Monday Jun, 24 2024 03:35:35 AM

NDBC BIDA BALITA (11.28.16)

 • 15:58 PM Mon Nov 28, 2016
877
By: 
NDBC

NEWSCAST

NOVEMBER 28,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DALAWA KATAO, sugatan sa pagsabog ng bomba sa Esperanza, Sultan Kudarat, pambobomba kinundina ni Cardinal Quevedo2. Mainit na pulitika, posibleng motibo ng pagbaril at pagpatay sa vice mayor ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.3. BUS, tinangka umanong sunugin ng mga
miembro ng NPA sa Tantangan, South Cotabato

4. Driver ng Rescue 911 sa Kidapawan, kulungan ang bagsak matapos ang aksidente na ikinasawi ng 3 pulis Mabuti na lamang ay kaunting sugat lamang ang tinamo ng dalawang mananampalatayang Katoliko na ngayon ay patuloy na nagpapagling matapos na tamaan sa splinter ng improvised explosive device o IED na sumabog sa labas lamang ng simbahan ng Our Lady of Hope sa Barangay Saliao, Ezperanza, Sultan Kudarat pasado alas sais ng umaga kahapon.Kinilala ang mga biktima na si Loren Amante, 26-anyos at John Reynan Castromayor, 30-anyos, na residente rin ng nabanggit na barangay habang may isa pang churchgoer na nadamay. Base sa report sa paa at kamay ang sugat ng dalawang biktima.Ayon kay Senior Superintendent Raul Supiter, provincial director ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, palabas na sana ang dalawang mga biktima nang sumabog ang bomba. Nabatid na inilagay raw ito sa mismong gate ng simbahan. Lumabas naman sa imbestigasyon ng mga otoridad na nakabalot ng itim ba tela ang naturang IED.Laman naman nito ay black powder na hinaluan ng mga alambre at pako na nakakabit sa isang cellphone at 9volts na baterya bilang power source. Nakikita nang mga otoridad na pananakot lamang ang motibo sa nabanggit na pagsabog pero kung ang Simbahan raw ang target ay patuloy pa itong iniimbestigahan ng mga otoridad.Samantala mariin naman kinondina ni REV. ORLANDO CARDINAL QUEVEDO, OMI, D.D. ang nabanggit na insidente. Para kay Cardinal Quevedo ‘pure terrorism,’ at, ‘irrational act of terrorism’ ang pangyayari. Paglabag rin raw ito sa religious freedom at belief ng mga inosenteng mananampalataya.Hinikayat ngayon ni Quevedo ang mga otoridad na laliman pa ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang nasa likod nang nasabing pagpapasabog. NDBC BIDA BALITA POSIBLENG MAY KINALAMAN sa politika ang
pagbaril at pagpatay sa bise alkalde ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao at ang
tiyuhin nitong tumatayong bodyguard.

Nakilala ang mga biktima na sina Vice
Mayor Anwar Sindatok, 46 years old at Sela Menamdang, 58, pawang mga taga –
Barangay Madia ng nabanggit na bayan.

Sinabi ni barangay chairman Resty
Sindatok na may lead na silang sinusundan kaugnay sa pagkamatay ng kanyang
kapatid.

Aniya, may ideya na rin sila hinggil sa
pagkakakilanlan ng mga suspek at ngayon ay nakikipagtulungan sila sa mga
otoridad para madakip ang mga ito.

Samantala, sinabi ni Maguindanao PNP Director,
Police Sr. Supt. Nickson Muksan na pasado
alas otso ng umaga nang pasukin ng mga suspek ang tahanan ni Sindatok.

Nakausap pa ng bise alkalde ang mga
suspek

bago siya barilin ng isa sa mga ito
gamit ang cal. 5.56 rifle.

Nabatid na mabilis namang tumakas ang
mga suspek sakay ng motorsiklo matapos gawin ang krimen.

Naniniwala naman ang mga otoridad na
kilala ng biktima ang mga suspek na bumaril at pumaslang sa kanila.

Naisugod pa sa pagamutan sina Sindatok
at Manemdang pero idineklara ang mga itong ‘dead on arrival’.

