Monday Jun, 24 2024 02:41:51 AM

NDBC BIDA BALITA (11.3.16)

 • 16:56 PM Sat Dec 3, 2016
827
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 3,
2016 (SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAUTE GROUP sa Lanao del Sur,
nagbantang pupugutan si Pangulong Duterte mga sundalo, pupugutan din daw.

2. Apat na taong gulang na bata, patay
nang malunod sa irrigation canal sa Mlang North Cotabato

3. Gobernador ng South Cotabato,
ikinabahala ang panununog ng mga bus sa lalawigan.

4. All is set para sa Shariff Kabunsuan Festival sa Cotabato City NAGBANTA ang teroristang Maute group na
pupugutan si Pangulong Rodrigo Duterte at ang mga sundalo kaugnay ng opensiba
ng tropa ng militar sa Butig, Lanao del Sur.

Ito ang nabatid base sa iniwang kalatas
ng mga nagsitakas na miyembro at opisyal ng Maute terror group na umukopa sa
abandonadong municipal hall at mga gusali sa Butig.

Ang nasabing pagbabanta ay isinulat ng
mga miembro ng Maute Terror Group sa mga dingding ng mga inokupa nilang gusali
na nabawi ng tropa ng militar.

Ayon sa teroristang grupo dapat daw na
maghanda ang mga sundalo dahil pupugutan sila at kailangan na rin daw magtago
ng pangulo dahil maging siya ay pupugutan ng Maute Terror Group.

Nanggalaiti sa galit ang mga opisyal at
miembro ng Maute matapos na tuluyan nang nabawi ng tropa ng pamahalaan ang mga
gusaling nakubkob ng teroristang grupo nitong mga nakaraang araw.

Bilang reaksyon, ipinagkibit balikat
lamang ng mga opisyal ng militar ang pagbabanta ng Maute terror group at
sinabing hindi naman makalalapit ang mga ito sa pangulo dahil na rin ng
mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng Presidential Security Group o PSG.

Sinabi ni Army’s spokesperson Col.
Benjie Hao na propaganda lamang ito ng Maute dahil wala naman silang kakayahan
pang labanan ang tropa ng gobyerno.

Gayunman, iginiit ni Hao na nakahanda
silang muling makipag bakbakan sa Maute sakaling muli silang hamunin ng mga ito
at maghasik ang mga ito ng karahasan sa mga sibilyan.

NANINIWALA si
PNP chief Director General Ronald dela Rosa na may koneksyon ang ginagawang
pambubulabog ng teroristang Maute group sa ipinalabas na kampanya ng pamahalaan
laban sa iligal na droga.

Sinabi ni
Dela Rosa na mayroon siyang nakakausap na mga sources mula sa Marawi City kaugnay
ng nasabing koneksyon.

Aniya, maraming
druglords sa Central at Northern Mindanao ang lubhang tinatamaan o apektado ng
pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ito aniya ang
dahilan kaya gumagawa ng paraan ang Maute para maalis ang atensyon ng mga otoridad
sa Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel ng PNP.

Samantala, sa
iba pang balita, wala pa ring tinatanggap na pahiwatig o ‘feeler’ ang Armed
Forces of the Philippines o AFP mula sa Maute group na nais na nilang sumuko at
makipag-usap sa gobyerno.

Sinabi ni AFP
Spokesperson Gen. Restituto Padilla na dapat sumuko na lamang ang mga miyembro
ng Maute group na gustong magbalik-loob at mabuhay ng normal.

Ayon kay
Padilla, bukas naman sila sa pakikipag-usap sa Maute pero ‘di dapat
maikompromiso ang hustisya at kung sino sa kanila ang may kinakaharap na kaso
ay dapat panagutin sa ilalim ng batas. BINALAAN
ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III ang publiko laban sa mga
tiwali at abusadong indibidwal na gumagamit ng social media para mag-solicit ng
pera mula sa mga overseas Filipino workers o OFWs.

Sinabi
ng kalihim na ilang personalidad ang gumagamit ng pangalan nito sa pekeng
Facebook account na kumukumbinsi sa mga OFW para magnegosyo.

