Wednesday Jun, 26 2024 01:06:17 PM

Misuari guilty sa kasong graft, ayon sa Sandiganbayan

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 16:15 PM Fri May 24, 2024
320
By: 
NDBC NCA
MNLF founding chair Nur Misuari (file photo)

MNLF founding chair at dating regional governor ng ARMM, guilty sa 2 counts ng graft

NAG-UGAT ang kaso ni Misuari sa pagbili nito ng nasa P77 million na halaga ng educational materials noong siya pa ang governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM noong 2000 at 2001.

Si Misuari at ang anim na iba pa ay nameke ng mga dokumento kabilang ang requisition at issue voucher, purchase order, at sales invoice sa nasabing transaksyon.

Sinabi ni Sandiganbayan Third Division chair Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na guilty si Misuari ng two counts of Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Bawat count ng graft ay katumbas ng anim na taon at isang buwan hanggang walong taong pagkakabilanggo.

Pero pinawalang sala naman si Misuari at ang iba pa nitong co-accused sa kasong malversation.

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Leovigilda Cinches, Pangalian Maniri, Sittie Aisa Usman, Alladin Usi, Nader Macagaan, at Cristeta Ramirez.

Pinayagan sila ng korte na makapagpiyansa ng P300,000 sa bawat count.

Aapela naman sa korte ang kampo ni Misuari.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...