Sunday Jun, 23 2024 11:14:34 AM

NDBC BIDA BALITA (12.20.16)

 • 23:51 PM Tue Dec 20, 2016
865
By: 
NDBC

NEWSCAST

DECEMBER 20, 2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SUSPECTED DRUG pusher, arestado sa
buy bust operation sa Midsayap, North Cotabato.

2. Kabacan LGU, magbibigay ng tulong sa
mga magsasaka na apektado ng pang-aatake ng black bug at daga sa bayan

3. ESTUDYANTE, nakuryente
habang nagkakabit ng Christmas light, pataysa Tacurong City

4. Billy Crawford at Sam Pinto, bisita sa closing program ng ARMM foundation anniversary MASAYANG NAGTAPOS kahapon
angh month-long celebration ng 27th foundation anniversary ng
Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Naging bahagi ng
pagdiriwang ang pagsasagawa ng ARMM People’s Day kung saan iba’t ibang mga
serbisyo ang ibinigay ng libre sa publiko ng iba’t ibang mga ahensya ng ARMM at
iba pang mga partner agency nito.

Samantala, nagtungo rin
sa Girls Orphanage sa Guindolongan, Maguindanao kahapon ang ARMM

Humanitarian Emergency
Action Response Team o ARMM Heart at Department of Health.

Sa programang Handog
Pasasalamat ng ARMM, nabiyayaan ng libreng medical at dental services ang nasa
80 mga batang ulila na nasa naturang orphanage.

Tumanggap din ang mga ito
ng school supplies, mga pagkain at iba pang mga regalo.

Kasabay nito, doon din
nagdiwang ng kanyang kaarawan si ARMM Exec. Secretary Atty. Laisa Alamia kasama
ang mga batang ulila.

Sa kabilang dako naman,
bisita sa Gabi ng Parangal ng ARMM sina Billy Crawford at Sam Pinto na mas
nagpasaya at bumuhay pa sa pinal na programa kaugnay ng 27th
Foundation Anniversary celebration.

Nabatid na tinanghal
naman bilang may pinakamahusay na cultural presentation ang Tawi-Tawi. Naging
matagumpay at masaya ang pagdiriwang ng Shariff Kabunsuan Festival ngayong taon
sa Cotabato city.

Sinabi ni
City Tourism Officer Gurlie Frondoza na naging highlight sa festival ang
Guinakit Fluvial parade kung saan isinabuhay muli ang pagdating ni Mohammad
Shariff Kabunsuan sa bahaging ito ng Mindanao para ipalaganap ang Islam.

Naging makabuluhan
din ang Grand Pagana kung saan nagsalo-salo ang mga opisyal at kawani ng City
LGU sa pangunguna ni city mayor Atty. Cynthia Sayadi, kasama ang mga bisita at
mga mamamayan ng lungsod.

Trending din
sa social media account ng mga taga Cotabato city ang Hijab Fashion Show kung
saan may mga panauhing hijab model at fashion designer mula Indonesia at
Malaysia.

Samantala,
muli namang nagwagi sa Kuyog Street Dancing

Parade and
Showdown ang Meguyaya Dancers ng North Upi, Maguindanao sa ika apat na
pagkakataon.

Inuwi ng
grupo ang premyong 200 thousand pesos cash.

Pumangalawa
naman ang mga kalahok mula sa Datu Piang, Maguindanao na nag uwi ng 150 thousand
cash prize.

Tinutulan ni
Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang panukala ng tatlong mga miyembro ng
gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ang kontribusyon ng mga miyembro
ng Social Security System o SSS sa harap na rin ng pagpapatupad ng P2,000
pension hike sa mga pensioner.

Sinabi ni
Zarate na ganito rin ang naging taktika ni dating Pangulong Aquino nang i-veto
nito ang SSS pension hike sa kabila ng naaprubahan na ang pagtaas ng pension.

Kaya
panawagan ng kongresista, huwag nang takutin muli ang publiko na hindi rin ito
maibibigay.

Iginiit pa ni
Zarate na ang nasabing panukala ay isang Grinch-like proposal na isang
mapanira sa kasayahan ng publiko sa matagal nang inaasam na pension hike ng mga
SSS pensioner.

Itinuturing
naman ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na pananabotahe ng ilang
Cabinet members ng Duterte
administration nang sabihin nila na hindi kayang magbigay ng P2,000 pension
increase. NAGPATUPAD PA
ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa ikatlong pagkakataon ngayong
buwan.

Unang nagpatupad ng umento sa halaga ng kanilang mga
produkto ang Flying V kaninang hating gabi.

