Saturday May, 04 2024 02:13:50 AM

NDBC BIDA BALITA (12.1.16)

Local News • 16:40 PM Thu Dec 1, 2016
1,024
By: 
NDBC

NEWSCAST

DECEMBER 1, 2016 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA MILF member na suspek sa pagpatay
sa bise alkalde ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao, papanagutin, ayon sa PNP.

2. Seguridad sa North Cotabato,
hinigpitan pa dahil sa banta ng terorismo

3. SUSPEK sa pambobomba sa Esperanza,
Sultan Kudarat, natukoy na ng PNP pero di pa nadakip4. Koronadal sports coordinator, nagpaliwanag bakit delayed ang allowance ng mga kalahok sa Batang Pinoy GamesNANGAKO ang pulisya na mananagot sa
batas ang mga miembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na sangkot sa
pagpatay kay Vice Mayor Anwar Sindatok ng Datu Saudi Ampatua, Maguindanao.

Sinabi ni Maguindanao PNP Director, Police
Superintendent Nixon Muksan na inihahanda na ngayon ng mga imbestigador ang mga
kasong criminal na isasampa laban sa mga suspek sa naturang krimen.

Sa panig naman ng MILF, kinumpirma ng
tagapagsalita nito na si Von Al-Haq na totoong sangkot ang ilan sa kanilang mga
miembro sa pagpatay kay Sindatok.

Gayunman, tumanggi naman ito na
pangalanan ang mga suspek habang hindi pa pormal na nakakasuhan ang mga ito.

Ayon kay Al-Haq, ang mga suspek ay
bahagi ng MILF's 118th Base Command, ang pinakamalaking grupo ng rebelde sa
ikalawang distrito ng Maguindanao na pinamumunuan ni Imam Wahid Tundok.

Sinasabing pinaslang ng suspek si
Sindatok dahil hinalang tinulungan nito ang mga mga pulis sa isinagawang anti-narcotics
operation noong October 28 na ikinasawi ni mayor Samsudin Dimaukom.

Nabatid kasi na tatlo sa mga nasawing
tauhan ni Dimaukom ay kamag-anak ng ilang senior commanders ng MILF's 118th
Base Command.

Kauupo lamang ni Sindatok bilang vice
mayor ng Datu Saudi Ampatuan kapalit ni Anida Dimaukom, na ngayon ay alkalde na
ng bayan kapalit ng kanyang yumaong asawa.

Sa ngayon, sinabi ni Muksan na bukod sa
pakikipag-ugnayan sa MILF leadership ay hinihingi na rin nila ang tulong ng mga
local religious leader para sa pagtukoy at pagsampa ng mga kaukulang kaso laban
sa mga pumaslang kay Sindatok. IGINIIT NI P. DUTERTE na
ayaw niya ng giyera pero huwag siyang hahamunin ng mga kalaban ng gobyerno
tulad ng Maute group.

Ayon sa pangulo, ginagawa
nito ang lahat para maiwasan ang karahasan pero kapag hinamon at pinilit ay
gagamitin niya ang buong pwersa ng miltar at pulisya para pigilan ang mga
naghahasik ng kaguluhan.

Kaugnay nito ay hiningi
ng pangulo ang tulong ng lahat ng sektor na makipagtulungan sa gobyerno laban
sa mga masasamang-loob.

Nabatid na itinuloy pa
rin ni Duterte ang pagdalaw sa Butig, Lanao del Sur sa kabila ng banta sa
kanyang seguridad kasunod ng pagbomba sa convoy ng Presidential Security Group
kamakalawa ng umaga sa Marawi City.

Nakipagpulong ang
presidente sa mga AFP official sa Tactical Command Post sa Lumbayanague, Lanao
del Sur na limang kilometro lamang ang layo mula sa war zone.

Binisita rin ng Pangulo
ang pitong mga sugatang miyembro ng Presidential Security Group na nasabugan ng
bomba kamakalawa ng umaga sa Marawi City na ginagamot sa Polymedic Medical Center
sa Cagayan de Oro City. INARESTO ng
mga otoridad ang dalawang mga negosyanteng Instsik sa isinagawang operasyon sa
Divisoria, sa Zamboanga City dahil sa hindi pagbabayad ng SSS remittances ng
kanilang mga manggagawa.

Nakatakdang
kasuhan ang mga suspek na sina Chee Pang Ong at Lin Xiu Man, may-ari ng
Unimaker Marketing Corporation.

Base sa
police report na nakarating sa Camp Crame, naaresto ang mga suspek bandang ala-una
ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Gregorio dela Peña III
ng Regional Trial Court Branch 12.

