Tuesday Mar, 05 2024 08:02:41 PM

Mga bakwet sa Maguindanao Sur, nabigyan ng ayuda ng MSSD at BTA member of parliament

Mindanao Armed Conflict • 06:45 AM Mon Dec 18, 2023
694
By: 
Mark Anthony Tayco

COTABATO CITY - ABOT sa 623 mga internally displaced persons o IDP ng mula Barangay Gawang sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur ang inabutan ng relief assistance ng MSSD-BARMM bago sila tuluyang bumalik sa kanilang mga tahanan.

Ang mga IDPs ay lumikas dahil sa nangyaring bakabakan ng dalawanbg grupo ng MILF na sangkot sa rido o family feud. Ang pabaon package ay binubuo ng isang sakong bigas, canned goods, kape, asukal, malong, trapal at water container.

Samantala, sa Pagalungan Maguindanao del Sur naman ay abot sa 400 sako ng bigas ang iniabot ni Member of Parliament Dr. Kadil Sinolinding sa mga pamilyang apektado rin ng gulo sa Barangay Dalgan.

Sa ngayon ay nananatili pa rin sa evacuation center ang mahigit isang libong mga bakwit dahil hindi pa ligtas balikan ang kanilang Barangay dahil sa gulo.

Nauna na ring namahagi ang Provincial Government ng Maguindanao del Sur ng tulong sa mga bakwit.

Know which BARMM parliamentary district you belong

Check out the new 32 parliamentary districts in the BARMM and see to which district you belong. According to the Bangsamoro Autonomy Act No. 58,...

Cotabato Light announces NGCP scheduled power service interruption for March 10

What: NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, March 10, 2024 | 7:30 - 8:30 AM | 5:30 - 6:30...

BIFF member, patay sa joint police-military operation sa Maguindanao del Sur

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Nasawi ang isang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters habang arestado naman ang ama nitong...

Mystery shrouds soldier's death along highway in Pagadian City

COTABATO CITY - Police investigators are still trying to make sense of how a soldier returning to their camp from somewhere mysteriously died...

CM Ebrahim lauds Bangsamoro's resilience in pursuit of peace

COTABATO CITY — Bangsamoro Chief Minister Ahod Ebrahim emphasized the resilience of the Bangsamoro community as he recalled those trials that paved...