Wednesday Jun, 26 2024 09:21:21 AM

NDBC BIDA BALITA (11.30.16)

 • 16:35 PM Wed Nov 30, 2016
837
By: 
NDBC

NEWSCAST

NOVEMBER 30,
2016 (WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Sa kabila ng Marawi City bombing, tuloy ang pagbisita ngayon ni P. Duterte2. Bombing sa convoy ng PSG, posibleng pakana lang para isailalim sa martial law ang Lanao, ayon sa isang grupo

3. PNP 12 siniguro ang seguridad ng
rehiyon sa nagpapatuloy na opensiba ng militar laban sa Maute terrorist group

4. PNP, AFP at Cotabato Provincial
Government, nakaalerto kasunod ng pagsabog ng IED sa Sultan Kudarat at banta ng
terorismo

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may direktang ugnayan na ang Maute Terrorist Group at Abu Sayyaf Group sa Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.Agad namang nilinaw ni Lorenzana na hindi pa pormal na tinatanggap ng ISIS ang mga local terrorist group sa Pilipinas bilang kanilang miyembro.Gayunman, may mga ISIS agent na aniya na nagpupunta sa Pilipinas at nakikipag-usap sa Maute at Abu Sayyaf.Una rito, kinumpirma mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na konektado na sa ISIS ang Maute Group, base sa impormasyong nakuha nito mula sa NICA, ISAFP at iba pang intelligence agencies ng pamahalaan. Samantala Posibleng Maute Group ang nasa likod ng paglalakay ng IED o improvised explosive devise sa Baywalk area malapit sa US Embassy. Gayunman, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, hindi ito nangangahulugang napasok na ng Maute Group ang Metro Manila.Maaari naman anya na mga grupong sumisimpatiya o mga kaanak ng mga miyembro ng Maute Group ang kumilos para maglagay ng IED sa Baywalk area.Ayon kay Dela Rosa, ang Maute Group ang itinuturo ng signature ng bomba sa Baywalk Area na parehong pareho ang istraktura sa ginamit na IED sa Davao City bombing.Sa kabila nito, hindi inaalis ni Dela Rosa na puwede ring may ibang grupo ang nagsagawa ng tangkang terorismo subalit nagmula sa Maute Group ang ginamit na IED. Una rito, sinabi ni PNP ARMM Director,
Police Chief Superintendent Agripino Javier na pitong mga miembro ng
Presidential Security Group o PSG at dalawa pang mga sundalo ang nasugatan
matapos ang pagsabog ng IED sa Sitio Matalupay, Barangay Emie Punod, Marawi
City.

Ang mga nasugatang PSG members ay
pawang bahagi ng advance party ni Pangulong Duterte na nakatakdang magtungo sa
Lanao Del Sur ngayong araw.

Aniya, naganap ang pagsabog ng dalawang
IED pasado alas dyes ng umaga kahapon.

Nabatid na bukod sa PSG at mga sundalo
ay kabilang din sa convoy ang Presidential Broadcast Staff ng Radio-Television
Malacañang.

Samantala, nabatid na ang mga sugatang
PSG member at sundalo ay ginagamot ngayon sa Cagayan de Oro city.

Sadya namang hindi muna naglabas ng
pangalan ng mga sugatan ang mga otoridad habang inaabisuhan pa ang pamilya ng
mga ito. Ipinabatid ng
joint task force Sulu na nakasagupa ng 11th Scout Ranger Company at Scout
Ranger ci-198 ang Abu Sayyaf na tumagal ng 30 minuto.

Narekober sa
pinangyarihan ng engkwentro ang Tatlong
(3) pump boats na ginamit ng ASG, Isang Garand rifle, ammunition, solar
panel, motor vehicle battery at iba pa.

Itinurn-over
na ang pumpboat sa naval task group Sulu para sa kaukulang disposition.

Wala namang
napaulat na casualty sa panig ng militar. Isasagawa
ngayong araw ang ARMM 3rd LGU Summit sa Davao City.

Inaasahang
dadaluhan ito ng 116 na mga Municipal Mayors, 2 City Mayors, 5 Governors at mga
bumubuo ng 9th Regional Legislative Assembly.

