Wednesday Jun, 26 2024 01:37:29 PM

Mga armas, nahukay ng Army sa Sultan Kudarat

Mindanao Peace Process • 19:30 PM Fri May 24, 2024
501
By: 
6th ID news release

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng mga kasundaluhan ang mga inilibing na armas ng teroristang komunista sa Sitio Mudti, Barangay Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat umaga nitong Huwebes (May 23, 2024).

Ang mga armas na ito ay kinabibilangan ng isang M16 rifle, isang M14 rifle at dalawang Caliber .45 pistol.

Naging susi ang pakikipagtulungan ng mga residente ng naturang barangay sa pagkakatuntun ng mga nasabing armas dahil sa malaking tiwala ng mga ito sa kasundaluhan ng 7th Infantry (TAPAT) Battalion, na patuloy sa pagsasagawa hindi lamang ng mga security patrols sa mga komunidad, kundi pati na rin ang masinsinang pakikipag-ugnayan sa mga opisyales at residente ng mga barangay na siniserbisyuhan nito.

Ayon kay Major General Alex S. Rillera PA, ang pinuno ng 6ID at JTF-Central, patunay ito na ayaw na ng mga residente na muling magkaroon ng presensya ng mga komunistang terorista sa kanilang komunidad.

“Patuloy na makikipag-ugnay ang ating kasundaluhan sa mga residente at barangay officials para magkaroon ng katiwasayan sa kanilang lugar laban sa mga NPA,” wika ni Maj. Gen. Rillera. Dagdag pa ng Division Commander, dahil sa mga timbre at sumbong ng mga mamamayan, hindi lamang mga ibinaong armas at gamit pandigma ang sa kalaunan ay matutunton ng pwersa ng pamahalaan, kundi maging ang kinaroroonan ng mga natitira pang myembro ng komunistang terorista dito sa rehiyon. Kung kaya, matuloy na hinihikayat ng pamahalaan na magbalik-loob na ang mga ito at itakwil na ang walang patutunguhang armadong pakikibaka at terorismo, bago pa maging huli ang lahat. Ilang matataas na pinuno na rin ng komunistang terorista ang napaslang dulot ng pinaigting na operasyong militar ng gobyerno sa mga nakaraang araw hindi lamang sa Rehiyon 12, kundi sa ibat-ibang panig ng bansa.

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...