Man nabbed for shabu peddling in Lebak
Baril at droga nakumpiska ng PNP sa inaresto nilang suspek sa Lebak, Sultan Kudarat
Inaresto ng PNP ang isa katao na nakumpiskahan nila ng iligal na droga at armas sa Lebak, Sultan Kudarat.
Kinilala ni Lebak Chief of Police Lt. Col. Julius Malcontento ang suspek na si alias Jonathan, 31 anyos, nakatira sa Barangay Bongo, South Upi, Maguindanao Del Sur.
Siya ay nakorner sa entrapment operation ng Sultan Kudarat CIDG, Highway Patrol Group, 2nd Sultan Kudaat Provicial Mobile Force Company at Regional Intelligence Division 12 sa barangay Bolebak, Lebak.
Nakuha ng mga pulis sa suspek ang may 12 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng higit sa P85,000; 22 revolver na armas, buy-bust money at non-drug items.
Si alyas Jonatahan ay kinasuhan na ng PNP ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.