Nabatid na
inirereklamo ng mga kawani ng nasabing korporasyon ang dalawa kaugnay ng
paglabag sa Republic Act 1161 o SSS Act na inamyendahan na bilang Republic Act
8282.

Base sa tala,
ang mga suspek ay hindi nagbabayad ng SSS ng kanilang mga kawani.

Sa
pinakahuling ulat, pansamantala namang nakalaya ang dalawa matapos magpiyansa
ng tig- 20 libong piso.

Kaugnay nito
ay muli namang nanawagan ang pamahalaan sa mga employer na asikasuhin ang SSS,
PhilHealth at iba pang mga benipisyo na nararapan sa kanilang mga manggagawa. INARESTO ng
pulisya at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang isang
babaeng psychologist sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa
Pendatun Avenue, General Santos City.

Kinilala ang nadakip
na si Dessa Desonorio, 34 years old, dalaga at taga Purok Uno, Brgy. Labangal
sa lungsod.

Nakabili ang PDEA
agent na nagkunwaring buyer ng isang sachet ng Shabu sa naturang psychologist
sa halagang P500.

Nabatid na
naganap ang bentahan sa bahay ng isang Ricky Gallo, 28 years old.

Nabawi naman
ng mga otoridad mula sa suspek ang marked money at nakumpiska ang ilan pang mga
pakete ng Shabu na nakatakda pa nitong ibenta sa ibang buyer.

Pansamantalang
nakakulong si Desonorio at Gallo sa lockup cell ng Pendatun PNP station habang
inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa mga ito.