Habang ang
Unioil, Seaoil, PTT, Phoenix at Shell ay nagpatupad din ng dagdag sa presyo ng
kanilang mga produktong petrolyo kaninang alas sais ng umaga.

Abot sa 40
sentimos ang idinagdag sa presyo ng gasolina, 70 sentimos sa diesel at 65
sentimos naman sa kerosene.

Ang oil price
increase ay epekto pa rin ng paggalaw ng presyuhan ng nasabing produkto sa
pandaigdigang merkado. Posibleng hindi na matuloy ang Christmas Party ng isang eskwelahan sa Tacurong city, Sultan Kudarat.Ito ay matapos makuryente ang isa nilang estudyante habang nagkakabit ng Christmas ligths.Kinilala ang biktima na si Renel Banda, senior high school student ng VF Greno Memorial High School, sa barangay Greno, Tacurong City.
Nabatid na si Banda ay nakuryente habang nagkakabit ng Christmas lights sa kanilang eskwelahan.Kritikal naman ang estudyante ring si Lauriano Baroquillo Jr, na nakuryente rin matapos hawakan sa buhok at tangkaing iligtas ang nasawing si Banda.
Nagbigay na ng kaukulang tulong para sa mga biktima ang eskwelahan.
Abot sa mahigit 1000 mga overseas Filipino workers o OFW ang apektado ng repatriation sa Saudi Arabia ay mula sa region 12.Ito ay kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administration o OWWA 12 OIC Marlyn Jamero.
Ayon kay Jamero, karamihan sa mga ito ay nanatili pa rin in ngayon sa rehiyon habang ang iba naman ay muling nangibang bansa matapos alukin ng trabaho ng ibang kompanya.Sinabi ni Jamero na pinaka apektado ng pagsara ng ilang mga kompanya sa Saudi Arabia ang mga skilled workers.Tiniyak naman ni Jamero na makatatanggap ng tulong sa OWWA ang mga OFW na nawalan ng trabaho sa nasabing bansa.
Sa katunayan ayon kay Jamero marami sa mga ito ay nabigyan ng ng OWWA ng tig P20,000 pinansiyal na tulong.
Maging ang kanilang pamilya ayon kay Jamero ay tumanggap din ng tig P6,000.
Pinayuhan naman ni Jamero ang mga repatriated OFW at kanilang pamilya na dumulog sa mga Public OFW Desk Officers O PODO sa kanilang lugar o sa tanggapan mismo ng OWWA sa Koronadal City. Umaasa ang mayari ng EMG Pyrotechnics na si Lailaine Mariano na hindi tuluyang ipagbawal ng pamahalaan ang mga paputok.Ayon kay Mariano, kapag kasi ito ay ipatupad maraming mamamayan ang mawawalan ng trabaho.Ito ang ipinahayag ni Mariano kasunod ng pagbaba ng bentahan ngayon ng paputok sa South Cotabato at karatig lugar.Ayon kay Mariano, ang pagbulusok ng bentahan ng paputok ay inaasahan na nila sa Duterte Administration.
Ito ay bunsod na rin ng total ban sa paputok na ipinatupad ng pangulo noong siya ay alkalde pa ng Davao City.Ang EMG Pyrotechnics sa Banga, South Cotabato ay kaisa isahang firercracker manufacturer sa SOCCKSARGEN na tinukoy ng Department of labor and Employment.Ang kampanya ay nauna nang binabaan ng Stoppage Order ng aAhensya.
Gayunpaman ayono kay Mariano, kumpleto sila sa mga dokomento.Sa katunayan ayon kay Mariano, pinaalahanan lamang sila ng DOLE na maglagay ng dagdag na sinages, bakud, at gumamit ng tinted mask.
Ipinahayag din nito na upang matiyak ang siguridad ng kanilang trabahante sinanay din siya ng Red Cross.
Ayon kay Mariano, Setyembre pa lamang ay tapos na sila ng produksyon kaya ngayon ay nakaatutuok na lamang sila sa pagbetenta ng mga paputok. Hindi pa tiyak kung kelan matutuloy ang Christmas party ng mga preso sa lock up cell ng Koronadal City Police Station.Ayon kay City PNP, Chief of Police, Superintendent Barney Condes, hindi itinuloy ang Christmas Party ng mga preso noong lingo.
Ito ay kasunod ng pagkakatuklas ng tangkang pagtakas ng apat na mga inmate ng lock up cell noong Sabado.Sinabi ng police official na sa kabila ng pagpaliban ng kanilang Christmas party, magkakaroon pa rin ng gift giving para sa mga preso ang Koronadal City Police.Nilinaw ni Condes na bagama’t suspindido ngayon ang dalaw sa Koronadal City PNP lock up cell, pwede pa ring magiwan ng pagkain sa nakaduty na guard ang mga kaanak ng mga inmate. Ininspeksyon ng Technical Working Group o TWG ng ng Health care Waste Treamment Facility ang health care waste management management system ng walong ospital sa South Cotabato.Ito ay ayon kay Provicial Environment and Management Office, Senior Environment Specialist at TWG Head Elbe Balucanag.Ayon kay Balucanag, ang mga ospital na ito ay ang Doctor Arturo Pinggoy Medical Center, Allah Valley Medical Specialist Center and Hospital, Socomedics Medical Center at South Cotabato Provincial Hospital.Sinuri din ng grupo ang Health Care management System ng Surallah Community Hospital, Landero Clinic and Hospital, at Lariosa Clinic and Hospital sa bayan ng Norala.
Hindi rin pinalampas ng TWG ang Klinika Luntao Incorporated sa bayan ng Sto. Nino.Layon nito ayon kay Balucanag na matiyak ang pagsunod ng mga ospital sa mga panuntunan ng Environment and Management Bureau, Department of Health at Local Government Units sa pamamahala ng mga hospital waste.Inaasahan din ng TWG na magiging batayan ang resulta ng evaluation sa rekomendasyon hinggil sa solid waste management ng mga ospital laong lalo na sa mga infectious waste.Ayon kay Balucanag magpapatuloy ang kanilang monitoring sa mga ospital ng lalawigan sa susunod na taon. Plano ngyon ng Kabacan LGU na mamahagi ng tulong sa mga magsasaka na naapektuhan ng pang-aatake ng black bug at daga sa bayan ng Kabacan.Ito matapos ang rekomendasyon ng Department Of Agriculture- Kabacan base na rin sa datus na kanilang nakuha mula sa mga apektadong barangay kung saan isinailalim na rin ang bayan sa state of

