Monday Jun, 24 2024 04:06:54 AM

NDBC BIDA BALITA (11.25.16)

 • 17:44 PM Fri Nov 25, 2016
807
By: 
NDBC

NEWSCAST

NOVEMBER 25,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MATATAAS NA URI ng armas at drug
paraphernalia sa bahay ng punong barangay sa Midsayap, North Cotabato.

2. ISANG PAARALAN sa North Cotabato na
nagsuspende ng klase dahil sa baha, nagbukas na muli ng klase.

3. BUS, sinunog ng mga armadong lalaki sa
Kiamba, Sarangani

4. Hotline kotnra krimen, inlunsad sa Cotabato City5. DARBCI vice chair sa Pomolok, binaril patay IBA’T IBANG URI ng matataas na kalibre
ng mga baril ang nakumpiska ng mga otoridad nang halughugin ng mga ito ang
bahay ng isang punong-barangay sa Midsayap, North Cotabato.

Sinabi ni Midsayap PNP chief, police Supt.
BERNARD TAYONG na kanilang ni-raid ang bahay ng suspek na si

barangay Lomopog chairperson Renz Tokoran
pasado alas dose ng tanghali kahapon.
Ayon kay Tayong, ang naturang hakbang
ay sa bisa ng search warrant na inisyu ni RTC Branch 16 Judge Rex Betoya.

Nabatid na bukod sa mga high powered
firearms, nakumpiska rin sa naturang bahay ang ilang mga drug paraphernalia.

Hindi naman naabutan ng raiding team si
Tokoran na mabilis na tumakas nang matunugan ang paparating na mga otoridad.

Samantala, pinasalamatan naman ni
Tayong ang iba’t ibang mga grupong kanilang naging katuwang para magtagumpay
ang naturang operasyon. PATAY NA nang
makarating sa pagamutan ang vice chairman ng Department of Agrarian Reform
Beneficiaries Cooperative o DARBC matapos binaril ng riding-in-tandem sa
Polomolok, South Cotabato.Kinilala
naman ng Polomolok PNP ang biktima na si Carlos Ramo, residente rin ng naturang
bayan.

Sa inisyal na
imbestigasyon ng mga otoridad, hinatid lang ng biktima ang kanyang anak sa
terminal subalit pagsapit sa Banaba corner Dahlia Street ay hinarang siya ng
dalawang mga suspek at binaril ng tatlong beses.

Nakuha sa
crime scene ang tatlong basyo ng bala mula sa caliber 45 pistol.

Ayon naman sa
asawa ng biktima na si Fe, matagal nang may death treath ang kanyang mister.

Duda ang mga
imbestigador na may kinalaman sa trabaho ang pagkamatay ni Ramo.

Posible ring
mga hired killer ang bumaril sa biktima. BALIK
NA MULI sa trabaho ang People’s Medical Team ng Maguindanao provincial
government.

Kahapon,
abot sa mahigit 400 inidibdwal na karamihan ay mga bata at nakatatanda sa Datu
Piang, Maguidanao, ang naka -benipisyo sa libreng medical, surgical at health
services.

Sabi
ni Estandarte, katuwang nila sa naturang misyon kahapon ang Philippine Army.

Nabatid
na magsasagawa ng kahalintulad na serbisyo ang People’s Medical Team kada
linggo sa mga liblib na barangay sa iba’t ibang mga bayan sa Maguindanao.

Samantala,
ngayong umaga naman ay maglulunsad din ng Medical Mission ang ARMM HEART
katuwang ang Department of Health o DOH ARMM sa mga pamilyang apektado ng
kaguluhan sa Talitay, Maguindanao.

Sinabi
ni Myrna Jo Henry ng ARMM HEART, bukod sa medical at health services ay
mamamahagi rin sila ng food packs sa mga benipisyaryo.
Matatandaang
lumikas ang ilang mga residente sa naturang bayan simula nang maglunsad ng raid
ang PNP at AFP sa bahay ng alkalde ng bayan.

Nagkaroon
din ng manaka-nakang putukan sa lugar para maitaboy ang mga armadong grupo doon.

NATANGGAP
NA ng informant ang 5.9 million pesos na inilaang reward money ng Armed Forces
of the Philippines o AFP matapos ang pagkaka-neutralize sa dalawang miyembro ng
Abu Sayyaf Group na sangkot sa kidnap for ransom activities.

