ayon kay Mlang Mayor Atty. Russel Abonado bahagi ito ng kanilang taunang selebrasyon na bubuksan sa Dec 5 at magtatapos sa Dec.9.

Dahil dito ngayon pa lamang doble na ang ipinapatupad na seguridad sa buong bayan.

Humingi na ng tulong ang Mlang LGU sa PNP para tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan lalo na sa Municipal plaza kung saan isasagawa ang karamihan sa mga aktibidad na tiyak dadagsain ng tao.
Nakipag-ugnayan na rin ang alkalde sa Cotabato Police Provincial Office para sa dagdag na pwersa na kakailanganin maging ang presensiya ng 7th IB ng Philippine Army.Naka pwesto na rin ang Barangay Peace Keeping action team sa exit at entry point ng bayan maging sa palengke.

Habang tuloy tuloy naman ang paglilibot ng k9 dogs sa bayan na hiniling pa ni Mayor Abonado kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista.

Hiling lamang ngayon ng alkalde sa publiko na maging mapagmatyag at alerto sa lahat ng panahon.Agad na isuplong sa mga otoridad ang mga anumang mapansing kahina hinalang kilos ng tao o mga bagay sa paligid para makaiwas sa disgrasya.

Overloading ng electrical wiring ang tinutumbok ngayon ng mga otoridad na sanhi sa nangyaring sunog sa isang bodega ng makinarya sa Barangay Bannawag, Kabacan, North Cotabato.
Ayon kay Fire Chief Inspector Ibrahim Guiamalon, Provincial Fire Marshall ng North Cotabato ang nasabing bodega ng makina sa pagsasaka ay pag-mamay-ari ng isang Felife Colcol, 67-anyos.Lumabas sa imbestigasyon ng BFP na ang extension wire raw na mula sa bahay ng biktima ang unang nasunog matapos itong matunaw kung saan kumalat naman ang apoy hanggang makarating sa nabanggit na bodega.

Mabilis namang rumesponde ang mga kagawad ng BFP Kabacan kaya hindi na kumalat pa ang apoy sa kalapit bahay nito pero tuluyan pa ring naabo ang bodega.Abot naman sa higit isang daang libong pisong halaga ang danyos sa naturang sunog.

Kaugnay nito, nanawagan naman ngayon ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection sa North Cotabato sa publiko na mag-ingat sa sunog lalo na ngayong holiday season.Ayon sa BFP, mas kailangan ang pagsasagawa ng ibayong pag-iingat upang laging ligtas sa sunog ngayong Disyembre lalo at mataas ang bilang ng ganitong insidente na sanhi ng mga paputok.Maliban sa mga paputok pinag-iingat rin ang publiko sa mga ilaw at iba pang palamuti na nangangailangan ng kuryente ngayon pasko kagaya ng Christmas Lights at iba pa.
Aprubado na ng Sangguniang Panglungsod members ang magiging kulay sa mga tricycle na bumabyahe sa Kidapawan City.

Sa SP session kahapon ng umaga, pinagpilian nila ang tatlong kulay.

Ito ay ang kulay Pink, Puti at Yellow.Lumabas naman sa resulta ng botohan na anim sa mga konsehal ang pumabor sa kulay puti habang dalawa naman sa kulay dilaw at isa sa color pink.Ipinaliwanag naman ni City Councilor Francis Palmones, na kaya off white o puti ang kanilang napili dahil nagrerepresenta rin ito sa mga kulay ng agricultural products sa kidapawan kagaya ng rubber.Binigyang diin rin ni Councilor Jivy Roe Bombeo, Commitee Chair on Transportation na aabutin pa ito ng tatlong taon bago tuluyang maimplementa.Abot naman sa apat na libong piso ang posibleng magagastos sa repainting ng mga tricycle.

Nabatid na higit tatlong libong mga tricycle ngayon ang bumbyahe sa Kidapawan City.

NDBC BIDA BALITA

11 Dawlah Islamiya terrorist group members surrender to Army in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na sugpuin ang terorismo, tinulungan ng 6th Infantry Battalion (6IB...

Caritas Philippines to launch award in memory of ‘social action pillar’ in PH

Caritas Philippines is introducing an award to honor diocesan social action centers (DSACs) that have done exceptional work. Bishop Jose Colin...

Village exec in firearms deal slain ni Lanao Sur ops

COTABATO CITY — An incumbent village chair in Lanao del Sur was killed when he resisted arrest and traded bullets with the agents of Criminal...

Survey shows BARMM likely voters unaware of 2025 poll processes

COTABATO CITY  – The majority of likely voters in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) lack awareness of the new voting...

Selection of officials for 8 Bangsamoro towns on

COTABATO CITY - Bangsamoro regional officials are now screening applicants for mayor, vice mayor and municipal councilors for the eight newly-...