Payo
ni Bello sa public, makipag-transaksyon lamang sa mga lehitimong negosyante
upang hindi mabiktima ng nasabing sindikato.

Samantala,
sa kabilang dako naman, pinag-aaralan na ng DOLE na magpatupad ng deployment
ban sa mga Filipino domestic helpers sa Kuwait bunsod ng mga ulat ng
pang-aabuso ng kanilang mga employer.

Ayon
kay Bello, nababahala siya na tumataas ang bilang ng mga kaso ng pang-aabuso sa
mga dayuhang household helpers sa nasabing bansa maliban pa sa marami ring kaso
ng mga tumatakas na domestic helpers sa kanilang mga employer.

Ngunit
nilinaw ni Bello na hindi naman maaapektuhan ang mga skilled workers tulad ng
mga electrician, welders at construction workers sa nasabing ban sa Kuwait.

Ipinangako
naman ng DOLE na ang mga Filipino worker na lilikas sa nasabing bansa ay bibigyan
ng livelihood opportunities para makapagsimula ng negosyo sa Pilipinas. HANDANG
HANDA NA ang lahat para sa pagdiriwang ng Shariff Kabunsuan Festival simula December
15 hangang December 19, 2016.

Sinabi
ni Cotabato City Tourism Officer Gurlie Frondoza

sa press
conference ng Bangala Fashion Fair, na naiiba ang SK festival ng lungsod dahil
ang opening program nito ay katatampukan ng tatlong royal houses nina Shariff
Kabunsuan, Rajah Tabunaway at Rajah Mamalu.

Aniya,
ang tatlo ay may mahalagang papel na ginampanansa kasaysayan ng lungsod at
maging sa buong region 12.

Binigyang-diin
naman ni Frondoza na bibigyan ng halaga ng kasaysayan ng kultura ng mga
mamamayan ng lungsod

Sa
pagdiriwang ng Shariff Kabunsuan Festival.

Kaya
naman, highlight sa okasyon ang reenactment ng pagdating ni Shariff Kabunsuan sa
Rio de Grande de Mindanao, ang mainit na pagtanggap ni Rajah Tabunaway sa
relihiyong Islam, at ang kwento ni Rajah Mamalu na kauna-unahang pinuno ng mga
Lumad sa bahaging ito ng Mindanao.

Ang
muling pagsalaysay ng kasayasayan ni Shariff Kabunsuan at ng magkapatid ng
Rajah Tabunaway at Rajah Mamalu ay sasamahan ng makukulay na kasuotan,
magandang musika at mga katutubong awitin.