Ayon
kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, ang reward money ay
paghahatian ng dalawang informants matapos matagumpay na maaresto si Suhud
Yakan alyas Ben Yasser at pagkakapatay kay ASG sub-leader Sihatra Muallam Asmad
alyas Latip.

Base
sa rekord, si Asmad ay sangkot sa pagdukot sa mga foreign guests at mga
trabahador sa Sipadan Beach Resort sa Sabah, Malaysia noong Abril 2000 at
kidnapping sa mga miyembro ng Jehova’s Witnesses sa Patikul, Sulu noong August
2000.

Si
Asmad ay wanted sa anim na bilang ng kasong kidnapping at illegal detention at
may patong sa ulo na 5.3 million pesos pero napatay ito sa isinagawang
operasyon noong May 23, 2014.

Habang
si Yakan naman na wanted sa kidnapping at serious illegal detention sa pagdukot
sa 15 at pagpatay sa dalawang residente ng Golden Harvest Plantation noong June
11, 2001 sa Brgy. Tairan Lantawan, Basilan ay naaresto noong June 2001.

May?patong siyang 600
libong piso sa kanyang ulo. INILUNSAD
ng Office of the Cotabato City Mayor ang programang I-text mo kay Mayor
Cyn hotline.

Sinabi
ni city information officer Halima Satol-Ibrahim na ano mang oras ay maaari ng
direktang magsumbong kay city mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi ang mga
mamamayan ng lungsod hinggil sa anumang mga nagaganap na krimen.

Ayon
kay Satol, tumawag o magtext lamang sa HOTLINE NUMBERS 0949 896 6111 para sa
mga SMART, TALK N TEXT o SUN subscribers o kaya sa 0927 477 8111 para sa mga
GLOBE at TM subscribers, para sa kanilang mga gustong isumbong sa alkalde.

Sabi
ni Satol, maaari ring magbigay ng komento sa mga programa ng City Government o
kaya ay magmungkahi ng iba pang mga dagdag na programa at serbisyo kay mayor
Sayadi sa pamamagitan ng naturang mga numero.

Una ng
binigyang diin ni mayor Sayadi na bilang public servant ay obligasyon niya na
pakinggan ang anumang gustong sabihin ng kanyang mga constituent.

Umaasa
naman ang alkalde na sa pamamagitan ng naturang hotlines ay mas mapapa igting
pa ang kampanya ng lokal na pamahalaan at kapulisan kontra iligal na droga at
kriminalidad.

Samantala,
binalaan naman ni Satol ang mga aabuso at manloloko sa hotline at gagawa ng crime
jokes o ‘bomb jokes’ na maaari silang
maharap sa kaukulang penalidad at parusa.

Hourly News Nov 25
Nagpatupad ng force evacuation sa mahigit 20 pamilya sa Sitio Lodol, Barangay Assumption, Koronadal City ang lokal na pamahalaan.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano, layon nito na matiyak ang kanilang kaligtasan sa posibleng landslide at mga pagbaha sa kanilang lugar.
Ito ay kasunod ng pananalasa ng bagyong Marce sa ilang lugar sa Mindanao.
Ang mga inilikas na pamilya o mahigit 40 mga indibidwal ay pansamantalang nanatili sa Gym ng Purok Ramos sa Barangay Santa Cruz.
Nagbigay na rin ng paunang tulong na pagkain para sa mga inilikas na mamamayan ang lokal na pamahalaan.

Nakadepende pa sa makukuhang ebedensya sa kanya ang kasong isasampa laban sa beautician na si Dennis Villanueva.
Ito ay ayon kay National Bureau of Investigation o NBI 12 Regional Director Agusto Eric Isidro.Matatandaan na si Villanueva ay isa sa mga suspek sa pagpatay kay Bertito Alojado IV na natagpuang naagnas na sa basurahan sa Sinsuat Street, Barangay Zone IV, Koronadal kamakailan lang.Ayon kay Isidro ang suspek ay maaring makasuhan ng homicide o murder, depende sa resulta ng imbistigasyon ng Scene of the Crime Operatives o SOCO ng pulisiya.
Nauna nang itinanggi ni Villanueva na siya mismo ang pumaslang sa construction worker na biktima.Iginiit nito na pinagtulungang bugbugin ng mga tambay si Alojado hanggang sa tuluyan itong bawian ng buhay.
Matatandaan na si Villanueva ay sumuko mismo sa NBI 12.