Nakatakda
ring dumalo sa nabanggit na aktibidad si Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio
at ang mismong Presidente Rody Duterte at DILG Secretary Mike Sueno.Kabilang
sa mga tatalakayin ay ang pagpapabuti pa ng pagpapatakbo sa bawat LGU sa ARMM
maliban pa sa pagpapalakas ng kampanya kontra droga at terorismo.

Tema
ng Summit ay Pagkamulat, Pagbabago, Pag-Unlad .

Pangungunahan
naman ni ARMM Governor Mujiv Hataman kasama ng iba pang mga opisyales ng
rehiyon ang nasabing aktibidad.

Pinangunahan
kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng kauna-unahang Mega drug
abuse treatment and rehabilitation facility na itinayo sa Fort Magsaysay sa
Palayan City, Nueva Ecija.

Ang
drug rehab facility ay pinondohan ni Chinese billionaire Huang Rulun bilang
suporta sa drug war ni Pangulong Duterte.

Ito ay
itinayo sa 10 ektaryang lupain sa loob ng Fort Magsaysay.

Nag-donate
si Rulun ng P1.4-B para sa pagpapatayo ng 2 drug rehab centers.

Ang
1st Phase ng pro­yekto ay kayang mag-accommodate ng 2,500 pas­yente pero sa
kasalukuyan ay mayroon pa lamang itong mahigit 30 pasyente.

Bukod
dito, magtatayo din ng katulad na drug rehab center sa Visayas at Mindanao.

Kabilang
sa mga magiging pasyente dito ay ang mga sumuko sa Oplan Tok­hang ng PNP.

Nagpababa na ng deriktiba si Cotabato Acting Governor Shirlyn Macasarte sa mga pulis at militar na higpitan pa ang ipinapatupad na seguridad sa kanilang mga lugar.
Kahapon nagpatawag ng Emergency Provincial Peace and Order Council Meeting ang gobernadora na dinaluhan naman ng mga opisyal ng PNP, AFP, BFP at lahat ng mga alkalde sa buong North

Cotabato.

Ito ay para pag-usapan ang kasalukuyang status ng seguridad ng bawat mamamayan sa lalawigan.

Tinitiyak lamang ni Macasarte na walang mangyayaring masama sa kanyang nasasakupan lalong lalo na ang banta ng terorismo. Samantala, aasahan naman ang dobleng pagsasagawa ng mga inspeksyun ng mga otoridad sa National Highway at maging ang pag-activate ng mga barangay Tanod sa mga barangay sa lalawigan.
Ibinunyag naman ni Cotabato Police Provincial Directo Sr. Supt. Emmanuel Peralta wala namang natatanggap na banta sa seguridad ang kanilang pamunuan laban sa anumang grupo pero mas mabuti na

mag-ingat pa rin.
Ang nabanggit na pagpupulong ay kasunod na rin ng nangyaring pagsabog sa Esperanza, Sultan Kudarat, pamamaril sa bise alkalde ng Datu Saudi Ampatuan at maging ang bakbakan ng militar kontra sa

Maute Group.

Nabatid na kinilala na raw ng international terrorist group na Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang Maute Terrorist Group sa Mindanao. Kulong ngayon ang isang wanted person matapos na mahuli ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG North Cotabato mag-aalas dos ng hapon kahapon.
Kinilala ang suspek na si Jerwin Cabil na taga Sitio Bugwak, brgy. katipunan 2, Makilala, North Cotabato.

Nahuli si Cabil sa kasong rape na may criminal case number 3856-2016 na may petsang October 17, 2016.
Sa bisa ng warrant of arrest ng korte nahuli ang suspek sa mismong bahay nila sa nabanggit na lugar.

wala nang nagaa pa si Cabil nang posasan ng mga otoridad na ngayon ay nakakulong sa CIDG lock up cell sa Kiapawan City.
Ang Oplan pagtugis ng CIDG North Cotabato katuwang ang RPSB 12 ay bahagi lamang sa mas pinagting na kampanya nila kontra kriminal sa lalawigan.
Pursigido ngayon ang pamilya ng kinse anyos na babae na magsampa ng kaso laban sa 20 anyos na suspek matapos umano nitong gahasain ang anak nila sa isang barangay sa Mlang, North Cotabato.
Ayon kay Police Inspector Horlito Patrona, deputy chief of police ng Mlang PNP, nagpatala raw ang nabanggit na biktima kasama ang mga magulang nito kamakalawa.
Bago paman sila dumulog sa PNP ay humingi rin sila ng tulong mula sa barangay Council for Protection Of Children.