Ilan
pa sa mga aabangang aktibidad sa Shariff Kabunsuan festival ay ang Guinakit Fluvial
Parade, culinary competition tourism and trade forum Kuyog Streetdancing
Competition Nightly Cultural Presentation at ang taunang grand Pagana o
Kanduli. Umapela si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes sa mga kinauukulan na isumbong sa kanilang matataas na opisyal ang serye ng panunog ng pampasaherong bus sa South Cotabato at karatig lalawigan ng Sarangani.
Ito ay matapos aminin ng gobernador na ikinababahala na nito ang insidente.
Ayon kay Fuentes , nakapagtataka kasi na sa kabila ng ceasefire na ipinatutupad ngayon nagpapatuloy pa rin umano ang pananakot ng armadong grupo sa lalawigan.
Sinabi ni Fuentes na dahil sa insidente nangangamba tuloy ang maraming mga negosyante na magdagdag ng puhuhunan sa South Cotabato.
Marami kasi sa mga ito ayon sa gobernador ay ikinababahala rin ang pahingi ng revolutionary tax ng rebeldeng grupo.
Ayon kay Fuentes umaasa siyang ang usapin ay agad na maipararating kay Presidential Peace Adviser Jesus Dureza.
Matatandaan na noong nakaraang buwan sinunog ng umanong nagpakilalang New Peoples Army o NPA ang bus ng Yellow Bus line sa Tupi, South Cotabato at Kiamba, Sarangani Province.
Isang Husky bus din ang tinangkang sunugin ng mga ito sa Barangay Maibu, Tantangan, sa South Cotabato.
Damang dama na ng mga mamamayan ang Pasko sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Ayon sa gurong si Jaypee Salditos ito ay matapos pailawan ang mga makukulay na Christmas decorations sa paligid ng munisipyo kasabay ng pagsisimula ng kanilang isang buwang Christmas Festival.
Ayon kay Salditos pabonggahan sa paggawa ng Christmas decorations ang mga barangay at iba’t ibang pribado at tanggapan ng gobyerno sa bayan.
Ang eskwelahan na pinagtuturuan ni Salditos na Libertad National High School ay isa sa mga nakilahok sa kumpetisyon
Agaw pansin ang kakaibang mga palamuting pamasko na inspired ng mga kilalang Christmas Songs tulad ng Give love on Christmas Day, Silver Bells, Pasko sa Pinas,Jingle Bells at Winter Wonderland.
Hindi rin pahuhuli ang isang palamuting pamasko na hango sa watatawat ng Pilipinas.
Mayroong ding gawa sa mga recyclable materials tulad ng nativitiy scene na gawa sa lumang foam.
Maging ang luma at patapon ng mga cup na Styrofoam ay ginawa ring palamuting pamasko.
Dahil sa ganda ng lugar, dinarayo ito hindi lamang ng mga mamamayan ng Surallah kungdi maging ng mga karatig lugar.
Patok ito hindi lamang sa mga bata kungdi maging sa mga nakatatanda na di magkamayaw sa pagpapakuha ng kanilang litrato sa mala Christmas Village na palamuting pamasko.
Pinasalamataman ni Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon ang mga municipal at provincial disaster risk reduction and management council sa lalawigan.
Ito ay matapos tanghaling best prepared PDRRMO sa Gawad Kalasag Awards sa buong region 12 ang lalawigan sa tatlong magkasunod na taon.
Umaasa naman si Solon na magtuloy tuloy ang tagumpay na ito dahil sa pagpapaigting ng mga disaster programs sa Sarangani.
Nabatid na ilan lamang sa mga programa kontra kalamidad na matagumpay na naipatupad sa SArangani ang kanilang Sulong Sarangani’s disaster management sub-program.
Ayon kay Solon,ginawa ring modelo ng iba pang local government units ang kanilang Sulong Kaligtasan program.
Para sa agarang pagresponde sa kalamidad, gumagamit ng Centralized Communciation ang PDRRMO Sarangani.
Ayon kay PDRRM Officer Rene Punzalan, ito ay bukod pa sa Galileo Philippine GPS Tracking System at 117 hot line Number ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Naantala ang pagbibigay ng social pension sa mga senior citizens kadalasan dahil sa kabiguan ng mga local government units o LGU na magsumite ng liquidation.
Ito ay ayon kay Labinia Banes ng Department of Social Welfare and Development o DSWD region 12.
Binigyan diin ni Banes na may mga LGU kasi na hindi nakapag-liquidate sa unang pondong ibinigay sa kanila ng pamahalaang nasyonal.
Paliwanag ni Banes, ang social pension para sa mga senior citizens ay maaring ibigay mismo ng DSWD sa mga benipisyaryo o idaan sa mga local government units.
Kaya lamang ayon kay Banes, mananagot ang DSWD kapag patuloy pa rin itong magbigay ng pondo sa mga LGUs na walang liquidation sa pondong ibinigay sa kanila para sa social pension program.
Nabatid na sa ngayon abot na sa mahigit 100 thousand na mga mahihirap na senior citizens sa buong region 12 ang nakikinabang sa buwanang P500 social pension ng DSWD.
Matapos manumpa noong Huwebes sa Protect Center sa Koronadal city, tumulak na sa lalawiga ng Cavite para sa anim na buwang training 182 na aspiring marine soldiers.
Ang mga ito ay nakapasa sa screening na isinagawa ng Philippine Marine sa Koronadal City noong nakaraang buwan.
Ayon kay Col Hernani Sunggano ng Philippine Marine iginagalak nito ang dami ng mga pumasa serye ng test at screening.
Pinakamarami sa mga ito na umabot sa 92 ay mula sa South Cotabato, 37 sa mga ito ay pawang mga taga Koronadal City.
Ayon kay Sunggano may mga marine aspirant ding sasailalim sa training ang mula sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat, Sarangani at North Cotabato sa region 12.
Iba sa mga ito ayon kay Sunggano ay mula sa iba’t ibang parte ng Mindanao.
Ipinahayag ni Sunggano na ang mga aplikante na hindi nakapasa sa kanilang mobile recruitment sa Koronadal City ay maari pa ring mag-apply sa kanilang tanggapan sa Cavite.
Payo nito sa mga nais maging marine soldier, mag-review upang makapasa sa eksaminasyon.
Pinasalamatan naman ni Sunggano ang lahat ng tumulong sa matagumpay na mobile recruitment ng Philippine Marine sa Koronadal City. Dead on the spot ang isang motorista matapos sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang Fuso Truck sa highway ng Brgy. luhong, Antipas, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Artermio Apil, 57-anyos na taga Brgy. Del Carmen, Pres. Roxas.
Sa report ng Antipas PNP Traffic Division, minamaneho ni Benjamin Lopez na taga Tibongco, Davao City ang isang Fuso truck na may license plate YHL672 patungo sanang Kidapawan City.
Pero pagdating nito sa kurbadang bahagi kung saan nangyari ang insidente ay nabigla ito sa sumulpot na motorsiklo na minamaneho ng bitkimang si Apil.

