Monday Apr, 29 2024 02:12:44 AM

NDBC BIDA BALITA (11.18.16)

Local News • 18:46 PM Fri Nov 18, 2016
1,001
By: 
NDBC

NEWSCAST

NOVEMBER 18,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DATING CSC ARMM regional director,
patay sa pananambang sa Maynila.

2. Seguridad sa North Cotabato,
hinigpitan matapos na mapatay ang pinaniniwalaang bomber sa Matalam.

3. DOLE secretary, inaprubahan na ang
umento sa sahod ng mga magagawa sa pribadong sector sa region 12

4. Napatay na suspected bomber sa North Cotabato, ordinaryong sikad driver lang, sabi ng kanyang pamilya

NAPATAY sa pananambang ang dating regional
director ng Civil Service Commission ng Autonomous Region in Muslim Mindanao at
propesor ng College of Law sa Notre Dame University College na si Art Lachica.

Si Lachica ay kasalukuyang Customs
Deputy Commissioner na namamahala sa Customs internal administration group.

Sa report ng pulisya, naganap ang
pananambang sa España Boulevard, sa Maynila pasado alas sais kagabi.

Nasa loob ng kanyang itim na sedan si
Lachica kasama ng kanyang driver at bodyguard nang tambangan ng riding tandem.

Sabi ni Sampalok PNP Chief, Police Supt.
Aquino Olivar na isinugod pa sa United Nations Medical Center si Lachica pero
idineklara siyang dead on arrival.

Samantala, maswerte naman at nakaligtas
ang driver at bodyguard nito na hindi napangalanan sa report ng pulisya.

Nabatid na pauwi na sana si Lachica
mula sa isang conference sa Bureau of Customs headquarters nang mangyari ang
ambush.

Si Lachica ay isang holdover official ng
nakaraang administrasyon na naitalaga sa BoC sa panahon ni dating Customs chief
John Sevilla noong 2014.

Bago ito, si Lachica ay deputy
executive director din ng Career Executive Service Board.

Siya ay isang abogado at Certified
Public Accountant.

Maswerteng di
napuruhan ang isang ginang matapos itong barilin ng di pa nakikilalang lalake
pasado alas dos ng madaling araw kahapon sa Almonte Extension, barangay
Poblacion Dos, Cotabato City.

Kinilala ang
biktima na si Angel Magarang Tuli, 49 years old, may asawa, walang trabaho at
residente ng naturang lugar.

Ayon kay Tuli,
habang nakatayo siya sa kanto ng Almonte extension ay bigla na lamang syang
nilapitan ng isang lalake at agad na binaril.

Pagkatapos ng
pamamaril ay mabilis namang tumakas ang suspek patungo sa di malamang
direksyon.

Isinugod
naman ng mga by-stander si Tuli sa ospital kung saan hanggang ngayon ay patuloy
siyang nilalapatan ng lunas.

Nagtamo ng isang
tama ng bala sa kanyang tiyan si Tuli mula sa di pa natukoy na uri ng baril.

Inaalam na
ngayon ng City PNP ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito
sa pamamaril sa biktima. TINANGHAL
NA CHAMPION sa katatapos na ARMM MASTER CHEF COMPETITION kagabi ang kalahok
mula sa Lanao del Sur na si Sittie Jehanne Mutin para sa nilutong signature
dish na ‘Piaren A Udang’.

Pumangalawa
naman sa kanya si Chef Brenda Kuras ng Sulu para sa kanyang nilutong Kilaw
Kiyampaw at pangatlo si Jenny Rose Punsalan ng Basilan para sa kanyang Kaliya
Manok .

Bukod
sa main dish, nagluto rin ng kani-kanilang mga appetizer at panghimagas ang mga
kalahok na talaga namang kinagiliwan hindi lang ng mga hurado kundi maging ng
mga manonood.

Ang
nanalong master chef ay tumanggap ng trophy at plane tickets for two sa Maynila
kung saan dadalo sila sa dalawang araw na culinary workshop.

Samantala,
tinanghal naman bilang pinakamagaling na sous chef o assistant chef si Jarratul
Rajud ng Sulu, pangalawa naman si Ruseifah Batugan ng Lanao del Sur at pangatlo
si Emmanuel Bajao ng Tawi-Tawi.