Mapapakinabangan na ng daang daang mga estudyante ang bagong silid aralan sa Dumadalig Integrated School sa Barangay Dumadalig, Tantangan, South Cotabato.Ito ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes ay matapos pormal ma maiturn over ng Japanese Government ang gusali kahapon.Dumalo sa turn over ceremony si Fuentes, ilang mga lokal na opisyal at kinatawan mula sa Japanese government.Ang proyekto ay pinondohan sa pamamagitan ng Grant Assistance for Grassroots Human Security Projects o GGP ng Japanese Embassy.

Inalaam pa rin ng pulisiya kung sino ang mga suspek at ano ang motibo ng mg ito sa pagpatay sa isang dating barangay Kagawad sa bayan ng Isulan, lalawigan ng Sultan Kudarat.Kinilala ang biktima na si David Dwight Domingo, 46 anyos , negosyante at dating Kagawad ng Barangay Kalawag 2, Isulan kung saan din siya binaril.Ayon kay Isulan Chief of Police, Superintendent Joefil Siason, ang biktima ay binaril ng riding tandem na mga suspek habang papauwi na sa kanilang tahanan kamakalawa.
Si Domingo ay nasawi dahil sa matinding dalawang tama ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang dalawang basyo at apat na bala ng hindi pumutok na baril. Nagpapatuloy ngayon ang pamamahagi ng libreng bigas ng Cotabato Provincial Government para sa mga mahihirap o kabilang sa mga poorest of the poor families sa lalawigan.Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Vergelita Guillaran, tapos na ang distribusyon ng bigas o year-end rice relief assistance sa mga bayan ng Alamada kung saan may 19,153

pamilya ang nabigyang bigas, abot naman sa 7,384 pamilya sa bayan ng Libungan at higit sampung libong pamilyang mula sa bayan ng Aleosan.Kabilang rin sa nagpapatuloy na rice relief assistance ang bayan ng Makilala at Pikit.

Ayon kay Guillaran tig-limang kilong bigas ang laman ng bawat bag na ipinamamahagi ng PSWDO.Sinabi pa ng opisyal na ginagawa ng provincial government ang lahat ng paraan upang matulungan ang mga mahihirap na pamilya lalo na iyong mga naapektuhan ng mga kalamidad tulad ng drought, flash

flood at mga pamilyang apektado ng karahasan at away ng naglalabang grupo o pamilya.Samantala nilinaw naman ni Makilala MSWD Officer Lina Cañedo na huling batch na ang kanilang ipinamahaging bigas noong nakaraang linggo sa mga barangay sa bayan.

Ito ay ang libu-libong sako ng bigas na laan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa Makilala LGU.
Balik eskwela na ang elementary pupils ng President Roxas Central Elementary School sa bayan ng President Roxas matapos na kalahating araw na masuspende ang kanilang klase nitong nakaraang

araw.Ito makaraang bumuhos ang malakas na ulan dahilan naman ng pagbaha sa eskwelahan.

Dahil dito, pinauwi na lamang ang mga bata base na rin sa derektiba ni Mayor Jaime Mahimpit dahil karamihan sa mga estudyante ay nakatira pa sa malalayong barangay ng bayan.Sinabi naman Local Disater Risk Reduction and Management Council Officer 3 Josiah Salvador, ang drainage system malapit sa paaralan ang isa sa naging sanhi ng naturang baha.Halos dalawang oras kasing bumuhos ang ulan.

Sa pagresponde naman ng MDRRMC wala namang may nasaktan at nasirang gamit sa naturang pagbaha.

Maliban sa nabanggit na paaralan ilang area din ng brgy. Poblacion ang umapaw ang tubig na pumasok pa sa mga kabahayan kung saan problema din sa drainage system ang dahilan bagay naman

ngayon na tinututukan ng MDRRMC.
Sinimulan na ng Mlang LGU ang pamamahagi ng certified seeds sa mga magsasaka sa bayan.

Katunayan kahapon sa isinagawang distribusyon ng lokal na pamahalaan abot sa halos isang libong magsasaka ang nakatanggap nito na nagmula sa Department of Agriculture.Nabatid na una nang binisita ng Municipal Agriculturist ang mga baranggay ng Mlang para imonitor kung sino yaong mga magsasakang nakahanda na ang mga palayan.Samantala, hindi naman napakinabanggan ng ilang magsasaka ang kanilang mga bagong aning palay na para sana itatanim uli.

