Wednesday Jun, 26 2024 11:29:55 AM

NDBC BIDA BALITA (11.19.16)

 • 16:24 PM Sat Nov 19, 2016
791
By: 
NDBC-NCA

NEWSCAST

NOVEMBER 19,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BARANGAY CHAIRMAN sa Cotabato city,
arestado matapos makuhanan ng mga baril at iligal na droga.2. Bahay ni Mayor Sabal ng Talitay, Maguindanao, sinalakay ng PNP at Army.

2. Dalawang wanted persons sa President
Roxas, North Cotabato, kulong matapos na maaresto ng mga pulis.

3. Banga mayor na nananatili sa pwesto
kahit nakakulong, maari raw kasuhan, ayon sa DILG

4. 115 katao, nakaranas ng diarrhea at pagsusuka dahil sa hinihinalang food poisoning. KALABOSO ang isang punong barangay
matapos makuhanan ng mga baril at iligal na droga sa Cotabato city.

Nadakip sa ikinasang drug buy bust
operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM kahapon ng madaling
araw ang suspek na si Barangay Bagua Tres chairman Bimbo Abdul Manan Diolanen.

Nakuha mula sa naturang barangay
official ng isang cal. 45 pistol with magazine at mga baya, at apat na 12-gauge
shotguns.

Agad namang inamin ni Diolanen na sa
kanya ang naturang mga armas subalit paliwanag ng barangay chairman, ginagamit
ng kanilang mga tanod ang naturang mga baril kapag nagroronda.

Samantala, mariin namang itinanggi ng
kapitan na sa kanya ang mga na-recover na anim na maliliit na sachets ng shabu,
dalawang malalaking sachets ng shabu, at 500 peso marked money.

Giit ni Diolanen, PLANTED ang naturang
mga ebidensyang nakuha mula sa kanya.

Gayunman, nanindigan ang PDEA ARMM na
matagal na nilang minamanmanan si Diolanen na sangkot umano sa talamak na
bentahan ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Una nang lumantad sa pulisya noon si
Diolanen para linisin ang kanyang pangalan kaugnay sa mga alegasyon protektor
siya ng mga drug pusher sa kanilang barangay. MAHIGIT 70
pamilya ang nagsilikas sa barangay Poblacion, Talitay, Maguindanao matapos na
mabalot ng tensyon ang lugar dahil sa isinagawang operasyon ng mga otoridad
laban kay Mayor Muntasir Sabal, kapatid nitong si vice mayor Abdulwahab Sabal
at First District Assemblyman Sidik Ameril.

Pasado alas
tres ng madaling araw kahapon nang ihain ng pinagsanig na pwersa ng mga sundalo,
pulis at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM, ang 25 Search Warrants
na inisyu ni RTC branch 13 Judge Bansawan Ibrahim.

Gayunman,
napilitang magpaputok ng baril ang mga otoridad matapos na hindi sila pagbuksan
ng mga caretaker ng bahay ng alkalde.

Maging ang
mga namataang armadong grupo na hindi kalayuan sa lugar ay pinaputukan din ng
mga otoridad.

Out of town si mayor Sabal nang
magsagawa ng riad ang mga otoridad.

Sinabi ni Maguindanao
PNP spokesperson Police Insp. Razul Pandulo na nakuha mula sa naturang mga
bahay ang isang M16 Rifle, dalawang caliber 45 pistols, pitong malalaking sachets
ng pinaniniwalaang shabu.

Dalawang
indibidwal din ang inimbitahan ng mga otoridad para sa karagdagang
imbestigasyon.

Una nang naaresto si vice mayor Abdulwahab
Sabal nitong Setyembre sa Awang airport at hanggang ngayon ay nakakulong pa rin
sa PNP headquarters.

Ang mga Sabal ay una nang pinangalanan
ni pangulong Duterte bilang mga narco-politician.

