Monday Jun, 24 2024 02:33:38 AM

NDBC BIDA BALITA (11.26.16)

 • 17:37 PM Sat Nov 26, 2016
694
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

NOVEMBER 26,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MIEMBRO ng third sex, patay matapos
pagbabarilin sa Cotabato city. Third sex, suspect sa pagpatay sa Koronadal City

2. Anak ng principal sa Maguindanao, natagpuang patay.

3. CLASSROOM na bigay ng Japan,
magagammit na ng mga mag-aaral sa Tantangan, South Cotabato

4. Tboli, South Cotabato, may maganda at epektibong solid waste management program INAALAM PA RIN ngayon ng Cotabato City
PNP ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo ng mga ito sa pagbaril at
pagpatay sa isang miembro ng third sex sa lungsod.

Kinilala ng City PNP ang nabaril at
napatay na biktimang si Faizal Doton Edris alyas Darla , walang trabaho at taga-
Biniroan, Barangay Poblacion Nuebe.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga
otoridad, pasado alas dose ng madaling araw kahapon nang pagbabarilin ng di pa
kilalang suspek ang biktima sa Datu Almanza Street, barangay Rosary Heights 3.

Batay sa ulat ng mga residente sa
lugar, nagising na lamang sila nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.

Samantala, nang magresponde ang mga
pulis, bangkay na lamang ni Edris ang kanilang naabutan na duguan at
nakahandusay sa tabing daan.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t
ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na pinaniniwlaaang nagmula sa cal.
45 pistol, base sa mga basyo ng balang natagpuan sa lugar. PATAY NA nang
matagpuan sa stock room ng Dalican Pilot Elementary School, sa Datu Odin
Sinsuat, Maguindanao ang anak ng isang elementary school principal sa bayan.

Nakilala ang
nasawi na si Norhamin Alim Sumagka, 23 years old, walang trabaho at anak ni Yapanto
Sumagka, school principal ng naturang paaralan.

Sinabi ng ina
ni Norhamin na si Amira Sumagka, noong Martes pa ng hapon, November 22,
nawawala ang kanyang anak.

Aniya,
kahapon ng umaga lamang natagpuan ng kanyang ama si Norhamin na wala ng buhay
sa loob ng stock room ng nabanggit na paaralan.

Sinasabing
nagpakamatay umano si Norhamin subalit hindi naniniwala rito ang kanyang ina.

Sa ngayon,
sinabi ni Amira na ini-imbestigahan na ng mga otoridad ang insidente.

Aniya pa, isinailalim
din sa autopsy ang bangkay ni Norhamin bago ito tuluyang ilibing. Hindi pa rin batid ng pulisiya kung ano ang motibo ng dalawang suspek sa pagpatay sa isang negosyante sa Sto. Nino, South Cotabato. Kinilala ni Sto. Nino PNP Investigator SPO4 Herculano Tardaguela ang biktima na si Jay Hidalgo, 40 anyos, may ari ng Agricultural Supply sa katabing bayan ng Norala, South Cotabato.Ayon kay Tardaguela si Hidalgo ay binaril ng dalawang mga salarin habang nagmamaneho ng kanyang pick up truck sa crossing Guinsang-an Sto. Nino kahapon ng umaga.Nabatid na ang biktima ay pauwi na sana sa Norala mula bayan ng Surallah ng tambangan ng mga salarin na nagaabang na sa kanya sa lugar. Ayon kay Tardaguela ang negosyanteng biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa mukha at iba pang parte ng katawan na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.Ang dalawang mga suspek ay tumakas sakay din ng dalawang motorsiklo matapos gawin ang krimen. Ayon kay Tardaguela narekober ng mga pulis sa crime scene ang mga basyo ng 45 pistol na posibleng ginamit sa pagbaril sa biktima. SA
KAUNA-unahang pagkakataon ibinunyag ng pamunuan ng 7th Infantry Battalion
Philippine Army na wala silang nakikitang illegal drug trade activity sa bayan
ng Datu Montawal.

Sinabi
ni Army’s 7th Infantry Battalion Commander Col. Ciriaco Lomase na tinutukan
nila ang nabanggit na bayan matapos mapabilang sa watchlist ng P. Duterte
kaugnay sa kampanya kontra droga.