Naging
hurado sa naturang cooking competition ang mga sikat na chef na sina Chef Nancy
Lumen, ang tinaguriang ‘Adobo Queen’ ng Pilipinas Chef Tato Abdulatif
Sangcupan na isang International Halal Auditor Ang sexy chef na si Ana Moreno
at ang celebrity chef at hunk na si TJ Jose Montalbao III.

Nakitikim
at nakisaya naman sa naturang patimpalak si ARMM vice governor Haroun Alrashid
Lucman Jr. kasama ng iba pang mga cabinet secretary ng ARMM. DEAD
ON THE SPOT ang sinasabing tauhan ni Maguindanao Gov. Ismael Mangundadatu
matapos pagbabarilin ng riding tandem sa Pres. Quirino, Sultan Kudarat.

Kinilala
ang nasawing biktima na si Ronnel Itu, 39 years old, may asawa at taga- Purok
Uno, Barangay Tuato, Pres. Quirino.

Sa
inisyal na imbestigasyon ng Pres. Quirino PNP,

pauwi
na sana si Itu sa kanilang bahay sakay ng tricycle na minamaneho nito kasama
ang kanyang mag-ina nang pagbabarilin ng dalawang suspek na naka-motorsiklo
pasado alas nuebe kamakalawa ng gabi sa crossing Barangay Tuato.

Nagtamo
ng tama ng mga bala sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima sanhi
ng agaran nitong kamatayan.

Narekober
naman sa crime scene ang walong basyo ng bala mula sa cal. 45 pistol na pinaniniwalaang
ginamit ng mga suspek sa pananambang.

PATULOY
PA NGAYONG inaalam ng militar at pulisya kung totoo ang bali-balitang namataan
sa isang lugar sa Basilan ang anim na mga tripulanteng Vietnamese na dinukot ng
mga hinihinalang miembro ng Abu Sayyaf Group.

Ang
nasabing ulat ay unang inilabas ng PNP matapos makatanggap ng impormasyon na
nakita ang mga bihag na hawak ng Abu Sayyaf na nakabase sa Sulu.

Una rito,
sapilitang tinangay ng mga armadong lalaki ang anim na foreign crew habang
sakay ng kanilang cargo vessel sa karagatang bahagi ng Sibago Island sa
Basilan.

Kasama
sa mga dinukot ay ang mismong kapitan ng barko na si Pham Min Tuan at ang lima pang
mga tripulante na sina Do Trung Hieu, Hoang Vo, Tran Khac Dung, Huang Trung
Thong at si Huang Van Ha.

Isa
pang tripulanteng Vietnamese na si Lai Minh Kao na nakaligtas sa pagdukot ang
nabaril ng mga suspek.

Nananatili
ito ngayon sa isang pribadong ospital sa Zamboanga City habang nilalapatan ng
lunas.