Isinalaysay ni Alyas Nena, di niya totoong pangalan sa mga otoridad, ang ginawa sa kanya ng suspek.
Ayon sa biktima naramdaman na lamang nito na may nakapatong sa kanyang lalaki habang natutulong sa kanyang kwarto.Agad naman itong nakahingi ng saklolo habang tumalilis naman papalayo ang suspek na ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga otoridad. Naging sentro sa State of the Children's Address ni Makilala Mayor Rudy Coagdan kahapon ang kanyang pasasalamat sa mga day care teachers ng bayan.
Para kay Mayor Coaogdan hindi raw madali para sa isang guro na magturo lalo na sa mga daycare pupils.

Maliban raw sa maliit na sahod ay kaakibat rin nito ang mataas na pasensya para saknilang mga estudyante.
Sa mensahe ng alkalde pinuri at pinasalamatan nito ang kanyang mga day care teacher's sa patuloy na paghubog ng pagkatao ng mga bata habang sila ay musmos palang. Samantala, ikinatuwa rin ni Mayor Coaogdan ang pagbaba ng mga undernourished na mga kabataan sa bayan ng Makilala.
Mula raw sa bilang na higit walong libong mga bata noong nakaraang mga taon nasa higit anim na raan na lamang raw ito ngayong 2016.
Dahil na rin ito sa tulong ng ibat ibang ahensya kagaya na lamang Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ipinapatupad na rin ang free basic education kung saan libre ng makapag-aral ang mga elementary at Highschool Students sa bayan.
Libre rin ang edukasyon sa kolehiyo sa mga nag-aaral sa MIST na siyang pinakaunang ipinatupad sa lahat ng mga bayan sa Pilipinas.Para kay Coaogdan, ang Children's month ay hindi lamang pagkakataon na kilalanin ang talento at halaga ng bawat bata kundi kung ano pang mga programa at proyekto ng gobyerno na pwedeng

maibigay sa kanila. KORONADAL CITY – Negatibo sa illegal na droga ang pamamahay ni
Maguindanao 2nd district board member Jofner Angas matapos ang
isinagawang raid ng Tacurong City PNP at Provincial Public safety company ng
Sultan Kudarat.

Sinabi ni PNP 12 information Officer PSupt Romeo Galgo Jr, na
nasa watchlist ng PNP ang pangalan ni Board Member Angas.

Sa isinagawang raid sa bahay nito sa Barangay New Isabela,
Tacurong city ay nandoon mismo si Board member Angas at ang pamilya nito.

Dagdag pa nito na isinagawa ang operasyon sa bisa ng search
warrant na inilabas ni Judge Melanio Guerero ng Regional Trial Court Branch 20
ng Tacurong City.

Dagdag pa ni Supt. Galgo na kahit naging negatibo ang kanilang
operasyon sa bahay ni Board Member Angas ay magpapatuloy parin ang pina-igting
na monitoring ng PNP sa mga drug personalities.

Hindi pa nagpapalabas ng reaksyon si Board member Angas sa
pagraid sa kanyang bahay at sa diumanoy pagkakasangkot nito sa illegal na
droga. Aprubado na sa Sangguniang Panlungsod ng
Koronadal ang Gender and Development Code ng lungsod matapos na magsagawa ng
special session noong lunes.