calamity.Ayon kay Municipal Risk Reduction ang Management Council Officer David Don Saure, kabilang sa pinag-aaralan ng LGU ang pamamahagi ng mga binhi at rodenticides sa mga magsasaka base na rin sa

pondong ipapalabas mula sa calamity fund.Iminungkahi rin ng DA at MDRRMC Kabacan na sana ay ipagptuloy din ni Mayor Herlo Guzman Jr. ang programa kung saan sa bawat pagpapakita ng limangdaang buntot ng daga ay papalitan ito ng isang

sako ng bigas.Una nang pinalawak ang Rat campaign noong Enero ngayong taon para mapuksa ang pananalasa ng daga sa mga sakahan ng mga magsasaka.Inaasahan naman sa susunod ang ipamamahagi ang nasabing tulong na patuloy din ngayong pinag-aaralan ng Kabacan LGU.Una rito, higit 11 milyong piso na ang danyos sa nabanggit na kalamidad,
siyam na barangay ang apektado at halos limang daang ektarya rin ng sakahan ang inatake ng daga at black bug.
Nanindigan ang mga estudyante, magsasaka at ilang empleyado ng CFCST na ipagpapatuloy pa rin nila ang kilos protesta laban sa presidente ng nabanggit na paaralan sa Arakan, North Cotabato.Nabatid na umuwi na ang mga raliyesta noong sabado at nitong linggo ay kinuha at nilinis na rin nila ang lugar matapos ang dalawang linggong kampuhan.Pero, iginiit naman ni Jerry Alborme ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, na babalik raw sila sa Enero sa susunod na taon para ipagpapatuloy ang protesta.Pag-uusapan pa raw ng kanilang grupo ang petsa nito.

Ayon kay Alborme, hindi sila titigil hangga't hindi nila napapababa sa pwesto ang presidente ng CFCST na si Dr. Sam Mulao.Matatandaang hatian sa USM at CFCST Reservation area ang patuloy ngayon na hiling ng mga magsasaka sa lugar.