Samantala, sa panig naman ng military,
sinabi ni

Army’s 6th Infantry Division spokesperson
Lt. Col. Markton Abo na may koordinasyon sa joint ceasefire committee ng gobyerno
at Moro Islamic Liberation Front ang naturang operasyon. Abot sa 115 katao ang nabiktima umano ng food poisoning sa outreach program ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato sa barangay Lumbakil, bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Ayon kay South Cotabato Assistant Provincial Health Officer Dr. Allah Baby Vingno, 29 sa mga ito ay nananatili pa ngayon sa Polomolok Municipal Hospital dahil sa diarrhea.
Aminado si Vingno na sa dami ng mga inihaing pagkain sa outreach program, hirap silang tukuyin kung alin sa mga ito ang nakalason sa mga biktima.
Gayunpaman ayon kay Vingno, kadalasan kasing malaki ang posibilidad ng kontaminasyon sa mga pagkain kapag ito ay nasa open field tulad nang nangyari sa Lumbakil.
Tiniyak naman ni Vingno na nasa ligtas ng kalagayan ang lahat ng mga biktima at kontrolado na ang food poisoning sa Polomolok.
Hindi rin nakaligtas sa food poisoning ang mga kawani ng provincial government na karamihan ay mga staff ng Barangay Affairs Unit na nanguna sa outreach program.
Ilan sa mga ito ay dinala naman sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City kabilang ang driver na si Jorly Baldonado na naka-admit pa rin ngayon.
Ang mga biktima ay nakaramdan ng p diarrhea, pananakit ng tiyak at pagkahilo matapos kumain sa outreach program kahapon.
Tiniyak naman ni Provicial Disaster Risk Reduction and Management Office Operations Officer Dads Bacalso na aakuin ng provincial government ang pagpapagamot sa mga biktima.
Ayon ay Bacalso tuloy pa rin ang kanilang outreach program sa Barangay BS Aquino sa bayan ng Norala sa Huwebes sa susunod na lingo.
Ito na ang pangalawang kaso ng food poisoning sa South Cotabato nitong lingo.
Matatandaan na dinala din sa ospital ang limang myembro ng isang pamilya sa Koronadal City matapos malason ng kinain nilang bulalo. PATAY
ang isang sundalo at sugatan naman ang kapatid nito pagsasaksakin ng mga suspek
na magkapatid din sa Midsayap, North Cotabato.

Nakilala
ang nasawing sundalo na si Jay Jawod habang ang sugatang kapatid nito ay
kinilala namang si Arnel Jawod. Sila ay pawang mga taga barangay San Pedro,
Midsayap.

Sa
report ng Midsayap PNP, pasado alas onse kamakalawa ng gabi sa isang palamigan sa
Quezon Avenue, ng naturang bayan.

Nagkainitan
umano ang mga biktima at ang magkapatid na suspek na sina Angelo at Jaime
Aurena, pawang mga taga barangay Sadaan, Midsayap, hanggang mauwi sa
pananaksak.

Agad
namang tumakas ang mga suspek matapos na saksakin ang mga biktima.

Binawian
si Jay habang ginagamot dahil sa tinamong saksak sa dibdib habang patuloy namang
nagpapagaling sa pagamutan ngayon si Arnel.

Naglunsad
na ng pursuit operation ang mga pulis laban sa magkapatid na Aurena sa barangay
Sadaan at katabing barangay Santa Cruz pero hindi na nila nahanap pa ang mga
ito. PINANGANGAMBAHANG
MAGWALA at maghasik ng karahasan si Commander Bravo ng Moro Islamic Liberation
Front o MILF kapag tuluyang tinanggal sa hanay

Si
Commander Bravo o Abdullah Macapaar, at mga tauhan nito ay dawit na naman sa
isang kaguluhan sa Barangay Bualan at Debarosan sa Balindong, Lanao del Sur
noong nakaraang linggo.

Nanlaban
ang mga armadong residente sa lugar na naging dahilan ng pagkasawi ng tatlo sa
kanyang mga tauhan at ibang mga residente sa lugar.

Nabatid
na sinunog din ng tropa ni Commander Bravo ang ilang mga bahay sa lugar na
naging sanhi naman ng paglikas ng mahigit 500 pamilyang Maranao.

Humupa
lamang ang tensyon nang mamagitan na ang mga Maranaw leader sa lugar sa
pangunguna ni ARMM Vice Gov. Haroun Al-Rashid Lucman at mga opisyal ng Malaysian-led
International Monitoring Team o IMT.