Nagovertake kasi si Apil sa isang sasakyan at mabilis rin ang pagpapatakbo kaya hindi na ito naiwasan ni Lopez dahilan ng aksidente.Dahil sa lakas ng impact nahila pa ang driver at motorsiklo bago nahulog sa sementadong kanal ang nabanggit na truck.

Nasugatan rin si Lopez sa pangyayari habang patay naman on the spot si Apil.

Nasa kustodiya na ngayon ng Antipas PNP si Lopez habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.
Halos mangiyak-ngiyak ang mga magulang ng apat na taong gulang na batang lalaki nang matagpuan na itong patay matapos malunod sa irrigation canal sa Brgy. Lepaga, Mlang North Cotabato.Kinilala ang biktima na si James Bryan Caldeso, isang kindergarten pupil sa nabanggit lugar.
Ayon kay Police Inspector Horlito Patrona, deputy chief of police ng Mlang PNP, sumama raw ang biktima sa kanyang ama sa sakahan sa nabanggit na lugar alas sais ng uamaga kahapon.Ayon kay Patrona, alas syete raw nang mapansin ng ama na nawawala ang kanyang anak.

Akala nila ay naglaro lamang ito sa kapitbahay.

Samantala, isinisi naman ng mga magulang ng bata ang tulay na kawayan sa area kung saan pinagdududahang nadulas ang bata at nahulog.

Pasado alas dos ng hapon ng matagpuan ang si James bryan, na tinatayang walongpong metro mula sa nabanggit na tulay.
Patay na nang matagpuan ang biktima.
Patuloy ngayong iniimbestigahan ng Kabacan PNP ang pagkawala ng isang grade 8 student ng Kabacan National High School sa bayan ng Kabacan.
Sinabi ni Police Senior Ins. Ronnie Cordero hepe ng Kabacan PNP, huling nakita ang biktima na naka angkas sa motorsiklo ng umano miembro ng Force Multiplier ng Kabacan at security guard rin ng nabanggit na skwelahan.Base naman ito sa salaysay ng kanyang ama na nagreport sa PNP.

Agad namang nagsagawa ng pursuit operation ang mga otoridad at nasakote ang security guard na itinuturong responsable sa pagtangay sa biktima.

Nakakulong ngayon ang security guard habang wala namang ibinigay na pahayag kaugnay sa kinaroroonan ng estudyante.Dahil dito sinampahan ng pamilya ng bata ang naturang security guard ng kidnapping.