Sinabi ni Alborme na may mga kasamahan na din sila na nasa Kalakhang Maynila para ipaabot ang mga nangyayari sa CFCST sa mga concerned agencies.
Aasahan naman ngayong araw ang bagong pahayag ni Dr. Sam Mulao kaugnay sa nangyayari sa CFCST.
Pasko

Kumpiyansa ngayon ang pamunuan ng Davao del Sur Provincial Police Office na disiplinado at hindi abusado ang mga pulis sa buong lalawigan, kaya naman sang-ayon ito na hindi isasagawa ngayong

taon ang nakagawiang firearms muzzle taping para sa pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Sr. Supt. Samuel Gadinghan, DCPPO Director, malaki ang kanyang tiwala sa kanyang pulis na maipatutupad ang mapayapang pasko at bagong taon ngayong 2016 sa Davao del Sur.Ito ay bilang pagtupad sa pahayag ni Philippine National Police Director General Ronald Dela Rosa.

Ang pahayag naman na ito Dela Rosa ay patunay na buo ang tiwala nito at mapagkakatiwalaan na ang mga pulis.
Sa kabila nito ay inutusan ni Gandingan ang lahat ng ground commanders sa probinsiya na lalong maging mapagbantay sa kanilang mga tauhan dahil kung illegal na gagamitin ng mga ito ang kanilang mga

baril ay masasampahan ang mga ito ng kaukulang kaso.Ang muzzle taping sa armas ng mga pulis ay nakagawiang isagawa bago sumapit ang Pasko at Bagong Taon bilang pagpapaalala sa mga pulis na labag sa batas ang walang katuturang pagpapaputok ng

baril at Matagal na rin itong tradisyon ng PNP para maiwasan ang indiscriminate firing sa kanilang hanay.Dahil dito, patuloy pa rin ang mga isasagawang operasyon ng PNP kagaya ng buy bust operation, pagsilbi ng warrant of arrest at iba pa kahit na ngayong pasko at bagong taon.
NAGDULOT ng pagbaha sa ilang bahagi ng Kidapawan City ang tuluy-tuloy na pag-ulan nito’ng Linggo.

Matinding binaha ang ARC Subdivision sa Barangay Paco, Kidapawan City.Ayon sa ilang mga residente ng lugar, halos 15 taon na nila’ng problema ang mga pagbaha.

Kapag umuulan nang tuluy-tuloy, umaapaw ang ilog na malapit sa subdivision.Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naturang pagbaha pero nagdulot ito ng perhuwisyo sa mga residente ng lugar.

Binaha rin ang bahagi ng Poblacion ng President Roxas, katabing bayan ng Kidapawan City, nang muli na namang umapaw ang Kabacan River.Ang Kabacan River ay isa sa pinakamalaking ilog sa ikalawang distrito ng lalawigan ng North Cotabato.

Nagdulot ng kalituhan sa ilang mga establisiemento sa Kidapawan city ang naging special non working holiday kahapon o ang Shariff Kabungsuwan Day.

Ilang mga bangko kasi ang bukas kahapon.Ayon sa isang manager ng isang bangko, di kinikilala ng kanilang main office ang december 19 bilang Local Holiday.

Dagdag pa rito, wala rin silang natanggap na kopya mula sa opisina ni Cotabato acting governor Shirlyn Macasarte-Villanueva hinggil sa deklarasyon nito sa special non working holiday kahapon.Iginiit naman ni Governor Macasarte, di na umano kailangan ng formal communication ang nasabing special holiday dahil malinaw aniya sa batas pampook bilang 14 na ang shariff Kabungsuwan day ay

special non working holiday.Nilinaw naman ni Datu Mama Sinsuat Jr, siyang regional director ng National Commission on Muslim Filipinos o NCMF-12 na ang batas na ipinasa noong 1981 ng lupong tagapamayapa ng Pook o

Legislative Assembly na isang defunct body ay nangangailangan parin ng deklarasyon mula sa Local Government Unit.

Caritas Philippines to launch award in memory of ‘social action pillar’ in PH

Caritas Philippines is introducing an award to honor diocesan social action centers (DSACs) that have done exceptional work. Bishop Jose Colin...

Village exec in firearms deal slain ni Lanao Sur ops

COTABATO CITY — An incumbent village chair in Lanao del Sur was killed when he resisted arrest and traded bullets with the agents of Criminal...

Survey shows BARMM likely voters unaware of 2025 poll processes

COTABATO CITY  – The majority of likely voters in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) lack awareness of the new voting...

Selection of officials for 8 Bangsamoro towns on

COTABATO CITY - Bangsamoro regional officials are now screening applicants for mayor, vice mayor and municipal councilors for the eight newly-...

Sahod ng mga nasa Barangay frontline services, itataas ng City Government

ABOT SA 2,000 na buwanang increase ang nakatakdang paaaprubahan sa Sangguniang Panlungsod ni Cotabato City City Mayor Bruce Matabalao para sa mga...