Pinangalanan
ni Lomase ang bayan ng Pikit na isa sa sentro ngayon ng kanilang monitoring
matapos mapaulat na marami pa din ang pasimpleng nagtutulak at gumagamit ng
droga.

Habang
kampante namang ipinahayag ng opisyal na drug free na ang bayan ng Montawal
batay na rin sa kanilang assessment katuwang ang PNP.
Nagsalita
rin si Police Inspector Noli Sudaria, chief of police ng bayan patungkol sa
ipinatutupad nilang Oplan Tokhang.

SA
GINANAP na Barangay Anti-Drug Abuse Council at Municipal Anti Drug Abuse
Council, muling nagbabala si Mayor Vicman Montawal at Vice Mayor Datu Ohto
Montawal sa mga pasaway na drug pushers at users. MAS
NAGIGING EPEKTIBO pa ang operasyon ng militar kontra Abu Sayyaf Group o ASG sa
Sulu at Basilan.

Ito ay
matapos ang sunud-sunod na pagsuko ng mga ASG member at pagbaba ng insidente
kidnapping sa lugar.

Ipinagmalaki
ni Armed Forces of the Philippine chief of staff General Ricardo Visaya na ito
ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan na sumusuko ang mga miyembro ng ASG
nang sabay-sabay.

Sinabi
pa ng opisyal na tutungo siya sa Basilan at Sulu sa unang linggo ng Disyembre
para gabayan ang mga tropa ng pamahalaan para mai-turn over niya ang pamunuan.