Sa
ngayon ay patuloy ang search at rescue mission ng mga otoridad para masagip ang
mga dinukot na dayuhan. Aprubado na ni Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Silvestre Bello III ang bagong minimum wage order sa Region 12.
Matatandaan na ang umento sa sahod ay sinimulang ipatupad sa SOCCSKSARGEN region noong October 9.
Ayon kay DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib, ang Wage Order ay dapat sundin ng mga pribdong kumpanya.
Iginiit ni Gutib na sa ilalim ng bagong wage order ang P5 na Cola ay ilalakip na sa dating minimum wage.
Ayon kay Gutib inaatas din ng kasalukuyang wage order ang dagdag na P20 kada araw sa sahod ng mga trabahante sa non agriculture sector.
Makatatanggap naman dapat ng dagdag na P17 arawang sahod ang mga nasa retail/service establishments at P15 sa agriculture sector.
Tiniyak din ni Gutib ang maigting na monitoring ng DOLE upang matiyak na sumusunod sa bagong wage order ang mga pribadong kumpanya sa region 12.
Umaasa si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na lalo pang makikiisa sa kampanya kontra krimen, koropsyon at iligal na droga ang mga mamamayan maging sa mga liblib na barangay ng lalawigan.
Ito ang ipinahayag ni Fuentes kasunod ng paglunsad sa South Cotabato ng Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Droga o MASA MASID program.
Ang MASA MASID program ay ipinatutupad ng Department of the Interior and Local Government o DILG katuwang ang mga local governmet units.
Sinabi ni Fuentes na hindi mahirap ipatupad ang MASA MASID, dahil kailangan lamang dito ang commitment ng mga mamamayan upang makatulong.
Ayon naman kay DILG South Cotabato Provincial Director Lailyn Ortiz, sa pamamamagitan ng MASA MASID ay maisusulong ang isang komunidad na may pakialama sa mga tatlong mga programa na tintutukan ng Duterte Administration.
Ito ayon kay Ortiz ay ang iligal na droga, katiwalian,at iba pang uri ng krimen.
Tiwala naman si South Cotabato 2nd District Representative Fernandand Hernandez na magtatagumpay ang MASA MASID Program at magdadala ng pagbabago sa mga komunidad.
Nagpapatuloy pa rin ang Moral Recovery Program o MRP sa iba’t ibang bayan sa South Cotabato.
Ito ay isa sa mga tampok sa National Children’s Month Celebration ngayong Nobyembre.
Ang aktibidad ay pinangungunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office-Youth Sector.
Ito ay nilalahukan ng iba’t ibang youth association sa South Cotabato na pawang mga out of school youth o OSY.
Ayon kay Provincial Youth Coordinator Arnold Arana, ang negatibong pananaw kasi ng mga mamamayan ay nagkakaoon ng masamang epekto sa mga OSY.
Inihayag din ni Arana na maging ang personal na problema ng mga kabataan sa kanilang tahanan ay nagdudulot din ng problemang sosyal at emosyonal sa kanila.
Sa pamamagitan ng MRP ayon kay Arana ay natuturuan ang mga bata na kumapit at magbalik loob sa panginoon.
Ayon kay Arana tinuturuan din ng MRP ang mga kabataan lalo na ang mga OSY na magkaroon muli ng kumpyansa sa sarili at magkaroon ng lakas na labanan ang anumang unos na kailangan nilang kahaharapin.
Arestado sa operasyon laban sa iligal na droga ng pulisiya ang isang binata sa Tantangan, South Cotabato
Kinilala ang suspek na si Jeremie Dela Cruz, 29 anyos,
Si Dela Cruz ay naaresto nang magsagawa ng search operation ang mga pulis sa kanilang lugar sa Purok Lower Green Field, Barangay Cabuling, Tantangan.
Nakuha ng raiding team mula kay Dela Cruz ang 5 malalaki at 2 maliliit na sachet ng suspected shabu.
Isinagawa ng mga pulis ang pagsalakay sa bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Glenn Quimba ng Municipal Circuit Trial Court ng Banga at Tantangan.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong kahaharapin ng naarestong suspek.
Si Dela Cruz ay naaresto kasunod naman ng pakakaaresto sa suspected drug pusher na si Micko Jimenez, 23 anyos ng Barangay Zone II, Koronadal.
Matatandaan na isang suspected drug pusher din ang nakuhanan ng 6 na kilo na dried marijuana leaves ng mga pulis sa Barangay Concecion Koronadal City.
Arestado din ng pulisiya ang cellphone technician at suspected pusher na si Micko Jimenez.
Ang sunod sunod na pagaresto sa mga drug personalites ay resulta ng pagpapatupad ng pulisiya sa kanilang Oplan Double Barrel sa South Cotabato.
Sinabi ni PNP South Cotabato Provincial Director Senior Superintendent Franklin Alvero na sa ilalim ng programa kailangan ng bawat police unit sa lalawigan na makahuli at makapagsuko ng hindi bababa sa 40 mga drug personalities kada araw.
Nangangamba ngayon kung papaano pa maitaguyod ng isang 115 years old na lola sa Koronadal City ang pang araw araw na pangangailangan.
Ito ay matapos ipasara ng lokal na pamahalaan ang dumpsite na naging kabuhayan nito ng mahigit dalawang dekada.
Sa katunayan ayon kay Jenera Bacos, minana na ng kanyang 62 anyos na anak ang trabaho nito bilang scavenger o namumulot ng basura.
Kaya ayon ka Aling Jenera, malaking kawalan para sa kanila ang pagpapasara ng dumpsite.
Sinabi ni Jenera sa Radyo Bida na kahit siya ay matanda na nais pa rin nitong ipagpatuloy ang pamumulot ng basura upang kahit man lang pambili ng bigas at makatulong sa kanyang pamilya.
Ang pamilya ni Jenera ay kabilang sa mahigit 50 pamilya na nagtayo ng dampa na umaasa rin sa pamumulot ng basura sa dumpsite sa barangay Paraiso.
Hangad naman ng mga apektadong mamamayan na dinggin ng lokal na pamahalaan ang kanilang hinaing na muling buksan ang dumpsite o di kaya ay matulungan na magkaroon ng alternatibong hanap buhay.
Matatandaan na ang pagpapasara sa dumpsite ay ipinagutos mismo ng Office of the Ombudsman.
Ito ay matapos pagpaliwanagin ang mga lokal na opisyal sa kabiguan ng mga ito na magtayo ng sanitary land fill bilang pagtalima sa Ecological Solid Waste Management Act. Hinigpitan pang lalo ng mga pulis at militar ang seguridad sa North Cotabato matapos na mapatay ang bomb expert na kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na may patong sa ulo na P1.2 Million pesos.
Ito makaraang manlaban sa 602nd Brigade, Phil Army ng isilbi ang warrant of arrest sa pinagtaguan nito sa Barangay Central Malamote, Matalam, North Cotabato.

