Wednesday Jun, 26 2024 10:21:06 AM

NDBC BIDA BALITA (11.29.16)

 • 16:24 PM Tue Nov 29, 2016
849
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

NOVEMBER 29,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Tulong para sa lumikas na residente sa Lanao del Sur dahil sa giyera, tiniyak ng provincial govt2. Driver ng Kidapawan Rescue 911 ambulance, kinasuhan ng pamilya ng nasawing mga pulis3. Limang taong gulang na bata, sa
South Cotabato ginahasa tiyuhin na
suspek, arestado.

4. MASA MASID program ng DILG, umarangkada na sa North Cotabato MINAMADALI na ngayon ng provincial
government ng Lanao del Sur ang pagbibigay ng relief assistance sa abot sa
dalawang libong indibidwal na lumikas matapos na umatake ang mga miembro ng
teroristang Dawlah Islamiya o Maute Group sa bayan ng Butig.

Sinabi ni Lanao del Sur provincial
information officer Salma Jayne Tamano na una ng nabigyan ng rasyong pagkain nitong
Linggo at magbibigay pa sila ng karagdagang ayuda anumang araw mula ngayon.

Sa ngayon ay umakyat na sa 35 ang
namatay sa panig ng Maute group sa nagpapatuloy na opensiba ng militar sa
Butig.

Sinabi ni Army’s 103rd Infantry Brigade
commander Col. Roseller Murillo na tuloy-tuloy at mas pinalakas pa nila ang
kanilang opensiba laban sa Maute group.

Sa pagtaya ni Murillo, nasa 300 na
armadong local terrorists ang umuukopa sa municipal town hall ng Butig.

Una nang sinabi ni Armed Forces of the
Philippines o AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na

nasa 13 mga sundalo naman ang sugatan
pero karamihan sa mga sugat ay hindi naman malubha.

Samantala, tahasan namang iniugnay na
ni Pangulong Duterte ang Maute Group sa ISIS.

Ayon sa pangulo, may mga maselang
impormasyon na nakuha ang intelligence group sa koneksyon ng dalawang grupo.

Dagdag pa nito, patuloy ang kautusan
niya sa mga otoridad ng matinding opensiba sa nasabing grupo sa Lanao del Sur.

NANGAKO
ang mga opisyal at mga miembro ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and
Management Council o CDRRMC na ipatutupad ng maayos ang Local Disaster Risk
Reduction and Management Plan sa lungsod.

Kaugnay
nito ay lumagda rin sila sa isang pledge of commitment kasunod ng week-long
planning workshop na pinangunahan ng United States Agency for International
Development o USAID katuwang ang city government.

Naging
paksa sa naturang workshop ang Climate Change Adaptation, Republic Act 10121,
the national Disaster Risk Reduction and Management plan, at pinag usapan din
ang kasalukuyang status ng sariling disaster risk reduction and management plan
ng lungsod.

Taong 2011
noong unang ipinatupad ang city's disaster plan at inaasahang sa susunod na
taon nakatakdang ipatupad ang mga update para sa naturang plano hanggang taong
2022.

Nabatid
na lahat ng mga barangay sa lungsod ay hinikayat din na magkaroon ng kanilang
sariling epektibong disaster plan.

Ang
CDRRMC ay pinangungunahan ni city administrator Dr. Danda Juanday, at ito ay
binubuo ng mga kinatawan mula sa PNP, Bureau of Fire Protection, Department of
Education, PAGASA, Civil Society Organizations, acadame, at ilang barangay
officials. TIYAK
NA madaragdagan ang init ng ulo ng mga motorista dahil epektibo na ngayong araw
ang one peso and 50 centavos na dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Unang
nagpatupad ng naturang big time oil price hike ang Pilipinas Shell Petroleum at
Flying V, na epektibo kaninang madaling araw.

Tumaas
ng P1.50 kada litro ang presyo ng gasolina, P1.20 ang kada litro sa diesel at
P1.40 kada litro sa kerosene.

Kanilang
alas sais ng umaga ay sumunod na ring nagpatupad ng dagdag-presyo ang iba pang
mga kumpanya ng langis.