Sa ngayon ay nagdagdag na ng pwersa ang
mga pulis at sundalo sa bayan dahil sa posibleng gantihang mangyari sa pagitan
ng pamilya ng mga biktima at mga pinaniniwalaang suspek sa pamamaril.

Kauupo lamang ni Sindatok bilang vice
mayor ng Datu Saudi Ampatuan na dating 1st Councilor ng bayan.

Pinalitan nito si vice mayor Anida Abas
Dimaukom na humalili naman sa kanyang asawang si mayor Samsudin Dimaukom na
nasawi sa sinasabing anti-narcotics operation sa Makilala, North Cotabato noong
October 28. MARIING
ITINANGGI ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na ang kanilang grupo
ang nagpasabog ng bomba sa labas ng simbahan sa Esperanza, Sultan Kudarat
kahapon ng umaga.

Sinabi ni
BIFF spokesperson Abu Misri Mama na napagbibintangan lang ang kanilang grupo
subalit iginiit nito na hindi sila nagsasagawa ng pag-atake sa mga sibilyan.

Kaugnay nito,
ayon kay Mama, magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon para matukoy kung
anong grupo ang nasa likod ng naturang pagpapasabog.

Lumakas ang
paniniwala ng mga otoridad na BIFF ang may gawa ng naturang pambobomba dahil
bago ang pagsabog ay nakatanggap umano ng intelligence report ang mga lokal na opisyal
ng Sultan Kudarat, Maguindanao at North Cotabato na maglulunsad ng pambobomba
at surpresa na pananalakay ang mga miyembro ng grupo.

Dahil sa
lakas ng bomba na sumabog, tinamaan ang dalawang sibilyan na agad naman dinala
sa pagamutan at nasa ligtas ng kalagayan ngayon.

Samantala,
bukod sa BIFF, marami rin ang naniniwala na kagagawan ito ng mga local recruit
ng teroristang Jemmaah Islamiyah na dati nang sinasanay sa paggawa ng IED ng
napatay na Malaysian Terrorist na si Sulkipli Bin hir alyas Marwan. PATAY
ANG TINATAYANG NASA 11 MGA MIEMBRO ng Maute terror group habang limang iba pa
ang nasugatan sa mas pinalakas na opensiba na inilunsad ng militar sa Butig,
Lanao del Sur.

Sinabi
ni AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo na ang nasabing impormasyon ay mula mismo
sa kanilang intelligence unit.

Una
nang iniulat ng AFP na sinakop ng mga rebeldeng Maute group ang mga
abandonadong gusali sa Butig at itinaas ang bandila ng ISIS.

Samantala,
ayaw namang magbigay ng impormasyon ang militar kung nasaan ngayon ang naturang
rebeldeng grupo na patuloy na tinutugis ng mga sundalo.

Ayon
kay Arevalo, nagpapatuloy pa ang kanilang operasyon laban sa Maute Group.

Kinumpirma
naman ni Arevalo na dahil sa ongoing military operation sa lugar ay nagsilikas ang
mga sibilyan na nakatira doon.

Gayunman,
tiniyak nito na patuloy ang kanilang pagsisikap na pigilang makarating pa sa
mga katabing lugar ang bakbakan sa pagitan ng Maute at mga sundalo.

Nabatid
na sa panig ng militar apat na sundalo ang naiulat na nasugatan simula sa
operasyon kamakalawa.