Kinilala ni Major Calvin Macatangay ng 602nd Brigade ang suspek na si Mohammad Nor Hassan alias Bulao.
Una nang sinabi ni Makatangay na si Hassan ay sinanay sa paggawa ng bomba ni Malaysian terrorist Zulkipli bin Hir alyas Marwan na napatay ng mga SAF troopers sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.

Maliban sa kasong pambobomba ay nahaharap din ito sa kasong kidnapping.
Ayon kay Macatangay, agad nilang isinilbi ang warrant of arrest ng maireport ng kanilang informant ang kinalalagyan ni Hassan, pero imbes na sumuko ay ikakasa sana nito ang pin ng granada na hawak nito kaya inunahan na ng mga otoridad.
Nakataas naman ang antas ng seguridad ng pulisya at military sa North Cotabato dahil sa posibleng pag-resbak ng pangkat ni Hassan na ngayon ay patuloy na ring tinutugis ng mga otoridad.
Pinalalakas pa ngayon ng North Cotabato Provincial Library o CPL ang kanilang layunin na mapag-aralan at matutunan ng publiko ang ibat-ibang kultura sa lalawigan.

Ito ay sa papamamagitan ng kanilang mga ipinahihiram at inihahandang libro sa loob ng Provincial Library.
Ayon kay CPL Head Librarian Aurora Nebrija, nais nitong mapahalagan ang kultura at madebelop pa ang pagmamahal sa sining.

Katunayan ayon pa kay Nebrija sa layunin na marami pa silang matulungan, nagsasagawa sila ng mga pagsasanay o reading program and arts training sa loob ng library ng probinsya tuwing summer vacation.Maliban rito, nagbibigay rin ang CPL nang libreng libro sa mga eskwelahan at mga audio-video material para mahasa pa ang kanilang reading ability.Dahil dito, nakatanggap ng award ang CPL ngayong Nobyembre lamang kung saan itinanghal ito bilang 5th place sa Most Outstanding Public Libraries sa buong Pilipinas na may Special Programs on Culture and Arts for 2016.Ang naturang patimpalak ay pinangunahan ng National Library of the Philippines, National Committee on the Library and Information Service of The National Committee for Culture and the Arts at Philippine Librarians Association, Inc.

Ibinase ang pagkapanalo ng CPL mula sa mga natapos nitong mga programa kagayan ng Adopt a School Program, Summer Reading Program and Library Orientation and promotion of Library Services.