Bunsod na rin kasi ito ng sunud-sunod na mga pag-ulan nitong nakaraang araw at linggo na nag-resulta naman ng hindi kalidad na palay.Isa rin sa mga dahilan nito ay walang maayos na dryers kaya hindi masyadong naibilad ang mga ito.

Kaya naman nangangailangan ngayon ng ayudang binhi ang mga magsasaka sa bayan kung saan ngayong araw magpapatuloy ang distibusyon nito para sa mga magsasaka.
Naniniwala si Magpet PNP Chief Of Police Chief Ins. Rommel Constantino na grupo ang nasa likod ng serye ng nakawan sa bayan ng Magpet, North Cotabato.Ayon kay Constantino, base sa kanilang list of daily crime incidents, limang magkakaibang pagnanakaw ang kanilang naitala mula noong buwan ng Hulyo hanggang nitong nakaraang araw.Base sa imbestigasyon halos mabibigat at marami ang ninanakaw sa mga bahay bagay na hindi pwedeng gawin ng iisang tao lamang.

Kabilang sa mga barangay naman ang may naitatalang pagnanakaw ay ang barangay ng Kisandal, Gubatan, Noa at karamihan ay sa brgy Poblacion area.Ayon kay Constantino kadalasang umaatake ang mga magnanakaw tuwing hating gabi hanggang madaling araw.

Sa ngayon nakatutok ang Magpet PNP sa crime preventive approaches kung saan may operatiba na ang nakatutok sa kaso ng pagnanakaw.Hiling lamang nito sa mga taga bayan ng Magpet na makipagtulungan at makipag-ugnayan sa PNP sa pamamagitan rin ng pagbabantay sa kanilang mga sariling bahay at gamit.Agad din isuplong sa mga otoridad ang mga kahina-hinalang tao sa lugar na posibleng umaaligid lang para magnakaw.

Nitong nakaraang araw abot sa halos isang daang libong piso ang halaga nga mga gamit ang natangay ng magnanakaw sa Brgy. Poblacion.
Inaasahang dadagsain ngayong araw ng libu-libong mga kabataan maging ng kanilang mga magulang ang gagawing State of The Children's Address ng ilang local Chief Executives sa North Cotabato

bilang bahagi ng selebrasyon ng Children's Month ngayong Nobyembre.Sa Kidapawan City pangungunahan ito ni City Mayor Joseph Evangelista habang magsasagawa rin ng kaparehas na aktibidad ang bayan ng magpet sa pangunguna ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga.

Gagawin ito mamayang ngayong alas otso ng umaga sa City at municipal Gymnasium.Sa nasabing aktibidad tatalakayin ang mga isyung kinakaharap ng mga kabataan kagaya ng pagkalulong sa ilegal na droga, kawalan ng oportunidad na makapag-aral at iba pa.Aasahan din ang mga programa na pwedeng isagawa ng mga lokal na pamahalaan.

Sa Kidapawan City, sa loob ng isang buwang selebrasyon ilang mga aktibidad ang isinagawa na pinangunahan naman ng LGU at concerned agenicies.Layunin nito na maipakita ang angking talento ng mga bata, lubos na igalang ang karapatan ng mga bata, at mabigyan ng tamang edukasyon tungo sa ikatutupad ng kanilang mga pangarap.Ngayong 2016 naka angkla ang tema sa Children's Month sa Isulongand Kalidad ng Edukasyon para sa lahat ng bata .

11 Dawlah Islamiya terrorist group members surrender to Army in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na sugpuin ang terorismo, tinulungan ng 6th Infantry Battalion (6IB...

Caritas Philippines to launch award in memory of ‘social action pillar’ in PH

Caritas Philippines is introducing an award to honor diocesan social action centers (DSACs) that have done exceptional work. Bishop Jose Colin...

Village exec in firearms deal slain ni Lanao Sur ops

COTABATO CITY — An incumbent village chair in Lanao del Sur was killed when he resisted arrest and traded bullets with the agents of Criminal...

Survey shows BARMM likely voters unaware of 2025 poll processes

COTABATO CITY  – The majority of likely voters in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) lack awareness of the new voting...

Selection of officials for 8 Bangsamoro towns on

COTABATO CITY - Bangsamoro regional officials are now screening applicants for mayor, vice mayor and municipal councilors for the eight newly-...