Sunday Jun, 23 2024 11:41:21 AM

NDBC BIDA BALITA (12.21.16)

Breaking News • 16:12 PM Wed Dec 21, 2016
952
By: 
NDBC NCA

DECEMBER 21, 2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA BARANGAY sa buong bansa,
inatasan ng DILG na magkaroon ng sariling anti- illegal drug campaign.

2. Mister, sinaksak ang sarili, matapos
niyang patayin sa saksak ang sariling misis sa Banga, South Cotabato

3. 50 THOUSAND hanggang 400 thousand
pesos na cash gifts ng mga pulis na mula kay P. Duterte, nabokya.

4. PNP-ARMM may bago nang police regional director BAGO NA ANG HEPE ng PNP sa buong Autonomous Region in Muslim Mindanao (PNP-ARMM).Si dating PNP spokesperson Chief Supt. Reuben Teodore Sindac ay pormal nang umupo kamakalawa kapalit ni PNP-ARMM Director Chief Supt. Agripino Javier na itinalaga naman ni PNP Dirctor Gen. Ronald dela Rosa bilang bagong hepe ng PNP-10 regional police office sa Cagayan de Oro City.Nangako si Sindac na isusulong niya ang mga programang nasa plano ni PNP Director Gen. dela Rosa.Si Sindac ay unang naging miembro ng PHilippine Army at naasign sa Mindanao bago sumapi sa PNP. INATASAN NA NGAYON ng Department of the
Interior and Local Government o DILG ang lahat ng local government units o LGUs
sa buong bansa na maglaan ng pondo para sa anti-drug campaign ng bawat
barangay.

Alinsunod sa Board Regulation No. 4,
Series of 2016 ng Dangerous Drugs Board o DDB, binigyang mandato ang 145 cities
at 1,489 municipalities sa buong bansa na magbigay ng monitoring mechanism sa
kabuuang 42 thousand, 36 na mga barangay sa buong bansa para sa anti-drug abuse
campaign ng pamahalaan.

Sinabi ni DILG Sec. Ismael Sueno, itinuturing na isang ‘pambansang problema’
ang iligal na droga kaya target nila na puksain ito sa barangay level.

Aniya, sa bawat barangay, kailangang magtatag
ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC na pamumunuan ng punong barangay at
bubuuin ng auxiliary team mula sa mga kagawad, barangay tanod at mga lupon.

Mismong mga punong barangay ang
magtatakda at magsusubi ng pondong kakailanganin ng BADAC sa loob ng isang taon
at isasalang ito sa budget deliberation ng Konseho ng lokal na pamahalaan.

Ang pagtatayo ng BADAC sa bawat
barangay ay nakapaloob sa Memorandum Circular No. 2015-063 ng DILG na inilabas
noong July 2015.

INILAGAY NA NGAYON ng
Department of Health o DOH sa ‘white alert’ ang lahat ng pribado at
pampublikong ospital sa buong bansa.

Ito ay bilang paghahanda
sa maaaring pagtaas ng bilang ng mga firecraker-related at stray bullet
injuries sa pagsalubong ng pasko at Bagong Taon.

Sinabi ni Health
Secretary Paulyn Jean Ubial na mananatili hanggang sa January 5, 2017 ang white
alert.

Sa ilalim ng code white
alert, lahat ng hospital staff partikular na yung mga nakatalaga sa emergency
rooms, surgeons at mga bihasa sa ‘trauma and injuries’ ay hindi papayagan na
magbakasyon.

Kasabay nito, nabatid na
nagsagawa na rin ng inspection sa mga ospital si Ubial para palakasin ang ‘scare
campaign’ ng DOH na layuning mapababa ang bilang ng mga nabibiktima ng mga
paputok at ligaw na bala.

Base sa talaan ng DOH, noong
nakalipas na taon, isa ang nasawi habang nasa 932 individuals naman ang
nasugatan dahil sa paputok kung saan 40% ng biktima ay pawang mga bata.

Simula ngayong
daratng na December 23 ay epektibo na at mapapakinabangan ng Persons With
Disabilities o PWDs ang kanilang exemption sa Value Added Tax o VAT sa anumang
serbisyo o kanilang bibilhin.

Sinabi ni Social
Welfare Secretary Judy Taguiwalo na nailathala na sa mga pahayagan ang
Implementing Rules and Regulations ang Republic Act 10654 na nag-amyenda sa
Magna Carta for the Disables Persons at nagbibigay ng VAT exemptions sa mga may
kapansanan.

Base sa
inamyendahang batas, hindi na magbabayad ng VAT ang PWDs sa mga restaurant,
sinehan, concert halls at inns at iba pang recreation centers.