Ayon
sa mga oil company, ang price adjustment ay bunsod ng malikot na galawan ng
kalakal sa world crude market at patuloy na pagbaba ng halaga ng piso kontra
dolyar.

Samantala,
sa Cotabato city, nagsimula na ring magpatupad ng oil price hike ang ilang mga gasoline
station sa lungsod simula kaninang hating gabi. MAGBABAWAS
daw ng kanilang inter-connection charges ang Globe at Smart Telecommunications
companies sa unang buwan ng susunod na taon.

Ibig
sabihin, bababa ang kasalukuyang call at text charges sa dalawang telcos.

itinuturing
itong welcome development ng ilang mga mambabatas sa Kamara.

Gayunpaman,
sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tuloy pa rin ang kanilang suporta
sa plano ni Pangulong Duterte na buksan sa mga dayuhang negosyante ang
telecommunication sector.

Ayon
kay Alvarez, bagaman at napakaganda ng naturang plano ng dalawang telcos ay
hindi raw maikaka-ila na ‘very lousy’ pa rin ang serbisyo ng mga ito.

Sa
panig naman ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, sinabi niton na
nagpapakitang gilas lang ang dalawang telcos dahil sa banta ni Duterte na
bibigyan ang mga ito ng mga ka-kompetensya sa negosyo.

Samantala,
sa Cotabato city naman, ipinatawag ni coucilor Bruce Matabalao ang mga
kinatawan ng PLDT MyHome DSL sa konseho para magpaliwanag sa napaka-bagal na
internet connection nito sa kanilang subscribers.

Ayon
kay Matabalao, naka-schedule ang kanilang gagawing inquiry sa susunod na buwan
bilang tugon sa dumaraming reklamong natatanggap ng konseho hinggil sa hindi
magandang serbisyong ibinibigay ng PLDT sa kanilang mga subscriber.

BINIGYANG-DIIN
ni Labor Sec. Silvestre Bello III, sya siya ring government chief peace negotiator,
na walang magiging balakid sa isinasagawang peace talks kasama ang Communist
Party of the Philippines o CPP kung maging sinsero ang magkabilang panig.

Sinabi
ni Bello sa kaniyang talumpati sa isinagawang symposium on the peace talks na
may temang The peacetalksand What could go wrong? , na naging urong-sulong ang
usapang pangkapayapaan sa mga nakalipas na administrasyon kaya't bumagsak ito.

Aniya,
kung magkakaroon ng tiwala sa isa’t isa ang gobyerno at ang National Democratic
Front of the Philippines ay tiyak na magbubunga ang usapang pangkapayapaan na
nag-umpisa pa noong 1986 para makamtan ang inaasam na lasting
peace.

Ayon
kay Bello, pag-uusapan nila sa susunod na round ng peace talk na gaganapin sa
Rome ang terms and conditions ng umiiral na indefinite ceasefire.

Ito ay
matapos lumutang ang mga reklamong militarisasyon at ang panununog ng mga
kasapi ng rebeldeng New People’s Army o NPA sa kagamitan ng mga kompaniyang
hindi nagbibigay ng revolutionary tax. Isa-isa na ang mga bayan sa probinsiya ng North Cotabato sa paglulunsad ng Masa Masid o (Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga.Sa bayan ng Kabacan, nagkaisang nangako ng suporta ang barangay officials, militar at mga pulis kahapon sa isinagawang launching ng nabanggit na programa para palakasin pa ang kanilang kampanya

laban sa droga.

Sinabi ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., binibigyan niya ngayon ng responsibilidad ang barangay officials para tumutok sa mga nangyayaring katiwalian at kriminalidad sa kanilang mga barangay.
Dahil sa naturang programa dala ngayon ni Guzman at nang iba pang mga concerned agencies ang malaking pag-asa para mapagtagumpayan nilang maisakatuparan ang pagbaba ng krimen sa bayan.Katunayan, iginiit ng opisyal na kung dati nasa gradong sampu ang mga gumagamit at nakadepende sa iligal na droga sa bayan, pero sa ngayon nasa dalawang puntos na lamang ito, dahil na rin sa

patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan kontra iligal na droga sa bayan.Bumaba rin ang mga krimeng naitatala sa bayan bunsod na rin ng pagbaba ng mga gumagamit ng iligal na droga na kadalasang nagiging sanhi ng krimen.