Sampung
mga miyembro ng Abu Sayyaf Group o ASG ang nasawi habang apat naman sa panig ng
mga sundalo ang nalagas matapos ang panibagong bakbakan sa pagitan ng magkabilang
panig sa Brgy. Buhanginan, Patikul, Sulu kahapon ng umaga.

Ayon
kay AFP-Western Mindanao Command spokesperson Major Felimon Tan Jr., pasado
alas-dyes ng umaga nang maganap ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng 35th
Infantry Battalion at ASG.

Nagsasagawa
noon ng opensiba ang mga elemento ng Joint Task Force Sulu sa magubat na bahagi
ng Sitio Dyundangan, Brgy. Buhanginan, Patikul nang makasagupa ang may 150
kasapi ng ASG na pinamumunuan ni commander Radullan Sahiron, isang Sulu-based terrorist
na sangkot sa kidnapping-for-ransom, pambobomba at pang-aambush sa tropa ng
pamahalaan bukod pa sa pamumugot ng kanilang mga hostage.

Ang
opensiba ay inilunsad bilang bahagi ng operasyon upang iligtas ang mga nalalabi
pang mahigit 12 hostages kabilang ang siyam na dayuhan na hawak ng ASG sa Sulu.

Tumagal
ng 45 minuto ang bakbakan na ikinasawi ng 10 ASG, tatlo rito ay narekober ang
mga bangkay sa encounter site.

Ang
ibang napatay ay tinangay ng kanilang kasamahan sa pagtakas at marami pa ang
sugatan. Kasong illegal possesion of firerams ngayon ang kakaharapin ng isang lalaki matapos itong maaresto ng mga otoridad sa Makilala, North Cotabato.
Kinilala ang nahuli na si Jovito Roa, 43, minyo, empleyado ng RNF Summit na taga Golden Hills Panacan, Davao City.Ayon sa report, nasa isang tindahan si Roa sa lugar at umiinom rasw ito ng alak.

Dahil sa kalasingan bigla na lamang binunot ni Roa ang kanyang dalang baril at nagpaputok.Nagdulo naman ito ng takot sa mga residente sa lugar at agad na inireport sa mga pulis.

Nakuha mula sa kanya ang isang 38 revolver at pitong cartridges ng 45 caliber pistol kung saan pawang mga walang lisensya.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Makilala PNP lock up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.
Desidido ngayon ang Pamilya Monicar na hindi nila iuurong ang kasong paaricide na isinampa laban kay Cpl. Dio Cesar Espanola na siyang itinuturong responsable sa pagkamatay ng kanilang anak na si

Ptra Ailyn Monicar Espanola na taga brgy. Old Bulatukan, Makilala.Ito matapos na lumabas ang resulta ng autopsy ni Ailyn at base rito namatay ang biktima dahil sa pagkalunod at hindi dahil sa pinatay ng shokoy.

Dahil dito, iginiit ng ama ng biktima na si Edwardo Monicar na hindi sila titigil hanggat hindi nila makakamit ang hustisya sa sinapit ng anak.Nabatid na may lumatang naman na isang tetestigo na umano nakarinig sa mga pangyayari sa lugar dahil 20 metro lamang ang layo nito sa resort kung saan naroroon ang mag-asawang Espanola.

Una raw na narinig nito na may dalawang babaeng nag-aaway hanggat may humingi ng tulong at ilang minuto pa ay narinig na ang putok ng baril.Duda ang pamilya MOnicar na ang umano kalaguyo ni Espanola ang kasama nilang isa pang babae sa naturang resort.

Inamin rin ni Edwardo na nagtext raw si Espanola sa kanila at sinabing magpapadala siya ng pera bilang tulong sa pamilya.Hindi naman nila ito tinanggap ayon pa kay Mang Edwardo dahil anila kahit nong ibinuburol pa lang hanggang ilibing si Ailyn ay hindi naman raw siya nagpakita sa brgy. Old Bulatukan maging ang kanyang

Pamilya.

Sa susunod na linggo nakatakdang tunguhin ng Pamilya Monicar ang pamunuan ng 6th ID sa Awang, Cotabato City, kaugnay sa kaso ni Espanola at sa sinapit ng anak.
Nailipat na sa North Cotabato District Jail sa Amas, Kidapawan City ang dalawang mga wanted person matapos maaresto ng Preaident Roxas PNP.
Nahuli ang dalawa noong martes ng hapon sa Sitio MAridagao, barangay Ilustre President Roxas North Cotabato.