Sinabi ni Koronadal City Councilor Junnete Hurtado na syang
chairman ng committee nab ago matapos ang 2016 ay maibababa na sa mga barangay
ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Gender and Development code tulad
ng pagbibigay pansin sa kababaihan at mga kabataan sa lungsod.Dagdag pa ni Hurtado na mas magiging malakas pa ang commitment
ng LGU sa pagbibigay ng tulong sa mga grupo ng mga kababaihan at kabataan.
Magkakaroon din ng budget ang mga programa nan aka sentro sa mga basic social
services, community based environment plans and programs at mga training at
seminar.Matapos na maibaba ito sa mga barangay ay tututukan naman nito
ang mga departametong mayroong programa sa kabataan, kababaihan at kalalakihan.

Nabatid na ang Gender and Development Code ay ang kauna-unahang
code na naipasa sa Koronadal City.

Abot sa pitong kilong marijuana ang nakumpiska
ng Philippine Drug enforcement agency o PDEA 12 sa isang binata, dakong alas 6
ng gabi sa Purok Bañez, Barangay Zone 4, Koronadal City.Kinilala ni PDEA 12 Information Officer Kath Abad ang suspek na
si Keith Cuencia, 28 anyos, isang tricycle driver at residente ng nasabing
lugar.Nakuha sa isinagawang buy bust operation ang itim na garbage bag
na may tuyong dahon ng marijuana, 500 pesos na marked money, cellphone, sachet
na may recedue ng suspected shabu at iba pang drug paraphernalia.Paliwanag pa ng PDEA na nakuha umano ng suspek ang mga dried
marijuana leaves sa tri-boundary ng South Cotabato, Sarangani at Davao del Sur.Dagdag pa ni Abad na hindi lamang marijuana ang ibinebenta ng
suspek kundi pati na ang shabu dahil sa mga sachet na nakuha sa bahay nito.

Inihahanda na ng PDEA ang kasong isasampa laban sa suspek.

Siniguro ng Philippine National Police sa
Rehiyon 12 na nakahanda ang kanilang hanay habang nagpapatuloy naman ang opensiba
ng militar laban sa Maute terrorist group sa Lanao del Sur.Sinabi ni PNP 12 spokesperson PSupt Romeo Galgo Jr., na huwag
mabahala ang mga mamamayan sa mga posibleng pag-atake o anumang diversionary
tactic ng grupo sa mga karatig lugar dahil nakahanda ang PNP.Dagdag pa ni Galgo na sa mga ganitong sitwasyon ay agad na
nagbibigay babala ang kanilang tanggapan sa mga operating unit sa Probinsya,
lungsod at munisipyo para maghanda.Nagkakaroon naman ng checkpoint sa mga piling lugar para
masiguro na hindi makapasok ang nasabing grupo.

Voice// Si PNP 12 Spokesperson Police Superintendent Romeo Galgo
Jr. Tinanghal na most functional municipal council
for the protection of children o MCPC ang LGU Tampakan sa South Cotabato sa
isinagawang culmination program ng childrens month celebration.Sinabi ni South Cotabato DILG Provincial Director Lailyn Ortiz
na nakatanggap ang LGU Tampakan ng 40,000 pesos bilang premyo at trophy. Habang
2nd place naman ang Bayan ng Tupi na nakatangap ng 35,000 pesos at 3rd
place ang bayan ng Polomolok na may 30,000 pesos.Sa Barangay level naman ay nanalo ang Barangay Teresita sa bayan
ng Sto Nino bilang most functional Barangay council for the protection of
children na nakatangap ng 20,000 pesos bilang premyo.2nd place
naman ang barangay central, Surallah na nakatanggap ng 15,000 at 3rd
place naman ang Barangay Poblacion, Tupi na may 10,000 pesos na premyo.Dagdag pa ni Ortiz na nagging criteria sa pagpili ng most
functional MCPC at BCPC ay ang organization sa bawat munisipyo at barangay,
policies, plans at ang budget, mga accomplishments at ang mga isinasagawang
regular meetings.Sinabi naman ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na
makakatanggap ang mga nanalong municipyo ng tig-iisang day care center na
nagkakahalaga ng 1.2 million pesos.

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...

MagSur floods affect 50k residents

COTABATO CITY - Recent floods brought about by Southwest Monsoon in the past days have affected 10, 024 families in two towns of Maguindanao del Sur...