Ayon
kay Arevalo, dalawang sundalo mula sa 49th Infantry Battalion ang nasugatan na
nagtamo ng minor wounds na nakilalang sina Corporal Jerome Colinares na
tinamaan ng shrapnel sa paa at Private First Class Nilo Abuid na tinamaan ng
shrapnel sa kanang balikat. Umaapela si Koronadal City Mayor Peter Miguel sa mga mamamayan na mariing ipatupad ang waste segregation o paghihiwalay ng nabubulok at di nabubulok na basura.
Sa pamamagitan nito ayon sa alkalde ay makatutulong ang publiko upang maibsan ang basura sa lungsod.
Ito ang ipinanawagan ni Miguel kasunod ng pagsara ng open dumpsite ng city government sa barangay Paraiso.
Aminado si Miguel na hindi napaghandaan ng mga barangay ang biglaang pagsara ng dumpsite matapos itong ipagutos ng Ombudsman.
Sinabi ni Miguel na walang magiging problema kapag ipatutupad ng mga mamamayan ang waste segregation dahil patuloy pa ring maghahakot ng nabubulok na basura ang City Environment and Natural Resources Office o CENRO.
Ito ay para dalhin sa mga Material Recovery Facility o MRF ng bawat barangay.
Habang ang mga risudual at toxic waste ay dadalhin sa landfill sa bayan ng Surallah.
Ayon kay Miguel ang mga plastic, bote, at iba pang recyclable waste ay maaring ibenta sa mga junkshop.
Naniniwala ang alkalde na mareresolba ang problema ng basura sa lungsod sa pamamagitan ng patuloy na pagpapaliwanag sa mga mamamayan na responsibilidad din ng mga ito ang maayos na pagtatapon ng kanilang mga basura.
May tulong na matatanggap mula sa Department of Labor and Employment o DOLE ang mga mangagawang maaring maapektuhan sa pansamantalang pagpapatigil sa operasyon ng ilang mga factory ng paputok sa rehiyon.
Ito ay ipatutupad ng ahensya sa tulong ng Bureau of Working Conditions.Matatandaan na ang Work Stoppage Order sa mga factory ng paputok na hindi sumusunod sa labor standards ay mariing ipinagutos ni DOLE Secretary Silvestre Bello III.Ayon kay DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib, Ito ay matapos ang pagsabog sa mga pagawaan ng paputok sa lalawigan ng Bulacan noong October 12 at November 23.
Ang aksidenteng pagsabog na ito ay ikinasawi ng limang tao at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa.Sinabi ni Gutib na ipinagutos ni Bello sa mga regional offices ng DOLE na mag-inspection sa mga pagawaan ng paputok sa mga lugar na kanilang nasasakupan.
Layon nito na matiyak na sumusunod sa Occupational and Safety Standards ang mga factory ng paputok upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa.Sa ngayon ay inaalam pa ng DOLE 12 ang mga factory ng paputok na kanilang isasailalim sa inspeksyon. Sisimulan na ang pagpapalawig sa Balmores lane patungong Barangay Concepcion sa Koronadal City sa susunod na taon.
Ito ay kinumpirma mismo ni City Engineer Ruel Tianson.
Ayon kay Tianson ang proyekto ay pinaglaanan ng lokal na pamahalaan ng P15 million.
Ipinahayag ni Tianson na inatasan na sila ni City Mayor Peter Miguel na makipagusap sa mga may ari ng lupaing maaring sakupin ng daan.
Layon ng paglalagay ng parallel lane sa Balmores Street na maibsan ang trapiko sa national highway.
Prayoridad din ngayon ng lokal na pamahalaan na tutukan ang mga pangunahing infrastructure projects.
Kabilang dito ang paggpapagawa ng mga drainage kanal na pinondohan ng mahigit P20 million.
Matagumpay na nagtapos sa Kabacan North Cotabato ang SCILIMPICS ng Department of Education o Deped 12 noong Sabado.
Ayon kay Deped 12 Information Officer Antonio Maganto, ito ay dinaluhan ng mahigit 500 elementary pupils at high school students sa pribado at pampublikong eskwelahan.Ayon kay Maganto ang scilimpics ay taunang isinasagawa ng Departamento para mahikayat ang mga mag-aaral sa pagbibigay halaga sa asignaturang science at maging sa ibat ibang sangay nito.Ngayong taon nakatuon ang kompetisyon sa pag-papahalaga sa pananaliksik lalong na sa paggamit ng Agham sa pagpapalaganap sa kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao.Ang mga participant ay nagpakitang gilas sa paggawa ng science investigatory research o project na binubuo ng anim na bahagi isa na rito ang robotics intelligent machine making.
Sinabi ni Maganto sa kauna unahang pagkakataon nagkaroon din ng paligsahan sa paggawaha ng exhibit sa robotics ang mga guro.
Nabigo ang umano’y nagpakilalang myembro ng New Peoples Army o NPA na sunugin ang isang Husky Bus sa Barangay Maibu, Tantangan, South Cotabato kagabi.
Ayon sa driver ng Husky bus na may body number 6088 na si Alex Gonzales, maliban sa dalawang pasahero nito na sumakay sa bayan ng Isulan, dalawang babae at dalawang lalaki pa ang sumakay sa tapat ng isang shopping center sa Tacurong City, lalawigan ng Sultan Kudarat.
Sinabi ni Gonzales na pagdating sa Bukay Pait tinutukan siya ng di matukoy na uri ng armas ng isa sa apat na pasahero ng sumakay sa Tacurong City.
Ayon kay Gonzales, inutasan siya ng suspek na imaneho ang bus papuntang Lagos Farm sa Barangay Maibu kung saan pinapatay din sa kanya ang ilaw nito.
Agad namang umakyat ng bus ang dalawa pang mga kasama ng mga suspek na naghihintay sa lugar , binuhusuan ng gasolina ang makina at binaril ang CCTV Camera ng bus.
Pagkababa ng iba pang sakay ng bus,saka nila ito sinalaban sabay takas.
Sa tulong ng mga mamamayan sa lugar, agad namang naapula ang apoy at nagkaroon lamang ng partial damage ang makina ng bus.
Nabatid na ang sinunog na bus ay mula Isulan, at papunta sanang Koronadal City.
Umaasa naman ang pulisiya na makatutulong ang narekober na hard disk ng CCTV ng bus sa kanilang imbistigasyon sa insidente.
Ito na ang pangatlong insidente ng panunog ng bus sa Region 12 ngayong buwan.
Matatandaan na ngayong NObyembre, dalawang mga bus ng Yellow Bus Line ang sinunog ng nagpakilala umanong NPA sa Tupi, South Cotabato at Kiamba, Sarangani Province. Posibleng ipapasara at ikakansela ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang lisensya at permits ng mga tindahang muling lalabag sa Curfew for Minors Ordinance sa Kidapawan City.Ito ang ipinahayag ng alkalde matapos ang mga naganap na gulo sa Kidapawan City Sports Complex.