Kinilalala ni Police Chief Inspector Rommy Castanares, hepe ng Pres. Roxas PNP ang dalawa na sina Samuel Mintar, ritchel wong kapwa residente ng nabanggit na lugar.Ang naturang operasyon laban sa mga suspek ay pinangunahan ng PNP katuwang ang Provincial Public Safety Company.

Bitbit ni PO3 Gadong ng President Roxas PNP ang warrant of arrest laban sa mga suspek nga pirmado naman ni Judge Jose Tabosares ng Regional Trial Court Branch 23, Kidapawan city.Kasong attempted murder ang kinakaharap ng dalawa na halos pitong taon ding nagtago sa batas.
Nabatid na makakapag pyansa ang mga suspek sa halagang 120 thousand pesos bawat isa sa kanila batay na rin sa kautusan ng korte. Abot sa halos tatlong libong sako ng bigas ang ipinamahagi sa mga mahihirap na pamilya sa bayan ng Pikit nitong nakaraang araw.

Sinabi ni Municipal Risk Reduction Management Office kon MDRRM Head Tahira Kalantongan, abot naman sa 28 libong pamilya ang nakatanggap ng naturang mga bigas na bahagi nag huling batch na

pamamahagi ng bigas mula sa provincial Government, North Cotabato.Una nang na-identify ng Department of Social Welfare at Pikit NDRRMC ang mga benipisyaryo na labis naapektuhan ng El Niño noong mga nakaraang buwan.

Una na ring nakatanggap ng tulong ang 42 mga barangay sa bayan mula sa Pikit LGU at iba pang mga ahensya.

Samantala, patuloy naman ngayon ang ginagawang intervention ng Pikit LGU MDRRM Office lalo na sa mga pagbibigay ng lecturs at Information Education campaigna para mga paghahanda sakaling may

mga kalamidad sa bayan, partikular na rito ang mga pagbaha.
Iginiit ni Kalantongan na handa ang kanilang mga evacuation area para sa mga lumikas na pamilya sakaling may mga ganitong pangyayari.
Magsusumite ngayon ng mga report si Kidapawan City councilor Francis Palmones kaugnay sa mga pangyayari sa loob ng Kidapawan City Sports Complex o KCSC sa City Peace and Order Council o CPOC.Ayon kay Palmones, siyang chair ng Committee on Peace and Order ng SP layunin nito na mabigyan ng agarang aksyon ang mga nangyayaring krimen sa loob ng nabanggit na estbalisyemento.Una na raw nakausap ni Palmones ang mismong may-ari ng KCSC at plano nitong magpatayo ng outpost malapit sa establisyemento para maiwasan ang mga nangyayaring gulo.

Mismong ang may-aari naman raw ang gagastos nito at maging ang iba pang pangangailangan ng mga magbabantay.Ang hakbang na ito ay hinihitay pa na maaprubahan ni Mayor Joseph Evangelista bilang chair ng CPOC at ng City PNP.

Matatandaan na nitong linggo lamang dalawa ang namatay sa lugar.

Una rito ang isang marine soldier na pinagtulungang saksakin at sunod naman ang isang mag-live in partner na biktima ng pamamaril.

Ayon sa report posible raw na may kaugnayan ang dalawang insidente na ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng PNP.Nabatid na ang Marine soldier ay pinatay raw ng grupo ni Arnel Tramado, bouncer at live-in partner ni Lucila Oriola na siya namang may-ari ng Mystic Babes Bar sa loob ng KCSC.