Umaasa na lamang ngayon si Mayor Guzman ng kooperasyon at pagtutulungan ng Kabakeños para tuluyan nang wakasan ang droga sa bawat sulok ng barangay.Ang MASA MASID isang bagong programa na ipinalabas ng Department of the Interior and Local Government sa ilalim ng adbokasiya ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Nagsampa na ng kaso kahapon ang pamilya ng tatlong mga miyembro ng PNP Special Action Force na nasangkot sa vehicular accident sa brgy.Paco Kidapawan noong madaling araw ng Sabado.Si Jofel Mangibunong siyang driver ng Call 911 ambulance ay nahaharap ngayon ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicides.

Sa inisyal naman na imbestigasyon ng Traffic Division ng Kidapawan City PNP, sa posisyon pa lamang raw ng 911 ambulance ay meron na itong mali.

Nabatid na nasa right lane naman ang motorsiklong sinasakyang ng tatlong mga SAF member nang mabangga ito ng 911 vehicle.Ito ang ibinunyag ni Police Chief Inspector Andres Sumugat, siyang OIC Chief of Police ng City PNP.

Magkaiba naman ito sa bersyon na sinasabi ng driver. Sa ngayon patuloy na tinutumbok ng mga otoridad ang tunay na pangyayari gayung wala namang nakakita sa insidente.
Samantala, sinubukan naman ng Radyo Bida News Team na kunan ng pahayag ang driver na si Mangibunong na nakakulong na City PNP lock up cell pero tumanggi itong magsalita. Nakatakdang ilunsad sa susunod na linggo ang kauna-unahang Provincial Anti-Drug Abuse Summit na gaganapin sa Kidapawan City.Ipinahayag ni Vilma Gonzales ng Provincial Advisory Council, sa naturang aktibidad, aasahan ang report mula sa DILG kung nasaan na sila sa pagpapakilala sa MASA MASID Program bilang bahagi ng

kampanya kontra iligal na droga.Magsasagawa rin ng report ang PNP kaugnay sa development at monitoring ng kanilang mga ginagawang programa na may kaugnayan sa pagsugpo ng droga.

Maging ang Religious Sector at Academe ay inaasahan ding magbibigay ng kanilang report kaugnay sa kanilang partisipasyon sa nabanggit na usapin.Inaasahan din ang presensya ng bawat chief executives ng lalawigan na sila namang magbibigay ngayon kahandaan sa mga Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC para aksyunan ang problema sa

iligal na droga sa kanilang barangay pati na ang mga kinakailangan budget para rito.Ang nabanggit na Summit ay nag-ugat sa patuloy ngayon na problema ng bansa, ang talamak na paggamit at pagbebenta ng iligal na droga.

Inaanyayahan naman ni Gonzales ang publiko na makilahok sa nasabing aktibidad dahil aniya, hindi lamang problema ng mga opisyal ang droga kundi laban na kailangan ang partisipasyon ng bawat isa. Abot sa 400 mga indibidwal mula sa bayan ng Mlang ang nakiisa at naging benepisyaryo ng outreach program kahapon ng Mlang LGU.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Mlang Rural Health Unit.Ayon kay Mlang Rural health Officer Dr. Glecerio Jun Sotea, 300 sa mga ito ang sumailalim sa medical consultation, 125 naman ang naka benepisyo sa libreng dental check up, 45 ang minor surgical

patients at 7 mga kababaihan ang naoperahan na may problema sa kanilang mga matres.Habang abot naman 37 mga medical doctors, dentist, surgeon at ob'gyne doktors ang nakiisa sa nasabing outreach program na karamihan ay tubong mlang.

Nagpasalamat naman si Sotea sa lahat ng tumugon sa kanilang panawagan hinggil sa nasabing aktibidad na layuning makapagbigay ng libreng serbisyong pangkalusugan lalong lalo na sa mga mahihirap

na residente ng lungsod.Samantala ngayong araw naman ilalahad sa publiko ni Mlang Mayor Russel Abonado ang kanyang state of the childrens address.
Abot sa tatlong daang mga mag-aaral mula pre-school hanggang Grade-6 sa ibat-ibang paaralan sa bayan ng Makilala, ang inaasahang maki-isa sa Children's Congress ngayong araw.Ayon kay Lina Cañedo, Municipal Social Wefare and Development officer sa na banggit na bayan, magkakaroon sila ng mga paligsahan para sa mga partisipante.