Hanggang ngayon nakatiwangwang pa rin ang sirang daan sa Makilala- Tacurong Highway.Dahili dito humiling si Cotabato Board Member Socarates Piñol sa pamamagitan ng isang resolusyon sa Sangguninang Panlalawigan ng Cotabato para pilitin ang DPWH na magbigay ng status kaugnay sa naturang daanan.Kaugnay nito, kamakalawa ng hapon ay umupo sa isang Committee hearing ang miembro ng SP sa pangunguna ni Board Member Noel Baynosa, Committee Chair for Infrastructure para talakayin ang naturang usapin.Hanggang ngayon kasi ay walang malinaw na report at update ang DPWH kaugnay sa naturang problema sa daan.Wala ding pormal na reklamo ang mga Road Right of way claimant na kasama rin sa naturang pag-uusap.Nakatakda namang hingin sa susunod na sesyon ang lahat ng dokumento mula sa DPWH at kasama na rito ang Special Power of Attorney o SPA sa mga Road Right of Way Claimant. Nabatid na matagal nang nakakaabala sa mga motoristo ang naunsyaming konstruksyon sa naturang daan.Katunayan nitong linggo lamang isang Mitsubishi Fuso Cargo Truck ang naaksidente at natapon ang karga nitong halos limang daang sako ng feeds na sana ay dadalhin sa Tagum City na mula pa sa South Cotabato.Nawalan kasi ng balanse ang sasakyan matapos dumaan sa maputik at hindi pantay na kalsada sa nabanggit na lugar. Ideneklara na ng International Organization for Standardization na ISO certified na ang University of Southern Mindanao o USM, Kabacan, North Cotabato.Ayon kay USM President. Dr. Francisco Gil Garcia na pumasa kasi sa mga pamantayan upang ideklara ang institusiyon bilang ISO certified.Sinabi naman ni University Quality Assurance Head Dr. Riceli Mendoza na ang USM lamang ang nag-iisang state run university sa buong region 12 na ISO certified at pumapangatlo sa buong Mindanao.Sumailalim sa nasabing ISO evaluation ang tatlong colleges ng USM, ito ang College of Arts and Sciences na pinamumunuan ni Dean Dr. Jonald Pimentel College of Agriculture, Dean Dr. Purification Cahatian at College of Veterinary Medicine, Dean Dr. Emerlie Okit.Nabatid na kapag ISO certified ang isang institusiyon, ibig sabihin ito ay sumusunod sa world class standard at makikilala ang produkto o serbisyo nito sa loob at labas ng bansa na naayon sa pandaigdigang kalakaran.Agad namang nagpasalamat ang Pangulo sa lahat ng mga faculty, staff at mag-aaral na naging kabahagi sa nabanggit na bagong tagumpay ng USM. Nananatili ngayong alaerto ang 39th Infantry Batallion katuwang ang Philippine National Police at iba pang security Forces sa North Cotabato dahil sa banta nang terorismo.Ayon kay 39th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Harold Argamosa, nitong nakalipas na dalawang linggo pa ang pagsasagawa nila ng mas mahigpit na Highway Inspection sa mga pangunahing daanan sa lalawigan.Kabilang rin ang mga visibility patrol katuwang ang mga local police at Local Government Unit.Naka pwesto ang tropa ng militar sa mga buonderies ng brgy. Amas sa Kidapawan City, Tulunan area at Davao del Sur.Mainit kasi ngayon ang banta ng pambobomba at pananalakay ng mga armadong grupo dahil sa patuloy na pagtugis ng mga otoridad kay Kumander Mabrox at Brgy Kapitan Renz Tukuran sa bayan ng Midsayap na sangkot sa illegal drugs.Maging ang diversionary attacks dahil sa opensiba laban sa Maute Terror Group at ASG sa Lanao del Sur.Dagdag pa rito ang una nang nangyaring Anti Drug Operation ng mga otoridad na ikinasawi ng sampu katao kabilang na si Datu Saudi Ampatuan Maguindanao Mayor Datu Samsudin Dimaukom sa Brgy Old Bulatukan Makilala.Dahil dito, bagaman at walang personal na natatanggap na banta ang lalawigan sa mga nabanggit na grupo ay mas mainam pa rin na mag-ingat at magbantay ayon kay Argamoza.Sa ngayon aasahan ang mas mahigpit na inspeksyun at pagpapatupad ng seguridad sa buong North Cotabato. Blanko pa rin ang Bureau of Fire Protection President Roxas sa naging dahilan ng pagkasunog ng isang bahay sa Purok 7, brgy Mabuhay, President Roxas North Cotabato martes ng gabi.Ang naturag bahay ay pagmamay-ari ng isang Rolando Abanilla.Dahil gawa sa light materials ang naturang bahay ay mabilis na kumalat ang apoy.Wala na ring naabutan ang mga otoridad matapos ang 30 minutong pagkasunog.Lumabas rin sa imbestigasyon ng BFP na walang tao ang bahay ni Abanilla ng mangyari ang insidente.Matatandaan noong nakaraang linggo lamang isang bahay rin ang tinupok ng apoy sa nabanggit na barangay.Kapwa ngayon iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente. Posibleng magtatagal pa hanggang 2017 ang programa ng 39th Infantry battalion sa ilang barangay sa Kidapawan City at Magpet, North Cotabato.Ito ay ang patuloy na Peace and Development Outreach o PDOP ng militar.Paliwang naman ni 39th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Harold Argamoza nag re-align kasi sila ng mga personnel dahil sa banta ng terorismo sa lalawigan.Maliban sa mga pangangailangan ng mga residente kung saan nagpapatuloy ang programa, tinututukan rin nila ngayon ang seguridad ng probinsya.Ayon kay Argamosa pinaalam niya na raw ito sa Local Government Unit ng Kidapawan at Magpet na aabutin pa ito hanggang sa susunod na taon.Target kasi sanan ng 39th IB na hanggang sa disyembre lamang ito.Ayon pa sa opisyal, may mga problema rin kasi sa mga barangay na dapat tutukan at hindi agad agad nasusulusyunan kagaya na lamang sa problema sa lupa.Malaki naman ang pasasalamat ng mga residente sa lugar dahil unti-unti ring natutugunan ang kanilang mga pangangailangan.Ang PDOP ng Philippine Army ay naglalayong matulungan ang mga nasa malalayong barangay na magabayan sila sa mga tamang ahensya na kanilang dapat lapitan. Nagpaliwang ang city sports
coordinator ng kOronadal City kung bakit naantala ang pagbibigay ng food
allowance sa mga atleta ng lungsod sa nagpapatuloy na national batang pinoy
games sa Tagum City.

Sinabi ni City Sports Coordinator Tony Aguilar na
hindi umano nagbigay ng abiso ang Philippine sports commission na hindi nito
maibibigay ang subsidy para sa food allowance ng mga atleta. Paliwanag pa nito
na hindi inaasahan ng Philippine Sports commission na lolobo ng abot sa 14
thousand ang dami ng mga atleta sa batang pinoy.

Dahil dito ay pormal na magrereklamo ang city
government ng koronadal sa pamunuan ng Philippine Sports commission dahil sa
naapektuhan ng halos dalawang araw ang mga atleta ng lungsod. Dahil sa reklamo
ng Koronadal City ay sunod naring nagreklamo ang ilang mga bayan at lalawigan
na hindi rin nakatanggap ng food allowance mula sa ahensya.