Inamin naman ng pamilya ng bata na maraming manliligaw ang anak pero ang pagkakaroon umano nito ng relasyon sa naturang guard ay hindi nila alam.Umaasa na lamang ngayon ang mga magulang ng bata na mahahanap nila ang anak sa lalong madaling panahaon.
nagalaum
Iginiit rin ni Cordero na isasailalim nila sa interogation ang suspek para sa dagdag na impormasyon sa pangyayari at sa posibleng pagkakahanap sa biktima.

Nabatid na magdadalawang buwan pa lamang na nanatili ang naturang pamilya sa bayan ng Kabacan at kakalipat lng din ng nasabing estdyante sa Kabacan National High School na nagmula pa sa Metro Manila.
Abot sa 70 milyong pisong halaga na agricultural and livestock projects ang natanggap ngayon ng Kidapawan City Government mula sa Department of Agriculture.

Sinabi ni City Mayor Joseph Evangelista ang mga proyekto ay kinabibilangan ng P50Million Double A Slaughter house P10million Livestock Auction market P4.5Million Hug Dispersal Multiplier Cattle multiplier farm at 20 ka high breed cattle. Sa iyang formal visit, personal na nakausap ni Mayor Evangelista si Agriculture Secretary kung saan tinalakay nila ang drafting sa initial agreement, target implementation, at ang paglalaan sa naturang pondo.Ayon kay Evangelista, malaking oprunidad ang pagbubukas ng mga nabanggit na proyekto para sa mga taga Kidpawan.Makakatulong din aniya ito partikular sa trabaho, local revenue, st market expansion ng livetock products mula sa Kidapawan City at mga kalapit bayan.

Idinagdag pa ng Alkalde, ilang mga daanan rin ang maisasama sa rehabilitation at concreting sa ilalim ng Farm-to-Market road projects na kabilang sa inilobby i Evangelista kay Piñol.Binigyan diin naman ni Evangelista, inidikasyon lamang ito sa matibay na relasyon ng LGU at national-line agency para iparating sa mga mamamayan ang mga programang para sa kanila.Sa ngayon inihahanda na ng City Government ang pagbibili ng limang ektaryang lupa malapit sa LGU-owned property sa Brgy kalaisan para sa ipapatayong mga pasilidad habang isusunod naman rito ang pormal na approval at paglalagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng City government at Dept of Agriculture. Abot sa 12, 300 na mga pamilya mula sa bayan ng Tulunan ang nakatanggap ng bigas mula sa Provincial Government at Department of Social Welfare and Development Office o DSWD 12 .Sinabi ni Genalyn Delasan, MSWD Officer ng Tulunan, kabilang sa mga nabiyayaan ng libreng bigas ay mga pamilyang una nang naapektuhan ng El Niño Phenomenon.

Nilinaw ng opisyal na ito ay panglimang beses na ng pamamahagi ng bigas ng LGU para sa mga barangay ng bayan kasama ang DSWD.Ikalawa na rin ito na rice distribution ng Provincial Government kung saan higit isang libong sako ng bigas ang inilaan para sa kanila.

Katuwang ng nasabing pamamahagi ng Tulunan LGU ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na siyang nagsagawa ng re-validation para mga benipisyrayo ng programa.Iginiit ni Delasan na makakasa ang mga taga Tuklunan sa poatuloy na pagsisikap ng LGU para sa mga programa sa tulong na rin ng Provincial Government at DSWD Region 12.

NDBC BIDA BALITA

11 Dawlah Islamiya terrorist group members surrender to Army in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na sugpuin ang terorismo, tinulungan ng 6th Infantry Battalion (6IB...

Caritas Philippines to launch award in memory of ‘social action pillar’ in PH

Caritas Philippines is introducing an award to honor diocesan social action centers (DSACs) that have done exceptional work. Bishop Jose Colin...

Village exec in firearms deal slain ni Lanao Sur ops

COTABATO CITY — An incumbent village chair in Lanao del Sur was killed when he resisted arrest and traded bullets with the agents of Criminal...

Survey shows BARMM likely voters unaware of 2025 poll processes

COTABATO CITY  – The majority of likely voters in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) lack awareness of the new voting...

Selection of officials for 8 Bangsamoro towns on

COTABATO CITY - Bangsamoro regional officials are now screening applicants for mayor, vice mayor and municipal councilors for the eight newly-...