Si Tramado, na namatay sa pamamaril ay umano binalikan ng mga kasamahan ng Marine soldier na si Gilbert Gonzales. Target ng pulisiya na makapag-nuetralized ng 15,936 drug personalities sa buong SOCCKSARGEN Region.
Ito ayon kay South Cotabato PNP Provincial Director Franklin Alvero ang quota na ibinigay sa kanila ng Police Regional Office 12.Ibig sabihin nito ayon kay Alvero ang buong hanay ng PNP sa region 12 ay makapag-nuetralized ng 238 drug personalities bawat araw.
Para maabot ito ayon sa police official kailangan ng mga police units na makapagpasuko o makaaresto ng hindi bababa sapat na drug personalities kada araw.Paliwanag ni Alvero, layon nito na maabot ng pulisiya ang mahigit 1.4 million drug personalites na target na maaresto o mapasuko sa kanilang Project double barrel alpha.
Ipinahayag ni Department of the Interior and Local Government o DILG South Cotabato Provincial Director Lailyn Ortiz na isang malaking risgo kay Banga Mayor Albert Palencia ang pananatili nito sa pwesto.
Ito ayon kay Ortiz ay sa kabila ng pagkakakulong ngayon ng alkalde.Iginiit ni Ortiz na kung pagbabatayan ang legal opinion ng DILG wala nang kapasidad ang nakapiit ngayong si Palencia na gampanan ang kanyang tungkulin kahit na nananatili itong alkalde ng Banga.
Ayon kay Ortiz hahali dapat pansamantala kay Palencia ang bise alkalde nito.Aminado si Ortiz na kapag mayroong dumulog sa korte, maaring makasuhan si Palencia.
Sa naunang panayam sa kanya ng Radyo Bida iginiit naman ni Palencia na kahit siya ay nakapiit hindi siya incapacitated at nagagampanan pa rin ang kanyang tungkulin bilang alkalde ng banga.Matatandaan na si Palencia ay inaresto matapos makuha ng mga pulis na nagsagawa ng raid sa bahay nito ang apat na bala ng .380 na baril noong November 3.Nakuha din ng raiding team ang isang rifle grenade launcher sa piggery ni Palencia na umano ay planted ayon naman sa caretaker nito.
Kakausapin muna ng lokal na pamahalaan ng Koronadal ang Enviornment and Management Bureau o EMB 12 ng DENR at Ombudsman hinggil sa pagpayag sa mga basurero na pumasok sa ipinasarang dumpsite.Ito ay ayon kay Koronadal City Environment and Natural Resources Officer Agustus Britania.
Paliwanag ni Britania, kapag kasi pinayagan ngayon ang mga namumulot ng basura na pumasok sa dumpsite, maari itong ma mis-interpret ng EMB na binuksan muli.Ito ang tugon ni Britania sa hinaing ng mahigit 60 pamilya na nawalang ng kabuhayan bunsod ng pagpapasara sa dumpsite sa barangay Paraiso.
Nilinaw ni Britania na ang desisyon na ito ng city government ay naipaliwanag na sa mga apektadong mga mamamayan.
Matatandaan na ang pagpapasara sa dump site ay ipinagutos mismo ng office of the Ombudsman.
Kasunod ito ang kabiguan ng City government na makapagpatayo ng sariling sanitary landfill.Tiniyak naman ni Koronadal City Mayor Peter Miguel na piniproseso na ng city LGU ang pagbili ng lupaing paglalagyan ng sanitary landfill sa barangay pa rin ng Paraiso.
Tinanghal bilang outstanding sa buong South Cotabato ang Municipal Anti Drug Abuse Council o MADAC ng bayan ng Surallah.
Pumapangalawa sa Surallah ang bayan ng Polomolok, pangatlo ang Sto. Nino, at pang apat ang City Anti Drug Abuse Council ng Koronadal City.Ayon kay PADAC permanent representative of the governor at board member Agustin Demaala, ang parangal ay iginagawad sa mga lokal na pamahalaan na may pinakamatagumpay na kampanya kontra iligal na droga.
Ang pagpaparangal sa mga outstading anti drug abuse council ay isa sa mga aktibidad na tampok sa Drug Control and Prevention Week Celebration ngayon sa South Cotabato.Naging panauhing pandangal naman sa awarding ceremony kahapon sa Koronadal City si Department of the Interior and Local Government o DILG USEC for Peace and Order Catalino Coy.Aminado naman si Coy na dahil sa dami ng mga sumukong drug personalities, problema ngayon ng gobyerno kung papano matulungan ang mga ito.
Sinabi ni Coy na sa ngayon abot na sa mahigit 790,000 ang mga sumukong drug personalities.Sa bilang na ito ayon kay Coy mahigit 8,000 lamang ang kayang i-accommodate ng 47 accredited rehabilitation center sa bansa.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...