VAT-Exempted
na rin ang mga ito sa mga pangunahing serbisyo gaya ng pagbili ng gamot,
pagkain, dental at medical services kabilang na dito ang laboratory at
professional fees serbisyo sa punenarya at pagpapalibing at VAT exempted din
ang PWDs sa pamasahe sa domestic air, sea at land.

Payo naman ni
Taguiwalo sa PWDs na kung may magde-deny sa kanila ng pribelehiyong ito ay agad
na magsumbong sa kanilang tanggapan o sa DTI.-00-MULING
IGINIIT NGAYON ng transport sector sa Land Transportation Franchising and
Regulatory Board o LTFRB na payagan silang maningil ng pisong dagdag sa pasahe
sa mga pampasaherong jeep.

Panawagan ng
Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon o KAPIT kay LTFRB Chair
Martin Delgra, sunod-sunod ang big time oil price hike ngayong buwan kaya halos
wala ng kinikita sa pamamasada ang mga jeepney driver.

Giit ng
grupo, kapag nag-rollback ang oil companies ng presyo aabutin lamang ng limang
sentimo hanggang sampung sentimo kada litro, pero pag nagtaas naman ay halos doble
ang presyo.

Nabatid na matagal
ng nakabinbin sa LTFRB ang kahilingan ng KAPIT na dagdagan ng piso ang kasalukuyang
seven pesos na minimum fare sa jeep.

Samantala, sa
Cotabato city at mga karatig lugar, malabo ang posibilidad ng fare hike dahil
sa ngayon ay walong piso pa rin ang singil na minimum fare sa mga jeep, habang
pitong piso naman sa tricycle. PINANGANGAMBAHAN
NA MUI NA NAMANG magbabangayan ang simbahan at gobyerno sa isyu ng Family
Planning matapos sabihin ni Pangulong Duterte na maglalabas ito ng matinding
patakaran sa pagpaplano ng pamilya sa susunod na taon.

Ipinahiwatig
na ng Pangulo na ayaw niyang makipag-away sa simbahan na isa sa nangungunang
kumokontra sa family planning program ng gobyerno.

Binigyang-diin
ng Pangulo na posibleng may epekto ang lumalaking populasyon kaya hindi umaangat
ang kabuhayan ng mga Pinoy.

Matatandaang
matapos mahalal ang Pangulo ay inihayag nito ang mga plano sa bansa kabilang na
ang 3-child policy para hindi lumobo ng husto ang populasyon.

Samantala, sa
iba pang balita, hindi na uubra sa susunod na taon ang no PhilHealth ID, no
benefits dahil isinama na ng Senado sa probisyon ng 2017 national budget ang
kanselasyon sa paghingi sa mga pasyente ng kanilang PhilHealth card bago
makakuha ng benepisyo.

Ayon kay
Senate Minority Leader Ralph Recto, ang pagbasura sa no PhilHealth ID, no
benefits ay isa lamang sa napakaraming polisiya na tinanggal ng Senado upang
magarantiyahan na lahat ng mamamayan ay masasakop ng PhilHealth.