Lakip dito ang poster making, drawing, slogan making, maging ang pag pakita ng iba't-ibang talento nga mga kabataan.Magbibigay rin ang MSWDO ng award sa mga good performing Brgy. Council,dahil sa pag protekta sa karapatan ng mga bata, kung saan makakatanggap rin rin sila ng insentibo.

Layon nito, ay upang lalo pa silang mag pursige sa kanilang adbokasiya para sa kaunlaran ng mga kabataan.Magbibigay rin ng State of Children's Congress si Mayor Rudy Caoagdan.

Tema ng nabanggit na selebrasyon ay Isulong kalidad na Edukasyon para sa lahat ng Bata

NDBC BIDA BALITA
Nagpapatuloy pa rin ngayon ang Geo-tagging sa iba’t ibang mga eskwelahan sa region 12.
Ito ay pinangunahan ng Department of Education o Deped, at Department of Public Works and Highways o DPWH .Layon ng Geo-tagging na mailagay sa mapa ang lahat ng mga eskwelahan sa region 12.
Ayon kay Engineer Elgene Dequilla ng Deped, kapag malakip na sa mapa, mas magiging madali na sa ahensya ang pag-monitor sa mga eskwelahan.Nabatid na bago sinimulan ang geo-tagging, nagkaroon muna ng consultative conference ang DPWH kasama ang mga Information Technology o IT Officers ng bawat division office ng DepEd.
Ang geo-tagging sa mga eskwelahan ay bilang kabahagi ng paghahanda ng Deped sa school year 2017-2018.Kabilang sa binisita ng team mula sa Deped at DPWH ang mga eskwelahan sa bayan ng Lake Sebu sa South Cotabato.