Humakot ng apat na ginto dalawang silver at tatlong bronze medal sa 3rd Philippine Archery Cup sa Baguio City ang mga atleta ng Koronadal City.
Ang mga ito ay pawang mga myembro ng Koronadal Archery Team o CKAT.
Kabilang sa mga nakasungkit ng gintong medalya sa 50 meter distance ng patimpalak sina Mark Christian Suela at Francine Basadre na naging silver medalist din sa Olympic round
Gold medal din ang nakuha sa 20 meter distance ni San Andrei Ladao.
Si Precious Micah Basadre ay nakakuha din ng gold medal sa Olympic round.
Nakapaguwi rin ng silver medal sa Olympic round si John Tomas Franco na nakakuha rin ng bronze medal matapos makapasok sa qualifying round.
Nakasungkit ng bronze medal sina John Carlo Loreno at Christian daut sa Olympic round.
Ayon naman sa mga nanalong atleta, maliban sa disiplina at puspusang pagsasanay, malaking tulong din sa kanilang tagumpay ang suporta ng lokal na pamahalaan.
Pinasalamatan din ng ng mga ito sina Deped Koronadal City Sports Supervisor Napoleon Comicho at mga coaches na sina Florentino Basadre at Rollymer Loreno.
Nakuha ng Lugan Central Elementary School sa bayan ng T’boli, South Cotabato ang unang pwesto sa 2016 Search for Model School in Solid Waste Management o SWM Implementation ,Elementary Category.
Pangalawa ang Namnama Elementary School sa KOronadal City.
Pangatlo ang Talahik Elementary School sa bayan ng Surallah , pangapat ang Santa Cruz Elementary School sa Koronadal City at Panglima ang Puti Elementary School sa bayan ng Norala.
Sa Secondary level nanguna naman ang Colongulo National High School sa Surallah,at pangalawa ang Poblacion Polomolok National High School sa bayan ng Polomolok.
Hindi naman nagpahuli ang Marbel 7 National High School sa Koronadal City na nasa pangatlong pwesto, pangapat ang Sergio Legayada National High School at panglima ang Guinsang-an National High School pawang mga nasa bayan ng Norala.
Ang mga nagwagi ay tumanggap ng P50,P30, P20,P10, at P8 thousand pesos incentive.
Ang mga finalist na hindi pinalad na mapasok sa top 5 ay tumanggap ng tig P5 thousand.
Ang mga nagwagi ay pinarangalan kasabay ng 5th Recycble Waste Fair ng South Cotabato sa Koronadal City kahapon.
Ayon kay Provincial Environment and Management Officer Seigfred Flaviano, layon ng Search for Model School in Solid Waste Management Implementation na parangalan ang mga eskwelahan na pinakamagaling sa pamamahala ng kanilang mga basura.
Mapapakinabangan na mga grade 7 hanggang grade 10 pupils ng Dumadalig Elementary School, sa Tantangan, South Cotabato ang tatlong units ng dalawang school building na bigay ng pamahalaang Japan.
Ito ay matapos pormal nang mai-turn over ng Japanese Government sa provincial government.
Ang proyekto ay pinondohan ng P4 million ng Japan Bangsamoro Initiatives for Reconstruction and Development o J-BIRD.
Nagbigay naman ng P2 million bilang counterpart sa proyekto ang South Cotabato Provincial Government.
Layon ng programa na mapanatili ang kapayapaan sa mga conflict affected areas sa Mindanao.
Kaakibat ng turnover ceremony ang pagbibigay din ng Japanese government ng mga silya at teacher’s table.
Ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes, ipinagpasalamat nito ang tulong sa lalawigan ng Japanese Government.
Matapos ang matagumpay na pagpapatupad ng programa, umaasa si Fuentes na makatatanggap pa ng dagdag na tulong mula sa Japan ang lalawigan.
Nabatid na ang turn over ceremony sa proyekto ay dinaluhan mismo ng mga kinatawan ng embahada ng Japan sa Pilipinas.
Binigyan diin ni Koronadal City Mayor Peter Miguel na kabutihan ng mga mamamayan ang prayoridad ng city government kaya naantala ang pagbili ng lupang paglalagyan ng sanitary landfill.
Ayon kay Miguel, hindi itinuloy ang pagbili ng city government ng lupang pagari ng pamilya Kamaymayan sa barangay Paraiso.
Ito ay matapos matuklasan na hindi ligtas para paglagyan ng sanitary landfill o SLF ang lugar.
Sinabi ni Miguel na ang tubig na madalas naging sanhi ng mga pagbaha sa lugar ay mula mismo sa lupang plano sanang paglagyan ng SLF.
Ipinahayag ni Miguel na para hindi malagay sa peligro ang mga mamamayan sa Purok Pagasa, Paraiso, iniutos nito sa Technical Working Group na maghanap ng ibang lupain.
Ayon sa alkalde, posibleng ilagay ang sanitary landfill sa lupain na nakita ng TWG na nasa mababang bahagi ng barangay Paraiso at malapayo sa pamayanan.
Matatandaan na dahil sa kabiguan na magtayo ng sanitary landfill ipinagpaliwanag ng Ombudsman ang mga lokal na opisyal ng Koronadal City.
Hindi pa rin batid ng pulisiya kung ano ang motibo ng dalawang suspek sa pagpatay sa isang negosyante sa Sto. Nino, South Cotabato.
Kinilala ni Sto. Nino PNP Investigator SPO4 Herculano Tardaguela ang biktima na si Jay Hidalgo, 40 anyos, may ari ng Agricultural Supply sa katabing bayan ng Norala, South Cotabato.
Ayon kay Tardaguela si Hidalgo ay binaril ng dalawang mga salarin habang nagmamaneho ng kanyang pick up truck sa crossing Guinsang-an Sto. Nino kahapon ng umaga.
Nabatid na ang biktima ay pauwi na sana sa Norala mula bayan ng Surallah ng tambangan ng mga salarin na nagaabang na sa kanya sa lugar.
Ayon kay Tardaguela ang negosyanteng biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa mukha at iba pang parte ng katawan na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.
Ang dalawang mga suspek ay tumakas sakay din ng dalawang motorsiklo matapos gawin ang krimen.
Ayon kay Tardaguela narekober ng mga pulis sa crime scene ang mga basyo ng 45 pistol na posibleng ginamit sa pagbaril sa biktima.

11 Dawlah Islamiya terrorist group members surrender to Army in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na sugpuin ang terorismo, tinulungan ng 6th Infantry Battalion (6IB...

Caritas Philippines to launch award in memory of ‘social action pillar’ in PH

Caritas Philippines is introducing an award to honor diocesan social action centers (DSACs) that have done exceptional work. Bishop Jose Colin...

Village exec in firearms deal slain ni Lanao Sur ops

COTABATO CITY — An incumbent village chair in Lanao del Sur was killed when he resisted arrest and traded bullets with the agents of Criminal...

Survey shows BARMM likely voters unaware of 2025 poll processes

COTABATO CITY  – The majority of likely voters in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) lack awareness of the new voting...

Selection of officials for 8 Bangsamoro towns on

COTABATO CITY - Bangsamoro regional officials are now screening applicants for mayor, vice mayor and municipal councilors for the eight newly-...