Koronadal mechanic-cum drug peddler, pal arrested
KORONADAL CITY – Kalaboso ang isang mekaniko at habal-habal driver matapos mahuling gumagamit at nagbebenta ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng Koronadal City PNP, City Drug Enforcement Unit at City Anti-drug Abuse Council sa Purok Siodina, Barangay General Paulino Santos, Koronadal City pasado alas 11:15 ng umaga kanina.Kinilala ni City Anti-Drug Abuse Council Action Officer Glorio Sandig ang mga nahulingsuspek na sina Carlito T. Gonzaga alyas KANO, 48 anyos, single, mekaniko at nakatira sa nasabing lugar huli din ang kaibigan nito na si Geoffrey B. Salvador alyas bobong, 44 anyos, may asawa, habal-habal driver at nakatira sa Purok Mabinuligon, Barangay San jose nitong lungsod. Nakuha naman sa mga suspect ang 1 medium pack (poseur item), 3 medium pack ng suspected shabu, 2 improvised tooter, aluminum foil, mga bala, cellphone at 1000 pesos na buy bust money.Ayon pa sa mga otoridad matagal nang tulak ng droga si Gonzaga sa lugar na ginagamit ang pagiging mekaniko nito para makapasok ang kanyang mga parokyano sa kanyang tahanan at doon humihithit ng droga.Nasa kustodiya na ng koronadal city PNP ang mga suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.