Sinabi ni Mayor Evangelista na may nakitang bayolasyon na nilabag ang mga establisyemento sa nabanggit na lugar base sa imbestigasyon ng mga otoridad.

Pinapapasok at hinahayaan raw kasi ng mga may-ari na tumambay sa ilang mga bar sa KCSC ang mga menor de edad dis-oras ng gabi.
Bagay naman na malinaw na paglabag sa umiiral na Curfew for Minors ordinance ng lungsod.

Ilang pangyayari kasi na nangyari sa loob ng KCSC nitong mga nakaraang linggo ay may kaugnayan sa ilang menor de edad na nagresulta ng kamatayan at pagkasugat ng ilang mga indibidwal.
Base sa imbestigasyon, isa sa mga menor de edad na sangkot sa gulo ay lider ng isang Gang ng mga kabataan sa Kidapawan.

Ayon sa alkalde hindi lamang ang mga pwesto sa loob ng KCSC ang binabalaang ipapasara kundi pati na sa lahat ng mga nagmamay-ari ng establisyemento na lumabag sa ordinansa na mag kaugnay sa Curfew Hours ng lungsod.
NANANATILING nasa kustodiya ng Kidapawan City PNP ang driver ng ambulance ng Call 911 na si Joefel Mangibunong.

Si Mangibunong ang nagmaneho sa ambulansiya ng Call 911 na sumalpok sa kasalubong na motorsiklo kung saan sakay rito tatlong mga miyembro ng Special Action Forces o SAF sa kahabaan ng Barangay Paco, nitong Sabado ng madaling araw.
Patay ang tatlong mga pulis na kinilalang sina PO3 Randy Baquiran, PO1 Arjay Quibal, at PO3 James Bangayan, pawang miyembro ng 45th SAF company.

Sa imbestigasyon ng Traffic Division ng Kidapawan City PNP, nabatid na parehong may kamalian o ‘human error’ ang driver ng dalawang sasakyan.

