Mag-live in, inambush sa Midsayap, babae patay, lalaki sugatan
MIDSAYAP, North Cotabato - NASAWI on the spot ang isang babae habang sugatan naman ang ka live-in partner nito nang pagbabarilin sa Purok Chariza, Lapu-lapu Street, Barangay Poblacion 1, Midsayap, ala una ng madaling araw kanina.
Kinilala ni Midsayap town police chief Lt. Col. John Miridel Calinga ang nasawi na si Mary Jane Quimot Macunan, 27-anyos, habang sugatan naman si Anthony Siosam Mariano, 35-anyos, pawang taga Barangay Poblacion 1, Midsayap.
Ayon sa ulat, sakay ang dalawa sa Bajaj 100 motorcyle na minamaneho ni Mariano nang tambangan ng mga di pa tukoy na mga suspek.
Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng caliber 45 pistol.
Posibleng personal grudge ang motibo ng krimen.
Dalawang mga person of interests na ngayon ang tinutugis ng Midsayap PNP.