Thursday Sep, 28 2023 11:49:32 AM

Kampanya kontra dengue, mas pinalakas ng DOH 12

HEALTH • 08:00 AM Thu Jul 27, 2023
421
By: 
DXOM RADYO BIDA

KORONADAL CITY - Magsuot ng mga pantalon, damit na may mahabang manggas at ugaling gumamit ng mosquito repellant para labanan ang dengue.

Ito ang payo sa mga mamamayan ni DOH 12 Spokesperson Arjohn Gangoso.

Hinihikayat din ni Gangoso ang publiko na suportahan ang fogging operations na ginagawa kung tumaas ang kaso ng dengue sa kanilang komunidad.

Ipinahayag ito ni Gangoso kasunod din ng pagpapaigting ng kampanya kontra dengue ng DOH katuwang ang mga healthcare workers at Rural Health Units.

Ayon pa kay Gangoso, isinusulong nila ang paglilinis sa mga lumang gulong, imbakan ng tubig, bote at iba pang mga lugar o basura na maaring pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

Ipinunto nito na malaki ang nagagawa ng malinis na kapaligiran para mapuksa ang dengue carrying mosquitos.

NDBC BIDA BALITA (Sept. 28, 2023)

HEADLINES 1   99 sa 287 BARANGAYS ng Maguindanao Sur, areas of grave concern; PNP nais ng Comelec control 2   165...

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...