Sinabi ni
Recto na lahat ay dapat maka-benipisyo sa PhilHealth. Nagtalaga ng dagdag na pulis na magbabantay sa Christ the King Cathedral sa Koronadal City ang Pulisiya.
Ayon kay City PNP Chief of Police, Superintendent Barney Condes, ito ay kaugnay sa 9 na araw na Misa de Gallo at Christmas Eve Mass.
Layon nito ayon kay Condes na matiyak ang seguridad ng publiko na nagsisimba tuwing madaling araw na kadalasan umaabot sa labas ng simbahan.
Ipinahayag ni Condes na piniigting rin ng pulisiya ang police visibility sa mga mall, palengke , terminal at iba pang matataong lugar ngayong holiday season.
Umapela din ang police official sa publiko na tumulong sa pagpapanatili ng katiwasayan sa Koronadal City.
Ito ay sa pamamagitan ng pagsumbong sa mga pulis sa anumang kahina hinalang bagay o personalidad na makikita.
Maliban sa mga pulis, may mga security guard din ang Saint Anthony Parsih na nagbabantay sa simbahan.
Ayon kay Saint Anthony Parish Media Reporter Valme Mariveles, ang mga mga ito ay magiging katuwang ng PNP sa pagbabantay sa paligid ng simbahan hanggang sa pagsalubong sa bagong taon. Naagapan ng mga tumulong na mamayan ang tangkang panunog ng umanoy New Peoples Army o NPA sa packing plant ng DOLE Stanfilco sa Sitio Sibuyon, Barangay Canahay, Surallah, South Cotabato.
Ayon kay Surallah PNP, Chief of Police, Chief Inspector Joel Fuerte, ang compound ng planta ay sinalakay ng nagpakilalang NPA .
Hindi na nakapalag pa ang mga gwardiya nito ng tutukan ng baril ng may walong mga suspek.
Binuhusan ng gasolina ang packing plant at stock room saka sinilaban bago tumakas patungong Lake Lahit, sa bayan ng Lake Sebu.
Dahil sa maagap na pagresponde ng mga mamamayan agad na naapula ang apoy at tanging nasunog lamang ang ilang karton, mesa, mga gamit AT BAHAGI NG BUBONG NG planta.
Hindi pa batid ng pulisiya ang halaga ng mga arian sa planta na nasunog at motibo ng mga suspek.
Ito na ang panglimang a insidente ng panunog ng nagpakilalang NPA sa South Cotabato simula noong Nobyembre.
Matatandaan na maliban sa tatlong bus sa mga bayan ng Tupi, Tantangan, at Sto. Nino sinunog din ng mga ito ang limang heavy equipment ng isang consruction company sa Koronadal City.
Ito ang dahilan kung bakit maglalagay ng police marshall sa mga bus ang pambansang pulisiya.
Umaasa naman si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na matapos hilingin ang tulong ng national government ay maresolba ang problema.
Patay ang isang misis matapos saksakin ng sariling mister sa T’boli, South Cotabato.
Nakiusap naman ang mga kaanak ng biktimang misis na huwag itong pangalanan para na rin sa kapakanan ng kanilang pamilya.
Ngunit ayon sa mga ito, habang nagtatalo ang magasawa, narinig na lamang nilang sumigaw ang misis sa kanilang bahay sa Habitat, Poblacion, T’boli.
Nadatnan naman ng mga nagmalasakit na kaanak ang nagaagaw buhay na 22 anyos na biktima at isang college student sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ang biktimang misis ay dead on arrival sa isang ospital.
Ang mister naman na sumaksak rin sa sarili matapos saksakin ang misis ay nagpapagaling ngayon sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Ito na ang pangalawang insidente sa South Cotabato na ang misis ay pinatay ng sariling mister.
Matatandaan na patay rin ang isang ginang nang hampasin ng kahoy sa ulo ng sumukong mister sa bayan ng Banga. Pinaalalahanan ni Koronadal City Fire Marshall Reginald Legaste ang publiko na bawal ang sky lantern sa pasko at bagong taon.
Ito ayon kay Legaste ay inauutos mismo ng National Office ng Bureau of Fire Protection o BFP.
Ayon kay Legaste mapanganib kasi ang sky lantern dahil maari itong maging sanhi ng sunog.
Hindi rin pinapayagan ng BFP ang pagsasagawa ng firerworks display kapag walang naka-antabay na fire truck.
Pinayuhan din ni Legaste ang mamamayan na para iwas sunog, tiyaking nakapatay ang mga Christamas lights bago matulog o umalis ng bahay.
Kinumpirma din ni Legaste P200 thousand pesos ang lokal na pamahalaan para sa Community Fireworks display kada barangay.
Layon nito na hikayatin ang publiko na huwag gumamit ng pyrotechnic devices at maiwasan ang firecracker related injury sa pasko at bagong taon. Kalungkutan ang Pasko na sasalubong ng isang otso anyos na bata at pamilya nito sa bayan ng Banga, South Cotabato.
Ito ay matapos mabiktima ng umanoy pangagahasa.
Ayon kay Senior Police Officer 2 Gilda Forro ng Women’s Section ng Banga PNP, nabigyan na nila ng kaukulang tulong ang rape survivor.
Ito ayon kay Forro ay habang hinihintay pa ang resulta ng medico legal nito.
Tinukoy naman ni Forro ang suspek sa paglapastangan sa bata ang isa 13 anyos na binatilyo.
Ayon kay Forro, hindi pinagdudahan ng mga magulang ang suspek dahil sa ito ay kanila ring kaanak.
Palagi din daw nitong binibigyan ng pera ang rape survivor.
Ang menor de edad na suspek ayon kay Forro ay inilay na sa custody ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWD Banga.

Caritas Philippines to launch award in memory of ‘social action pillar’ in PH

Caritas Philippines is introducing an award to honor diocesan social action centers (DSACs) that have done exceptional work. Bishop Jose Colin...

Village exec in firearms deal slain ni Lanao Sur ops

COTABATO CITY — An incumbent village chair in Lanao del Sur was killed when he resisted arrest and traded bullets with the agents of Criminal...

Survey shows BARMM likely voters unaware of 2025 poll processes

COTABATO CITY  – The majority of likely voters in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) lack awareness of the new voting...

Selection of officials for 8 Bangsamoro towns on

COTABATO CITY - Bangsamoro regional officials are now screening applicants for mayor, vice mayor and municipal councilors for the eight newly-...

Sahod ng mga nasa Barangay frontline services, itataas ng City Government

ABOT SA 2,000 na buwanang increase ang nakatakdang paaaprubahan sa Sangguniang Panlungsod ni Cotabato City City Mayor Bruce Matabalao para sa mga...