Friday Apr, 26 2024 08:53:50 AM

Karambola ng mga motor sa Cotabato City 5 sugatan

Local News • 09:00 AM Tue Sep 29, 2020
846
By: 
Ferdinandh Cabrera
A black "askal" was believed to have triggered the motorcycle crash. (image from public site)

Sugatan ang lima katao, dalawa dito ay malubha matapos sumalpok ang isang motorsiklo sa kasalubong na pick up truck na siya namang nakadale sa kasunod na motorsiklo ng kasamahan nito nang iwasan nito ang biglang tumawid na aso.

Sa impormasyong nakalap ng GMA news sa lugar, mag aala-dies ngayong gabi nang mangyari ang aksidente sa kahabaan ng Sinsuat Avenue corner Pansacala St.

Ayon sa driver ng itim na pick up truck, bigla na lang daw sumabit at sumalpok sa kaliwang bahagi ng kanyang left bumper ang unang motorsiklo dahilan upang madamay nito ang pangalawang motorsiklo na nakasunod.

Sa lakas ng impact ay nagka lasog lasog ang parte ng mga motorsiklo, dalawang lalaki at tatlong babae ang tumilapon sa kalsada, mga mga driver na lalaki ang napuruhan sa lakas ng impact.

Nakilalang ang mga biktima na sina Alicia Asi, Hamda Asi, Amy Asi, Albani Asi, at Badrudin Guiwan na pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Lungsod.

Pero ayon kay Amy Asi, magkasunod lang aniya ang kanilang sinasakyan ng biglang tumawid ang isang kukay itim na aso na parehong iniwasan ng mga driver hanggang sa sila ay nagkasagian.

Kapwa nagtamo ng sugat ang mga nabanggit kung saan kritikal sina Barudin Guiwan at Albani Asi dahil narin sa tindi ng pinsala na kanling tinamo.

Agad namang tumulong ang ibang bystanders na madala sa ospital ang mga biktima.

Halos 80 kataong dumalo sa kasal naospital dahil sa food poisoning sa South Upi

HALOS 80 mga mamamayan ang na-isinugod sa matapos na sila kumain ng ginataang manok sa isang kasal sa Barnagay Pandan, South Upi, Maguindanao del Sur...

1 patay, 3 huli sa gun buy bust sa Maguindanao del Sur

TALAYAN, Maguindanao del Sur - ISA sa ang patay matapos mauwi sa shootout ang ikinasang firearms buy bust operation ng CIDG-BARMM sa Barangay...

AFP chief hails bravery of 7 soldiers hurt in clash vs. BIFF

MANILA – Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. on Wednesday visited and lauded the seven wounded soldiers for their...

Cotabato Light: April power bill for residential slightly higher

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) is higher by 0.2408 centavos, or equivalent to a...

Villagers displaced by hostilities between 2 Moro factions

COTABATO CITY - A Moro gunman was killed while six others were reportedly hurt in a series of gunfights on Wednesday afternoon in Barangay Banucagon...