NDBC News AM Nov 29
Headline and Limang taong gulang na bata, sa South Cotabato ginahasa, tyuhin na suspek arestado.Ginagamot pa sa isang ospital ang limang taong gulang na bata na nabiktima umano ng panggagahasa sa South Cotabato.
Magkahalong galit sa suspek at awa sa anak ang nararadaman ngayon ng ama ng menor de edad na rape survivor.Ito ay matapos makita na lamang na walang saplot ang paslit na anak sa puno ng mangga sa masukal na lupain di kalayuan sa kanilang bahay.Ayon sa Barangay Chairman ng barangay kung saan naganap ang pangaabuso,dahil sa pagaalala hinananap ng kanyang mga magulang ang bata dakong alas syete ng gabi kamakalawa.Nagpupuyos naman sa galit ang tatay ng matapos makita ang anak kaawa awang kalagayan ng anak.
Itinuturo naman ng rape survivor na umabuso sa kanya ang kanyang tiyuhin na pinsan ng kanyang ina.Ang biente anyos na suspek ay agad namang hinuli ng mga mamamayan bago pa tuluyang nakatakas at ngayon ay hawak na ng pulisiya.
Nabatid na dahil sa may tiwala sa pinsan, binalewala din ng ina ang pagyaya nito sa bata sa tindahan na bumili ng kendi habang nanonood ng TV sa kanilang bahay.
Kinumpirma ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na sa 100,000 na babaeng nagnganak sa lalawigan, 50 sa mga ito ang namamatay.Ayon kay Fuentes , naging dahilan nito ay ang pagiging iresponsable din na pangalagaan ang kanilang kalugusugan habang nagbubuntis.Sa katunayan ayon kay Fuentes, kumpara noong 2014, bumababa ang bilang ng mga buntis na dumulog sa mga health facility ng gobyerno para magpa-prenatal , masuri at mabigyan ng vitamin supplementation noong 2015Kaya sa kanyang state of the childrens address kahapon sa Koronadal National Comprehensive High School Gym, hinikayat ni Fuentes ang mga estudyante na kumbisihin na pumunta sa mga health center ang kanilang mga inang buntis.Ito ay upang matiyak ang kaligtasan at makinabang sa serbisyo ng gobyerno.
Sinabi ni Fuentes sa mga estudyante na sana maibigay ng mga ina sa kanilang mga nakababatang kapatid ang hindi naibigay sa kanila noon.Binigyan diin ni Fuentes na ang pangangalaga sa kalusugan ng bawat bata ay nagsisimula sa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina.
Isusulong ng lokal na pamahalaan ang pagtatag ng ng pockets of tourist attraction sa Koronadal City.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel dapat ay may dahilan ang mga turista na dumayo sa lungsod kahit na anong araw, hindi lamang sa mga panahon na may mga festival at selebrasyon.Sinabi ng alkalde na isa sa mga planong ilagay ng lokal na pamahalaan ang love lock bridge sa rotunda area.
Ang love lock bridge ayon kay Miguel ay kahalintulad din ng mga matatagpuan sa New York at Paris France .Ang sinumang tutungo dito at magpahayag ng pagmamahal ay makikita sa LED TV .
Sisimulan ang pagpapagawa nito sa susunod na buwan.
Ayon kay Miguel ang pagtatag ng pockets of tourist attraction ay bilang kabahagi ng tourism sustainable program ng city government.Ito ayon sa alkalde ay natutunan nito sa pagbisita sa ibang bansa. Nakuha ng pelikulang Pangandoy sa Panganod ang Best Film,Best Screenplay at Best Cinematography sa katatapos lang na Adolescent Health and Youth Development o AHYD Film Festival sa General Santos City.Tinanghal din na Best Actor at Best Actress ang bida ng mga pelikula na sina Princess Macaubat at Michael Ancheta.
Nanalo ring Best Director ang director nitong si Allan Ace Dignadice.Ayon kay Dignadice, nais nilang tulungan ang mga mamamayan sa Sitio El Gawel, Barangay Saravia, Koronadal kung saan kinunan ang pelikula
Tinalo ng pelikula tungkol sa 15 anyos na naging balakid ang kapansanan upang makapagaral at maabot ang pangarap ang 9 pang mga entries sa buong region 12.Matapos mapili na pinakamagaling sa region 12, ang KNCHS ang magiging kinatawan ng rehiyon sa National AHYD Film Competition sa kalakhang Maynila.Ang film competition ay tinataguyod ng Population Commission.
Layon nito na mahasa ang kasanayan ng mga kabataan sa paggawa ng pelikula tungkol sa mga pagsubok na kinakakaharap ng mga komunidad at makapagbigay ng inspirasyon sa mas maraming mamamayan. Umaapela si Tantangan, South Cotabato Chief of Police, Chief Inspector Verlin Pampolina sa mga mamamayan na makipagtulungan sa mga otoridad.
Ito ang ipinahayag ni Pampolina kasunod ng tangkang panunog sa husky Bus sa Barangay Maibu, Tantangan, kamakalawa ng gabi.Hiling ni Pampolina sa mga may alam sa insidente, makipagugnayan sa pulisiya para sa agarang paglutas sa insidente.
Inihayag ng police official na para sa pagpapanatili ng katiwasayan, kailangan din ng pulisiya ang tulong ng publiko.Pakiusap ni Pampolina sa mga commuter, maging mapagmatyag lalong lalo na kapag sumakay sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Pampolina, dapat bantayan ng mga mamamayan ang kapawa pasahero na sumasakay o bumaba sa mga kaduda dudang lugar.
Hiniling din ito sa mga commuter na agad na isumbong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisiya kapag may makitang kahina hinalang bagay o tao sa mga pampublikong sasakyan at lugar.
Matatandaan na dahil sa maagap na pagresponde ng mga concerned citizen nabigo ang mga umanoy nagpakilalang myembro ng New Peoples Army na sunugin ang Husky bus na byaheng Isulan patungong, Koronadal City.
Ito na ang pangatlong insidente ng panunog ng bus ng mga umanoy NPA sa region 12, matapos sunugid ang bus ng Yellow Bus Line sa Tupi, South Cotabato at Kiamba Sarangani province nitong Nobyembre.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...