Nabatid na siyam na Provincial Library sa buong Pilipinas ang napili ng mga hurado kung saan itinanghal bilang panglima ang provinsiya ng North Cotabato.
Nakatanggap ng Plaque of Appreciation at cash incentive ang probinsya na isinagawa sa Kalakhang Maynila ngayong buwan lamang.
Naghahanda na ngayon ang apat na mga paaralan sa bayan ng Makilala para sa gagawing kompitesyon na Search For Outstanding Effective Functional Class Garden sa ilalim ng Cotabato Division.
Ito ay base naman sa Memorandum na pinirmahan ni Cotabato Schools Division Omar Obas para sa gagawing Science Garden, Herbal Garden at Gulayan sa Paaralan ng mga eskwelahan sa buong lalawigan.

Nitong linggo lamang ay isinagawa ang evaluation sa naturang kompetisyon mula sa apat na mga distrito ng Makilala, North Cotabato.Itinanghal na wagi sa Science garden ang Bulatukan Elem. School, wagi naman sa Herbal Garden ang Makilala Central Elem. School at San Vicente Elem School para sa barangay School.Habang wagi din ang Saguing Central Elem. School para sa Gulayan sa Paaralan.

Sinabi ni Makilala District Sup. Renato Corre, magiging representante ang nabanggit na mga paaralan para sa gagawing kompetisyon sa Division Level ngayong Disyembre.Ayon kay Corre, ang programa ay ginawa upang itaguyod ang produksyon ng gulay gamit ang natural farming method upang mapanatili ang school garden para magsilbing pangunahing pinagkukunan ng gulay upang matustusan ang Feeding Program ng mga paaralan.

Di na raw kailangan pang bumili ng mga guro para sa Feeding Program dahil nasa bakuran na nila ito.Iginiit din ni Corre na natutulungan nito ang mga guro na mapakita nila ang kanilang pagpapahalaga sa sarili sa pamamgitan rin ng pagdedebelop ng magadang tanawin sa loob ng paaralan. Dismayado ang pamilya ni Kamarudin Solayman o kilala sa pangalan na Mohammad Nor Hassan Alyas bulao na itinuturong notorious bomb maker na napatay sa operasyon ng mga sundalo sa bayan ng Matalam.

Sinabi ng mismong kapatid ni Solayman na si alyas Bai, mistaken identity raw ang nangyari.Di raw bomb maker ang kanyang kapatid at tanging tricycle driver lamang ang trabaho nito.

Base raw sa nakasaksi sa insidente wala raw isinilbi na warrant of arrest ang mga otoridad at wala itong hawak na granada nang pagbabarilin ito ng riding tandem.Ayon kay Bai, ang nangyari sa kanyang kapatid ay taliwas raw sa mga lumabas na pahayag ni Major Calvin Macatangay ng 602nd brigade, na habang isinilbi ang warrant of arrest ay nanlaban ito.Plano ngayon ng Pamilya ni Solayman na linisin ang pangalan ng kanilang kapatid at iginiit na hindi raw ito si Mohammad Nor Hassan na siyang itinuturong primary suspek sa mga pambobomba sa Central Mindanao at aktibong miembro ng BIFF.

Panawagan din nila sa mga otoridad na ayusin ang kanilang operasyon nang sa ganon ay walang madamay na mga inosenting tao.
Patay na nang matagpuan ng mga otoridad ang isang lolo pasado alas dyes ng umaga kahapon sa Purok 3 B- Bombeo Village, brgy. Manongol, Kidapawan City.

Kinilala ang biktima na si Rodrigo Buctuan Dalion, 67-anyos, magsasaka na residente rin ng nabanggit na lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na patay na nang madatnan nila ang biktima sa sala mismo ng kanilang bahay na naliligo na ito sa sariling dugo.
Nabatid na tadtad ng taga ang katawan ng biktima na tinamaan sa kanyang mukha, tiyan, braso at ulo.

Dahil sa mga sugat ng biktima mabilis itong binawian ng buhay.Lumabas rin sa report na nawala ang wallet ng biktima nang isagawa nila ang dagdag na imbestigasyon sa loob ng bahay.

Robbery ngayon ang sinusundang anggulo ng PNP na posibleng dahilan sa insidente.

Cotelco announces power service interruption

Carmen area TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following...

Dealer killed, P13.6-M worth shabu seized in Sulu PDEA operation

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents seized P13.6 million worth shabu from a peddler who was killed in a shootout he provoked when he sensed he...

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...