Matapos ang halos dalawang araw ay agad namang
nagpadala ang city government at nabigyan nang tig-1,000 pesos ang mga atleta
bilang food allowance.

Nabatid na dapat ay tatanggap ang mga atleta ng
3,000 mula sa Philippine sports commission.

Abot naman sa 197 na atleta ng lungsod ang tumanggap
ng pera na syang pambili ng pagkain hanggang matapos ang event.

Tukoy na ng Esperanza Municipal Police ang isa
sa mga suspek sa pagpapasabog ng IED o improvised explosive device sa harap ng
Our lady of hope church noong nobyembre 27.

Sinabi ni Esperanza Chief of Police PCI Bryan Bernardino na
maraming witnesses ang nakikipagtulungan sa kanilang tanggapan para sa
pagkakakilanlan ng suspek. Tumugma naman sa suspek gallery ng Esperanza PNP ang
identity ng suspek.

Dagdag pa nito na posibleng wala na sa lalawigan ng Sultan
kudarat ang suspek at nagpapalamig na sa karatig lalawigan. Nakikitang motibo
naman ng pulisya ay mga mas pinalakas na kampanya nito laban sa ilegal na
droga. Teorya ni Bernardino na galit na ang mga drug personality sa PNP dahil
hindi na sila nakakapagbenta ng droga.

Dagdag pa ni Bernardino na dating nang may kaso na illegal
possession of Firearms ang suspek sa bayan ng Isulan.

Sasampahan naman ang di pa pinangalanang suspek ng multiple
frustrated murder with damage to property upang makapagpalabas na ng warrant
ang korte.

Nabatid na nagpalabas na ng reward money ang Provincial
government ng Sultan Kudarat para sa mabilis na pagkakahuli sa mga suspek.

Nagpapatuloy naman ang paghahanap ng mga otoridad sa nasabing
suspek sa mga kasamahan nito.

HIGHLY questionable ang panibagong narco
list diumano ni Presidente Rodrigo Duterte ayon kay South Cotabato
Governor Daisy Avance Fuentes.

Ito ang sinabi ni Fuentes matapos na abot sa diumanoy 10,000
personalities ang sangkot sa ilegal na droga sa bansa.

Paliwanag pa ni Fuentes ay maging sya ay pinakitaan din ng
listahan ng PNP mula sa regional headquarters ngunit hindi ito kumbinsido sa
paliwanag ng pulisya kung bakit nasa listahan ang ilang opisyal ng lalawigan.

May mga natatanggap din umanong text messages si Governor
Fuentes na may nangingikil na government officials kapalit ang pagtanggal sa
pangalan ng mga ito sa narco list ng pangulo.

Nilinaw naman ni Fuentes na walang pagdududa sa political will
at sensiridad ng president na sugpuin ang ilegal na droga sa bansa ngunit may
problema umano sa mga taong nagpapatupad nito.

Dagdag pa ni Fuentes na kahit na may bahid na ang imahe ng PNP
sa national na aspeto ay tiwala parin ito sa kakayahan ng mga local na Pulis sa
south Cotabato.

Voice// Si South Cotabato Governor Daisy Avance
Fuentes.

Planong taasan ni South Cotabato Governor Daisy Avance
Fuentes ang honorarium ng mga barangay health worker o BHW ng south cotabato.

Ito ang sinabi ng Gobernador kasabay ng isinagawang 3rd
Provincial health summit sa Koronadal city.

Layunin ng dagdag na honorarium ay para mas maging maayos pa ang
performance at mapataas ang kalidad ng trabaho ng mga BHW lalong-lalo na sa mga
malalayong barangay ng lalawigan.

Nabatid na isa sa mga problema sa lalawigan ang hindi panganganak ng mga
buntis sa mga lying in center at mas pinipili nito sa bahay. Umaasa si Fuentes
na dahil dito ay mas matututukan ng mga BHW ang mga buntis sa South Cotabato.

Sinabi naman ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio
Aturdido na gagamiting pondo para sa pagpapataas ng honorarium ang P1 Million
pesos na nakuha ng South Cotabato sa Department of Health bilang most
functional health worker sa buong rehiyon 12.

Dagdg pa nito na plano nilang itaas ang matatanggap ng mga BHW kada
buwan depende sa budget na ilalagay ng lalawigan.

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...

Barangay treasurer sa Cotabato City, anak na babae, patay sa ambush, isa pa sugatan

COTABATO CITY - DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang si Mhadz Mamantal, Treasurer ng Mother Barangay Bagua, driver ng...

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...