Saturday Apr, 20 2024 09:46:39 AM

Lalaki, natagpuang patay sa Datu Hoffer, tatay naniniwalang mga sundalo ang may gawa; sabi ng Army hindi

Mindanao Armed Conflict • 07:00 AM Wed Mar 20, 2024
586
By: 
DXMS NDBC

HUSTISYA ang sigaw ng MILF-BIAF member na si Salahudin Esmail para sa kaniyang anak na pinaniniwalaang pinahirapan muna bago tuluyang pinatay.

Kinilala ang biktima na si Abdulrahman Esmail, 15-anyos, Hafidz student na residente ng Tuayan Mother, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur.

Kwento sa Radyo Bida ng ama nito na si Salahudin, pasado alas-singko ng hapon noong araw ng Linggo ay minaneho ng kaniyang anak ang motorsiklo ng pinsan nito upang pumunta sa alaga nilang baka na nakatali sa niyog.

May nakakita umano na hinarang ito ng mga sundalo upang tingnan ang tool box nito.

Mula sa oras na yun, sinabi ni Ginoong Salahudin ay hindi na nakabalik ang kaniyang anak.

Pagsapit ng alas nuebe ng umaga noong Lunes, nakatanggap sila ng tawag mula sa Barangay Kapitan at sinabing magdala ng kumot.

Ayon kay Ginoong Salahudin, wala siyang alam na dahilan kung bakit ito ginawa sa kaniyang anak maliban sa mga bala ng baril na nasa tool box ng motor.

Pero hindi aniya ito rason para patayin ang kaniyang panganay na anak.

Base sa pagsasalarawan ng ama, tinalian sa kamay at paa, binaril sa dibdib, basag ang mukha at ulo na indikasyon na tinorture ang kaniyang anak.

Dahil dito, nananawagan ng hustisya si Salahudin para sa kaniyang anak.

SAMANTALA, sa panayam ng Radyo Bida kay 601st Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Oriel Pangcog, sinabi nito na hindi gawain ng mga sundalo ang mag torture ng sibilyan, kahit na sa mga kalaban nito dahil.

Aniya, nagsagawa ng imbestigasyon ang Army.

 

New airline to fly across BARMM

COTABATO CITY — Bangsamoro Airways, a pioneering airline based in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), will begin flying...

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...