Magsasaka at kabayo, patay nang makuryente sa South Upi
Local News • 06:30 AM Tue Jun 18, 2024
183
By:
DXMS NDBC
DEAD ON THE SPOT ang magsasakang si Ronald Cornelio matapos nitong masage ang isang nakalambitin na live wire noong gabi ng June 16, 2024 sa South Upi Maguindanao del Sur.
Sa impormasyong nakalap ng DXMS Radyo Bida, ang biktima ay galing sa palengke at pauwi na sana sa kanilang bahay Sitio Ranao Badak dala ang kanyang mga pinammili para sa pamilya nang mangyari ang aksidente.
Sakay ng kabayo ang biktima at hindi nito napansin ang nakalambitin na live wire dahil madilim ang lugar.
Sinubukan pang dalhin ng mga residente sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.