Pero ayon kay deputy city police director, Chief Inspector Andres Sumugat, nakapasok na sa lane ng motorsiklo ang ambulansiya nang maganap ang salpukan.
Agad din na isinailalim sa intoxication test ang driver ng ambulansiya. Nag-negatibo raw ito sa nakalalasing na inumin, ayon kay Public Division chief at Call 911 head, Psalmer Bernalte.

Ang insidente ay patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad

SOTand BERNALTE
Si Psalmer Bernalte ng Public Safety Division ng Kidapawan City Government.
Nakuha ng Cotabato Division ang 2nd Place sa katatapos na Regional Eco-Scilimpics 2016 na ginanap sa Kabacan Pilot Central Elementary School nitong Sabado.

Ito ay ayon kay Education Program Supervisor at focal person in Science Cotabato Division Lenie Forro.Nakuha naman ng General Santos City ang first place, at 3rd place naman ang Kidapawan City Division.

Ayon kay Forro, ang mga nagwaging kalahok sa nasabing aktibidad ay magiging pambato ng Region 12 sa National Science Fair sa February 13-17 sa susunod na taon sa Metro Manila.Sinabi ni Forro na ang napanalunan ng Cotabato Division ay ang sumusunodand Science Investigatory Project- 1st Place Team Quiz- 1st Place 2nd Place sa applied Science Investigatory Project 2nd Place sa Science Investigatory Project Life Individual at 2nd Place din sa Creat, show and tell sa elementary category.Ang scilimpics ay taunang isinasagawa ng Kagawaran upang mahikayat ang mga mag-aaral sa pagbibigay halaga sa asignaturang science at maging sa ibat ibang sangay nito.

Ngayong taon naging pokus ng kompetisyon ang pag-papahalaga sa pananaliksik lalong lalo na ang maka agham, bilang pangunahing gamit sa pag-papalaganap ng importansya ng kalikasan sa buhay ng tao.
Wala nang nagawa pa ang may-ari ng isang establisyemento sa Kidapawan City kundi magpa blotter na lamang sa PNP matapos na pasukin ito ng mga magnanakaw.Abot naman sa halos isang milyong pisong cash ang natangay ng mga kawatan.

Ayon sa di nagpakilalang may-ari ng establisyemento pasado alas otso ng umaga kahapon ng madiskubre na pinasok ang kanilang tindahan ng mga di pa kilalang suspek.Nabatid na haslos isang milyong pisong cash ang natangay ng mga kawatan na nakalagay pa sa safety vault sa pamamagitan ng pagsira sa lock nito.

Dagdag pa ng may-ari natangay rin ang ibang pera na nakalagay sa drawer sa loob ng kanilang opisina.Tinangay rin ang Digital Video Recorder at sinadyang sirain ang hard drive para ang CCTV footage ay hindi makita.

Pero base sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives, may nakuha silang tatlong mga standard fingerprints na subject ngayon for forensic Examination.Nabatid na ang naturang building ay walang tao mula noong sabado hanggang sa oras ng pagkadiskubre, pagbubunyag pa ng may-ari.

Ang insidente ay patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad para sa posibleng pagkakatukoy at pagkakahuli sa mga suspek.

NDBC BIDA BALITA

11 Dawlah Islamiya terrorist group members surrender to Army in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na sugpuin ang terorismo, tinulungan ng 6th Infantry Battalion (6IB...

Caritas Philippines to launch award in memory of ‘social action pillar’ in PH

Caritas Philippines is introducing an award to honor diocesan social action centers (DSACs) that have done exceptional work. Bishop Jose Colin...

Village exec in firearms deal slain ni Lanao Sur ops

COTABATO CITY — An incumbent village chair in Lanao del Sur was killed when he resisted arrest and traded bullets with the agents of Criminal...

Survey shows BARMM likely voters unaware of 2025 poll processes

COTABATO CITY  – The majority of likely voters in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) lack awareness of the new voting...

Selection of officials for 8 Bangsamoro towns on

COTABATO CITY - Bangsamoro regional officials are now screening applicants for mayor, vice mayor and municipal councilors for the eight newly-...